App herunterladen
59.54% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 78: C-77: RUN AWAY 2 "Back in time"

Kapitel 78: C-77: RUN AWAY 2 "Back in time"

FLASHBACK...

Malayo-layo na ang nararating n'ya subalit hindi pa rin s'ya tumitigil sa pagtakbo.

Masakit na ang kanyang mga paa at hindi na rin pantay ang kanyang paglakad isa na lang kasi ang suot niyang sapatos.

Puro galos na rin ang kanyang mga binti. Dahil sa mga tuyong sanga at matatalas na damo na kanyang nadaraanan.

Pero wala na s'yang panaho pa upang pakiramdaman ang mga ito. Hindi na nga n'ya maalala kung saan ba nawala ang kapares ng kanyang sapatos. Hindi na kasi niya ito nagawang balikan pa kanina.

Kahit pagod na pagod na s'ya sa pagtakbo alam n'yang hindi pa s'ya p'wedeng huminto. Para bang ang paghinto ang pinaka maling desisyon na kanyang gagawin.

Kailangan n'yang magpatuloy na tumakbo upang takasan ang mga humahabol sa kanya.

Sigurado kasing hindi s'ya bubuhayin ng mga ito. Tulad din ng ginawa sa mga kasama niya.

Masuwerte lang na nagkaroon s'ya ng pagkakataong makatakas.

Dahil hindi pa s'ya maaaring mamatay sa lugar na ito. Hindi! Kailangan pa niyang makabalik at makauwi sa pamilya n'ya.

Ito ang pilit na isinisigaw ng kanyang isip ng mga oras na iyon.

"Hihintayin nila ako..." Bulalas niya sa isip. Nang bigla na lang...

"plak, plak!"

Pagaspas ng pakpak ng mga panggabing ibon ang biglang umagaw ng kanyang pansin. Nang mabulahaw ito at agad nagliparan.

Kasunod nito ang biglang pagpapaputok ng baril.

"Bang, bang!!" Dahil sa bawat pagputok nito ay nagpapataas ng kanyang tensyon. 

Biglang bumalatay ang kaba sa kanyang dibdib. Dahil sa hinuha n'ya malapit na ang mga ito at maaari ring nasa paligid lang...

Naitakip pa niya ang mga kamay sa kanyang tainga.

Awtomatikong umikot din ang kanyang paningin at matiyagang pinakiramdaman ang paligid.

Dahil sa isip niya anumang sandali'y bigla na lang susulpot ang mga ito sa kanyang tabi.

Punong-puno s'ya ng takot at pangamba na tila ba sasabog na ang puso n'ya sa sobrang kaba. 

Gusto man niyang humiyaw para kahit paano mabawasan ang pagsikip ng kanyang dibdib.

Halos hindi na rin kasi s'ya makahinga dahil sa sobrang pagkaligalig.

Gusto man n'yang umiyak at humingi ng tulong sa iba.

Pero sino ba ang tutulong sa kanya sa ganitong lugar? Sino ba ang maliligaw dito sa ganitong oras ng gabi sa isang madawag at ilang na lugar?

Tanging ingay ng mga hayop at kulisap ang maririnig. Maski ang huni ng mga panggabing ibon at kuliglig ay nakadaragdag sa takot na kanyang nararamdaman.

Tanging luha na lang ang paraan n'ya upang mailabas ang pigil na emosyon. Luhang s'ya lang din ang maaaring makarinig.

Dahil maski ang pag-iyak kailangan pa niyang pigilan sa oras na iyon. Impit s'yang umiiyak habang nakatakip ng kamay ang bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay.

Alam niyang nasa paligid lang ang mga taong humahabol sa kanya at nakikiramdam. Isang mali lang n'yang galaw maaari s'yang maramdaman ng mga ito.

Ngayon n'ya higit na napatunayan ang kahalagahan ng malakas na pakiramdam sa gitna ng dilim. Dahil ang hindi kayang makita ng mata.

Kailangan mong maramdaman.

Hindi s'ya dapat sumuko ngayon, hindi s'ya magpapatalo.

Makakabalik ako, babalik ako... Piping sigaw nang kanyang isip.

Hanggang sa bigla na lang s'yang  nakakita ng liwanag...

Para s'yang nakakita ng maliwanag na bahaghari sa gitna ng dilim at tila naging hudyat ito ng pag-asa.

Muli s'yang tumakbo upang sundan at taluntunin kung saan nagmumula ang liwanag...

Ang liwanag ay nagmumula pala sa sinag ng buwan.

Ngunit sa kasamaang palad bago pa man s'ya makarating dito..

Bang! Bang! Bang!

Magkakasunod na putok ng baril ang muling gumulat sa kanya, saglit s'yang napahinto.

Dinig na dinig niya ang mga putok na tila nasa malapit lang at nagmula sa taong galit na galit.

Kaya walang habas na ito kung magpaputok. Nararamdaman rin n'ya ang mahihinang yabag na tila palapit ng palapit sa kanyang kinaroroonan. Kung kaya't lalo pang sumidhi ang kanyang kaba.

Ramdam na rin n'ya ang labis na panginginig ng kanyang kalamnan at panlalambot ng mga tuhod. Dahilan para s'ya ay mapaluhod na lamang, labis na rin ang kanyang pagkataranta.

Hinang-hina na ang kanyang katawan ngunit kailangan n'yang tumayo.

Sinikap n'yang makatayo ngunit sa una'y hindi n'ya magawa.

Hanggang sa makarinig s'ya ng mga boses sa hindi kalayuan..

"Boss dito, may nakikita akong liwanag sa banda roon sigurado akong pupunta 'yun sa liwanag."

Dahil sa mga boses, bigla s'yang naalarma. Pilit s'yang umusad kahit pagapang s'yang lumakad.

Hindi na n'ya alintana ang mga matitigas na bagay na tumutusok at sumusugat sa kanyang mga tuhod at kamay.

Ang tanging mahalaga sa kanya ngayon ay ang makalayo, tumayo at muling tumakbo, hangga't kaya pa n'ya...

Inipon niya ang buong lakas at pinilit ring tumayo...

Bigla s'yang nabuhayan ng loob ng mapagtagumpay n'ya ang pagtayo!

Nagsimula s'yang maglakad ng mabagal kahit pa paika-ika pilit pa rin s'yang humakbang. Ang mabagal n'yang paghakbang ay unti unting naging mabilis.

Dahil sa kanyang pagmamadali, hindi na n'ya napansin ang isang malaking karatula. Nilagpasan lang niya ito, hindi tuloy niya nakita ang nakasulat mula sa malalaking nitong letra ang mga salitang...

DANGER ZONE!

Tuloy-tuloy s'ya sa paglakad at pagtakbo nang isang malaking tipak ng bato ang bigla na lang natisod ng kanyang paa. Kaya s'ya napahinto at muntik pang mawalan ng balanse.

Ngunit mas naagaw ng kanyang pansin ang pagkalaglag ng ilang tipak ng mga bato na nagmula sa kanyang kinatatayuan. Dahil natibag ang maliit na bahagi nito.

Bigla s'yang natigagal ng maisip ang dahilan niyon...

Napuno rin ng kaba ang kanyang dibdib nang masundan ng kanyang paningin ang unti-unti nitong pagkahulog mula sa kanyang harapan..

Dahil sa tulong ng liwanag ng buwan.. Kitang kita niya ng mahulog ito sa kailaliman at madilim na bahagi nang... 

Huh?

BANGIN!

May bangin sa kanyang harapan!

Bigla s'yang napaatras ng makaramdam ng takot at biglang napasalampak na lang sa sahig dahil sa kabiglaan.

Kasabay ng paghugot niya ng malalim na paghinga. Bigla s'yang natigilan.

__

Saglit muna s'yang namahinga sa gilid ng bangin upang saglit na ipahinga ang pagal na katawan.

Ngunit kailangan na rin niyang tumayo agad. Hinamig na lang n'ya ang sarili at muling nag-ipon ng lakas.

Kahit sa mabuway n'yang pagtayo, sinikap niyang bumangon. Muli rin n'yang nilingon ang pinanggalingan kanina.

Habang sa isip wala s'yang ibang pagpipilian, kailangan n'yang bumalik.

Segundo lang ang lumipas, bigla na naman s'yang makarinig ng mga kaluskos.

Pilit n'yang inaninag ang paligid sa kabila ng kadiliman. Kinusot pa n'ya ang mga mata, na kanina lang ay hilam sa luha.

Pinilit pa rin niyang aninagin ang paligid. Kahit nag-uulap pa rin ang kanyang mga mata.

_

HINDI!!

Muntik pa niyang makagat ang dila dahil sa labis na pagkagulat. 

"Put***ina mong babae ka nariyan ka lang pala pinagod mo pa kami! Subukan mo ngayong tumakbo at puputulin ko 'yang mga paa mo sa pamamagitan nitong mga bala ko!"

Buo at malakas na sigaw ng pinaka leader ng grupo.

Umaalingawngaw sa kanyang pandinig ang tila kulog na boses nito.

Nakatutok sa kanya ang baril habang lumalapit ang mga ito sa kanyang kinatatayuan.

Nanginginig na ang buo niyang katawan. Dahil sa labis na takot.

"Diyos ko, ano na po ang gagawin ko ngayon?"

Magkasalikop ang kanyang mga kamay habang taimtim na nanalangin.

Nag-unahan na rin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Gusto niyang tumakbo at tumakas.

Ngunit bigla s'yang napako sa kinatatayuan. Dahil hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa.

Puno s'ya ng kalituhan sa kung ano ba ang dapat n'yang gawin? Kahit yata ang utak n'ya pagod na ring mag-isip.

Binigyan s'ya ng pagkakataong makapili, ngunit isa lang naman ang kahahantungan...

Kamatayan!

Kamatayan sa mga kamay ng mga holdappers sa harap niya o kamatayan sa bangin sa kanyang likuran...

Hanggang sa nagpasya s'yang kumilos, ngunit isang maling hakbang ang kanyang nagawa.

Muli s'yang humarap sa bangin upang sukating muli ang lalim nito. Para bang may maitutulong ito upang s'ya ay makatakas.

Subalit naipagkamali na ito ng pinuno ng grupo.

"Aba't put***ina mong babae ka!"

Hindi ito nagdalawang isip pa ng bigla na lang s'ya nitong barilin...

"Bang!"

Bigla s'yang napanganga habang habol ang paghinga, mababakas pa sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla.

Napakabilis ng mga pangyayari, nagsimulang maging mabuway ang kanyang pagtayo...

Nararamdaman na n'ya ang kirot at unti unting pagkamanhid ng katawan.

Lalo na sa bandang kaliwang parte ng kanyang balikat. Parang may tumulak sa kanya na ubod ng lakas. Dahilan upang siya ay maliyo at tuluyan ng maging mabuway.

Wala na rin s'yang pagpipilian pa...

MALIBAN NA LAMANG SA PAREHONG KAMATAYAN!

Dahil hindi na niya nagawang pigilan pa ang mga sumunod na pangyayari.

Tuloy-tuloy na s'yang tumilapon pababa...

___

"Huh' wala na sila hindi na nila tayo maabutan, nailigaw ko na sila. Okay ka lang ba?" Paglingon ni Joaquin sa katabing si Angela.

Nanginginig na ito sa takot nagsusumiksik ito sa unahang upuan at takot na takot.

"Hey! It's okay sweetheart, everything's will gonna be alright now. Hindi ka na dapat matakot wala na sila." Pag-alo pa nito kay Angela.

Ngunit tila hindi ito naging epektibo upang mapakalma niya ang dalaga. Nang tinangka na niya itong hawakan bigla na lang itong nagwala at nagsisigaw.

Hindi niya malaman kung paano ito pakakalmahin.

"Bitiwan mo ko h'wag kang lalapit, aaaahhh!" Bigla na lang itong sumigaw ng sumigaw.

Mabuti na lang at nasa ilang silang lugar.

Subalit kinakabahan pa rin s'ya na baka may makakita sa kanila sa lugar na iyon. Baka isipin na may masama s'yang ginagawa dito. Bigla tuloy s'yang nagsisi kung bakit nakarating pa sila sa lugar na iyon.

Nakakatakot ang lugar ngayon lang niya ito napagtuunan ng pansin. Masyado itong madawag at kung papasukin nila ang munting gubat na nasa kanilang harapan. Tila ba hindi na sila makakalabas.

Idagdag pa ang kalaliman na ng gabi. Parang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Dahil sa mga naiisip, napahigpit tuloy ang paghawak niya sa manibela.

Pero wala na s'yang magagawa kailangan na lang n'yang pakalmahin si Angela. Bago pa sila umalis sa lugar na iyon.

"Angela! Ako ito ano bang ang nangyayari sa'yo?"

Sinubukan pa rin niyang pakalmahin ito kahit natataranta na siya at nag-aalala para sa dalaga. Dahil hindi s'ya maaaring magdrive ng nagwawala ito.

Ngayon lang s'ya nalito ng ganito na hindi alam ang gagawin sa nakikita niyang sitwasyon ng babae.

Hindi rin niya alam kung ano ba ang nangyayari dito at medyo kinakabahan na rin s'ya sa naiisip niyang posibilidad.

"Angela ano ka ba, Ano bang nangyayari sa'yo? H'wag namang gan'yan, please calm down and fix yourself! Wala na sila hindi na nila tayo masusundan pa uuwi na tayo okay!" Pilit n'yang kinukuha ang atensyon nito.

Ngunit parang wala na ito sa sarili. Tinangka n'ya ulit itong yakapin ngunit nagsisigaw na naman ito.

"H'wag bitiwan mo'ko lumayo ka sa'kin!" Patuloy ito sa pagwawala na parang hindi s'ya kilala.

Pilit din nitong binubuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Angela please, hindi kita sasaktan okay? Ako ito si Joaquin hindi mo ba ako nakikilala?" Pilit n'ya itong pinakakalma ngunit tila lumalagos lang ang tingin nito sa kanya...

Hindi na ba s'ya nito nakikilala? Tanong niya sa sarili.

Bakit ngayon pa? H'wag naman po sana, God please!

Natagpuan na lang niya ang sarili na taimtim na nanalangin ng mga sandaling iyon...

"H'wag po, h'wag po! Maawa po kayo sa'kin... huhuhu!"

Nang marahil nakaramdam ito ng pagod saglit itong kumalma ngunit wala pa rin itong tigil sa pag-iyak. Awang awa na s'ya sa kalagayan nito.

Kaya't hindi na niya napigilan pa ang sarili na muli itong yakapin kahit patuloy ito sa pagwawala.

"Angela please naman, h'wag ngayon! Mahal na mahal kita... Magtatanan pa tayo, pakakasalan pa kita at isasama ko pa kayo sa Australia. Hihintayin tayo ni VJ hindi ba? Pakiusap kalmahin mo sarili mo!" Tila desperarado na n'yang saad sa dalaga.

He is no longer cared about the tears flow in his eyes that time. Because of the extreme desperation.

"Aaahhhh!" Patuloy pa rin ito sa pagsigaw...

Ngunit hindi niya ito binitiwan at lalo pang hinigpitan ang yakap dito. Hindi na n'ya alam kung ano ang kanyang gagawin.

But one thing he did promise to himself. He will not let it go from him and he will not let her go, no matter what happens.

They have just been developing a plan for the two of them before, to build their future. But after all what happened these day? It was like a bubble that suddenly disappeared.

Hindi n'ya hahayaang mawala si Angela sa buhay niya kahit ano pa ang mangyari?

HINDI!

"Angela please huminahon ka na, uuwi na tayo okay?" Sinubukan pa niyang pakalmahin ito ulit.

Ngunit parang iba ang nakikita nito sa kanya na sa tingin niya punong puno ito ng takot.

Gabing gabi na at sila lang ang nasa lugar na iyon.

Ngunit hindi na niya magawang maramdaman ang sariling takot. Dahil mas natatakot s'ya sa nangyayari ngayon sa babae.

Nang tangkain n'ya ulit itong hawakan sa kamay, lalo lang itong nagpumiglas at nagwala. Isa lang ang naisip n'ya, kahit pa ayaw niya.

Subalit kailangan na n'ya itong gawin! Or else mananatili sila dito sa buong magdamag.

Kaya't isang malakas na sampal ang pikit matang iginawad niya sa dalaga upang gisingin ito sa kahibangan.

Ngunit sinigurado niyang kontrolado niya ang sarili. Dahil hindi n'ya gugustuhin na masaktan ito ng husto.

Saglit itong natigilan habang sapo ang sariling pisngi at titig na titig sa kanya. Puno s'ya ng kaba ng mga oras na iyon.

"I'm sorry, I'm sorry!" Puno s'ya ng pagkalito, sinubukan n'ya ulit itong yakapin.

Subalit nagsusumiksik lang ulit ito sa gilid ng passenger seat. Sunod sunod rin ang ginawa nitong pag-iling na parang takot na takot.

Maya maya bigla na lang itong sumigaw ng malakas. Habang hawak nito ng dalawang kamay ang ulo, na lalong nagpakaba sa kanya ng mga oras na iyon.

Nagulat na lang s'ya ng bigla na lang itong mawalan ng malay...

"ANGEELAAA!" Mabuti na lang mabilis n'yang nasalo ang ulo nito. Bago pa man ito tumama kung saan.

Kahit puno pa rin ng kaba, sinikap niyang patatagin ang sarili. Naging mabilis ang kanyang mga kilos, una niyang naisip na kailangan na nilang umalis sa lugar na iyon.  

Matapos n'yang mabilis na ayusin ito sa kinauupuan.

Agad na n'yang ibinuwelta ang sasakyan pabalik at agad ring pinatakbo.

Kasabay ng pag-aalala n'ya sa dalaga ang labis na pagkalito.

Isa lang ang naiisip n'yang gawin...

Kailangan na nilang bumalik ng Batangas. Ayaw man n'yang aminin, subalit tila nagkakaroon na nang mukha ang sinabi ng kanyang ama.

Bigla na lang tuloy n'yang naalala ang sinabi nito, a few weeks ago.

_

"Anak hindi ko gusto na nagiging malapit ka kay Angela. Matagal na s'yang nagugustuhan ng Kuya mo. Kaya sana naman iwasan mong mapalapit sa kanya. Hindi ko gustong dumating sa punto na mag-aaway kayong magkapatid."

"Bakit Dad bawal ba? Ang alam ko hindi naman sila mag-asawa at hindi rin sila magkasintahan. Kaya ano bang masama kung magkalapit man kaming dalawa at saka hindi pa rin naman kayo sigurado kung s'ya nga ang gusto ni Angela, hindi ba?"

"Tumigil ka, hindi ko gusto ang ipinupunto mo! Maganda na ang samahan nilang dalawa. Kaya mas makakabuti na itigil mo na 'yang kalokohan mo. Mahal s'ya ng kapatid mo at alam mo 'yan. Kaya sana naman intindihin mo na lang 'yun!"

"Pero... Papa!"

"Stop being stupid, son! H'wag mo sana akong piliting pabalikin ka ng Australia. Hangga't maaari ayoko sanang maghiwa-hiwalay tayo ulit, naiintindihan mo ba!"

"Yes of course and you're right, I am your son! Kaya nga dapat ako ang naiintindihan mo and stop being like a blackmailer to your own son, right Daddy?!"

"Okay, okay! I'm sorry, ayoko lang magkaroon ng problema sa pagitan n'yong dalawa ng kuya mo. And always remember that you're both my sons!"

"Then be fair, Dad!"

"Yes of course, but I have something to tell you. Hindi mo s'ya maaaring ilayo dito at alam mo rin na may sakit s'ya anak. Hindi s'ya p'wedeng umalis ng Batangas hangga't hindi s'ya nakakaala at wala pa ring katiyakan kung kailan babalik ang mga alaala n'ya o baka hindi na? Anak, ako na ang nagsasabi sa'yo hindi mo s'ya kayang alagaang mag-isa. Kaya sana kalimutan mo na s'ya habang maaga pa!" 

"No, you such unfair Dad! Bakit si Kuya p'wede, bakit ako hindi?"

"Dahil mas higit s'yang kilala ng kapatid mo at mas alam n'ya kung paano n'ya ito aalagaan. Sana naiintindihan mo 'yun anak, kung talagang ma..."

"No Dad, mali ka! Dahil patutunayan ko sa'yo na mas kilala ko s'ya at kaya ko s'yang alagaang mag-isa."

"Joaquin!"

____

Naputol lang ang daloy ng alaala sa kanyang isipan ng makarating sila sa unang Ospital na kanilang nadaanan. 

Mabilis s'yang bumaba ng sasakyan at humingi ng tulong. Dahil wala pa ring malay si Angela ng mga oras na iyon.

Natatakot s'ya sa mangyayari sa oras na magkamalay na ito. Ngunit mas natatakot s'ya na may masamang mangyari sa dalaga. Kapag hindi agad ito natingnan ng Doctor.

Ito ang tanging mas mahalaga sa ngayon, mamaya na niya iisipin ang susunod niyang gagawin.

Agad naman silang inasikaso sa Ospital at agad ring natingnan ng Doctor si Angela.

Ngunit maraming mga tanong na hindi n'ya magawang sagutin. Tila bigla s'yang nangapa ng sasabihin at nalito. Ano nga ba sasabihin niya hindi n'ya alam?

Hindi nga n'ya magawang masabi na bigla itong nagwala at sigaw ng sigaw. Gaya rin ng hindi n'ya magawang sabihin ang sakit nito.

Kaya sinabi na lang n'ya na bigla itong nawalan ng malay habang sila ay nasa biyahe.

Ngunit paano na, kapag nagising na ito?

Paano na kapag nagwala ito ulit, ano na ang gagawin niya?

Nasapo na lang n'ya ang mukha dahil sa kawalan ng maisip. Dahil habang lumalakad ang oras lalo lang s'yang napupuno ng kaba.

Nakahanda na ba talaga s'ya sa posibleng mangyari. Kaya nga ba niya itong alagaang mag-isa? Mga tanong na biglang gumulo sa kanyang isipan at unti-unting tumitibag sa kanyang katatagan.

Hindi n'ya nais mawala ito sa kanya ngunit mas hindi n'ya gugustuhing makita ito sa miserableng kalagayan.

Tulad rin ng nangyari dito kanina. Ayaw na niyang maulit pa ang sandaling iyon. 

Muli n'yang naihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Dapat na siguro s'yang magpasya. Bago pa man magising si Angela...

"Hello, Papa?"

"Hello, Joaquin anak nasaan ka? Alam mo bang nawawala si Angela, hindi pa s'ya umuuwi. Ang sabi sa shop may sumun..."

"Sorry Pa... I'm sorry! Na-nasa Ospital po kami ngayon, Papa."

"ANO? DAMN IT, JOAQUIN! ANONG GINAWA MO?!"

*****

By: LadyGem25


AUTORENGEDANKEN
LadyGem25 LadyGem25

Hello guys,

Kumusta na kayo? Sana safe tayong lahat sa nakalipas na bagyo.

Pasensya na, alam kong inip na kayo sa paghihintay ng updated. Kaya narito na ulit tayo, medyo tensyonado ang Lola n'yo kaya hindi agad nakapag-updated.

Mabuti na lang natapos din, kaya sana magustuhan n'yo ulit ito.

Maraming salamat ulit sa inyong mga suporta at paghihintay.

AGAIN...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND PLS. RATES MY STORY GUYS!

KEEP SAFE AND GOD BLESS!

THANK YOU!

MG'25 (11-02-20)

next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C78
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen