App herunterladen
87.5% BACHELOR'S PAD / Chapter 91: Chapter 21

Kapitel 91: Chapter 21

"JANE? Nakikinig ka ba?"

Napakurap si Jane at napagtantong sa kanya nakatingin ang lahat ng taong nasa conference room. Noon lang niya naalala na nasa gitna nga pala sila ng meeting para sa new collection ng Ruiz Ladies' Shoes. Napatingin siya sa kanyang ama na nasa dulo ng mahabang mesa. Nagtatakang nakatingin ito sa kanya. Mukhang kanina pa kinukuha ng kanyang ama ang atensiyon niya.

Nag-init ang mukha ni Jane, mayamaya ay tumikhim. "I'm sorry. Ano na nga ang pinag-uusapan natin?"

Bumuntong-hininga ang kanyang ama. "Tungkol sa deadline para sa bagong designs ng mga sapatos. Ikaw ang gusto kong kumausap sa mga designer. Sa tingin ko, mapapapayag na natin si Rajo Laurel para gumawa ng designs para sa atin. Kausapin mo siya, ha?"

"Yes, of course," mabilis na sagot ni Jane, pagkatapos ay pasimpleng niyuko ang folder sa harap. Nalaglag ang kanyang mga balikat habang nakatingin sa mga design na ginawa sa mga nakaraang taon at lakas-loob sana niyang ipapakita sa kanyang ama. Pero kung papayag ang isang premyadong designer, hindi na nila kailangan ang amateur designs niya. Mabilis na tinakpan niya ang mga iyon upang wala nang makakita.

"Gusto ko rin po sanang ipaalala, Ma'am Jane, ang tungkol sa request ng isang film outfit na gamitin ang building at profile ng Ruiz Ladies' Shoes para sa pelikulang ginagawa nila. Darating po mamayang hapon ang creative crew at ang director para mag-site inspection," sabi naman ng marketing head nila.

Ang sabi kasi, may-ari daw ng isang shoe company ang bidang babae sa pelikulang gagawin kaya naisip ng creative team na sa kanila kunan ang karamihan ng eksena ng pelikula. Advantage iyon para sa kanila dahil mapi-feature sa isang pelikula ang mga produkto nilang sapatos kaya pumayag sila sa request ng team ng pelikula. Maganda iyong marketing strategy.

"Ah, oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala sa `kin," sabi ni Jane na nag-angat ng tingin at pilit na ngumiti.

Nagpatuloy at natapos ang meeting na hindi siya masyadong nakapag-concentrate. Nagpaiwan tuloy siya sa conference room upang kalmahin ang sarili. Pagkatapos ay wala sa loob na napatingin si Jane sa kanyang cell phone. Ilang araw na mula nang huli silang magkita ni Charlie at kahit isang beses ay hindi pa ito muling tumatawag sa kanya. Bukod doon ay hindi mawala sa kanyang isip ang tawag na natanggap ng binata noong huli silang magkasama.

Paano siya matatahimik kung narinig niyang nangako si Charlie sa Vanessa na iyon na magdi-dinner kasama ang babae? Nang tanungin niya ang binata kung sino si Vanessa, ang sabi lang nito ay isang kaibigang abogado. He did not elaborate. At nang makarating sila sa bahay nina Jane, ni hindi siya hinalikan ni Charlie na madalas nitong gawin bago siya bumaba ng kotse. Para bang hindi makapaghintay ang binata na umalis at puntahan ang Vanessa na iyon.

Hindi maiwasan ni Jane ang mabahala kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na huwag bigyan ng ibang kahulugan ang relasyon ni Charlie sa babaeng iyon. After all, hindi ba at nangako ang binata sa kanya na magiging faithful habang magkasama sila?

Muling huminga nang malalim si Jane at kinalma ang sarili, pagkatapos ay tumayo na. Kailangan niyang magtiwala kay Charlie. Higit sa lahat, kailangan niyang magtiwala sa sarili na mabibihag niya ang puso ng binata.

May kumatok sa conference room, pagkatapos ay sumungaw ang ulo ng kanyang sekretarya. "Ma'am Jane, napaaga po ang dating ng director at crew ng pelikulang magsyu-shoot sa building natin. Gusto raw po sana nila kayong ma-interview. Pinatuloy ko sila sa lounge."

Ngumiti na si Jane at tumango. "Okay. Papunta na ako."

Mabilis na lumabas siya ng conference room at nagtungo sa lounge kung saan nila dinadala ang mga bisita ng kompanya. Agad na lumapit sa kanya ang isang babae na nagpakilalang production manager at inilahad ang kamay. "Miss Jane Ruiz. Thank you for sparing us some of your time."

Ngumiti si Jane at tinanggap ang pakikipagkamay ng babae. "No problem."

Lumapit din ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng simpleng T-shirt at faded jeans. Nakangiting inilahad din nito ang kamay sa kanya. "And I'm Art Mendez. I'm the director."

Namilog ang mga mata ni Jane at agad na tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki dahil pamilyar sa kanya ang pangalan nito. "Hi. I know you, Direk Art. I love your movies."

"Oh, yeah? `Glad to hear that." Ngumisi si Art at natagpuan ni Jane ang sariling gumaganti ng ngiti. This man was charming. Mukhang magiging madali para sa kanya ang pakisamahan ito.

KATULAD ng mga nakaraang buwan, natagpuan ni Charlie ang sarili na nasa common area ng Bachelor's Pad kasama ang halos lahat ng residente para sa monthly meeting na pinangungunahan ni Keith. Muntik na nga niyang makalimutan iyon kung hindi lang nakita ang announcement sa nakabukas na malaking flat screen sa lobby. Sinabi sa kanila ni Keith noon pa man na si Maki Frias ang may control ng mga screen na nagkalat sa buong gusali ng Bachelor's Pad at iyon ang paraan ng may-ari para makipag-communicate sa kanilang mga residente. Weird pero nakasanayan na nilang lahat ang mga perk ni Maki kahit hindi pa nila ito nakikita nang personal.

May mga hindi pa dumarating kaya hindi pa nagsisimula ang meeting. Pinili ni Charlie na sumalampak ng upo sa sofa at niluwagan ang suot na necktie. Hindi pa siya nagtatagal doon ay tumabi na sa kanya si Ross na may hawak na baso ng alak. Mukhang galing ang kaibigan niya sa bar counter kung saan naroon ang karamihan ng residente ng Bachelor's Pad.

"Kumusta si Jane?" tanong ni Ross.

Natigilan si Charlie at hindi kaagad nakasagot. Luminaw kasi sa kanyang isip ang mukha ni Jane. Especially the expression on her face after he kissed her inside the elevator. Agad na kumalat ang init sa kanyang buong katawan at wala sa loob na napaayos siya ng upo. Damn. Hindi inaasahan ni Charlie na ganoon katindi ang magiging epekto ni Jane sa kanya. Pero hindi niya kinailangan ng matinding self-control upang huwag hatakin sa isa sa mga hotel room ang dalaga.

Because the thought of sleeping with her made him suddenly feel nervous. Hindi alam ni Charlie kung bakit. Hindi siya kinabahan kahit kailan pagdating sa pakikipagniig sa mga babae. But with her, he felt different. Naramdaman niya ang unti-unting pagkatibag ng pader na iniharang niya sa sarili. At dahil hindi magawang sagutin ng lohika ang lahat ng kakaibang naramdaman, ginawa niya ang tanging alam na gawin nang mga sandaling iyon; he pulled away. Ni hindi niya hinayaan ang sariling muling halikan ang dalaga nang nasa tapat na sila ng bahay nito sa takot na baka kung saan mauwi ang halik. Hindi pa uli sila nakakapag-usap ni Jane mula nang araw na iyon.

"She's doing fine," sabi na lang ni Charlie.

Naging seryoso ang tingin ni Ross sa kanya. "Really? Pero ibang babae ang napapansin naming kasama mo lately."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Business ang dahilan kung bakit kami madalas nagkikita ni Vanessa. You know her, too. She's an amazing lawyer."

Nakilala ni Charlie si Vanessa dahil kasabay nila ni Jay ang babae na pumasok sa law firm. Katulad niya, ambisyosa si Vanessa at malayo pa ang gustong marating bilang abogada. Sa katunayan, noong nakaraang taon ay nagpaalam ito sa law firm upang magtungo sa Amerika para mag-aral at mag-intern sa isang law firm doon. Ngayon ay nagbalik na ang babae at marami silang pinag-uusapan sa mga nakaraang araw dahil pareho sila ng mga plano sa hinaharap.

"Yes, and you used to date her, too," biglang singit ni Jay na hindi namalayan ni Charlie na nakalapit na rin sa kanila.

Umasim ang mukha ni Charlie. "That was just a casual thing. We weren't dating." Dahil para sa kanya, Jane was the first and only woman he had actually dated.

"Oo nga. Alam namin na magkasundo kayo ni Vanessa sa no-strings-attached setup ninyo noon. But she used to be your regular sex partner before. Sinabi mo ba sa kanya na may girlfriend ka na ngayon?" seryoso pa ring tanong ni Ross.

Biglang nakaramdam si Charlie ng pagrerebelde sa na-realize na pinapalabas ng mga kaibigan niya. "Hindi ko nababanggit sa kanya dahil walang dahilan para gawin ko `yon. I'm not having sex with Vanessa anymore, all right? Hindi ko na `yon ginagawa. What the hell do you think I am?" inis na bulalas niya.

Nagkatinginan sina Ross at Jay, pagkatapos ay sabay rin na muling tumingin sa kanya.

"What do we think you are? Stubborn," sabi ni Ross.

"At para sa isang gaya mo na may one-track mind at determinado kapag may napagdesisyunan, you've been becoming indecisive lately," sabi naman ni Jay.

Hindi nakahuma si Charlie at napatiim-bagang lamang, pagkatapos ay napabuga siya ng hangin. "Hindi ako indecisive. Buo pa rin ang isip ko na sundin ang mga plano ko na alam ninyo kung ano. I'm just a little… distracted."

Nanlaki ang mga mata ni Ross. "Distracted? Sa tingin mo, Jane is distracting you?"

"Yes," inis na sikmat ni Charlie.

Sa pagkamangha niya at ni Jay, malakas na tumawa si Ross na tila aliw na aliw. "Oh, man. You're starting to lose it. I know it. I've been there."

Lalong nalukot ang kanyang mukha pero hindi na nakasagot dahil bumukas ang pinto at pumasok sina Rob at Art.

"Okay. Kompleto na tayo!" malakas na sabi ni Keith na naglakad patungo sa gitna ng common area. Napunta na sa lalaki ang atensiyon nilang lahat. "Para sa buwan na ito, ang charity event na sasalihan natin ay sa TV8 Foundation. Inimbitahan tayo ni Daisy Alcantara, Rob's fiancée, as you all know, para sa isang feeding program. Katulad ng dati, puwede kayong magdala ng date. Siguruhin n'yo lang na willing silang makisalamuha sa mga less fortunate."

"Jane would love to attend an event like that," naiusal ni Charlie na akala niya ay sa isip lang nasabi. Napalingon sa kanya sina Ross, Jay, at Rob na nasa malapit din, pagkatapos ay sabay-sabay pang napangisi ang tatlo.

"Then, siguruhin mo na iimbitahan mo siya. I'm sure, matutuwa si Daisy na makilala siya," sabi ni Rob.

"Si Bianca rin. Ilang araw na wala siyang pasok dahil foundation day ng school nila kaya luluwas siya sa Maynila. Nandito siya sa araw na `yon," sabi naman ni Ross.

"Ahm… I think I'll go by myself," komento ni Jay.

Napabuntong-hininga na lang si Charlie at napailing dahil wala naman siyang isasagot. Si Jane ang unang sumagi sa kanyang isip nang banggitin ni Keith na puwedeng magdala ng date. Nagkataon lang na nasabi niya nang malakas ang nasa isip. At sawa na siyang makipag-argumento sa sarili na ginagawa lang niya iyon dahil sa usapan nila. Dahil kung hahayaan niyang maging tapat sa sarili kahit sa sandaling iyon lang, alam ni Charlie na ang totoo, gusto lang talaga niyang muling makasama si Jane.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C91
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen