App herunterladen
78.04% Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 64: Chapter 64

Kapitel 64: Chapter 64

Lumipas ang buong gabing iyon ng mapayapa. Kinabukasan ay masiglang nagising si Milo. Ngayong araw kasi nila napagdesisyonang linisin ang kabundukan di kalayuan sa bayan ng Talusan. Nariyan pa rin naman ang banta ng mga Bangkilan, at batid nilang sa mga oras na ito ay hindi pa nakakarating ang balita sa pinuno ng mga bangkilan ang balita.

"Ang aga mo yatang nagising Milo." Puna ni Mang Isko na noo'y nagsisibak ng kahoy. Naroroon din si Gustavo na siya namang tagabuhat ng malalaking kahoy na pinagtutulungan ng dalawang sibakin.

"Oo nga po eh, tulungan ko na po kayo riyan at nang makarami tayo." Suhestiyon ni Milo na hindi naman tinanggihan ng matanda.

"Maning Gustavo, sasama ka ba mamaya sa lakad namin?" Tanong ni Milo kay Gustavo. Napatingin naman sa kaniya ito at tumango.

"Oo, mas maigi kung sasama ako, para matulungan ko naman kayo sa misyon niyo. Pagtatanaw na rin iyon ng utang na loob sa pagtulong niyo sa pamilya ko. " Nakangiting tugon naman ni Gustavo sa kaniya.

"Ngayon pa lang magpapasalamat na rin ako sa 'yo Manong Gustavo." nakangiting wika ni Milo at mabilis nang tinapos ang pagsisibak nila ng kahoy. Halos limang tumpok din ng kahoy ang kanilang nasibak kaya tuwang-tuwa si Mang Isko. Ayon pa rito, tiyak na aabutin pa iyon ng limang buwan bago maubos.

Matapos maisaayos ang mga kahoy sa imbakan ng matanda ay dumating naman si Liway na may dalang mga tasa ng umuusok na kape. Natuwa naman sila at malugod na tinanggap ito.

"Tamang-tama, salamat Liway." Sambit ni Milo.

"Tinulungan ko lang si Aling Rita na dalahin sa inyo itong tinimpla niya. Kanina pa daw kayo nagsisibak diyan, baka raw pati mga puno sa kabundukan masibak niyo na. Pasok daw muna kayo sa loob para makapag-almusal na." Tugon naman ni Liway. Natawa naman si Mang Isko dahil sa narinig.

"O' siya, mag-almusal na nga tayo." Pag-aaya ni Mang Isko, wala na ngang nagawa ang dalawa kun'di ang sumunod sa matanda at kay Liway.

Pagdating sa loob ay bumungad sa kanila ang masayang tawanan ng mga kababaihan sa kusina. Abala ang mga ito sa paghahanda ng mesa para sa agahan nila. Pritong itlog, tuyong isda na inihaw at pritong talong na halatang kapipitas lang din sa bakuran ni Mang Isko. Simple lamang ang agahan nilang iyon ngunit busog na busog ang kanilang kaluluwa sa kaligayahan at pagmamahalang umaapaw sa kanila. 

Habang kumakain naman si Agnes ay magiliw na kinakalong ni Gustavo ang kanilang anak na si Gino. Humahagikgik pa ito na animo'y nakakaintindi ito sa ginagawa ng kaniyang ama. Maging sina Milo at natatawa rin sa mga ginagawa ni Gustavo. 

Lumipas ang buong araw nila na punong-puno ng kasiyahan, pagsapit nang hapon ay lumabas sila ng bahay ni Mang Isko na seryoso ang kanilang mga mukha. Kaniya-kaniya na din silang bitbit ng kanilang mga sandata habang pinagmamasdan nila ang napakagandang paglubog ng araw.

"Hindi ko alam, pero parang nasasabik na akong makatagpo ang mga nilalang sa pugad nila." nasasabik na wika ni Milo na ikinatawa naman ng mga kasama niya.

"O' bakit? 'Yon talaga ang nararamdaman ko ngayon," kakamot-kamot sa ulong giit ni Milo. Lalo silang nagkatawanan. Masaya nilang binagtas ang daan patungo sa mayabong na kabundukan sa hilaga kung saan di umano'y napapabalitang namumugad ang mga balbal.

Animo'y mga manlalakbay lamang sila na di sadyang napadaan roon dahil sa mga umuugong na kulitan at tawanan nila habang inaakyat ang bundok. Hindi nila alintana ang pagtarik at ang mabatong daan. Sa dinami-rami ng kanilang mga bundok na naakyat ay wala na sa kanila ang mga ganitong paglalakbay.

Saktong lumubog na nang tuluyan ang harng araw nang marating nila ang kasukalan ng kabundukang iyon. May mga sira-sirang kubo silang natatanaw na napapaligiran ng mga talahib at mga patay na punong animo'y kinain na ng salot.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon na magtago, prente silang naglakad patungo sa lugar na tila ba namamasyal lang sila sa isang ordinaryong lugar. Agad na naalarma ang mga nilalang nang makita ang kanilang pagdating. Nagsipag-angilan ang mga ito na animo'y ano man oras ay lalapain na sila ng mga nilalang,

"Naligaw yata kayo, hindi ito pasyalan at lalong hindi ito ang bayan." wika ng isang nilalang na may katandaan na rin. Baluktot ang likod nito habang kulu-kulubot na rin ang balat nito mula sa mukha hanggang sa talampakan nito. Halos buto't- balat na rin ang nilalang na iyon.

"Hindi po kami nalgaw, sadyang tinungo namin ang lugar ninyo para naman kahit papaano ay malaman namin kung paano ba mamuhay ang mga tulad niyong balbal." Wika ni Simon habang napapangisi.

"Gano'n ba?"

Tumawa nang malakas ang nilalang na sinabayan naman ng malalakas na pag-angil ng iba. Animo'y nasisiyahan din ang mga ito dahil sa kanilang pagpunta.

"Hindi kami kumakain ng buhay pero maaari namin kayong pat*yin para may makain kami. Nagkakaubusan na ng mga bangkay at wala na rin kaming makuha kahit sa kabilang bayan dahil sa mga albularyong naglalagay ng orasyon sa mga kabaong at sa lupang pinaglilibingan ng aming pagkain." Saad ng nilalang habang tila kinukutkot nito ang kaniyang nangingitim na ngipin gamit ang matutulis at marumi nitong kuko.

"May pamilya ang mga bangkay na kinakain niyo, isang kalapastanganan ang gambalain ang mga yumao para lang maibsan ang gutom niyo. Nandito kami para wakasan na ang sumpang iyan na habang buhay nang nakakapit sa inyong pagkatao. Hayaan niyon bigyan namin kayo ng mapayapang wakas." Wika ni Milo ngunit sa halip na matuwa ay lalo lamang lumakas ang pag-angil ng mga ito.

"Mukhang wala ring silbi ang makipag-usap sa kanila. Sa tingin ko ay mas maigi pa kung simulan na natin ang laban." Suhestiyon ni Maya na sinang-ayunan naman ni Gustavo.

Nagpalit na ng anyo si Gustavo na lubha namang ikinagulat ng mga balbal.

"Isang Bangkilan. Anong ginagawa ng isang mataas na uri ng aswang dito?" Gulat na tanong ng nilalang at napangisi lamang si Gustavo.

"Narito ako para wakasan ang masalimuot niyong buhay." Pagkawika ni Gustavo ay walang pag-aatubili niyang sinunggaban nag balbal na malapit sa kaniya. Iyon na din ang naging hudyat ng pagsisimula ng laban sa pagitan ng grupo ni Milo at mga balbal. Kung para sa ibang aswang na nakalabna nila ay higit na mas mahihina ang mga balbal, kung kaya't hindi sila nahirapang malipol ang mga ito.

Humigit-kumulang isang oras lamang ang itinagal ng kanilang laban at kasama na roon ang pagsunog sa mga bangkay na naiwan at mga kubong nakatirik doon. Malalim na ang gabi nang makabalik sila sa bahay ni Mang Isko.

"Kamusta ang lakad niyo?" Agap na tanong ni Mang Isko pagbungad nito sa harap ng pintuan.

"Tagumpay po ang misyon naming linisin nag gubat. Hindi niyo na alalahanin ang mga balbal sa tuwing may lamay sa bayan. " Nakangiting tugon ni Maya.

"At napabilis din ang paggapi sa kanila dahil nariyan si Manong Gustavo at si Maya." Nakangiting wika naman ni Milo.

"Tama, sayang lang at hindi nakasama kanina si Liway, kamusta naman kayo rito, wala naman bang nagparamdam na mga aswang sa paligid Mang Isko?" Wika at tanong ni Maya.

"Maayos naman, walang nagparamdam na mga aswang o tagamasid. Nagpakalat na rin ako ng mga tagamasid ko sa bukana at sa ibang baryo na maaaring madaan patungo rito. May iilan na rin akong inilagay na sa mga kabundukan at kabundukan na maaari nilnag madaanan. " Wika ni Liway at doon lang nila napansin nag hawak nitong dahon na animo'y isang maliit na anahaw.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C64
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen