App herunterladen
94.23% BACHELOR'S PAD / Chapter 98: Chapter 28

Kapitel 98: Chapter 28

ALAM ni Jane, nang sandaling lumalim at naging sensuwal ang paraan ng paghalik ni Charlie, ay hindi lamang iyon matatapos sa simpleng halik. Kinakabahan siya subalit mas matindi ang nararamdamang antisipasyon at pagkasabik. Marahil dahil mahal na mahal niya si Charlie at buo ang tiwala rito kaya hindi siya nagdadalawang-isip na ibigay ang sarili sa binata. At dahil wala siyang ibang lalaking gustong makapiling kundi si Charlie lamang.

Napaungol si Jane nang bumaba ang halik ng binata sa kanyang leeg. Lalo na nang humaplos na naman sa tagiliran niya ang isang kamay nito, katulad kaninang nasa kusina sila. Napasinghap siya nang pumaloob sa kanyang blouse ang kamay ni Charlie at ipinagpatuloy ang marahan ngunit mainit na paghaplos habang ang mga labi ay bumaba pa sa kanyang balikat, patungo sa collarbone. Umangat ang kamay ng binata at marahang pinisil ang kanyang dibdib. Napaungol siya at napakapit sa buhok nito.

"Charlie…"

Umangat ang mga labi ng binata patungo sa panga ni Jane, pabalik sa kanyang mga labi. Agad na gumanti siya ng halik, dahilan kaya mas naging mapusok at mapaghanap ang halik nito.

Ngulat siya nang pakawalan ni Charlie ang kanyang mga labi at pinaglapat ang kanilang mga noo. "Sweet Jane, I want you so badly," daing nito.

"You can have me," taos sa pusong tugon niya.

Umungol ang binata at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. "I can't."

Natigilan si Jane. "Bakit?" Pilit niyang itinago ang sakit na naramdaman sa sinabi nito.

"Dahil…" Hindi natapos ni Charlie ang sasabihin at huminga na lamang nang malalim. Hinigit siya nito payakap at kasama siyang humiga sa kama. Napasubsob siya sa dibdib ng binata nang higpitan ang yakap sa kanya. "Hindi ko kayang gawin ito sa `yo," bulong nito.

Naguluhan si Jane. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I don't want to have sex with you."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. May kumurot sa kanyang puso dahil pakiramdam niya ay ni-reject siya ni Charlie. Pero hindi siya nagsalita at hinintay na magpaliwanag ang binata. Sigurado siyang may dahilan ito kung bakit ayaw na may mangyari sa kanila. Sigurado siya na hindi dahil hindi interesado sa kanya ang binata. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang atraksiyon nito sa kanya. She also knew that he kind of liked her.

Kung ganoon, ano ang dahilan?

Bumasag sa katahimikan ang tunog ng cell phone mula sa bulsa ni Charlie. Pareho silang napaigtad at bahagyang kumalas ang binata kay Jane. Dinukot nito ang cell phone sa bulsa nang hindi inaalis ang braso sa balikat ni Jane kaya nakahiga pa rin sila sa kama. Sinilip ni Charlie ang screen ng cell phone na tumutunog pa rin at bahagyang kumunot ang noo.

Nagtatakang tiningnan ni Jane ang binata. "Sino ang tumatawag sa `yo?" lakas-loob na tanong niya.

"Si Vanessa," kunot-noo pa ring sagot nito.

Natigilan siya. Parang hindi niya makakayanan na katatanggi pa lamang ni Charlie na may mangyari sa kanila ay may ibang babae nang tumatawag dito. Lalo na ang Vanessa na iyon na sigurado si Jane na may gusto kay Charlie. Lalo siyang nanigas nang may mapagtanto—nagseselos siya. Sa tagal niyang minahal ang binata, sa dami ng babae na nakitang nagkagusto rito, hindi pa siya nagselos nang ganoon. Marahil dahil may kakaibang closeness si Charlie at ang Vanessa na iyon na wala sa mga babaeng dumaan sa buhay ng binata. Nahiling lang niya na sana ay trabaho lang ang dahilan kung bakit malapit sa isa't isa ang dalawa.

Mukhang naramdaman ni Charlie ang tensiyon ni Jane dahil bago sagutin ng binata ang tawag ay humigpit ang braso nito sa kanya at ginawaran siya ng masuyong halik sa noo.

Napapikit si Jane. See? He seems to like me but he does not want to sleep with me. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin.

"Ngayon na?"

Napadilat si Jane at napatingin kay Charlie nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Lumuwag din ang braso ng binata sa kanya at bumangon paupo. Napabangon din tuloy siya nang makita na tila nagdadalawang-isip ang binata sa kung ano mang sinasabi rito ni Vanessa sa kabilang linya.

"Alam ko na importante siyang contact para sa space na kailangan ko for the law firm. Pero wala ako sa Maynila ngayon… Dinner?"

Sumulyap sa kanya si Charlie at napagtanto ni Jane na kailangan na nilang bumalik sa Maynila—nang walang nangyayari sa kanila. Nang hindi niya naririnig kahit isang beses lang ang paliwanag ng binata kung bakit ayaw nitong may mangyari sa kanila. O kung may pag-asa bang mahalin siya nito.

"We can go back. It's okay," aniya kay Charlie.

"Are you sure?"

Pilit na ngumiti si Jane at tumango. Pagkatapos ay bumangon na siya at pinalis ang lukot sa kanyang blouse. Napansin niya na kahit nakikipag-usap si Charlie sa cell phone ay nakasunod ang tingin nito sa bawat kilos niya.

"Okay. I'll see you later," sabi ng binata kay Vanessa na nasa kabilang linya bago pinutol ang tawag at ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya.

Tumikhim si Jane dahil biglang napuno ng tensiyon ang paligid. "Well?"

"Sigurado ka ba na okay lang sa `yo na bumalik na tayo?" seryosong tanong ni Charlie.

Napabuntong-hininga siya. "Tungkol sa trabaho ang dahilan kaya kailangan ninyong magkita, hindi ba? Then we should go. Alam nating pareho na trabaho ang first priority mo at naiintindihan ko `yon."

"But you look upset."

Natigilan si Jane. Iyon ay dahil nagseselos ako kahit hindi dapat. Umiling siya upang patatagin ang sarili bago muling tumingin kay Charlie. "Okay lang talaga."

Hindi inalis ng binata ang pagkakatitig sa kanyang mukha na para bang pilit binabasa ang tunay niyang nararamdaman. "Magiging abala na ako sa mga darating na linggo. Hindi ako sigurado kung gaano kadalas akong magkakaroon ng libreng oras para makipagkita sa `yo. Okay lang ba talaga `yon sa `yo?"

Sandaling hindi nakapagsalita si Jane. Oo nga pala. Nasabi na sa kanya noon ni Charlie ang tungkol doon. At dahil magiging abala ito ay siguradong lilipas ang huling buwan nila na dapat ay magkasama nang walang mangyayari. And then he would say good-bye. At kailangan niyang sabihin kay Don Carlos na walang magaganap na kasal. Masakit sa puso ang isiping iyon subalit nangako siya noon sa binata na kusa siyang aatras pagkatapos ng dalawang buwan. No need for her to keep on clinging to a man who did not want her.

Sinikil ni Jane ang sakit na nararamdaman at pilit na kinalma ang sarili. "Naiintindihan ko," sabi niya ngunit hindi na nagawang ngumiti.

Marahang tumango si Charlie at tumayo. "Very well." Inilahad nito ang kamay para sa kanya at sa kabila ng pagkakagulo ng iba't ibang emosyon sa dibdib ay ginagap niya iyon.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C98
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen