App herunterladen

Kapitel 18: 18

ALTNF

18

Ben Cariaga's POV.

Nakababa na kami ni kuya Jay ng puno at ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa aming tent. Ang tahimik ng ambiance. Ang sarap sa tenga ng mga kuliglig. Sila lang ang tanging nagp-produce ng tunog dito sa lugar na nilalakaran namin ni kuya Jay.

Sa totoo lang, naintindihan ko kung bakit nasabi niya sa akin ang bagay na iyon. Ayaw niya akong masaktan. Ayaw niyang makasakit.

Ang sa akin, alam ko naman 'yun. Handa na ako para dun. Siguro oo, inaamin ko na may parte rin talaga sa akin na gustong malaman ang side niya. Kung ayaw niya ba talaga sa akin, kung talaga bang iritado siya sa akin, kung anong tingin nya sa akin.

Kung gusto niya rin ba ako. Kung totoo na ba siya sa nararamdaman niya. May parte sa akin na gustong malaman ang mga bagay na iyon. Pero, alam nyo? Ayoko pa. Parang...'wag muna. 'Wag ngayon. Papahalagahan ko na lang muna ito... itong gusto ko siya at alam niya 'to.

He told me na pigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya and I refused to do that. Kasi hindi ko kaya. Hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko. Lalo na ngayon at palalim na siya ng palalim. Kaya nga kinain ko rin 'yung mga salitang binitawan ko dati.

Na nawawala rin ang pagkakagusto. Ang paghanga. Lalo na kapag nakakita ka ng mga bagay sa taong 'yon na mat-turn off ka.

Pero hindi.

May mga kaso pala talaga na sa halip na mawala ay lalong lumalalim. At ganoon ang nangyari sa akin.

"Ben, alam kong alam mo 'to but I know how to play guitar." Biglang salita ni kuya Jay sa gitna ng pag-iisip ko.

"H-ha?" I asked, absentmindedly.

He smiled, "I saw you. Nung madaling araw na 'yon. Nakita ko kung gaano kalagkit ang tingin mo sa akin." sabi nya.

"Ha? Anong malagkit?" wala sa sarili ko pa ring tanong.

Bahagya akong napatingin sa kanya and I saw him sigh. At nang ma-realize ko kung ano ang tinutukoy niya ay napangiti na lang ako.

"Hindi kaya. Grabe naman sa malagkit. Hindi ba pwedeng humahanga lang? Ang cool mo kaya nun," sabi ko sa kanya.

He chuckled sarcastically.

"Tss. Cool? Anong cool don." Sabi nya.

"Ayun, yung madaling araw na madaling araw naggigitara ka. Marahil sa iba nakakairita 'yun pero sa akin, hindi. Cool kaya." Sabi ko pa.

"At bakit?"

"Wala lang. May 4am sickness kasi ako. Nasanay lang ako na nagigising tuwing madaling araw dahil nasanay ako na may pasok." medyo ngumiti ako. "Pero nung time na 'yun, hindi 4am sickness ang dahilan. Nagising ako noon dahil binangungot ako." Sabi ko.

"Bangungot?" He asked.

Tumango ako. "Yep. Buti na lang nandyan kuya ko. Siya ang nagpakalma sa akin."

"Ano namang bangungot mo?" Tanong nya.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata, then I sigh.

"Hay naku, wag na nating pag-usapan. Ikaw, bakit ka gising nung time na 'yon?" Sabi ko na lang, sabay balik tanong sa kanya.

I saw his eyes softened. At maya-maya ay tumungo siya.

"Uhm, you know. Same here." Sabi nya sabay balik ng tingin sa akin.

"Ha?"

"4am sickness. Same here." Sabi nya. "Kaya sa tuwing magigising ako, tumutugtog na lang ako ng gitara. Nagbabaka-sakaling antukin uli. May mga times naman na napapasarap ang tulog ko kaya hindi ako nagigising ng alas kuwatro. Dahil kung dito 4am ka nagising pag may pasok, ako sa Manila, 7am." Sabi nya.

Napangiti ako.

"Grabe naman sa 7am." Sabi ko.

"Walking distance lang naman ang bahay namin sa school noon. Este, bahay ni tita Era."

I just nodded.

"Speaking of school, nakapag-take ka na ba ng entrance exam doon sa college na papasukan mo?" I asked him.

Tumango siya.

"Yep. Hindi pa nila nilalabas ang result but I guess malapit na rin nilang i-post. Sa August pa naman ang pasukan doon. Ikaw, enrolled ka na?" Balik tanong naman niya.

Ngumiti ako.

"Sa ngayon, posted na 'yung announcement regarding sa enrolment dun sa San Mateo, pero balak ko sana last day na magpa-enrol. Semi-private sya. Integrated ang junior at primary. Feeling ko mga July o August pa rin ang pasukan doon. May pa lang naman. Nung grade 11 kasi third week na ng July nag-umpisa yung classes so.."

"I see." Maikling sagot niya.

I sigh, "Ok, since napalayo ang usapan natin at napuntang edukasyon, balik tayo sa usapan natin kanina. So, may I ask you kung..." I trailed off.

"Kung...?"

Teka, pwede ko ba talaga 'tong i-request sa kanya? Pwede naman siguro, 'diba?

"Uhm, kung dala mo sana 'yung gitara mo ngayon. Gusto uli kitang makitang tumugtog ng gitara. Pero kung hindi mo dala ayos lang naman-"

"Dala ko." Sabi niya. He then gave me a genuine smile.

Ngumiti rin ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating na rin kami sa tent.

Naabutan namin sina Mang Tako, ate Isabela at Nico na paalis. May mga dala-dala silang galalan.

Manghang-mangha naman akong tumingin sa kanila.

"Waw, mang-hihibasanan kayo?" Tanong ko sa kanila.

Napatawa si Mang Tako, "Matarik ang buwan ngayon, Ben. Taib ang baybay. Bukas pa siguro ng umaga o hapon ang hibas," sabi naman ni mang Tako.

"Eh ano pong gagawin nyo ngayon?" Tanong ko uli.

"Mangingilaw sana ng alagad sa dulo ng ilog. Malapit lang 'yon, sama kayo? Baybay na rin ang dulo ng ilog, doon maraming alimasag at alagad lalo't gabi," aya niya sa amin.

Napatingin ako kay Nico, he's raising both his eyebrows encouraging me na sumama. Napatingin naman ako kay kuya Jay.

"K-kayo na lang. Hintayin ko na lang kayo dito." Sabi ni Jay. Tumingin rin siya sa akin at ngumiti siya. Parang sinasabi niya sa akin na ok lang, na sumama ako at maiwan siya.

Hay nako kuya Jay.

Napangiti ako at tumingin kina Mang Tako. "ahm, sige po kayo na lang, tutal tatlo lang rin naman po ata 'yung galalan, samahan ko na lang po rito si kuya Jay." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong ni Nico.

"Yep. May bukas pa naman, bukas na lang kami sasama, manghibasanan tayo sa dagat!" Suggest ko.

Ngumiti si ate Isabela, "O sya, hala! Kami'y mauuna na't baka nagsitakasan na ang mga alagad doon," sabi niya.

Napatawa naman ako.

"Sige po!"

Sabi ko at nagsimula na silang maglakad paalis. Nico gave me one last look. I just smiled at him.

Bumalik na ako sa may tent at nakita ko si kuya Jay na nakaupo sa harap ng bonfire at hawak na niya ang gitara niya.

Nilapitan ko siya.

"Sana all prepared," sabi ko.

Napangiti siya. Isang bagay na hinding-hindi ako magsasawang tingnan -- ang mga ngiti nya.

"Sa mga ganitong panahon hindi pwedeng hindi ko dala 'tong gitara ko. Kahit hindi ka sumama, dala ko 'to."

"Sorry, nandito ako ngayon." Sabi ko.

"I know. And I'm glad." Sabi niya sabay ngiti. 'Yung ngiting nakakakilig.

Bahagya akong napaiwas ng tingin.

Kakasabi ko lang. Ano ba naman 'yan, kuya Jay. Wag ka ngang ganyan! Pag ako tuluyang na-fall sa'yo sige ka.

Sows. Landi.

Suddenly, he started strumming his guitar.

At the moment na marinig ko ang una hanggang ikatlong chord ng tinutugtog niya ay narecognize ko kaagad ito.

"Wow, fave." Sabi ko sa kanya.

"Kantahin mo." He said.

"Ok lang?"

Hindi na siya sumagot at ipinagpatuloy na niya ang pagtugtog.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatitig lang ako kung paano niya tugtugin ang intro. Parang gusto ko siyang hawakan.

Gusto ko siyang hawakan at sabihin sa kanya na palalim na nang palalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Bago pa ako mawala sa sarili ko ay inumpisahan ko na ang pagkanta.

"You're my piece of mind,"

I looked at him, and saw a hint of smile in his lips.

"In this crazy world

You're everything I've tried to find..

Your love, is a pearl.."

Tinanggal ko na ang tingin ko sa kanya at pumikit na lang ako. Dinama ko ang bawat nota na tinutugtog niya. At feel na feel ko rin itong sinabayan ng pagkanta.

"You're my Mona Lisa,

You're my rainbow skies..,

And my only prayer,

Is that you realize

You'll always be beautiful..."

I gently opened my eyes.

At nakita ko siyang nakatitig sa akin.

"...in my eyes."

Muli kong ipinikit ang mata ko at ipinagpatuloy ang pagkanta.

Ano ba namang titig 'yan. Nakakatunaw.

"The world will turn,

And the seasons will change.

And all the lessons we will learn,

Will be beautiful and...strange."

Muli ay unti-unti kong iminulat ang mata ko at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin.

Napatigil ako sa pagkanta.

"Bakit ka ba kasi nakatitig sa akin? Awkward tuloy." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

Dahan-dahang bumagal ang pag-strum niya sa gitara pero hindi niya tinggal sa tune.

At hindi rin niya tinanggal ang titig niya sa akin.

Natutunaw ako.

"Ang sarap mo kasing titigan."

Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.

Hindi ko alam kung magugulat ba ako o maiinis, o magagalit, o kikiligin o maiihi sa sinabi niya pero parang gusto kong sumigaw ng malakas.

Takte. Rinig na rinig ko ang sinabi niya. Ang linaw linaw. Pero gusto kong ulit-ulitin niya.

"A-anong sabi mo?" I asked him.

Napaiwas siya bigla ng tingin at ibinalik niya ang focus niya sa paggigitara.

Napakamot siya sa batok niya. At agad rin naman niyang ibinalik ang mga daliri niya sa bawat string ng kanyang gitara.

"S-sabi ko, ako na kakanta ng chorus,"

He said then he started playing his guitar, still in the tune of Beautiful in my Eyes.

"You will always be,"

Tiningnan ko lang siya. Bahagya pa siyang tumingin sa akin ngunit iniiwas rin niya ito kaagad.

"Beautiful in my eyes..

And the passing years will show,

That you will aways grow

Ever more beautiful..."

Nakatitig lang ako sa kanya. Nakapikit siyang kumakanta at hinihiling ko na sana buksan niya ang mga mata niya. Hinihintay ko kung paano niya bibigkasin ang mga susunod na salita nang nakatingin sa akin.

Hinihintay ko itong bigkasin niya sa harap ko. Ngayon, dito. Sa akin.

"In.."

"my..."

Saglit siyang napatigil, then again, he ever so gently opened his...

"eyes."

At tuluyan na nga akong nahulog sa.

"Bakit ka nakatitig sa akin?" Tanong niya bigla.

He's looking at me, slightly smiling, at tila hinihintay ang sagot ko.

"Ang sarap mo kasi..."

---

Words of wisdom(charot):

Manghihibasanan -- mangunguha ng mga seafood na may shell sa dagat habang hibas

Hibas -- low tide.

Kapag low tide kasi, sa mga probinsyang malapit sa dagat, ang mga tao roon ay nangunguha ng mga tutukin, pwedeng alimasag/alimango, mga suso, basta mga seafood na makikita sa ilalim ng lupa. Ang tawag sa paggawa noon ay panghihibasanan.

Ang tawag naman sa mga seafood na nakuha nila during hibas/low tide ay pinanghibasanan.

At ang bawat pinanghibasanan na makukuha nila ay ilalagay nila sa lagayang isinasabit sa likod ng bawat manghihibasanan na tinatawag na galalan. Itsura itong basket na pahaba, na isinasabit sa likod. Kapag manghihibasanan ka, dapat may ganito ka or kahit anong lagayan para syempre, ano pa bang ibang dahilan, kundi para may mapaglagyan ng mga pinanghibasanan mo.

Taib -- high tide.

Obviously, hindi ka makakapanghibas kapag high tide.

Baybay -- dagat.

Mangingilaw -- maghahanap gamit ang ilaw/flashlight na nakasabit sa ulo na parang headband.

Alagad -- maliliit na alimasag.

O alam nyo naaaa. Haha. Sa Quezon province galing ang mga term na 'yan. Hindi ko lang alam sa ibang probinsya. Hehe.

Balak ko talaga na una pa lang probinsyang probinsya na ang dating ng storyang ito. Sana, at some point, effective siya. Sabihin nyo sa akin if aware rin kayo sa mga term na 'yan. Feel free to correct me if i'm wrong. ☺️

(Bukas po ulit, dalawang update sa ALTNF then isa sa TPB. ☺️)


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C18
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen