App herunterladen
13.63% After You Fall Asleep / Chapter 3: Chapter 2

Kapitel 3: Chapter 2

Pagkagising ko kanina hindi ko nakita si Jason sa loob ng bahay. Saan na naman nagpunta yun? Magtatanghali na pero hindi pa rin siya nagpapakita. Aish!

Nakahiga lang ako sa couch ngayon at walang magawa. Nagugutom na naman ako!

Maya-maya bumukas ang pinto ng bahay at siya ang pumasok dun.

"Saan ka galing?" Tanong ko. Ngumiti siya at pinakita ang dala niya. Stock ng grocery.

"Binili ko para sa atin..."

"Hindi ka na sana nag-abala pa." Kahit gusto kong may makain.

"Nah, tinulungan mo naman ako kagabi eh kaya..." nilagay niya muna iyon sa mesa. "Kaya ko binabalik. Sobra akong magbigay ng tulong kaya pasalamatan mo na lang ako." Ngumingising pagkasabi niya.

Bumuntong-hininga ako. "Salamat!"

"Walang anuman. Pero hindi mo naman kailangang sumigaw." Sabay tawa.

Ugh! "Dyan ka na nga!" Kinuha ko ang pinamili niya at tumungo sa kusina. Marunong naman akong magluto.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong niya sa likod ko. Hinahalukat ko ang paper bag kung ano ang mga laman at pwedeng ulamin namin. Pero... "Puro noodles at chichirya nandyan." Kaya ibig sabihin walang pwedeng lutuin sa apoy!

Naku naman. Bumili na nga puro pa easy to cook. Hindi naman kami magugutom neto ano?

Hindi ko na lang siya pinansin. Nag-init na lang ako ng tubig.

"Alis na muna ako. Kumain ka na lang mag-isa." Sabi niya. Hindi ko pa rin siya nililingon.

Oo nga, makakain na ako. Hindi na ako magugutom. Pero sawang sawa na din ako sa ganitong mga pagkain! Miss kong kumain ng karne at gulay.

Naramdaman kong bumukas at sumarado ang pinto. Bahala siya dyan.

Kumain na ako. Noodles ang niluto ko. Ang sakit lang. Naiyak na lang ako bigla. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.

May kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan kung sino man iyon.

"Invite me to come in, please?"

"Invite-invite ka dyan. Pumasok ka kung gusto mong pumasok! Dami mong arteng sinasabi dyan." It's Jason. Daming arte.

"Please? Just say come in." Sabi niya pa.

Aish! Anong arte 'to? Parang sa TVD lang? Yung mga bampirang hindi nakakapasok sa bahay kung walang nagpapasok? Tss.

Tumingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Come in." Sabay talikod at pinagpatuloy ang pagkain sa mesa.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong niya. Big deal na ba?

"Pake mo?" Pagtataray ko. Eto na naman ako. Tss. "Umalis ka nga dyan!" Sigaw ko. Naramdaman ko din na naglalakad sa patungo sa sala. Nilingon ko siya at ayun, nakahiga na.

Natapos na akong kumain at hinugasan ang pinagkainan ko. Pagkatapos nun umakyat ako at pumasok sa kwarto. Kahit pala may kasama ka sa bahay boring din naman kapag hindi kayo nag-uusap.

"Urgh bakit ang sakit ng puson ko?" Bulong ko kaya pumasok ako sa CR at tinignan kung meron nga at tss na naman. Kaya pala ako masungit kasi andyan ang akin. Buti na lang may stock din ng napkin ang binili ni Jason.

Naghugas muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto. Pero ang sakit talaga kaya bumalik ako sa loob at nahiga sa kama. Namimilipit ako sa sakit! Noon hindi naman ako ganito eh bakit ngayon iba na?

"Uhhh ang sakit!!!" Sigaw ko. Ni wala akong gamot na iinumin kasi hindi tumatalab sa akin. Ano na gagawin ko? Sakit talaga!

--

JASON POV

Humiga ako sa couch nung sinabi ni Margarette na umalis ako. Ayaw ko naman umalis ng bahay kasi baka mamaya hindi naman ako makapasok.

"Uhhh ang sakit!!!" Rinig kong sigaw niya mula sa taas.

Umakyat ako para tignan ang sitwasyon niya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at nandun siya sa kama na parang namimilipit sa sakit. Nilapitan ko siya.

"Anong masakit?" Tanong ko. 

"Puson ko, masakit..." Nahihirapang sabi niya.

May naamoy akong dugo kaya naramdaman kong umiiba ang mata ko. Napatalikod ako baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong atakihin siya.

"Bibili lang ako ng gamot." Sabi ko at naglakad na patungo sa pinto.

"Huwag na. Dito ka na lang." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nagmamakaawa ang mga mata kaya bumalik ako sa tabi ng kama niya.

"Dito ka na lang, huwag mo akong iwan."

"Okay."

Katahimikan.

"Gusto mo magkwento ako?" Tanong ko para maibsan ang katahimikan.

"Sige, tungkol saan?"

"Ano gusto mong topic?" Tanong ko. Nag-isip naman siya.

"Ahm, vampire? Aswang?"

Napa-tss na lang ako. Sa lahat ba naman na pwedeng i-topic bakit iyan pa?

"S...sige." Para hindi niya mahalata kung ano talaga ako. "Alam mo bang totoong may mga bampira at aswang pa ngayon?" Panimula ko.

