Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 17
Mag-aalas singko na ng umaga pero heto parin ako, gising ang diwa habang nakatitig sa lalaking nakakunot ang noo at mahimbing na natutulog.
Pagdating ko kanina ay naabutan ko siya sa sala, nakahiga sa malaking sofa. Nakatulog siguro sa paghihintay sa akin kanina. Kaya ginising ko siya para lumipat sa kwarto, akala ko tuluyan na siyang magigising pero nang inalalayan ko siyang makapasok sa kwarto, agad siyang sumampa at bumalik sa pagtulog.
It looks like he didn't have a good sleep in a month. Saan kaya 'to galing? Huminga ako ng malalim at muli siyang pinagmasdan. May napapnsin din ako sa ibang bahaging katawan niya na mga maliliit na pasa. Alam kong nagsisinungaling lang siya sa akin. Nung tanungin ko siya kahapon kung bakit siya hindi nagpakita ng isang buwan, he's answer is unacceptable. Akala niya siguro na maniniwala ako.
Kaya mas lalo akong nagduda nang inalok niya ako ng kasal. Halata kasing napipilitan lang siya.
Bigla kong naalala ang sinabi si L sa akin kanina. Kailangan ko nang kumilos. Pero hindi parin ako sigurado kung totoo ang sinasabi sa akin ni L noon kung 'yun' ba talaga ang nag-utos at nagpapatay sa mga magulang ko.
Bumangon ako at inabot ang cellphone para tingnan ang oras. Alas sais na.Napakunot ang noo ko sa daming text ni L kagabi.
Let's meet. May importante akong sasabihin.
Alice, answer my call.
Hoy, babae kung babae ka man o ano. Replyan mo ako at sagutin mo ang tawag ko.
Papuntahan nalang kita.
Hoy, hindi ka ba marunong gumamit ng cellphone kaya hindi ka makareply sa text ko o makasagot sa tawag ko?
Nasa baba ako.
Hoy panget!
Alice panget!
Napailing nalang ako ng mabasa ang mga text niya. Hinayupak na 'yon. Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto at magluto nalang ng agahan namin.
I really can't sleep sa daming iniisip ko. My mind is so mess right now. Mas lalong gumulo
Pagpasok ko sa kusina ay naabutan kong nakaupo ang kapatid ko at tulala sa isang basong tubing na nasa harap niya.
"Yanna," pukaw kong tawag sa kanya.
Kaagad niya akong nilingon. "Ate." balik niyang tawag. "Ba't ang aga mo yatang nagising. Wala kayong pasok ah." taka kong tanong.
Tumayo siya sa akin at ngumiti. "Nauhaw kasi ako kanina." sagot niya. Lumapit siya sa akin at yumakap. "I love you ate." bulong niya.
Nakaramdam ako ng kaba pero agad kong binalewala iyon.
Humiwalay ako sa yakap at ginulo ang buhok niya. "I love you too, Yanna. Balik ka muna sa pagtulog, masyado pang maaga." tumango siya.
Pinanood ko ang likod ng kapatid ko na papalabas ng kusina. Pinilig ko ang ulo ko at hinanda ng kakailanganin para sa agahan.
Pagkatapos kong magluto bumalik ako sa kwarto para maligo. Naabutan kong gising na si Boss. Nagkatinginan kami pero agad akong nag-iwas ng tingin at inabala nalang ang sarili sa pagkuha ng damit.
"Good morning." paos na boses niyang bati.
Saglit akong natigilan. "Good morning din." sabi ko nang makabawi.
"Alice, mag-usap tayo." kuha niya sa atensyon ko. Humarap ako at tinaasan siya ng kilay. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatuon sa akin.
Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang hitsura. Halatang inaantok pa, pero damn bakit ang gwapo niya kahit magulo ang buhok at gusot ang damit. Kahit siguro sako ang susuotin niya bagay parin at gwapo.
"Huwag mong sirain ang umaga ko, Boss. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. May gagawin pa ako." malamig kong tugon.
Naghintay ako ng ilang segundo kung may sasabihin pa siya pero wala. Napailing nalang ako at pumasok sa banyo.
Nasa kalagitnaan ako ng pagligo ng makarinig ako ng pagkabasag. Nagmamadali akong nagsuot ng robe at patakbong lumabas sa banyo at kwarto.
Fuck! It's not just a glass that was broken. It's a bullet hit the glass window!
"Fuck! Alice! Si Yanna!" sigaw ni Boss na nanggagaling sa kwarto ng kapatid ko.
Bigla naman akong kinain ng takot at nagmamadaling nagtungo doon. No! Not my sister! Hindi. Hindi siya pwedeng madamay.
Nang tuluyan na akong nakapasok sa kwarto ng kapatid ay halos manlambot ang tuhod ko sa nakita. She's lying on her bed covered with shattered glass unconciously. Pilit tintanggal ni Boss ang mga bubog na nasa katawan ng kapatid ko. Nakita ko pa ang ilang basag na salaming nakabaon sa iba't ibang parte ng katawan niya.
"Yanna!" agad kong dinaluhan ang kapatid kong walang malay.
I checked her pulse. "We need to rush her to the hospital!" her heartbeat was slowly beating.
Tumango si Boss. "Get the car!" mabilis niyang binuhat si Yanna at hindi ininda ang ilang bubog na nasagi niya.
Mabilis kong sinunod ang sinabi niya. Patakbo kaming nagtungo sa lobby ng makababa na kami. Dumeretso ako sa parking area.
Tinawagan ko muna ang taong makakatulong sa akin.
Nangiginig ang kamay ko habang pinapasok ang susi ng kotse sa ignition nito. Fuck! Nang tuluyan ko ng naipasok ay mabilis kong pinaandar ang kotse patungo sa harap ng building.
Nagmamadaling ipinasok ni Boss si Yanna sa backseat. "I'll drive." tumango ako at lumipat sa backseat kung saan ang kapatid kong walang malay.
"Hang in there, little sis." nanginginig na boses kong sabi.
Halos madurog ang puso ko sa hitsura ng kapatid ko. Nandidilim ang panigin ko sa taong gumawa nito. Fuck him to hell. I'm gonna let him swallow those shattered glass on him! Maling tao ang binangga niya.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw ang takot. Takot na baka hindi kayanin ng kapatid ko. I can't lose her! Ayokong mawalan ulit.
"Bilisan mo, Boss." nanginginig kong sabi and he did.
Kasalanan ko 'to. Sana hindi nalang siya pinabalik ulit sa kwarto. Kung alam ko lang na mangyayari 'to. I should have known!
Pagdating namin sa labas ng hospital, may sumalubong sa amin na tatlong nurse at isang doctor na may dalang stretcher. Maingat nilang hiniga ang kapatid ko at agad itinakbo papasok sa isang kwarto. Hindi ako pwedeng pumasok.
Masyadong okupado ang utak ko sa pangyayari. Paulit-ulit nagre-replay sa isip ko ang hitsura ng kapatid ko. Her blood and the shattered glass.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at mahigpit na kinuyom ang palad. Papatayin ko talaga ang ang taong may gawa nito sa kapatid ko. He'll pay for this. He'll pay for what he did to my sister!
"Yanna," sambit ko habang nakatitig sa kwarto kung saan siya dinala. I hope she'll be fine.
I know you're a strong girl little sis. Please kayanin mo. Huwag mong iwan si Ate. Hindi kakayanin ni Ate na mawala ka. Mababaliw ako, Yanna. So please, lumaban ka.
Alam kong mamamatay tao ako pero pwede bang sa akin Niyo ideretso ang karma? Ako ang makasalanan kaya ako ang dapat mag-dusa hindi ang kapatid ko. She's out of this. Wala siyang kinalaman dito.
Natigilan ako bigla ng maalala ang kapatid ko kaninang umaga. The way she said 'I love you' to me. She looks bothered about something. Hindi kami masyadong nag-uusap ng kapatid ko dahil lagi itong wala sa bahay. I think something happened to her. Dapat talaga sa kanya ko ituon ang atensyon ko hindu sana mangyayari 'to.
"Hey," umangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harap ko. "Get up there." utos niya pero hindi ako gumalaw. Nakatitig lang ako sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago yumuko at hinila ako patayo. Hindi ako nagsalita o nagreklamo nang buhatin niya ako at pinaupo sa upuan na nasa gilid.
"Kasalanan ko 'to." puno ng pagsisisi kong sabi. "Kung hindi ko lang siya pinabalik sa kwarto niya. Hindi sana mangyayari 'to. Kasalan ko. I can't lose my sister. I already lose our parents. I can't bear the pain if my sister...." tuluyan ng nahulog ang mga luha ko na kanina pa pinipigilan.
Ramdam ko ang pagyakap ni Boss sa akin.
"Shh. Yanna is a strong girl." pagpapatahan niya. "Alam kong lalaban siya." kahit papano ay gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
Yes, Yanna is strong. She will fight.
I wiped my tears and stand up. "I'll go back to the condo. Ayokong tumunganga lang dito at walang gagawin. I have to do something. I want to kill someone right now." I gritted my teeth.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Stay. Yanna needs you. I already sent Mina and Rai to investigate. Ako na ang kikilos. Just stay here and take care of Yanna. Ako na ang bahala." napabalik nalang ako ng upo at walang buhay na tumango.
"Hihintayin ko muna ang doctor bago umalis." saad niya.
"Sa tingin mo sino ang may gawa nito sa kapatid ko?" tanong ko.
"I can't named it. I think one of our enemies." sagot niya at nagtagis ang bagang. "They did a very very bad move." walang emosyon niyang sabi.
Ilang oras ang hinintay namin nang sa wakas ay lumabas na ang doctor galing sa kung saan.
Sabay kaming napatayo ni Boss at sinalubong ang doctor. "Doc, how's my sister? Is she okay?" taranta kong tanong.
"How is she, Doc?" si Boss.
"We successfully remove those shattered glass that was buried on her body. Some are deep. And the bullet on her right thigh was really deep that causes some nerve damage, don't worry we operated her successful." para akong nabunutan ng tingin sa narinig. "But," the Doctor paused.
"What it is, Doc?" sabay naming tanong ni Boss. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot at kaba.
"I can't say thag she's okay by now. She lost a lot of blood. And we don't have a blood that'll matches the blood type of the patient." tumingin sa akin ang doctor. "She's your sister right?" tumango ako.
"You can donate your blood." saad ng doctor.
Umiling ako. The doctor frowned. "We don't have the same blood type." sabi ko.
"What is the patient's blood type, Doc?" sabat ni Boss.
"AB negative." sagot ng doctor.
"Fuck. I'm AB positive, Doc. Hindi ba yan pwede?" inis na tanong ni Boss.
Umiling ang doctor. "Hindi pwede. Kailangan ay parehas. You should find a blood donor today, kailangan masalinan ng dugo ang pasyente as soon as possible. Para maging stable ang lagay niya." paliwanag paliwanag ng doctor.
"I can donate. My handsomeness is the key. I'm AB negative." sabay kaming napalingon sa nagsalita.
Pareho kaming napanganga ni Boss sa gulat sa bagong dating. Akala ko ba wala siya ngayon at sa mga susunod na araw?
"What are doing here!?" galit na tanong ni Boss ng makabawi sa pagkagulat.
"I heard you need a donor?" he answer playfully.
"How did you know?" nagtataka kong tanong.
He shrugged. "Instinct." sagot niya.
"What your name, Mister?" pagkuha ng atensyon ng doctor sa kanya.
"L. I'm L." at nakipagkamay sa Doctor.
"Nice to meet you, Mr. L. I'm Dr. Salvador. About your blood, kailangan namin yang e-test para malaman kung may infection ba ang iyong dugo bago i-donate sa pasyente."
"Okay."
"Good. So let's go, Mr. L We're running out of time." sabi ng doctor.
"But we have a little problem. Just a little, you know." kamot niya sa kanyang batok.
Kumunot ang noo ko ganon din ang doctor. "What is it?" tanong ko.
"I'm scared of needle." nahihiya niyang sabi.
Biglang natawa ang doctor. "It's okay. Parang kagat lang yan ng langgam." sabi nito.
Habang kami ni Boss at sabay na napamura. "What the fuck?" kalalaking tao takot sa karayom!
"Hey, wala akong kasalanan kung-" and he suddenly passed out.
"There you go. You won't scared anymore. Just sleep so that you can't feel the needle on your skin later." nakangising sabi ni Boss habang hawak ang kaliwang kamao niya.
He punch him! "Nice one." mahina kong tawa kahit hindi parin makapaniwala.
Nailing naman ang doctor at nagtawag ng nurse na magdala ng stretcher. Inalalayan naman si L ng dalawang nurse na lalaki nang dumating ang stretcher.
"Ubosin niyo ang dugo niyan. Minsan lang ang libre kaya lubusin niyo na! Hindi naman namin yan kaano-ano!" pahabol na sabi ni Boss sa papalayong stretcher kung saan nakalagay si L.
The hell?