Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!
••••••
Chapter 15
Habang nasa byahe kami ay tinawagan ko ang kapatid ko para tanungin kuny anong oras siyang uuwi pero nakatatlong tawag na ako hindi niya parin ito sinasagot. Nagsimula na naman akong kabahan. Baka kung anong nangyari sa kanya. Napapansin ko rin these past few weeks ay hindi na din siya masyadong umuuwi, lagi nalang siya nag-oovernight sa kaklase niya.
Bumuntong hininga ako at napatititg sa numero ng kapatid ko. Yanna.
"Are you okay?" lumingon ako sa kasama ko.
Tumango ako. "I'm just worried. Hindi kasi sinasagot ni Yanna ang tawag ko." may halong pag-aalala kong sabi.
"Try to call her again baka naka-silent yung phone niya." umiling ako ng sumulyap siya saglit sa akin.
"Hindi niya parin sinasagot." sinubukan ko muli na tawagan ang kapatid ko pero kagaya ng nauna hindi niya parin sinasagot.
"Baka busy kaya hindi niya masagot." saad niya.
Sumandal ako at tumingin sa labas ng bintana. "Sana nga."
Nang makarating kami sa Cartigal mansion ay agad akong sinalubong ni Armen na may malapad na ngiti. "Alice, akala ko hindi ka pupunta. Ang ganda natin ah." ngisi niya at lumipat ang tingin sa katabi ko. "Ah kaya pala." may panunukso niyang sabi.
Napailing nalang ako at pinagmasdan ang mga ibang kaklase kong masayang nag-uusap sa kanya-kanyang mesa. "Nasan si Ally?" tanong ko.
"Hindi pa lumalabas, after fifteen minutes pa daw bago mag-simula." napatango naman ako.
"Iiwan muna kita ah. Puntahan mo nalang ako sa nakareserve na table natin. Ayokongmaging third wheel." biro niya bago nagpaalam.
"Sige." sagot ko at inilibot ang mata sa paligid.
Masyadong malawak at open ang lugar kung saan gaganapin ang party kaya malabong hindi matamaan ng bala si Ally. Nanliit ang mata ko ng may mapansin sa madilim na bahagi ng mansion sa gilid. Kahit madilim I can clearly see a human silhouette pero hindi ko alam kung babae ba or lalaki.
Tiningala ko ang mahabang hagdan ng mansion kung saan bababa si Ally. Nilingon ko ang katapat ng hagdan. And there a huge mahogany tree house sa di kalayuan. There's a possibility na doon pupwesto ang hitman. O di kaya, ay nasa loob.
The Cartigal mansion is surrounded by huge trees. I need to check the perimeter bago mag-umpisa ang party. But how, nakalimutan kong kasama ko pala ang Boss ko at sa oras na malaman niyang tumanggap ako ng trabaho sa iba, magagalit yun. Damn it. At kung aalis ako bigla sa tabi niya paniguradong magdududa yun at hahanapin ako.
Napatingin ako sa kasama ko ng bigla niya akong niyakap sa likod. "Hindi ko alam na marami pa lang nagkakagusto sayo." bulong niya. Bahagya kong inilayo ang tenga ko dahil nakikiliti ako sa mainit niyang hininga.
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nasabi?" tanong ko.
Ngumuso siya sa isang direkyon kaya napatingin ako doon. Mga kaklase at school mate kong mga lalaki. Kumaway sila sa akin kaya ningitian ko sila. "Tsk. Wag mo silang ngitian. Halika na nga." inis niyang sabi at hinila ako sa nakareserba naming mesa kung nasaan si Armen at iba naming kaklase.
"Papa Sabyer!" tili ni Nilo. Agad itong tumayo at kumapit sa braso ni Boss na kasalukuyang nakangiti ng pilit. "Oh my gosh. Ang gwapo mo talaga." kinikilig na sabi ni Nilo at humilig sa balikat niya. Sabay naman kaming natawa ng mga kasama ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsimangot ni Boss.
Pinaghila niya ako ng upuan at hindi alintala sa kanya ang nakakapit kong kaibigan. Nang makaupo ako tiningnan ko siya. Ninguso niya ang kamay ni Nilo na nakakapit sa braso niya na parang nanghihingi ng tulong.
"Alam mo kung babae lang ako, una palang nagpropose na ako sayo." biro ni Nilo na mas lalong ikinatawa ko.
Umilng si Boss. "Hindi pwede dahil magagalit ang asawa ko." sabay tingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Lumayo naman si Nilo dahil sa pagkabigla kaya agad umupo si Boss sa tabi ko.
"May asawa ka na!? Sino?" gulat na tanong ni Nilo habang si Armen ay nagpipigil ng tawa dahil sa hitsura ng bakla kong kaibigan.
Tumango siya. "Her." nilingon niya ako ngumiti. Sabay namang napatili ang mga kasama kong babae lalo na si Armen na sinundot-sundot ang tagiliran ko. Inirapan ko naman ang tababi kong gago.
"Oh." yun nalang ang nasabi ni Nilo at kumindat sa akin at bumalik sa kanyang upuan.
Akala namin at after fifteen minutes ay magsisimula ang party but I was wrong when we heard gunshots and screams inside the mansion at kasabay non ang pag ring ng cellphone ko. Sabay kaming napamura ni Saber at yumuko.
Agad ko iyon sinagot. "Fuck! Nasa loob ang hitman! She's one of the maids!" rinig kong sabi ni L. She?!
Nagkakagulo ang mga tao dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. "Oh fuck! We need to get out of here!" mura ni Boss pero umiling ako. "No. I can't." sabi ko.
"Bakit? Alam mong hindi tayo pwedeng makialam." taka niyang tanong.
"I need to do my job and that is to protect Allysandra Cartigal." sagot ko at mabilis tumayo at tumakbo papasok sa loob ng mansion.
Hindi ko pinansin ang pagatawang ni Boss at Armen sa akin. "Fuck. Tama ang hinala ko, nasa loob nga." nang makapasok ako at agad akong nagtago sa poste sa loob ng mansion ng may makita akong lalaking may hawak na baril. Hinawi ko ang gown ko at kinuha ang dalawang baril na nasa magkabilang hita ko.
That human silhouette I saw earlier. Siya iyon.
Lumabas ako sa pagkakatago at binaril ang naka-armadonh lalaki. Mabuti nalang at nakalabas na ang lahat ng bisita dahil hindi pwedeng may makakita sa akin na kakilala ko sa loob maliban kay L.
Kinuha ko ang earpiece na nakatago sa naka-bun kong buhok at sinuot iyon. Nakakonekta ito sa earpiece ni L.
"Akala ko ba isa lang? Bakit may nakita akong lalaking may baril dito?" inis kong bungad sa kanya nang i-on ko iyon.
"I also so thought. Fuck. Those fuckers are the cater crew. Hanapin mo si Allysandra kasama niya si Alondra, tingnan mo ang lahat ng kwarto. Alam kong hindi sila lalabas ng mansion. Dahil nag-aabang ang mga bodyguards ng kanilang ama." utos niya. Narinig ko ang putok ng baril sa kabilang linya.
Maingat akong pumanik sa taas. Tiningnan ko ang mga kwarto sa unang palapag pagkatapos ay sa pangalawa. Tatlo na nag natingnan ko pero agad akong napatigil ng may marinig akong pagkabasag.
Pumikit ako at pinakinggang mabuti kung saan nanggaling ang ang ingay na y'on at ang mahihinang yabang ng sapatos. Iminulat ko ang aking mata at nilingon ang dulong kwarto sa kanan ko.
Walang ingay akong nag-lakad patungo doon at tama ang hinala ko someone is in the room. Kita ko ang paggalaw ng mga anino sa loob ng kwarto dahil sa nakasilip na ilaw sa ilalim ng nakasarang pintuan. Nagtago ako sa gilid ng pinto ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Unti-unti itong bumukas at handa na sana akong barilin ang taong lalabas when someone grabbed me from behind and cover my mouth.
Nagpupumiglas ako ng ipasok niya ako sa isang kwarto. Nang binitawan niya ako at agad ko siyang hinarap at binigyan ng malakas na sipa sa binti niya. At itinutok ang hawak na baril.
"Oh fuck!" nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yun.
"Tangina. Ano bang ginagawa mo? Malapit na sana eh!" inis kong sabi.
Ika-ika siyang tumayo. "Hindi mo man ako tutulungan?" umirap ako. "Anong malapit ang sinasabi mo? Wala si Allysandra doon." sabi niya.
"What? Anong wala?"
"Ibang tao ang nandoon. Kasama siya ni L si Allysandra, nakita ko sila kanina lumabas ng mansion."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "But L told me to find Ally,"
"Yes pero naunahan ka niya." bored niyang sabi. "Paano mo nalaman na ibang tao ang nandoon at bakit hindi mo ako hinayaang makita kung sino sila." tanong ko kay Boss.
He shrugged. Bigla namang tumalim ang tingin niya sa akin. "You need to explain this to me, Alice. Nawala lang ako ng isang buwan tapos ito? You accept an offer to that man! If mister will find out about this, I don't what he cacpable to do. You just accpet a fucking offer from a Kopert!" galit niyang sigaw.
Bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang kanyang ama.
Mister
"I was—" naputol ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Nang makita ko kung sinong tumatawag ay mabilis ko yung sinagot.
"Yanna," nagtama ang paningin namin ni Boss pero agad siyang umiwas. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" may halong pag-aalala at inis kong tanong sa kanya.
"Sorry ate, naka-silent kasi ang phone ko kaya hindi ko napansin." paliwanag niya.
"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo. Wag mo ulit akong pinag-alala." napahawak ako sa noo ko.
"Opo ate. Sorry talaga." mababa niyang boses.
"Hmm. Nasan ka ngayon para masundo kita?" tanong ko.
"Nakauwi na ako ate."
"Mabuti naman. Uuwi na din kami. Bye." at binaba ang tawag.
Pagkalabas namin sa mansion ay maraming pulis ang nasa paligid. Nakita ko din ang nakaposas na si Alondra habang umiiyak at umiiling. At ang magulang nila ay parang hindi makapaniwala sa nangyari.
Nagtama ang mata namin ni L na kausap ang isang pulis. Tumango siya sa akin. Sumenyas ako na aalis na na ikinatango niya ulit.
Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse pero kaagad niyang binasag ang katahimikan na yon. "Bakit tinaggap mo ang alok niya?" kalmado niyang tanong pro nahihimigan ko ang panganib sa tono niya.
Nakatanaw ako sa labas ng bintana kung kaya't hindi ko nakikita ang ekspresyon sa mukha niya.
"I just did." sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung bakit dahil sa oras na malaman niya, masisira ang plano namin ni L.
Mapakla siyang natawa. "You just did? Muntik ka ng mapahamak dahil sa kanya! Paano kung wala ako doon!?" tumaas bigla ang boses niya pero nanatili akong kalmado.
"Bakit sa tingin mo din ba hindi ako mapapahamak sa mga trabahong binibigay mo sa'kin? Bobo ka kung hindi mo alam 'yon. At kahit wala ka doon kaya kong protektahan ang sarili ko. And don't act as if I'm dumb dahil alam ko ang ginagawa ko." hindi ko mapigilang mapairap.
"Watch your mouth, Alice! Baka nakalimutan mong sino ang kausap mo. And yes you're dumb dahil kung alam mo lang na ginagamit ka lang ng lalaking 'yon!" inis niyang sabi.
I know because I also using him. I need him and he need me so that our plan won't fail. We need each other kahit sabihing magkalaban kami. Nagkakagamitan lang kaming dalawa.
At anong tingin niya sa akin? Tanga? At hindi marunong mag isip bago kumilos? Kinuyom ko ang palad ko.
"I said I can protect myself! Dahil wala ako sa harapan mo ngayon kung hindi ko kayang proteksyonan ang sarili ko sa una palang. Oo tanga ako, tanga ako dahil pumayag ako sa ganitong klaseng trabahong inoffer mo!" may pagsisisi kong sabi. "At kung ginagamit lang ako ni L, labas ka na don, problema ko na 'yon." may diin kong sabi at nilingon siya.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at matalim ang mga matang nakatuon sa kalsada habang natatagis ang kanyang bagang. "Then you'll stop that job and work to my company. Ako nagpapasok sa'yo sa klaseng trabahong yan, ako din ang mag-aalis sayo. Next week you'll start your new job." puno ng pinalidad niyang sabi.
Hindi ako umimik.
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. No way! How dare him! Anong akala niya, ganon ganon na lang? Yes, I regret it at first but I already love my job at lalo nang alam ko na kung sino ang taong nagpapatay sa mga magulang ko. I will kill that fucker first before I gave up this job, but this time, no fucking way.
Hindi sapat sa akin ang pagpatay sa tatlo. Hindi pa ako kuntento, may isa pa. My parents death need to be avenge. Buhay sa buhay.
Nang makita kong papasok na kami sa parking lot ng condo at agad kong tinaggal ang seatbelt at ang suot kong sandal dahil sa galit ko. Mabilis kong binuksan ang pinto at tumalon palabas ng kotse habang nakandar pa.
"Alice!" rinig kong sigaw niya ng nakaapak na ako sa sementadong sahig pero hindi ko siya pinansin.
Tumuwid ako ng tayo at naglakad patungo sa elevator.
"Alice! What the fuck are you thinking!?" galit niyang sigaw ng makababa siya ng kotse at mabibigat ang baway hakbang papalapit sa akin.
Nanatili akong walang imik hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Patuloy parin siya sa pagsasalita pero wala akong naiintindihan. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi sumabog sa galit dahil baka iba ang masabi ko, magkagulo pa.
"Are you listening? Alice, fuck! Don't do that again! Alam mo bang halos ata-"
"Shut the fuck up, Saber! Shut the fuck up!" umalingawngaw ang sigaw ko sa apat ng sulok ng elevator. Halos mabingi ako sa sariling sigaw ko at alam kong ganoon din siya.
Kita ko ang pagkagulat at pag daan ng takot sa kanyang mga mata pero malamig ko lang siyag tiningnan bago naunang lumabas sa elevator.
This kind of relationship is a shit! Kung ganito kami lagi mabuti pang itigil na namin 'to. Gusto kong ibalik ang dati. Yung walang nararamdaman sa pagitan namin. Yung puro utos at trabaho lang ang inaatupag ko maliban kay Yanna.