"Hahaha! Seryoso? Sa panahon ngayon wala nang mga ganyan! Patay na lahat!" Natatawang sabi niya.

"Kung ayaw mo maniwala edi bahala ka."

"Bakit, isa ka ba sa kanila?" Natatawa pa rin siya. Tss.

"Hindi." Sagot ko.

"Eh bakit ka nagagalit kung hindi ako naniniwala? Maniniwala lang ako kung nakita ko na."

Ay mga babae nga naman. Ang daldal!

Hindi ko na lang siya pinansin. Tumayo na ako at tumungo sa pinto at lumabas. Hindi na ako nagpaalam. Bahala na kung hindi na naman ako makakapasok sa bahay niya.

Saan ako pupunta? Hindi ko alam. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

--

MARGARETTE POV

Nang dahil sa hindi pagkakaintindihan namin ni Jason, umalis siya ng bahay nang walang paalam. Para ano pa? Nag-away kami sa walang kwentang usapan tungkol sa mga aswang o bampira. Tss. Siya ang nagsabi na kukwentuhan niya ako tungkol dun pero wala. Sa panahon ngayon uso pa ba mga 'yan? Kasi ako hindi naniniwala kung meron man. Maniniwala lang ako pag nakita ko  ng harap-harapan.

Kaya ngayon, gagala na din sa bayan. Naglalakad lang ako papunta dun malapit lang naman. Bahala siyang maghintay dun sa bahay kung mauna siyang uuwi.

Pero malas ko nga naman, nandito din siya sa pinuntahan ko. Seriously? Anong ginagawa niya dito?

Nakita niya ako pero nag-iwas din siya agad ng tingin. Puro mga lalaki kasama niya sa isang sulok. Ako? Ito nag-iisang umiinom ng beer. May lumapit sa aking lalaki, hindi ko kilala.

"Miss, sayaw tayo." Sabi niya. Lasing na siya.

"Ah, huwag na po." Sagot ko pero bigla niya akong hinila.

"Sa ayaw mo at sa gusto sasayaw tayo!" Kinaladkad niya ako sa gitna ng mga nagsasayawan nang may biglang humila ng kamay ko kaya napatigil ako.

"Sino ka ba? Dude, huwag mo namang agawin ang kasayaw ko!" Sabi nung lalaki kay Jason. Yes, it's him.

"Who cares? She's mine!" Sigaw niya at saka na ako hinila palayo dun.

Hinihingal na ako. Hindi pa rin niya ako binibitawan. Naramdaman ko rin na wala na ang isang pares ng sapatos ko. Tss. Binuhawi ako!

"Ano ba! Masakit na!" Sigaw ko sa kanya pero wala siyang imik.

"Let me go!" Napatigil kami sa paglalakad. No, let me say kaladkad at salamat binatawan na ako.

"Sinong nagsabi sayong sumama sa lasing?" Pagalit niyang sabi. Wow, concern ka kuya?

"At sinong nagsabi sayong kaladlakarin mo ako? Hello? Naka flat shoes nga ako pero naiwan yung isang pares sa daan." Paliwanag ko kaya natigilan siya ang tumingin sa paa ko.

"Sorry." Sabi niya. Salamat naman at nagpa-sorry ka. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung sinabi mo kanina.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Tabi!" Saka niya ako tinulak kaya napaupo ako sa sahig.

Ang sama lang diba? Nakitira na nga lang masama pa ang ugali sa may-ari. Tss! Bahala siya! Hindi ko siya papasukin sa bahay mamaya.

Hindi ko pa rin siya pinapansin at tumalikod na pabalik sa dinaanan namin kanina. Hahanapin ko ang sapatos kong naiwan sa daan.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya mula sa likod ko. Hindi pa naman ako masyadong malayo sa kinatatayuan niya.

"..." Sige pa Margarette snob lang.

Pero nabigla ako nung bigla niya akong inangat or let me say binuhat na parang bagong kasal. Tss! Ano ba ang pakana mong g*go ka?

"Pwede bang i-ba-ba mo na ako?" Nauutal na sabi ko. Hindi ako makatingin ng diretso. Kasi awkward.

Hindi niya ako pinansin. Bwsit ah!

"Ano ba Jason, ibaba mo na ako!"

"Wala kang sapatos paano ka maglalakad?" Buti naman hindi na malamig ang pagkasabi niya.

"Eh naman eh! Ibaba mo na ako sabi!"

"Paano ka nga maglalakad kung iisa lang ang sapatos mo?"

"Kaya ko naman maglakad. Hindi ako pilay kaya pwede ba?"

 Finally binaba na niya ako. Kaya nauna na akong naglakad pauwi.

"Ouch!" May natapakan akong matulis na bato kaya dumugo paa ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni loko.

"Mukha ba akong okay?"

"Yan kasi bumaba ka pa."

Napansin kong namumula ang mata niya.

"Anong nangyayare sa mata mo?"

"Ha? Wala 'to." Sabay talikod.

Umupo siya sa harapan ko.

"Sakay na!"

"Ha?" Tanong ko.

Hindi na niya ako sinagot saka bigla na lang niya kinuha ang kamay ko kaya napakapit ako sa leeg niya nang bigla siyang tumayo at naglakad.

Piggy back ride nga.

"Ang bango."

Wait, what? Anong 'yung sinabi ko?

Narinig kong ngumisi siya.

Pero totoo, ang bango niya.

Kikiligin na ba ako? Nah, asa!


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen