App herunterladen
15.55% Alice In The Mafia World / Chapter 7: Chapter 5

Kapitel 7: Chapter 5

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 5

Nagkakagulo ang mga tao pagdating namin sa HQ. Nagmamadali silang lumabas na may hawak na mga baril. Naririnig din dito sa loob ang putukan mula labas.

Kakabalik lang namin ni Boss galing sa isang transaksyon. It's already midnight pero ang ingay ng paligid.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa isang kasamahan namin na nakasalubong ko.

"Ang left wing ng HQ ay pinasabog!" sagot niya at nilampasan ako.

Nilingon ko si Boss na walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Gumalaw ang kanyang panga halatang nagpipigil ng galit.

"Boss, pupunta ako left wing para tulungan sila." saad ko na ikinababa niya ng tingin sa akin. At isa pa gusto ko ding malaman kung saan galing ang nagpasabog no'on.

"No, just let them. Come with me." nagtatagis bagang niyang sabi at naunang maglakad.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod. May binubulong siya sabay mura pero hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi niya. He's mad about something.

Sumakay kami sa elevator. Alam ko na kung saan kami pupunta. Kay Mister. Ang ama niya.

Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at malalaking hakbang ang ginawa namin patungo sa mahabang pasilyo kung saan ang opisina ng kanyang ama.

Nang nasa malaking pintuan na kami ay bigla siyang humarap sakin na ikinahinto ko.

"Stay here. I'll call you kung pwede ka ng pumasok."

Tumango ako bilang sagot. Hindi na siya muling nagsalita ay pumasok na. Napatitig nalang ako sa pintuan at napabuntong hininga.

Bakit bigla akong kinabahan? Pagtapak pa lang namin sa floor na 'to kung saan ang opisina ng ama niya ay kinabahan ako bigla ng hindi alam ang dahilan. Pinilig ko nalang ang ulo ko at sumadal sa pader. Hindi maririnig dito sa labas ang boses nila dahil sound proof ang buong opisina ni Mister.

I met Mister many times and all I can say is that, he's scary. Ang presensiya niyang talagang nakakapanlambot ng tuhod, ang maotoridad niyang boses twing nagsasalita at ang mga mata niyang sobrang blanko kahit niisa ay walang mababakas na emosyon at hihilingin mo nalang na hindi magtagpo ang inyong mga tingin kahit daplis man lang.

Ilang minuto akong nakasandal sa pader hanggang sa bumukas ang pintuan na nasa gilid ko.

Lumabas doon si Boss na nakangiti at medyo magulo ang buhok at iba na ang suot. Kumunot ang noo ko.Sa pagkakaalala ko ay kulay puti ang suot niyang t-shirt na v-neck tapos nakaitim na pantalon. Wala rin siyang dalang o suot na leather jacket kanina pero nakasuot na siya ngayon. And hey, my boss don't like to wear a maroon colored t-shirt kahit anong damit pa yan basta maroon ang kulay ay hindi niya susuotin. Because he hates that color.

Napaatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin. Nagulat naman siya sa biglaang kilos ko maski ako ay nagulat sa pag-atras ko.

Nakatitig ako sa kanya at pinag-aralan ang siya mula ulo hanggang paa.

"Hey, are you okay?nag-aalala niyang tanong.

Marahan akong tumango bago umayos ng tayo.

Tumikhim ako. "Y-Yeah. Pwede na ba akong pumasok?"

Umiling siya. "No. Dad is mad right now. Halos sakalin na niya ako kanina." sagot niya.

Something he just said caught my attention.

"Dad?" he never call her father 'Dad' instead he call him 'Mister'.

Natigilan siya saglit bago napakamot sa batok. "I mean Mister." at pumeke ng ubo. Mas lalo akong nagtataka sa kinikilos niya. He's something right now.

"Let's go. Ihahatid na kita." sabi niya. Napatitig ako sa kanyang likod ng magsimula na siyang maglakad.

"Teka," pigil ko sa kanya. Nilingon niya ako at tinasaan ng kilay. "Hindi ba natin pupuntahan saglit ang nasa left wing ng HQ?" tanong ko.

"Kaya na nila 'yon. Maliit na pag-atake lang naman iyon mula sa kalaban." sagot niya.

Maliit huh.

Napansin ko nalang ang pagkaladkad niya sa akin hanggang parking lot. Nang makasakay na kami sa kotse ay hindi ko na mapigilang hindi magtanong sa kanya.

"Bakit ganyan bigla ang suot mo? Ayaw mo ang kulay na maroon pero bakit nakasuot ka ng t-shirt na kulay maroon? At saan mo yang kinuha ang leather jacket? Wala kang dala kanina diba? Bakit ang gulo ng buhok mo?" sunod-sunod kong tanong. I'm really curious right now.

Matagal bago siya sumagot tila naghahanap ng irarason. Hindi mapakali ang kanyang mata habang nagmamaneho.

"Natapunan kasi ng juice ang damit kanina. Aksidenteng natapon ni Da—Mister ang baso mg juice ng hinampas niya ang table niya kanina. And I have a spare clothes there, that why." sagot niya.

Tumango nalang ako at itinuon ang atensyon sa labas ng binatana.

I don't know if should believe him or not. But I then, I chose the latter. Baka wala lang talaga siyang choice kaya napilitan siyang isuot 'yon. At dapat hindi ko nalang gawing big deal ang damit niya.

"So, see you tomorrow? I can't sleep tonight here. May ipapagaw si Mistee sa akin." sabi niya ng maihatid ako sa labas ng condo unit ko.

"Okay. See you tomorrow then." saad ko na may pilit na ngiting iginawad sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam na. "Bye, my honey!" kaway niya at nagsimulang maglakad patungo sa elevator. Habang ako naman ay natulala sa pagtawag niya sa akin. My Honey? My Baby? My Alice?

Yung totoo? Alin ba talaga sa tatlo? Baka may babae ang gagong 'yon at nadulas sa pagtawag sa akin ng ganon. Aba't gago nga talaga.

Marahas akong umiling. Nag-seselos ba ako? Hindi. Tama hindi. Hindi dapat ako mag-selos kasi hindi naman kami. Pero sabi niya asawa na niya ako? Hindi naman ako pumayag diba? Bahala siya kung gusto niyang mambabae, go. Wala akong pake. He's just my Boss. Tss.

"Tangina nag-iinit bigla ang ulo ko sa mga iniisip." inis kong bulong sa sarili bago pumasok sa condo.

Buong gabi halos wala akong tulog dahil sa mga pumapasok sa isip ko. At isa pa, naguguluhan ako. May hindi talaga tama.

Hindi na ako nagulat ng makita ang malaking eyebags ko kinabukasan. Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyonang maligo.

Wala akong gagawin sa araw na 'to kaya nag-plano akong dumalaw sa puntod ng magulang. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Kumunot ang noo ko ng hindi makita ang kapatid ko pagdating ko sa sala.

Wala akong presensyanh naramdaman. Bumaba ang tingin ko sa sticky note na nasa center table kaya kinuha ko iyon at binasa.

Ate,

Pupunta ako sa bahay ng kaklase ko ngayon. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. May pagkain na sa mesa na inihanda ko. Uuwi ako mamayang gabi, Ate. Bye! I love you.

Yanna.

Napangiti ako at nagtungo ako sa kusina para kumain. Pagkatapos ay umalis na. Habang nagmamaneho ako ay muling pumasok sa isip ko si Boss. Parang bigla siyang nagbago kagabi. I know he's really weird but the thing was, he was different last night nang lumabas siya galing sa opisina ng kanyang ama.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nag-focus sa pagmamaneho. Agad akong bumaba pagkadating ko at bitbit ang dalawang basket ng bulaklak na binili ko kanina. Inilapag ko iyon at napatitig sa dalawang lapida.

Muling bumalik ang mga napakasakit na ala-ala sa akin. kahit pilit kong kinakalimutan ay bumabalik parin. Masakit parin hanggang ngayon. Ang mga ala-alang naging rason kung bakit ganito ako ngayon. Kung bakit kalahati ng puso ko ay puno ng poot at galit.

Huminga ako ng malalim bago umupo sa bermuda. Sinindihan ko ang dala kong kandila.

"Nay, Tay kumusta kayo diyan? Masaya ba kayo? Pasensya na at ngayonn lang ulit ako nakadalaw. Hanggang ngayon kasi masakit parin. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko parin matanggap ang nangyari sa inyo. Sorry kasi hindi ako sumasama kay Yanna sa tuwing dumadalaw siya dito. Ayokong makita niya akong umiiyak na naman." lumunok ako ng ilang beses dahil nagbabara ang lamunan ko.

Kung sa harap ng ibang tao ay sobrang tapang at palaban ko. Sa harap naman ng magulang ko ay ipinapakita ko ang totoong ako. Si Alice na mahina at duwag. Pero ng mamatay sila ay hindi ko na mahanap ang totoong ako. Bigla iyong nag-laho ng mawala ang magulang ko.

Nag-kwento ako nang nag-kwento sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Wala akong niisang itinago. Sinabi ko sa kanila na pumatay na naman ako at hindi ko na mabilang iyon. I won't hide any secrets to my parents because I know they are the one who will understand me first. Kahit noon pang buhay sila, wala akong itinatagong seckreto sa kanila maliban kay Yanna.

My sister.....pinilig ko ang ulo ko sa naisip.

Gusto ko pa sanang magtagal para makasama ang magulang ko pero biglang tumunog ang cellphone ko.

Boss is calling....

Mabilis kong sinagot iyon.

"Boss," sagot ko sa kanyang tawag.

"N-Nasaan ka?" tanong niya. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga sa kabilang linya.

"Wala ako sa condo. Umalis ako at dinalaw ang magulang ko. Bakit?"

"I know but can you please come here? I'm in your condo. I need someone to pull this fucking bullet on my right arm." nahihirapan niyang sabi.

Napamura naman ako sa sinabi niya. Nagpaalam muna ako sa magulang ko bago patakbong nagtungo sa kotse. "Okay, just wait. I'm on my way. Huwag mong patayin ang tawag." nagpa-panick and at the same time ay nag-aalala kong saad.

I wear my bluetooth earphone and connect the call from my phone when I already in my car. At agad ko itong pinaharurot paalis ng sementeryo.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Damn." bulong niya pero rinig ko. "Huwag kang masyadong mag-panic. Nahihirapan lang talaga akong tanggalin." sabi niya.

Nainis namna ako sa sinabi niya. Nakuha niya pang tumawa sa sitwasyong yan. "Kung nahihirapan ka sanan dumeretso ka nalang sa hospital! Bakit ako pa ang gagawa niyan?" may inis kong sabi.

"Ayoko sa hospital, pagkakaguluhan lang ako ng malalanding nurse doon. At isa pa gusto kong ikaw eh." nai-imagine ko ang nakangising mukha ng gago habang sinasabi niya 'yon.

Napairap ako sa hangin. "At bakit ako? Kung ayaw mo sa hospital sana doon ka nalang pumunta sa mansion niyo diba may doctoe at nurse ka doon?"

"Eh ikaw ang gusto ko eh. Gusto kong habang ginagamot mo ang sugat ko ay nilalandi mo rin ako. Yeah, gusto ko 'yon." may tuwa niyang sabi na ikinamura at ikinapula ng pisngi ko.

"Tangina mo Boss! Pwede bang manahimik ka nalang diyan?" bigla ko kasing naimagine ang sinabi niya eh. Leche.

Natawa naman siya. "Kinilig ka noh?" pang-aasar niya.

"Anong nakakakiliig don?" mataray kong sabi.

"Sus." tawa niya.

Napailing nalang ako at hinayaan siyang dumaldal sa kanilang linya. Panay ang banat siya kaya hindi ko mapigilang pamulahan.

"Alam mo bang para kang linta? Kasi ang hirap mo ng alisin sa puso ko." at tumawa ang gago.

"Do you know that I am Mad Hatter? Because I am Madly in love with you."

"Fuck. I'm so fucking cheesy right now! Look what you did to me, my Alice. Masyado mo akong binaliw."

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pag-ngiti dahil sa sinabi niya. Damn this man. Alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

"Huwag mo akong sisihin diyan sa kabaliwan mo. Wala akong ginawa sayo." hindi ko mapigilang mag-react sa sinabi niya.

"Anong wala? Meron kaya! Pumasok ka bigla sa puso ko at hindi na muling lumabas!" pakiramdam ko sobrang pula na talaga ng mukha ko. Bwesit talaga ang lalaking 'to.

"Damn Boss! Stop that!" saway ko.

"Oy kiniling. I want to see that face of yours. I'm sure pulang-pula na yan." tukso niya.

"Tss. Manahimik ka!"

"I love you, my Alice. To the sabunot and sapak. I want to kiss you right now."

"Boss huwag kang malandi please."

"My finger miss you so much."

"Shut the fuck up Boss!" naiinis ko ng sabi. Naalala ko na naman ang makasalanan niyang daliri. Rinig ko ang hagalpak niyang tawa.

May bigla akong napansin sa Boss ko. This is him. Ganito siya mang-inis, mang-asar at bumanat. Hindi yung nakasama ko na Boss kagabi parang hindi ko siya kilala. He's acting weird.

Nang makarating ako sa condo ay kaagad akong pumasok. At ang una kong napansin ay ang mga patak na dugo na nasa sahig. Muli ako nakaramdaman ng pag-aalala dahil sa mga bakas ng dugo. Fuck. Bakit masyado yatang marami?

"Boss?" tawag ko.

"I'm here." rinig kong boses niyang sabi mula sa kusina kaya agad akong nag-tungo doon. Napasinghap ako ng makita siya.

"Fuck! Boss akala ko sa braso lang?!" gulat kong tanong sa kanya at kaagad siyang dinaluhan.

Hindi ko akalaing sobrang lala pala ng kalagayan niya. Habang kasusap ko siya kanina at naririnig boses niya ay parang wala lang naman iyon sa kanya. Hindi lang braso ang may sugat kundi pati sa kawatan niya. Punit ang kanyang suot na damit halatang galing iyon sa isang matulis na bagay.

Biglang nanginig ang kamay ko at nanlamig ang katawan ko sa takot.

"Dalhin nalang kita sa hospital, Boss. Masaydong marami ang sugat mo."

"Ayoko. Dito lang ako. Ikaw nalang ang gumamot. Gusto kitang makasama ngayon. I miss you, my Alice." sabi niya at binigyan ako ng pagod na ngiti bago nawalan ng malay.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen