App herunterladen
57.14% The Governor's Green-eyed Slave / Chapter 4: Kapitulo 3 : BAGONG GOBERNADOR

Kapitel 4: Kapitulo 3 : BAGONG GOBERNADOR

ILANG ORAS nanatili si Esmeralda sa piitang iyon. Napasimangot na lang siya ng may mga sundalong lumapit at binuksan ang pinto.

"Nais kang makita ng Gobernador!" sabi ng isang sundalo at siya ay kinalagan. Hindi siya nagsalita dahil sapat na ang ilang oras na ginugol niya sa loob.

Matapos siyang pumasok sa loob ay iniwan narin siya roon. Hinimas-himas niya ang kanyang pulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali. Bumuntonghininga siya ng makita ang gobernadora na nakaupo sa upuan nito na parang walang nangyari.

"A-Ano po ang kailangan ninyo sa akin?" tanong niya.

"Lumapit ka!" sagot ni Greco.

Napansin ni Greco ang mga bakas ng pagkakatali sa kamay ni Esmeralda. Tinago naman ito ni Esmeralda habang papalapit siya sa lalaki.

"H-Hindi ko alam na ganoon ang epekto ng halaman na iyon.. " sabi ni Greco.

Umismid naman si Esmeralda. "W-Wala bang paghingi ng ano? Ano yung?" sabi ni Esmeralda. Inaasahan niyang hihingi ng tawad si Greco sa kanya pero wala siyang narinig dito.

"A-Ano?" sagot ni Greco.

Ilang minutong nabalot ng katahimikan ng makita ni Greco na nakatingin si Esmeralda sa bintana.

"Nais kong gamutin mo ang tiyuhin ko..may nakapagsabing marunong manggamot ang mga taga-San Ferrer?" walang paligoy-ligoy na sabi ni Greco.

Yumuko si Esmeralda at umiling. Wala akong alam sa panggagamot.

Nagulat si Esmeralda ng tumayo si Greco at suntukin niya ang lamesa. Napaatras si Esmeralda dahil sa inasal ni Greco. Nakaramdam siya ng takot na baka kung ano ang gawin sa kanya. Tinakbo niya ang pinto pero nakakandado ito sa labas.

"Pa-Pagbuksan ninyo a-ako!" sabi ni Esmeralda at muli niyang nilingon si Greco. Nagulat siya ng makitang nakaluhod ito sa harap niya.

"Parang-awa mo na. G-Gamutin mo ang tiyuhin ko!" sabi ni Greco.

Parang nanlata ang kanyang tuhod sa nakita. Napaupo siya at napayuko.

"H-Hindi pa nawawala ang tiyuhin mo? Ako nawalan ng tahanan, magulang, kapatid at buong San Ferrer! B-Bakit ninyo hinayaan na mawala ang buong San Ferrer?" sabi niya ng may lungkot sa kanyang tinig.

"H-Hindi ko alam ang nangyari sa San Ferrer… Ang tiyuhin ko ang tunay na Gobernador, dumating ako dito at humalili… pagalingin mo ang tiyuhin ko at babawiin natin ang San Ferrer?" sabi ni Greco.

"Isa ba itong kasunduan? Tingin mo maniniwala pa ako sa iyo?" sabi ni Esmeralda.

Sa isang sigaw at utos lamang ng lalaki ay maaari na siyang pugutan ng ulo. Ano pa ang meron siya para maibigay? Isa nalang at ang buhay niya iyon.

"Pag-Pagalingin mo siya! Maaari kang humiling sa akin ng kahit ano?" sabi ni Greco.

"H-Habang lumalawak ang teritoryo ng Imperyo marami ang naghihirap at nagugutom dahil sa digmaan. Ikinalulungkot ko hindi ako marunong manggamot. Kung nais mong kunin ang buhay ko sayo naman ito hindi ba?" sabi ni Esmeralda.

Nakita niya kung paano umagos ang luha ni Greco at magmakaawa sa harap niya pero wala siyang alam sa panggagamot.

"Makaaalis kana!" sabi ni Greco.

Tumayo siya at muling bumulong sa pinto.

"Palabasin na ninyo ako!" sa muli niyang pagsasalita ay bumukas ang pinto. Hindi niya inaasahan iyon ang nais ng batang gobernador mula sa kanya. Ayon sa mga tao sa piitan ay ilang buwan ng nakaratay ang Gobernador at ang lalaking nakaharap niya ay pansamantala lamang na humalili.

***

Tumayo si Greco at inayos niya ang kanyang sarili bago pa siya makita ni Tyrione sa ganoong posisyon. Manganganib lamang ang buhay ng babae. Bumalik siya sa kanyang lamesa.

"Ano ang una mong gagawin kapag naging emperador ka?" sabi ni Leyon.

"Tiyo? Alam ninyo namang hindi iyan mangyayari dahil ang amang emperador ay mas pipiliin si Rowan," sabi ng batang si Greco. Umiling si Leyon.

"Maaaring si Rowan ang mapili niya pero higit ang iyong talino at galing sa pakikipaglaban sa iyong kapatid. Darating ang panahon at mapagiisipan din niya ang maling desisyong nagawa niya," sabi ni Leyon.

Nang araw na iyon ay ipinatawag si Leyon ng emperador at ipinatapon sa Dulong Probinsya para maging gobernador. Ilang taon ang lumipas at si Greco ay ipinadala sa tanggulan para manguna sa pakikipagdigma sa mga karatig lugar. Ngunit nanatiling malakas at magaling si Greco sa pakikipaglaban. Kaya hindi na siya muli pang pinabalik sa Kapital at parang ipiniit sa mga tanggulan hanggang isang araw ay sinamo siya ng kanyang amain dahil ito ay nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Ito ang tumayong ama para sa kanya.

ILANG araw pa ang lumipas at tulad ng inaasahan ay lumisan na ang gobernador. Nagpadala ng sulat ng pagtatalaga ang imperyo para kay Greco bilang Gobernador. Malayo sa gulo at malayo sa pagiisip na rebelyon laban sa tinalagang-prinsipe.

"Mukhang dito kana magkakaroon ng pamilya, P-Prin este Gobernador!" sabi ni Tyrione.

"W-Wala akong balak na mag-asawa! Hindi magiging madali para sa isang maharlikang babae na tanggapin ang isang prinsepeng walang pangalan at kakayahan," sabi ni Greco habang sinisimsim ang isang basong alak.

" A-Alam ko namang ayaw mo lang lumagay sa tahimik. Sino bang tatanggi sa isang prinsipe na makisig at may magandang mukha.." pangaasar ni Tyrione.

May katotohanan ang sinabi ni Tyrione may magandang mukha si Greco ngunit wala sa isip nito ang babae malayo sa kapatid nitong tagapagmana.

Marami siyang aasikasuhin sa probinsya kasama na ang insidente na nangyari sa San Ferrer at ilan sa mga hindi natapos ni Leyon na trabaho.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen