App herunterladen
78.84% BACHELOR'S PAD / Chapter 82: Chapter 12

Kapitel 82: Chapter 12

HINDI alam ni Charlie kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kanyang cell phone habang ang isang kamay ay nakahawak sa baso ng alak na kanina pa in-order pero hindi pa rin nagagalaw. Niyaya siya ni Jay sa club na madalas nilang puntahan noong madali pang yayain si Ross. Mula kasi nang magkaroon ng girlfriend ang kaibigan nilang iyon ay mahirap nang papuntahin doon. Palibhasa, maraming atraso sa mga babae. Subalit nang gabing iyon ay napapayag ni Jay si Ross na sumama kaya napasama na rin si Charlie. Kahit sa totoo lang ay wala siya sa mood.

Nagtatalo ang kanyang loob kung tatawagan ba niya si Jane o hindi. Mag-iisang linggo na kasi mula noong manood sila ng play sa Resorts World. It was his turn to ask her out on a date. Pero wala siyang ideya kung ano ang gagawin o kung saan niya dadalhin ang dalaga. Higit sa lahat, hindi niya alam kung paano haharapin si Jane matapos ang nalaman niya nang gabing iyon. Na matagal na itong may pagtingin sa kanya. Even back in high school. And she was now��� what? Thirty-one? Ganoon na katagal pero ni isang beses ay wala siyang natandaang gumawa ng paraan ang dalaga upang mapalapit sa kanya. Hindi katulad ng ibang babae na unang kita pa lang sa kanya ay parang gusto na siyang hatakin sa kung saan.

And that thought brought a strange warmth to his heart. It made him want to do something for her. At iyon ang mas nakagulat kay Charlie kaysa sa inamin ni Jane—ang init na naramdaman niya sa dibdib, ang kagustuhang may gawin para sa dalaga. Pakiramdam niya ay lumilihis siya sa daang napagdesisyunan nang tahakin mula nang maging fiancée niya si Jane. Hindi iyon puwede.

"Charlie, tawagan mo na ang gusto mong tawagan bago pa matunaw sa titig mo ang cell phone mo," biglang sabi ni Ross na katabi niyang nakaupo sa sofa sa VIP lounge ng club. Jay was nowhere to be found. He must be flirting with the women somewhere.

Humugot ng malalim na hininga si Charlie, ibinaba ang baso sa mesa, at sumandal sa malambot na backrest ng kanilang inuupuan. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. I don't know where to take her. Hindi ko alam kung—" Hindi niya maituloy ang nais sabihin. Nararamdaman niya ang pagtitig ni Ross pero hindi siya lumilingon.

"Hindi mo alam kung gusto mo pa ring ituloy ang plano mong pasakitan siya para umatras sa kasal. Iyan ang iniisip mo, hindi ba?" mayamaya ay sabi ni Ross.

Tumiim ang mga bagang ni Charlie at inis na bumaling sa kaibigan. "Hindi," mariing tanggi niya.

Ang magaling na lalaki ay mukhang na-amuse pa. "You like her, that girlfriend of yours. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagmamatigas ka nang ganyan, Charlie."

"Sinabi ko na sa inyo kung bakit," naiinis pa ring sagot niya.

"Yes, but I think that was all bullshit. If you want her, then go and have her. Kung ang paraan para makuha siya ay ang pakasalan siya, then marry her. Gano'n lang iyon kasimple. Maniwala ka sa akin dahil base `yan sa karanasan ko. And look at me now," nakangising sabi ni Ross.

"Irritating, that's what you are now," sikmat ni Charlie na tinawanan lang ng kaibigan.

Noon niya nakita si Jay na pabalik na sa kanilang puwesto at may karay-karay na tatlong babae. Ngising-ngisi ang lalaki. "Hey, Charlie, may gustong makipagkilala sa `yo," sabi pa nito at itinuro ang dalawang babaeng kasama.

Sa totoo lang, hindi interesado si Charlie. Wala siya sa mood na makipag-usap sa kung sino-sinong babae. Pero hinayaan na lang niyang umupo sa magkabilang tabi niya ang dalawang babae dahil mukhang kaibigan ang mga ito ng babaeng kumuha ng interes ni Jay. Rule na nila iyong magkakaibigan noon pa. Kapag may isa sa kanila ang interesado sa isang babae, ang iba sa kanila ay bahala na sa mga kaibigan ng babaeng iyon. At dahil hindi na sumasali sa ganoon si Ross kaya siya ang kailangang mag-entertain sa dalawang babae.

Subalit wala pang limang minuto ay nabo-bore na si Charlie. Nang sulyapan niya si Ross na tahimik lang na umiinom sa isang tabi ay amused na nakamasid lang ito sa kanya. When he saw that knowing look in his eyes na kapareho nang nakita niya kay Rob noon ay nakaramdam na naman siya ng frustration. Hindi niya alam kung ano ang nakatutuwa sa kanyang sitwasyon na nakikita ng magpinsan.

Napaigtad si Charlie nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Mabilis na dinukot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Natigilan siya nang makita ang pangalan ni Jane sa screen. At nang maramdaman ang pagdikit ng katawan ng dalawang babaeng nasa kanyang magkabilang tabi ay may naramdaman siyang pagkataranta. Bigla tuloy siyang napatayo at lumayo sa mga babae.

"Saan ka pupunta, Charlie?" nagtatakang tanong ni Jay.

Sa halip na sagutin si Jay ay naglakad siya palayo at saka sinagot ang tawag ni Jane.

"Charlie?" bungad ng dalaga mula sa kabilang linya.

Napahinto sa paglalakad si Charlie nang marinig ang tinig ni Jane. "Jane. What is it?"

Sa kabila ng ingay sa paligid ay narinig niya ang paghugot ng hininga ni Jane sa kabilang linya. "Wala naman. Mag-iisang linggo na kasi tayong hindi nag-uusap at gusto ko lang marinig ang boses mo at kumustahin ka. Busy ka ba?"

Napasulyap si Charlie sa grupong iniwan sandali. Nakatingin sa kanya ang dalawang babaeng kasama kanina at halatang hinihintay siyang bumalik. "Not really. Kasama ko ang mga kaibigan ko," mayamaya ay sagot niya.

"Oh. Dahil hindi mo ako tinawagan, akala ko busy ka. I mean… you know, `yong napag-usapan natin. It's your turn this week, hindi ba?" alanganing tanong ni Jane.

Inalis ni Charlie ang tingin sa grupo at huminga nang malalim. "Yes, I know." Subalit sa loob ng halos isang linggo, wala talaga siyang alam kung saan puwedeng dalhin si Jane para sa isang date. Hindi niya ito puwedeng dalhin sa hotel na tulad ng nakasanayang gawin sa ibang babae. Dahil sa kalooban niya, alam na hindi ganoong pagtrato ang gusto niyang gawin sa dalaga.

"Charlie, you really don't know anything about dating, do you?" biglang tanong ni Jane pagkalipas ng ilang segundo.

"I guess you're right," sang-ayon niya. "Sinabi ko na sa `yo noong una pa lang, hindi ba? I only had sex with women, I didn't date them. Kaya kung ako sa `yo, mag-iisip muna ako nang mabuti. Maybe I'm not the kind of man you want to marry after all."

Hindi sumagot si Jane sa kabilang linya. Matagal iyon, at inakala ni Charlie na naputol na ang tawag nito. Ilalayo na sana niya sa tainga ang cell phone nang sa wakas ay muling magsalita si Jane. "Nasaan ka ngayon, Charlie?"

Kumunot ang kanyang noo. "Why?"

"Hindi pa tayo nagde-date ngayong linggo. Last week, dinala kita sa lugar na pamilyar ako, hindi ba? This time, gusto kong pumunta sa lugar kung saan ka komportable. Sa ganitong paraan, makikilala kita. Like, last week, dahil dinala kita sa play, alam mo na ngayon na mahilig ako sa ganoon. So, this time, gusto kong masilip ang mundo mo," paliwanag ni Jane.

Iginala ni Charlie ang tingin sa paligid ng club. Bakit nga ba hindi niya ipakita kay Jane kung ano talaga siya? Hindi ba iyon naman ang plano niya? Yet he felt a small tinge of shame at having to let her see this side of him. Agad niyang ipinilig ang ulo at pinalis ang pakiramdam na iyon.

"Charlie?" untag ni Jane sa kabilang linya.

Ah, hell. "Kung gusto mo talagang magpunta, fine." Sinabi niya sa dalaga ang pangalan ng club at ang direksiyon pero bigla siyang natigilan. "No, forget about that. Susunduin na lang kita," mayamaya ay sabi niya. Hindi sanay sa ganoong lugar si Jane at hindi komportable si Charlie na isipin na papasok ang dalaga sa club na iyon nang mag-isa.

"No, it's okay," sagot ni Jane.

Tumiim ang mga bagang ni Charlie. "No. Ayokong magpunta ka rito nang mag-isa. The men here are animals. Pagpasok mo pa lang, may lalapit na sa `yo." At ang isiping iyon ay nagdudulot ng pagrerebelde sa kanyang dibdib.

"I'll be okay. Pero kung talagang nag-aalala ka, puwede mo naman akong salubungin sa labas ng club," suhestiyon ni Jane.

Naningkit ang mga mata ni Charlie dahil may nahimigan siyang amusement sa tinig ng dalaga. "Pinagtatawanan mo ba ako?"

Tuluyang tumawa si Jane. "Hindi kita pinagtatawanan. Ba-bye na. Ite-text na lang kita kapag nandiyan na ako." Iyon lang at tinapos na ng dalaga ang tawag.

Napahugot ng malalim na hininga si Charlie bago bumalik sa kanyang mga kaibigan. Naroon pa rin ang dalawang babae at gumawa ng espasyo sa gitna ng mga ito para mapuwestuhan niya. Subalit sa halip na umupo roon ay tumabi siya kay Ross. Napasimangot ang dalawang babae pero hindi niya pinansin.

"Si Jane ba ang tumawag sa `yo?" tanong ni Ross.

"Oo. Pupunta siya rito," sagot ni Charlie.

"Pinapunta mo siya rito?" manghang tanong ni Ross.

"No. Siya ang may gustong pumunta. Gusto raw niyang makita kung saan ako madalas magpunta. She said she wants to get to know the things I enjoy."

Umangat ang mga kilay ni Ross. "What a brave girl," komento nito.

Exactly my thoughts, sang-ayon ni Charlie sa isip. Subalit sa tagong bahagi niya na wala siyang balak ipaalam kahit sa pinakamalapit na kaibigan, may naramdaman siyang antisipasyon sa muli nilang pagkikita ni Jane.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C82
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen