App herunterladen
46.15% BACHELOR'S PAD / Chapter 48: Chapter 11

Kapitel 48: Chapter 11

INAYOS muna ni Bianca ang sarili sa restroom at nag-freshen-up ng makeup upang hindi mahalata ng kanyang ina na umiyak siya bago nagtungo sa silid nito sa ospital. Dapat ay nakangiti siya kapag humarap sa nanay niya.

Gising ang kanyang ina nang makarating sa silid nito. Natigilan siya nang mapagtanto na may bisita ang nanay niya. Nakaupo si Mrs. Charito sa silya na nasa tabi ng kama. Sabay pang napatingin ang dalawa nang pumasok siya sa silid.

"Hello, Bianca. Nabalitaan ko ang nangyari kay Jackie mula sa isa kong kasambahay kaya dinalaw ko siya," sabi ni Mrs. Charito na tuwid na tuwid ang likod habang nakaupo sa silya ngunit may malambot na ekspresyon sa mukha.

"Salamat po sa pagdalaw, Mrs. Charito," sagot niya.

Maganda si Mrs. Charito kahit may-edad na. Katulad ng nanay ni Bianca, may mababanaag na fragility kay Mrs. Charito. Ngunit may kasama iyong kakaibang aura; something dark and a little disturbing. Minsan, may kislap sa mga mata ng ginang na sa kung anong dahilan ay ikinababahala ni Bianca. Pero madalas naman, ganoon ang hitsura ni Mrs. Charito, mukhang anghel na sugo ng langit para sa kanilang mag-ina.

Tuloy, kahit mabait si Mrs. Charito sa kanilang mag-ina, minsan ay naiilang pa rin si Bianca sa babae. Ang sabi ng nanay niya, hindi raw kasi naging maganda ang karanasan ni Mrs. Charito sa naging asawa nito. Sa bagay na iyon ay magkatulad si Mrs. Charito at ang kanyang ina, parehong nasaktan dahil sa lalaking inibig.

"Bianca?" mahinang tawag ng nanay niya na nagpahinto sa kanyang sandaling pagkatulala.

Napakurap-kurap si Bianca at mabilis na lumapit sa kama ng nanay niya at ngumiti. "Kumusta na po ang pakiramdam ninyo?"

Pinagmasdan siya ng kanyang ina. "Ano'ng nangyari? Hindi ka mukhang okay," mahinang usal nito.

Natigilan siya at sandaling sumulyap kay Mrs. Charito na nakamasid din sa kanya. May pakiramdam siya na tulad ng kanyang ina, alam din ni Mrs. Charito na hindi siya okay.

Muling bumaling si Bianca sa ina at hinaplos ang buhok nito. "Okay lang po ako, `Nay. Huwag n'yo akong intindihin. Basta magpagaling kayo, ha?" alo niya.

"Tama ang anak mo, Jackie. Magpagaling kang mabuti. Don't worry. I'll take care of your daughter," sabi ni Mrs. Charito na may mabait na ngiti sa mga labi.

Mukhang nakalma ang kanyang ina. Mayamaya ay napansin niyang namimigat na ang mga mata nito. Ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa buhok ng nanay niya hanggang tuluyan itong makatulog. Mas mukhang mahina ang kanyang ina kapag natutulog. Sumagi sa isip ni Bianca ang naging pag-uusap nila ni Ferdinand Salvador at parang may asidong gumuhit sa kanyang sikmura at nanikip ang kanyang dibdib.

Pagkatapos ay napuno ng galit ang kalooban ni Bianca at kinailangan niyang ilayo ang kamay sa buhok ng kanyang ina upang maikuyom nang mariin ang mga iyon. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Namumuhi siya sa kanyang ama sa napakaraming dahilan—sa pagtangging tulungan siya, sa pagtatakwil nito sa kanyang ina, at ngayon ay sa kanya na rin. Gusto niyang magsisi ang kanyang ama sa lahat ng ginawa nito sa kanilang mag-ina. She wanted to punish him. Subalit hindi niya alam kung paano.

Napaigtad si Bianca nang maramdaman ang paghawak ni Mrs. Charito sa kanyang balikat. Ipinihit siya ng matandang babae paharap dito. Puno ng simpatya ang ekspresyon sa mukha ni Mrs. Charito. Umangat ang malayang kamay nito at hinaplos ang kanyang pisngi.

"You are not okay," bulong ni Mrs. Charito.

Noon napagtanto ni Bianca na umiiyak siya. Iginiya siya ni Mrs. Charito sa direksiyon ng pinto. "Let's go outside para hindi magising si Jackie," muling bulong nito.

Tumalima siya pagkatapos tapunan ng huling sulyap ang natutulog na ina.

Dumeretso sila sa emergency exit. "You're crying," puna ni Mrs. Charito nang silang dalawa na lamang.

Marahas na pinahid ni Bianca ng mga palad ang kanyang luha. "Wala ho ito."

Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang ginang. "Bianca, alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo ng nanay mo. Sinabi sa akin ni Jackie ang lahat. At sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng tungkol sa akin. Even if your mother works for me, I consider her my best friend. At palagi siyang nag-aalala sa iyo. Ang sabi ni Jackie, pilit mong sinasarili ang lahat ng problema. She's very happy that you've grown up a strong girl, Bianca. But you are only human and you have limitations. Maraming bagay sa mundong ito na hindi mo makakayang gawing mag-isa. Kailangan mo ng tulong ng iba. Maniwala ka sa akin. I've been there," malumanay na pahayag nito.

Tila may bumikig sa lalamunan ni Bianca at tumingin kay Mrs. Charito. Nang masalubong ng tingin ang nakakaunawang mga mata ng babae ay napaluha na naman siya. Pagkatapos ay natagpuan niya ang sariling sinasabi kay Mrs. Charito ang mga nangyari nang magharap sila ng kanyang ama. Habang nagkukuwento ay sumusulak na naman ang galit niya. Maging si Mrs. Charito ay halatang galit na rin.

"Your father is a bastard. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya kay Jackie, kung ano-ano pa ang sinabi niyang hindi maganda!" bulalas ng ginang.

Nagtagis ang mga bagang ni Bianca. Nanginginig din siya sa galit. "Sinabi niya na nasa importanteng stage siya ng buhay niya. Pinaalis niya ako na para bang isa akong panggulo sa perpektong buhay niya. Mas mahalaga sa kanya ang sarili niya kaysa sa buhay ni Nanay at hindi ko siya mapapatawad dahil doon. Ngayon lang ako lumapit sa kanya. Natatandaan niya kami ni Nanay, pero tumanggi siyang tulungan ako. Sinabi ko sa kanya na pagsisisihan niya ang ginawang pagtanggi at sisiguruhin kong matutupad `yon. Gustong-gusto ko siyang gantihan. Gusto kong guluhin ang perpektong buhay niya dahil gano'n ang ginawa niya sa amin ni Nanay mula nang iwan niya kami," nanggigigil niyang litanya.

"Then do it. Ipakita mo sa kanya na hindi ka magpapaapi, Bianca," matatag na sabi ni Mrs. Charito.

Napatingin siya sa ginang. Puno ng determinasyon ang mukha nito at may mapanganib na kislap sa mga mata.

"Noong naagrabyado kami ng nanay mo, hindi namin nagawa ang gusto mong gawin dahil mahina ang loob namin. Mas pinili naming magtago, magmukmok, at maging miserable. Pero hindi ka gano'n, Bianca. You are stronger than we are. Gawin mo ang gusto mo. Make your father regret what he did to you and to your mother. Susuportahan kita hanggang sa huli. Hindi mo rin kailangang alalahanin ang nanay mo. Ako na ang bahala sa kanya. Sagot ko ang hospital bills at mga gamot niya."

Namilog ang mga mata ni Bianca. "G-gagawin n'yo ho `yon?" Hindi siya makapaniwala.

Iwinasiwas ni Mrs. Charito ang kamay. "Oh, I have tons of money. Wala kang dapat ipag-alala. Bukod sa buwanang sustento na ipinapadala sa akin ng nag-iisa kong anak, marami rin akong sariling pera. Nang mag-divorce kami ng asawa ko, hindi ko siya basta hiniwalayan lang. I asked for a huge compensation. I left him almost poor, actually. Iyon ang ganti ko sa panloloko niya sa akin. Kulang pa nga `yon.

"At ikaw, dapat ay gano'ng pagganti rin ang gawin mo, Bianca. Dahil kapag sinimulan mong guluhin ang buhay ng isang tao, siguradong pati ang buhay mo ay magugulo rin. You will end up suffering as much as he does. More, in fact. Dahil babae ka at mas mayaman at makapangyarihan siya kaysa sa `yo. Dapat sa huli ay hindi ka maaagrabyado. You should demand compensation."

Nakakatakot ang sinabi ni Mrs. Charito. Isa iyong banta na kapag gumanti si Bianca ay hindi na maibabalik sa dati ang buhay niya. Pero wala rin namang maganda sa dating buhay niya. Pulos hirap, sama ng loob, at pait ang kanyang mga naranasan. Wala ring masyadong mawawala sa kanya. At mas matindi ang galit na nararamdaman niya kaysa takot. Mas matindi ang pagnanais na iganti ang lahat ng pagdurusa ng nanay niya. Matinding sakit ang idinulot ng hayagang paghuhugas-kamay ng kanyang ama sa kanilang mag-ina.

Itinaas ni Bianca ang noo. "Gagawin ko pa rin. Kung kinakailangan kong umamin sa lahat na anak niya ako, gagawin ko. Kukunin ko ang dapat na ibinigay niya sa akin mula pa noong bata ako. Sisiguruhin ko na kapag tapos na ang lahat ng ito, ako ang panalo at hindi siya," matatag na sabi niya.

Bahagyang ngumiti si Mrs. Charito at tumango. Hinawakan nito ang mga kamay ni Bianca at pinisil. "Hindi mo kailangang umamin kaagad na anak ka niya, Bianca. That should be your last card. Utak ang ipanlalaban natin. Utak at ang iyong magandang mukha," usal ni Mrs. Charito at hinaplos ang kanyang mukha. "You are very beautiful, Bianca. And sexy. With your face and body, we can inflict more damage on his perfect life. You can stir up public opinion against him. Kahit itanggi niya ang lahat ng kasinungalingan na hahabiin natin laban sa kanya, mahihirapan ang publiko at ang mga tao sa paligid niya na maniwala sa kanya."

Lumuwang ang ngiti ni Mrs. Charito, ang mga mata ay may kislap ng panganib. Kung sa ibang pagkakataon, baka natakot na si Bianca sa babae. Subalit hindi ngayon. Namamangha siya sa sinasabi ni Mrs. Charito. Nabibilib, though a part of her felt as if she was striking a deal with a devil. Pero wala na rin siyang pakialam. Masyado na siyang nilamon ng galit at pagnanais na makaganti. Lumabas ang sama ng loob at pait para sa ama na naipon sa kanyang dibdib sa loob ng dalawang dekada.

"Ano ang gagawin ko?" tanong ni Bianca.

Lalong lumuwang ang ngiti ni Mrs. Charito. "Ano ang mas matindi kaysa sa isang illegitimate daughter?"

Namilog ang mga mata ni Bianca nang unti-unti ay nakukuha ang gustong sabihin ng babae.

Tumango si Mrs. Charito. "A very young and beautiful mistress, Bianca."

Umawang ang kanyang mga labi. "Aakto akong kabit ng sarili kong ama?"

"Hahayaan lang nating isipin iyon ng mga tao. But of course, hindi gano'n ang magiging taktika mo sa pakikipag-usap sa tatay mo. Don't worry, we are going to plan this carefully. Hindi kita pababayaan, hija."

Nag-init ang mga mata ni Bianca. Gusto niyang yakapin si Mrs. Charito dahil pakiramdam niya ay hindi na siya nag-iisa. May kakampi na siya. Sa huli ay tumango siya. "Kailan ako magsisimula?"

"Soon. Pero bago `yon, ang kailangan natin ay preparation and perfect timing."

Tumango siya. "H-huwag n'yo ho itong sasabihin kay Nanay. Ayokong mag-alala siya."

Nakakaunawang tumango si Mrs. Charito. "Of course. Gusto ko ring bumalik ang lakas ni Jackie. This is just between you and me."

"Salamat ho."

Pagpisil sa kamay at munting ngiti ang naging sagot ni Mrs. Charito. Ngunit sapat na iyon upang ma-reassure si Bianca. Kinakabahan pa rin siya sa napagdesisyunan. Subalit hindi siya aatras. She vowed to make her father's life miserable.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C48
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen