Blood XVII: Checkmate
Zedrick's Point of View
Tulala lang ako ngayon sa loob ng library. Katatapos ko lang sa pagbabasa ng isang libro na naglalaman tungkol sa nakaraan--World War between Human and Vampires na 'di naman masyadong pinagtutuunan ng pansin ng mga estudyante because they thought it's just a fiction book.
Kung ano ang alam ko tungkol sa past ay 'yon lang din ang laman sa librong nabasa ko. Wala na 'kong ibang nakitang kahit na ano na p'wedeng magbigay sa akin ng clue tungkol sa pagkakulong ng isang babae. Si Vermione.
Pero kung sa bagay, hindi rin naman talaga malalaman ng isang tao ang lahat lahat dahil maraming paliko-liko. Ni hindi nga namin inaasahan na mayroon pa palang isang normal vampire na naka-survive maliban sa akin.
Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino kaya napatingin ako sa kanya, "Savannah." tawag ko sa pangalan niya. Inilapag na muna niya 'yung mga libro niya bago ako tingnan, "Mag-uumpisa na 'yong class, why are you still here?" tanong niya 'tapos iniurong ang upuan.
"Same to you, bakit pumunta ka pa rito?" tanong ko.
Balak ko kasi sanang mag ditch ngayon. "Hihiramin ko kasi 'tong mga libro, iuuwi ko." tapik niya sa mga libro nang tingnan niya. Ibinaba ko naman ang tingin sa mga libro, puro literature ang mga babasahin niya.
Napangiti ako at pumaharap ng tingin, pero napatingin din sa kanya nang magsalita siya.
"Say, do you think bagay tayo?" tanong niya na hindi ko kaagad inimikan, sa halip ay nakatitig lamang ako sa kanya habang kumukurap-kurap. Saan naman niya nakuha 'yan?
Sumimangot siya, "You see? Hindi ko alam kung saan tayo banda naging bagay that's why I'm asking you." aniya at nilingon ako, "Bagay ba tayo?" She's asking me this without hesitation...
Hindi man lang niya naramdaman ang awkwardness kahit kaunti, Geez, this girl. Ibang iba siya ngayon kumpara noong unang araw na nakita ko siya rito sa K.C.A.
Timikhim ako. Ito na rin siguro ang pagkakataon para sabihin ko na gusto ko siya. Kaya umayos ako ng upo at pumaharap sa kanya. Seryoso lang din ang tingin ko habang wala naman siyang ideya kung ano 'tong sasabihin ko sa kanya.
"Savannah, I like you." buong tapang kong pag-amin habang diretsyo ang tingin sa mata niya. May napatingin namang estudyante sa likuran niya kaya napatingin ako ro'n na ibinalik din kay Savannah.
Hindi siya sumagot kaagad at ngumiti na muna, "Fine, fine." sabi niya at tumayo kasama ang pagkuha no'ng libro niya. "Mauuna na muna ako sa klase, sumunod ka na lang." at nauna na itong naglakad.
Sinundan ko naman siya ng tingin bago ako yumuko, "Anong sagot 'yon?"
"Zedrick, nandito ka rin pala." inangat ko naman ang tingin para makita si Curtis.
Umupo siya sa harapang upuan at ibinaba ang mga gamit. "What a coincidence."
"No, you actually followed me here." nakasimangot kong wika.
Tumawa siya, "Paano mo nalaman?" tanong niya 'tapos hinampas ang braso ko. Aray! Aray! Masakit, ah?!
Hinimas-himas ko na nga lang ang braso ko habang sinisilip niya 'yong librong binabasa ko kanina. Hinayaan ko lang siya at itinuon lang ang tingin sa kung saan.
Kanina ko pa talaga siya napapansin na sumisilip sa may kanang bahagi, puro mga novels naman ang nasa shelves na iyon.
Kumamot siya sa ulo niya't tumawa pa ng kaunti, "Kasi naman... May kailangan talaga akong bilhin. Eh, wala naman akong kasama, kaya p'wede bang hiramin muna kita after class?" tanong niya 'tapos ipinagdikit pa ang mga palad para makiusap sa akin. "Please?"
Nag de kwatro ako, "Nasaan mga classmates mo? Bakit hindi ka sa kanila magpasama?"
Humalukipkip siya't ngumuso, "Alam mo, hindi kita susundan dito kung masasamahan nila ako. At isa pa, wala akong masyadong close sa classroom kaya ikaw ang nilapitan ko." she pouted.
"Bakit? Close ba tayo?" sabay pikit ng isang mata.
"Zedrick!" pabulong niyang sigaw.
Natawa naman ako, ang cute ng batang 'to. "Oo na, pero saglit lang tayo dahil pupuntahan ko pa si Savannah, may gagawin kami."
She suddenly covered her mouth, "Ano'ng gagawin niyo? Kayo, ah?" mapanukso nitong sabi.
Taas-kilay ko siyang tiningnan, "Huh? What are you talkin--" napatigil ako no'ng ma-realize ko ang sinabi ng babaeng ito. She's talking about dirty things. "Uy, hindi ah!" bulyaw ko.
"Okay lang 'yan, normal lang siguro 'yang ganyang bagay kapag kayo na." pang-aasar pa niya kaya hindi na naiwasan ng mukha ko ang mamula.
Iwinagayway ko ang isa kong kamay sa tapat ng mukha niya, "S-she's not even my girlfriend!" dahil sa aking pagsigaw, sinita na ako ng school librarian. Si Curtis, nagpipigil lang ng tawa. "Damn."
"Ang cute mo." puri niya at natawa ng tahimik. I looked away as I scratched my head. Argh, now I can't helped but to imagine it. I'm a guy, and I like Savannah.
Hindi maiiwasan sa mga lalaki ang mag-isip ng kamanyakan, but I'm trying not to entertain myself too much. I want to respect her not because she's a girl or because she's vulnerable in some things, but because I like her. I want to show that she is worthy of respect.
Tumayo na siya, "See you later." pagkaway niya bago umalis ng library. Iniwan na niya akong mag-isa rito. Tiningnan ko ulit ang librong binabasa ko at ibinalik na lang kung saan iyon kinuha.
Lumabas ng library at nagpamulsa. Imbes na bumalik sa classroom ay dumiretsyo na muna ako sa Underground Basement. May kailangan talaga akong malaman habang wala pa si Savannah. May pakiramdam ako na mayroon pa kaming 'di nadi-diskubre roon, eh.
***
SA HARAPAN ng Fusion Gate ay inihanda ko na ang sarili kong tumalon do'n. Yukom yukom ang kamao't lumunok ng sariling laway. Napahawak na rin ako sa Jian ko, "Is this even a good idea?" bulong sa sarili.
Humakbang pa 'ko ng isa, tatalon na nang may pumigil sa akin, may pumatong ng kamay sa balikat ko. Lumingon ako sa taong 'yon at napagtantong si Vermione pala ito.
Ba't siya nandito?!
Nakasuot na siya ng suit niya, "Hindi pa tapos ang klase, ah?" aniya pero kinasa lang niya ang pistol niya at nginitian ako.
"Savannah told me to follow you, she knew that you're planning to go here." mas napalingon ako sa kanya. She told her that?
Nagkibit-balikat siya, "You know? The book that you read in the library." napaawang-bibig ako.
"Seriously?" hindi ko makapaniwalang sabi. Who would have thought that she'll knew right away?
Binigyan niya ako ng makabuluhang ngiti, "She knows what exactly you're thinking. Keep her."
Pumaharap ulit ako ng tingin habang hindi maiwasang kiligin, "Goodness, what am I gonna do to her?" hindi ko mapigilan sarili ko. Para akong nagkakamot sa pwet dahil sa sobrang gulo ko. "Nasaan pala siya ngayon? Bakit hindi na lang din siya sumunod sa akin kung nag-aalala siya?" pagkasabi ko no'n, may namingot sa tainga ko.
Tiningnan ko ang taong iyon at nagulat na si Savannah pala ito. "Goodness, Zedrick. You put me in a difficult situation just to excuse you. Now I have to skip class." sabay bitaw sa akin.
Hinimas-himas ko naman ang tainga ko't humarap sa kanya, "S-Savannah!" masigla kong tawag sa kanya na ikinabuntong-hininga niya.
"How troublesome, ngayong nandito na rin naman tayo. I have to tell you guys something." pareho naman kaming nakinig ni Vermione sa kanya.
Seryoso na rin ngayon ang mukha niya, mukhang hindi maganda ang ibabalita. "The other platoon already caught the vampire who summoned the spirits that Zedrick and I killed before, and I just got the news that she escaped and now are hiding at the Area of Dark Woods." mas sumeryoso ang tingin niya, "It is our mission to get rid of it."
"Dark Woods? If I'm not mistaken, 1 and half hours bago natin marating ang lugar na 'yon" usisa ni Vermione. Pa'no naman niya nalaman ang oras papunta roon?
Ngumiti si Savannah, "Nakabisado mo na kaagad 'yong map na ibinigay ko sa 'yo." manghang sabi ni Savannah. Tinuro ko naman ang sarili ko. Bakit ako walang gano'n?
Humarap na kami sa Fusion Gate, "Get ready."
"Yep/Yes!" sabay na sagot namin ni Vermione saka kami tumalon doon.
***
UNA MONG MARIRINIG sa lugar ang ingay ng itim na uwak. Marami sila rito dahil sa naaamoy nila ang amoy bangkay na bampirang nakakulong sa lugar na ito. Paikot-ikot sila sa ere habang pinagmamasdan ang bawat kilos namin.
Animo'y pinapanood kami mula sa kung saan.
"Argh, mas nakakatakot pa 'tong mga uwak na 'to kaysa sa mismong bampira, eh." bulong sa sarili. Sa bawat pag-apak namin sa tuyong dahunan ay hindi maiiwasan ang ingay. Kaya bawat area sa Prison of Atlante ay inaatake kami. Mabuti na nga lang din at hindi sila 'yong sama-sama dahil mahirap na kung makikita kami ng grupo.
Dumaan kasi kami sa isa pang area ng Atlante, nasabi ni Savannah na hindi naman ito madalas puntahan ng mga Class-A pero ito raw ang isa sa pinaka delikadong puntahan dahil sa mga trap na ginawa ng mga naunang Vampire Hunters.
May tumalon sa likuran namin na 'agad namang pinutukan ng pistol gun ni Vermione. Ayun lamang ang gamit niya pero nando'n 'yung 1 hit bullet na ginawa ng mga researches. Tiningnan ko naman ang Jian Sword na may disenyong dragon sa hawakan nito.
For some reason, unang hawak ko pa lang ay masyado na akong compatible sa armas ko na 'to. Mabigat nga lang noong una.
Tiningnan ko si Vermione na ngayong confident na tinatapos ang trabaho sa mga umaatakeng Class-A. Hindi pa rin naaalis sa labi niya ang ngiti, nakakapagtaka tuloy kung ano ang nagpapanatili sa kanya magsuot ng ganyang mukha.
Tumayo ng maayos si Vermione at tiningnan ako, "What is it?" tanong niya.
"I'm curious about you." diretsiyahan kong sabi.
Naglakad ito at nilagpasan ako, "You don't need to be curious, Zedrick. There is nothing for you to know." sambit niya at sumunod na kay Savannah.
Sinundan ko naman ito ng tingin bago naglakad para sundan sila. Nadaanan namin 'yong lawa na talagang pula pula dahil sa dugo ng kung sino, pero malamang. Galing din ang dugo nito sa bampira.
"Savannah, Vermione? Malapit na ba tayo? Pagod na ako, eh." hinihingal kong wika at huminto. Tumigil na rin sila sa paglalakad para lingunan ako.
"Does vampire like you supposed to get tired easily?" tanong ni Vermione na nagpa-angat kaagad ng ulo ko, "Ngayon lang ako nakatanto ng ganyan." mangha niyang sabi nang itagilid niya ang ulo niya.
Muling bumuntong-hininga si Savannah, "Stand up. This isn't the time to slack off." ma-awtoridad na utos nito saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nilapitan naman ako ni Vermione para ilahad ang kanyang kamay sa akin. Tiningnan ko iyon, parang nag-aalinlangan na kunin iyon. "Is something the matter?" tanong niya kaya natawa ako ng pilit.
"N-no, sorry." kinuha ko na ang kamay niya at itinayo ako.
Inilapit niya ang labi sa aking tainga, "Are you okay? You should go wash your face... But anyways, I think you shouldn't show your weak side, Zedrick. She'll be disappointed if you do." advice niya sa akin bago ito lumayo.
"I-I'm not!" I said while acting tough. She smiled and tapped my arm.
"Good luck, loverboy." tumalikod na siya sa akin at naglakad na rin.
Kumamot ako sa noo ko't hahakbang na sana, napalingon nang may marinig akong hikbi ng isang babae.
"Savannah! Sandali! May tao rito!" tawag ko pero walang sumagot kaya ibinaling ko ang tingin kung nasaan ang kasama ko pero nagulat na lang din dahil wala na sila paningin ko. Lumingon ako sa kaliwa't kanan. "Savannah? Vermione?" tawag ko isa-isa sa kanila pero walang sumasagot.
Para rin akong nabibingi sa sobrang katahimikan no'ng lugar.
"Sh*t, nauna na sila."
Patuloy ko pa ring naririnig ang hikbi ng babae kaya nag desisyon akong puntahan iyon.
Hinawi ko ang mga mahahabang dahon na humaharang sa daan ko, kumakapal na rin ang hamog at palubog na ang araw.
Mas naririnig ko na ang hikbi nito, senyales na palapit na ako sa kanya. "Tao! Nasa'n ka?" hanap ko sa kanya at tinabig ang kahoy na biglang bumaba. Naglakad pa ng kaunti hanggang sa makita ang tumatakbong anino nito. "Uy--"
Tumigil ako lalo na't may narinig akong mahinang bulong. "Checkmate." sambit nito. Napatingin na lang ako sa ibaba nang may humila ng mga paa't nilalamon ako papunta sa ilalim ng lupa.
"F*ck! What's going on?!" sinusubukan kong pigilan iyon at iangat ang sarili. Pero wala, hindi ako makawala. Nadala na niya ako sa ilalim. Savannah!