App herunterladen
93.75% Z0mbie Ap0calypse / Chapter 15: Chapter Fifteen

Kapitel 15: Chapter Fifteen

DREA'S POV:

Kakatapos lang ng klase namin kaya lumabas na ako ng room para puntahan si Cessa, ang ingay, lagi naman panay ang kwentuhan at tawanan sa hallway.

Habang naglalakad ako nakita ko yung isang babae na dumudugo yung ilong, kasama naman nya yung kaibigan nya kaya hindi ko na rin pinansin nag patuloy lang ako sa paglalakad para puntahan si Cessa sa room nya.

Maya maya pa nakita ko na rin sya papalabas ng room nya.

"Cessa." Pagtawag ko kaya agad namang lumapit sakin si Cessa.

"Saan tayo ngayon?" Pagtatanong ni Cessa.

"Ililibre mo ba ako?" Pagtatanong ko.

"Luh, bahala ka dyan." Sabi ni Cessa at tumawa kaya napatawa rin ako.

"Oo nga, ililibre kita anong gusto mo?" Pagtatanong ni Cessa sa akin.

"Mag ice cream na lang tayo." Sagot ko.

"Sige sige gusto ko yan." Sabi ni Cessa.

Habang naglalakad, palabas na kami ng gate ng school.

"Bhie yung crush mo." Sabi ni Cessa.

"Nasaan?" Pagtatanong ko.

"Luh may crush ka pala ha, sino yan." Sabi ni Cessa at tumawa.

"Ulol." Sabi ko at natawa rin.

"Alam mo ba ang daming pinapagawa samin tapos bukas na yung pasahan, like bukas agad? Pwede bang bigyan kami kahit isang linggo lang, nakakapagod rin kaya, ikaw ba? Parang wala ka laging school works ahh, tulungan mo naman ako pleaseeee." Sabi ni Cessa.

"Meron din akong school works, mukha lang wala." Sabi ko at natawa.

"Hay nako, lagi na lang ganito, sana naman may mangyaring kung ano o himala para maiba naman nakakapagod na." Sabi ni Cessa at huminga ng malalim, natawa naman ako.

"Hayaan mo pag tapos ng semester na to mag babakasyon tayo." Sabi ko at natuwa naman si Cessa.

Nag vibrate naman yung phone ko kaya agad ko yung tiningnan.

Si papa, nag text.

"Drea, baka hindi ako makauwi ng maaga kumain ka na, wag mo na akong hintayin."

Yan ang iniwang message sakin ni papa.

"Sino yan?" Pagtatanong ni Cessa.

"Si papa nag text." Sagot ko.

"Ano daw sabi?" Pagtatanong ni Cessa.

"Baka daw hindi sya makauwi ng maaga, kumain na daw ako at wag ko na daw syang hintayin." Sabi ko.

"Edi tatambay muna ako sainyo, sabay tayong gumawa ng school works tapos 8pm uwi na din ako." Sabi ni Cessa at tumango naman ako.

"Di ba may gusto si Joemar sayo? Di ba? Nag chachat pa ba kayo? Oh si Erick yung ka talking stage mo ngayon?" Pagtatanong ni Cessa.

"Wag ka ngang maingay." Sabi ko.

"Sino ba kasi?" Pagtatanong nya.

"Wala, di ko nirereplyan si Joemar, si Erick may nililigawan na daw eh, si ano yung girl sa room 18, si Jessica." Sabi ko.

"Ayy, layuan mo na yang si Erick impakta pa naman yung Jessica na yun, eh si Joemar bakit di mo nirereplyan, mabait naman yun tapos pogi pa sayang bhe." Sabi ni Cessa.

"Eh ayoko nakakahiya kaya." Sabi ko.

"Speaking of Joemar ayun sya oh." Sabi nya at tinuro pa.

"Gaga wag mong ituro, baka makita tayo gaga." Sabi ko.

"Ano naman." Sabi ni Cessa.

"H-hi hiii Joemar." Sabi ni Cessa at kinawayan pa si Joemar.

Gaga talaga to.

"Hello Drea." Sabi ni Joemar at tumingin sakin, napangiti naman ako ng wala sa oras.

Siniko naman ako ni Cessa.

"Hi." Sabi ko.

"Uhm pauwi na kayo?" Pagtatanong ni Joemar.

"Ah oo, ikaw?" Pagtatanong ko din.

"Mamaya pa, ah sige una na ako, may next class pa kami, ingat." Sabi ni Joemar, tumango naman ako at ngumiti, naglakad naman na papalayo si Joemar.

Nakahinga na ako ng maluwag.

"Gaga ka talaga." Sabi ko at tumawa naman si Cessa.

"Sabi sayo eh, oh diba, replyan mo na yun mamaya." Sabi nya at natawa.

"Bilisan mo na nga, nagugutom na ako." Sabi ko at binilisan yung paglalakad.

"Hoy Drea, teka!" Sigaw pa ni Cessa.

Pumasok na nga kami sa convenience store kung saan kami laging nabili ni Cessa.

"Sure ka ice cream lang talaga gusto mo?" Pagtatanong ni Cessa.

"Oo, ice cream lang, okay na yun." Sabi ko.

"Okay wait, magbabayad lang ako." Sabi ni Cessa.

"Nagkakagulo daw sa school." Sabi nung isang studyante.

"Bakit may away daw?" Pagtatanong naman nung kasama nya.

"Hindi ko alam, nagkakagulo daw eh." Sagot naman nung isa.

"Tara nga puntahan natin." Sabi nung lalaki at lumabas na silang dalawa ng convenience store.

Ano kayang nangyayari.

Maya maya pa bumalik na si Cessa.

"Oh ice cream mo, anyare?" Pagtatanong nya.

"Nagkakagulo daw sa school, ano kayang nangyari." Sabi ko.

"Bakit may away daw?" Pagtatanong ni Cessa.

"Hindi ko alam eh, puntahan nga natin." Sabi ko.

"Chimosa ka talaga noh, pero tara." Sabi ni Cessa, lumabas na nga kami ng convenience store.

"T-tulong! Tulong!" Sigaw nung isang lalaki at dumudugo yung braso nya parang kinagat sya.

Maya maya pa nagtatakbuhan na sa buong paligid at nagsisigawan ang mga tao.

Nakita ko na lang na kinakagat nung isang babae yung lalaki sa leeg kaya nabitawan ko na lang yung ice cream ko.

Nabitawan naman ni Cessa yung ice cream nya at hinawakan ako sa braso.

"Tara na Drea, bumalik tayo sa loob." Sabi nya.

Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko pero hinila ako ni Cessa.

Pumasok ulit kami sa loob ng convenience store.

"N-nakita mo ba yun?" Pagtatanong ko.

"Oo, zombie ba yun?" Pagtatanong din ni Cessa at namumutla sya.

"Harangan nyo yung pinto! Wag nyo silang papasukin!" Sigaw nung isang babae.

"Teka!" Sabi nung cashier at lumabas ng convenience store.

"Harangan nyo na yung pinto!" Sigaw ulit nung babae.

Agad namang hinarangan nung lalaki yung pinto.

"Hoy teka! Buksan nyo to!" Sigaw nung cashier at kinakalampag yung pinto, maya maya pa may lumapit sa kanyang lalaki at kinagat sya sa balikat nya at nag siritan yung dugo nya sa glass.

Napa atras naman kami ni Cessa kahit andito kami sa loob.

"Jusko anong nangyayari." Sabi ko.

"Wag kayong lalabas at wag kayong mag papasok kahit anong mangyari." Sabi nung lalaking kasama nung babae, mag asawa yata sila.

Napa sign of the cross naman yung matanda.

Kitang kita namin mula dito sa loob ang nangyayari dun sa labas.

Nagkakagulo.

Nagpapatayan.

-

-

-

"Dun kami nag stay ng ilang weeks sa convenience store, naglabasan na yung mga kasama namin dun at hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanila, nung halos mawalan na kami ng pagkain dun sa convenience store ay nagplano na kami ni Cessa na lumabas at pumunta sa isang village kung saan namin nakita sila Zayne, Felix at Kevin, tinulungan nila kami." Pagpapaliwanag ko.

"Yung papa mo? Nakapag message pa ba sya sayo habang nagkakagulo ang lahat?" Pagtatanong ni sir Owen.

"Hindi na po sir, hindi ko po alam kung nasaan sya ngayon." Sagot ko.

"Titingnan natin mamaya, may list kami ng mga pangalan ng mga tao na andito naka list sila alphabetically, sabihin mo lang yung surname ng papa mo at titingnan natin kung nandito sya." Sabi ni sir Owen at tumango na lang ako.

"Ikaw Cessa? May hinahanap ka ba? Bago magsimula ang lahat ng to magkasama kayo ni Drea diba, may balita ka ba sa parents mo o nakausap mo man lang sila bago mag simula lahat ng to?" Pagtatanong ni sir Owen.

"Hindi ko po nakausap sila papa at mama o si kuya, ewan ko po kung na rescue sila nung araw na yun." Sagot ni Cessa.

"Okay, wag kang mag alala ichecheck natin yan mamaya." Sabi ni sir Owen.

-

-

-

"Ibig sabihin pala sa school kayo nagkitakita lahat?" Pagtatanong ni sir Owen.

"Parang ganun na nga, tinipon namin yung mga tao dun sa school at tinulungan sila." Sagot ni Noah.

"Hmm, pero yung sinasabi ni Calista kanina? Totoo ba hun?" Pagtatanong ulit ni sir Owen.

"Totoo, may mga grupo ng mga armadong lalaki yung sumugod dun sa school at pinagbabaril yung mga taong walang kalaban laban, pinatay rin nila yung kapatid ni Calista at kaibigan ni Rafael." Pagpapaliwanag ni Noah.

"Meron silang subdivision at may mga tao din dun, nagkagulo lahat ng tao dun kaya namatay rin sila." Dugtong ni Noah at napatango naman si sir Owen.

"Patay na silang lahat dun, dahil napakaraming zombie ang nagkalat dun sa subdivision." Sabi ni Kevin.

"May sakit rin na kumakalat na kung saan pag hindi ito naagapan agad ay hindi na ito makokontrol hanggang sa ikaw ay magsuka at magdugo yung ilong tapos magiging zombie ka." Sabi ni Felix.

"Kailangan healthy yung katawan ng isang tao para maiwasan yun, sapat na tulog, kumakain at umiinom ng tubig." Sabi ni Allison.

"Wala pa namang case na ganyan dito, hanggat may nakakain at naiinom na tubig ang mga tao safe sila at safe rin kayo dito." Sabi ni sir Owen.

"Okay, sila na mag aasikaso sainyo, bibigyan kayo ng mga damit, tent para itayo nyo dito sa loob, maghanap na lang kayo ng space kung saan pwede, dito sa pwesto natin ngayon pwede na dito, para may upuan din kayo." Dugtong pa nya.

"Nasa labas lang kami sa military camp, kung may kailangan kayo sakin puntahan nyo lang ako dun at yung ano pala, about sa hinahanap nyo, kausapin nyo na lang si nurse Ella." Pagpapatuloy pa nya.

Umalis na nga sila sir Owen at naiwan na lang dito yung dalawang nurse na babae.

"Hi ako si Ella, kahit wag nyo na akong tawaging nurse Ella, call me Ella na lang." Pagpapakilala nya.

"Ito naman si Michelle." Sabi ni Ella at pinakilala si Michelle.

"Hello." Sabi ni Michelle at nginitian kami.

"Saglit lang ah, kukuha lang kami ng mga damit nyo, kukuhain ko na din yung listahan baka andun yung mga hinahanap, babalik kami agad." Sabi ni Ella.

"Sige salamat." Sabi ko at nginitian naman nya ako.

"Ligtas na tayo dito, kita nyo sa labas, ang daming sundalo at mga pulis." Sabi ni Felix.

"Oo ligtas na tayo." Sabj naman ni Kevin.

"Pero kahit na, kailangan handa pa rin tayo sa pwedeng mangyari." Sabi ni Rafael.

"Tama." Sabi ni Greyson.

"May hinahanap ba kayo lahat dito?" Pagtatanong ni Noah.

"Si Drea, hinahanap yung papa nya, si Cessa hinahanap nya yung parents nya at kuya, sino pa?" Pagtatanong ni Allison.

"Kami, pero checheck lang rin namin, baka kasi andito sila papa at mama." Sabi ni Kevin.

"Titingin din ako sa list, baka andito si lolo." Sabi ni Sylus.

"Check nyo muna yung list para sure kayong andito sila at madali nyo na lang silang mahahanap, tutulong din kaming magtanong tanong sa mga tao para mahanap natin sila agad." Sabi ni Greyson.

Maya maya pa bumalik na sila Ella at Michelle, may kasama silang isang lalaki.

"Hi, ito yung mga damit nyo, mamili na lang kayo, tapos ito yung mga tent na tutulugan nyo, mamaya pagkakain na, pipila lang kayo dun, bibigyan nila kayo ng pagkain at tubig dun, kung ayaw nyo ng lutong pagkain, biscuit or tinapay hingiin nyo." Sabi ni Ella at napatango naman ako.

"Yung banyo naman nasa labas, sa likod ng military camp, may harang naman dun kaya yun, dun lang kayo pumunta if iihi kayo or maglalabas, may tubig dun." Sabi ni Michelle.

"Salamat." Sabi ni Yvonne.

"Salamat sa inyo." Sabi naman ni Allison.

"Ito pala yung list ng mga pangalan, hanapin nyo na lang tapos pag tapos na kayo ibigay nyo na lang kay Kieran." Sabi ni Ella at binigay sakin yung notebook kung saan nakalista yung mga pangalan.

"Ikaw muna Cessa." Sabi ko at binigay yung notebook sa kanya.

Nagsimula naman nang mag hanap si Cessa.

"Ito si Kieran, hindi sya nurse pero tumutulong sya samin dito." Sabi ni Ella.

"Sige iwan muna namin kayo." Sabi ni Ella at umalis na sila ni Michelle.

"Ano, nakita mo ba?" Pagtatanong ko kay Cessa.

"Wait, ito! Ito omg nakita ko!" Sabi ni Cessa at nagtatalon sa tuwa, agad naman nya akong niyakap.

"Nakita ko yung pangalan ni kuya." Sabi ni Cessa at napangiti naman ako.

"Si tita at tito nakita mo ba?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko pa nakikita pero sure akong magkasama sila ngayon, kung andito si kuya sigurado akong andito sila papa at mama." Sabi ni Cessa at niyakap ako ng mahigpit.

Masaya ako para sa kanya.

"Kayo Kevin nakita mo ba?" Pagtatanong ni Allison.

"Wala kay mama." Sabi ni Kevin.

"Sa papa nyo?" Pagtatanong ulit ni Allison.

"Ito, andito sya." Sabi ni Felix.

"Si papa kuya Zayne andito, hahanapin namin sya mamaya ni kuya Felix." Sabi ni Kevin.

"Ikaw naman Sylus oh." Sabi ni Allison at binigay yung notebook kay Sylus.

"Ah kayong mga tapos na at kung wala kayong hahanapin, pakilista naman dito sa isang notebook yung pangalan nyo." Sabi nung Kieran at inabot sakin yung isang notebook.

"Isasama ko din yan mamaya sa mga list ng mga names na andito." Sabi ni Kieran.

Nilista ko na nga yung pangalan ko tapos pagkatapos ko, pinasa ko na sa kanila.

"Ano Sylus, nakita mo?" Pagtatanong ni Allison, tumango naman si Sylus.

"Ikaw Drea, ikaw naman." Sabi ni Allison at binigay sakin yung notebook.

Hindi ako sigurado kung andito si papa pero titignan ko.

Agad ko na ngang hinanap yung surname nya, Valerio.

Pero wala, walang kahit isang may surname na nagsisimula sa V.

"May nakita ka?" Pagtatanong ni Cessa.

"Wala." Sagot ko at isinarado ko na yung notebook.

Nasaan kaya sya ngayon.

Binigay ko naman na yung notebook kay Kieran.

"Tapos na kayo maglista?" Pagtatanong ni Kieran.

"Ah hindi pa, saglit lang." Sabi ni Luke.

"Bilisan mo Rafael." Sabi ni Xavier.

"Wait lang." Sabi naman ni Rafael.

"Rafael?" Pagtatanong ni Kieran kaya napatingin ako sa kanya.

Napatingin din sila kay Kieran.

"Huh?" Si Rafael.

"Hindi mo ko kilala? Ako to si Kieran." Sabi ni Kieran.

"Kieran?" Pagtatanong ni Rafael.

"Magkakilala kayo?" Pagtatanong ni Cessa.

"Ahh mamaya babalikan na lang kita." Sabi ni Kieran at naglakad palayo.

"Kilala mo ba yun Rafael?" Pagtatanong ni Cessa.

"H-hindi." Sagot ni Rafael.

"Kilala ka nga eh, baka naman friends mo sya dati or naging classmate? Hindi ba?" Sabi ni Allison.

"Wala akong maalalang Kieran, bahala na babalik naman daw sya." Sabi ni Rafael.

"Hanapin na muna natin sila dun." Sabi ni Felix.

"Sasama ka ba Drea?" Pagtatanong ni Cessa.

"Ah hindi na, samahan ko muna si Calista hintayin ko na lang muna sya magising at kakausapin ko sya, sige hanapin mo na si uya mo." Sabi ko at nginitian naman ako ni Cessa.

Naglakad na nga sila papalayo, si Zayne, Yvonne, Calista, Rafael, Xavier, Lukae at ako lang ang natira dito.

Namimili ng mga damit si Xavier, Rafael at Luke.

"Hindi mo ba sasamahan sila Kevin at Felix hanapin yung papa nyo?" Pagtatanong ko kay Zayne kaya napatingin sya sakin.

Umiling namn sya, hindi ko na rin tinanong kung anong dahilan, baka naman masabihan akong pakialamera.

"Ito bagay sayo to Xavier." Sabi ni Rafael.

"Patingin nga." Sabi naman ni Xavier.

Si Caleb, kasama sana namin sya ngayon dito.

Haysstt.

Maya maya pa dumating na si Kieran.

"Rafael." Sabi ni Kieran.

Kaya lumapit naman si Rafael sa kanya at lumayo sila ng kaunti samin.

"Sorry pero hindi kita kilala, paano mo ko nakilala?" Pagtatanong ni Rafael, naririnig namin sila dahil di naman sila sobrang layo samin.

"Ako yung classmate mo nung highschool, kaibigan mo ko, di mo ako na aalala, ako to si Kieran... Lumipat ako ng school hindi na ako nakapag paalam sayo nun kasi mabilisan lang rin, sinubukan naman kitang hanapin sa social media pero hindi ko mahanap." Pagpapaliwanag ni Kieran.

*

*

KIERAN'S POV:

Kumunot naman ang noo ni Rafael at tinitignan ng mabuti yung mukha ko, nginitian ko naman sya.

"Ano? Naaalala mo na ko?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ikaw ba talaga yan?" Pagtatanong din sakin ni Rafael.

Tumango naman ako.

"Kasi nung huli tayong nagkita, maliit ka pa nun, mas matangkad pa ako sayo tapos chubby ka, pero ngayon mas matangkad ka pa sakin tapos ang ganda na ng katawan mo." Sabi ni Rafael at napangiti naman ako.

"Kilala mo na ako?" Pagtatanong ko ulit sa kanya.

Tumango naman sya.

"So uhm, ano baka may hinahanap ka? Check natin sa list?" Pagtatanong ko kay Rafael.

"W-wala, wala naman akong hinahanap." Sagot nya.

"Tagal kitang hinanap, dito lang pala tayo magkikita, nawalan na ako ng pag asa dahil sa mga halimaw na yun." Sabi ko at tumawa.

"Hindi naman ako papayag maging katulad nila." Sabi ni Rafael at tumawa.

"Magpalit ka muna ng damit, puro dugo eh." Sabi ko.

"Ah sige, mamaya na lang ulit." Sabi naman ni Rafael.

*

*

RAFAEL'S POV:

Bakit kung makipag usap sya sakin, parang kilalang kilala nya na ako, di naman kami masyadong close dati, tapos sabi nya kaibigan ko sya dati, di ko maalala. Pero na aalala ko ng classmate ko sya, laki ng pinagbago nya.

*

*

DREA'S POV:

"Kilala mo?" Pagtatanong ko kay Rafael nung papalapit na sya sakin.

"Oo, classmate ko dati." Sagot ni Rafael.

"By the way, wala pa ba sila?" Pagtatanong pa ni Rafael.

"Wala pa, si Allison sinamahan si Cessa hanapin yung kuya nya, si Greyson at Derrick naman sinamahan sila Kevin at Felix, si Noah naman sinamahan si Sylus." Sagot ko at napatango na lang si Rafael.

"Mag bibihis muna ako." Sabi ni Rafael at tumango na lang ako.

-

-

-

"Tara maglakad lakad muna." Pag aaya ni Rafael sakin.

"Binabantayan ko pa si Calista eh, hihintayin ko pa syang magising." Sabi ko.

"Ako na mag babantay sa kanya." Sabi ni Yvonne kaya napatingin kami ni Rafael sa kanya.

"Sigurado ka?" Pagtatanong ko.

"Oo." Sagot ni Yvonne at nginitian kami.

"Ikaw Zayne, hindi ka ba sasama?" Pagtatanong ni Rafael.

Umiling naman sya.

"Tara na." Sabi ni Rafael at nagsimula na kaming maglakad.

Nakita ko pang nag aayos ng mga tent sila Xavier at Luke para sa tutulugan namin mamaya, bago kami tuluyang nakalayo sa kanila.

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko kay Rafael.

"Kahit saan." Sagot nya.

Habang naglalakad kami nakakita kami ng batang nagdudugo yung ilong na ikinagulat namin. Kaya agad namin syang nilapitan.

Sa tingin ko 5 or 6 years old na sya.

"Anong nangyari sayo? Nasaan ang mama mo." Pagtatanong ko at nag tinginan na yung ibang mga tao samin.

Agad syang hinawakan ni Rafael sa noo.

"Ang init nya, hahanapin ko lang sila Ella, dito ka lang." Sabi ni Rafael.

"Kilala nyo po ba yung mama nya?" Pagtatanong ko sa mga taong andito.

"Hindi pa namin sya nakikita dito, ngayon lang sya dumating, hindi nyo ba sya kasama?" Pagtatanong nung lalaki.

"Ah hindi po." Sagot ko.

"Ang akala namin kasama nyo sya, kanina pa sya pagala gala dito." Sabi naman nung babae at napatango na lang ako.

"Saan ka galing? Kumain ka na ba?" Pagtatanong ko dun sa bata.

Umiling lang sya.

Sigarado akong galing sya sa labas, pero paano sya nakapasok dito?

*

*

RAFAEL'S POV:

Tumatakbo na nga ako para hanapin sila Ella, pero si Kieran yung nakita ko, may kinakausap syang babae. Kaya naman nilapitan ko agad sila.

Laking gulat ko na lang nang makita ko yung itsura nung babae.

Si Emma.

"Rafael?" Sambit ni Emma sa pangalan ko.

"Magkakilala kayo?" Pagtatanong ni Kieran.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C15
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen