App herunterladen
45.45% this is how you fall in love (GL) [FILIPINO] / Chapter 9: Chapter 9 - Tipo

Kapitel 9: Chapter 9 - Tipo

"Let's go have some fun!"

Sabi ni Chloe habang patalon-talon ito sa tuwa. Napatingin ako sa paligid. Puno ng liwanag galing sa yellow lights na nakapalibit sa mga puno. Iyon ang nagsisilbing liwanag sa dinadaanan namin.

Pababa kami dahil doon sa baba ang entrance ng Kiel Beach Resort. Sabi ni Clint nung tinanong ko siya si Kiel daw ang may-ari nito. Ex daw ni Chloe pero friends na lang daw sila.

Pagkarating namin sa entrance, sinalubong kami ni Kiel. Ang gwapo din pala nito. Nakibeso din ako at tinitigan ako ni Chloe.

'Taken na yan.' she mouthed.

'Taken sayo' tukso ko sa kanya. Napanguso ito at pinalo niya si Clint sa likod. Napa-aray si Clint sa ginawa ni Chloe. Hinila tuloy ni Chloe si Clint at naiwan kami ni Jacey.

Nakasalubong akong waiter na may dalang wine at kinuha ko ito sabay bigay kay Jacey na umiling ito. First time humindi sa wine ha?

"I'm not going to drink. Diba driver ako ngayon?" sabi niya sa akin.

Sabi ko at pansin kong patingin ito sa mga dumadating na babae.

"Si Megan ba hinahanap mo?" sabi ko sabay tungga ko ng wine. Parang gusto ko pa ng isa.

"Y-yes. I think Chloe invited her." sabi niya.

"Wala ka ba kakilala dito at si Megan lang ang hinahanap mo palagi?" seryosong tanong ko sa kanya.

"I have only two sina Clint at Chloe pero they enough for me. I don't need many friends." sabi niya.

Sabagay. Workaholic din pala nito. Office, Bahay at Bar lang ang pinupuntahan niya. Wala siyang social life katulad ni Chloe na puro meeting new friends inaatupag palagi.

"Try to meet someone." sabi ko at sabay kuha ng white wine sa waiter.

"Meron na kong na-meet." bulong niya sa tenga ko at pagkatapos naestatwa ako

Umasa ako na ako yung tinutukoy niya kaya yung puso ko na naman. Hindi kumakalma. Pero napalingon ako dahil may pinuntahan siya kaya sinunod ko ang tingin sa kanya.

"Christine!" tawag ni Jacey sa kanya at ang pretty niya kumpara kay Megan.

They hold each other hand. Siya ba ang tinutukoy niya?

At biglang nawala na sila sa paningin ko dahil dumami ang tao.

Mag-isa na naman ako.

"Hi Miss!" sabi sa akin ng isang lalaki na gold na na necklace na black shirt ito.

"Hi." habang busy ako hanapin si Jacey.

"I'll order your drink." Nagorder siya sa waiter ng Vodka, "Devil's Springs." pero nung sinerve pa lang ng waiter may nagtapon ng drink.

"What the f*ck! We're just getting started." bwiset na bwiset ang lalaki na hindi pa nagpapakilala sa akin.

Si Chloe ang nagtapon at hinila niya ako.

Pagkatapos niya ko hilahin, "Huwag kang makikiinom sa mga lalaki. Basta kasama mo palagi si Jacey. Binigay pa naman sayo yung matapang na alcohol. Tsk! One of the strongest drinks he offered to you, kaya? So be careful here in our party. Okay? Maraming nakisali lang dito pero hindi naman invited." sabi niya sa kanya at tumango-tango lang ako sa kanya pero hindi ko masyado pinapakinggan mga sinasabi niya dahil sobrang lakas ng music ni dj.

Lalo na nakafocus ako sa paghahanap kay Jacey.

Nasan na ba kasi siya?

"Saan ba si Jacey? Hindi ba magkasama kayo?" pagtataka ni Chloe.

"'Yon nga. Hindi ko siya makita no'ng nameet niya si Christine." sabi ko sa kanya at nagulat siya.

"Hanapin ko. Nakita mo yung may bonfire sa ibana doon ka muna magstay habang hinahanap ko si Jacey." sabay iwan sa akin sa kaligitnaan ng dance floor.

Pumunta na lang ako sa bonfire at nagpapainit ng kamay.

"Scarlet..." napalingon ako at kita kong hingal na hingal si Jacey, "Kanina pa kita hinahanap. Hindi kita makita doon sa lounge." ngumiti ako ng peke sa kanya.

"Doon ka na sa Christine mo." mahinang sabi ko. Nagtatampo ako ngayon sa kanya at tumabi siya sa akin habang busy ako magsulat sa buhangin.

"She's my friend." pagkukumpirma niya at nakabusangot ako.

Akala ko ba si Chloe at Clint lang friend niya? Sinungaling.

"Doon ka na rin kay Megan." seryosong sabi ko sa kanya at tumingin ako sa kanya hindi ko alam na ang lapit ng mukha niya sa akin.

Mga mata namin nagtama at napansin ko yung bibig niya medyo basa ito. Shet! Gumising ka, Scarlet.

"Lalaki ba talaga ang hanap mo?" mahina niyang tanong sa akin kahit ang lapit ng mukha naming dalawa.

Nagising ako sa katoohanan at umiling ako, "Oo." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang noo niya ng dalawang daliri ko para ilayo ang mukha niya sa akin.

"Ang ganda pala ng mata mo." sabi niya at napatingin ako sa kanya kaya lang umiwas siya ng tingin. Biglang hindi kumalma puso ko don sa sinabi niya.

Napansin niya rin na nagsisidamihan na rin ang tao dito sa bonfire kaya umayos kami. Lumayo ako kaunti sa kanya para hindi kami pagkamalan na 'kami' talaga. Medyo mahangin pala dito kaya gininaw ako. Pero nagulat ako na hinubad ang coat niya para ilagay sa akin sa balikat ko.

Ang sweet niya naman.

May mga tao naghahanap kay Chloe dahil daw sabi ng katabi namin ni Jacey na pinapapunta daw kami dito. May pakulo daw siyang gagawin sa amin kaya nandito ang mga tao lahat.

Bigla ko napansin si Megan. Dala niya ang fiancé niya kaya napatingin ako kay Megan na nakasunod ang tingin sa kanya.

Nakakairita. Kanina lang sa akin siya nakafocus pero panandalian lang pala.

"Hanggang kailan ka titigil sa pagtitig sa kanya?" iritang sabi ko sa kanya at nagtaka siya sa sinabi ko.

"I'm sorry. I just can't stop looking at her." sabi niya at hinawakan ko ang baba niya para tumingin siya sa akin.

Sa akin ka lang tumingin. Nakakainis ka.

Sa bawat pagtama ng tingin namin sa isa't isa, hinahawi ko yung naangat na buhok. Nakakasira kasi sa hairstyle niya.

"Inayos ko lang..." at nagising ako sa katotohanan na nandito pala kami na nakapaligid sa gitna ng bonfire.

Tumingin ako kay Megan na umiwas siya ng tingin sa amin. Siguro nakita niya ginawa ko kay Jacey.

"Okay, Guys! Eyes on me!" sigaw ni Chloe para kuhain ang atensyon naming lahat sa kanya habang nakahawak ang lalaking may abs sa bewang niya. May nahunting na naman ang mother niyong si Chloe, "We have a friend na malapit na ikakasal kaya please i-congrats niyo sila dahil invited tayo sa kasal nila." sabi niya sabay nag-alok ng cheers kina Megan at sa Fiance niya.

Tatayo sana si Jacey pero hinila ko siya para umupo.

'"Dito ka lang." sabi ko sa kanya at wala siyang choice kundi manatili siya sa tabi ko. 

"By the way, ano gusto niyo pakulo ko ngayon pwera sa spin the bottle or Truth of Dare." she's asking for the crowd.

May nagtaas ng kamay at sinabing 'Never Have I Ever' but with a twist daw. Mukhang gusto ko tong game na to.

"Okay. Sabi sa akin ni Christine. Lahat dito magsasalita ng Never Have I Ever. So you have to think carefully kung sino mapapaamin mo sa Never Have I Ever. Kung Oo sasagot? Iinom siya kasi nakaexperience siya. Kung hindi naman, hindi siya iinom." sabi ni Chloe, "Sasama ako para mas masaya."

Let's start with Harvey!"

"Never Have I Ever pee on my pants." nagtawanan kami at binibiro ng mga boys si Chloe na uminom daw siya. Pikon na pikon siya ngayon.

Dahil walang aamin, walang uminom at the end of the time. Eh kasi naman ayusin kasi yung laro para masaya.

"Next." seryoso tuloy si Chloe.

Si Kiel ang sunod.

"Never have I ever said I love you and not meant it."

Alam kong gusto mapaamin ni Kiel si Chloe tungkol dito. Napansin namain hindi uminom si Chloe. Siguro halos lahat hindi uminom.

"Wala ba dyan mas spicier at hotter like abs ni Harvey." nagtawanan ang iba at nagsimulang mag-isip sila.

May tumaas ng kamay. Si Megan.

"Okay. Sige, Meg. Ikaw na."

"Never have I ever kissed someone you never thought you ever would?" sabi ni Megan at natawa ako kaya tinaasan ako ng kilay niya.

Wala kang alam.

Ang uminom pala ay kami ni Jacey, Gio, Druo (fiance ni Megan), Clint at Chloe. Yung mga kilala ko lang ang uminom. Yung iba nakikinood lang kasi. Tumingin ako kay Jacey na no choice na iinom ito at nakipag cheers pa sa akin ang loko.

Napailing na lang ako at tinatawanan na lang namin ni Jacey kung ano nangyari sa amin dati.

Si Clint naman nagtaas ng kamay.

"Clint, your next." sabi ni Chloe habang nakasandal siya sa balikat ni Harvey.

"Never have I ever fallen in love with someone who's in love with someone else." sabi niya at uminom agad siya.

Napatungga ng alak si Clint at inalok niya ako ng alak.

'Sa akin pa talaga?' - I mouthed.

'Sinusuportahan lang kita' Clint mouthed at me.

Uminom din ako.

"Dahan-dahan lang, Scarlet." concern na sabi ni Jacey pero nag-'shh!' ako.

Nakaramdam ako ng tama sa alak kaya napatayo ako para mahimasmasan. May humawak sa kamay ko at napatingin ako kung sino.

"Bakit?" habang nakatingin ako sa pagkahawak ng kamay.

"Sorry." nagulat din siya sa nagawa niya kaya hindi na niya hinawakan ang kamay ko, "Saan ka pupunta?"

"Dyan lang..." sabi ko sa kanya at umalis.

Pakiramdam ko sa bawat lakad ko may sumusunod sa akin at napalingon ako.

"Bakit mo ko sinusundan?" muntik na kong matumba buti na lang agad-agad akong inalalayan ni Jacey.

"You're drunk." sabi niya at may nilatag siyang handkerchief at umupo ako.

"Hindi ba mas gusto mo makita si Megan, bakit nandito ka?" curious kong tanong sa kanya at huminga siya ng malalim.

"I want to stay with you rather than makita ko si Megan may kasamang iba." napangiti ako sa sinabi niya.

Kinilig na naman ako. 

"Sana manatili kang ganyan." sandali lang ako tumingin sa kanya. 

"What do you mean?"

"I mean, gusto kong ganyan ka na mas gusto mo na may kasamang iba kaysa ipagsiksikan mo yung sarili mo sa kanya." sabi ko sa kanya.

"Kasama? Ikaw?" nakatingin lang siya sa umaalon na dagat.

"Oo." sambit ko.

"Gaano na ba ako katanga sa kanya?" natawa ako. 

"Kung ire-rate ko yung katangahan mo? 10 over 10." hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at tinawanan ko siya, "Huwag mo ko i-judge. I'm trying to be honest." niyakap ko ang mga binti ko at ngumiti sa kanya.

Ginulo niya ang buhok ko at nabanas na naman ako. Inayos ko agad yung buhok ko na ginulo niya.

"I like the way you fix your hair." 

"Bakit magpapatayo ka ba ng salon para sa akin?" biro ko sa kanya at nanliit ang kanyang mata na nakatingin pa rin siya sa akin.

"What?!" hindi makapaniwalang reaksyon niya.

"Pinuri mo kasi ako so pwede na ba ako magsalon?" tukso ko sa kanya at dinedma niya na lang ako.

Kanina pa siya nagsasabi sa akin na 'ang ganda pala ng mata mo.' tapos ngayon may pasabi na ang ' i like the way you fix your hair'. Kikiligin sana ako kaso masyado siya pa-fall kaya biniro ko na lang.

Kailangan ko maging dahan-dahan sa pag-ibig. Ayoko pabara-bara magdesisyon. Basta masaya ako na ganito kami kahit hindi pa siya nakakamove-on. Malaya naman akong gustuhin siya diba?

Pagkatapos ng outing namin sa resort. Nakauwi naman kami ng kinaumagahan at back to the reality na kami. Ako ulit nagdadrive before at after pumasok si Jacey.

 Pero dahil doon naging mas close kaming dalawa.

"Aling Tena!" masayang tawag ko sa kanya.

Asawa pala ni Mang Isidro na nagalok sa akin ng trabaho. Ilang araw na kami hindi nagkikita ni Aling Tena tuwing umaga. Dito kasi ako nag-uumagahan no'ng mga araw na . Masarap umagahan niya at dito pinakamasarap ang tapsilog at bacon niya. Pramis!

"Dalawang take out po, Aling Tena." mga tingin niya na nagtataka dahil dalawang takeout.

"Kanino yung isa?" tanong niya sa akin.

"Ah.. e, Sa ka-work ko po. " palusot kong sabi dahil nandito ang mga chismosa.

Habang naghihintay sa order, napansin kong papalapit si Francis kaya umiwas ako ng tingin. Naalala ko na naman ang gabi na muntikan na makuha ang mga gamit sa bahay namin.

"Balikan ko lang, Aling Tena."

Hindi ko siya kayang harapin kaya naman umalis ako sa kinauupuan ko.

Ano na naman sasabihin niya? Puro kasinungalingan lang sasabihin niya. Akala ko marami siyang pera para pautangin ako ngunit nangutang din siya sa usurero o loan shark.

Hinatak niya ang braso ko, "Ano ba?!" galit kong sabi sa kanya

"Pwede ba ako magpaliwanag?" kita kong hingal na hingal siya at pinatapos ko siya. At lalo na pakinggan ang mga kasinungalingan niya.

"Gusto ko lang makatulong kaya nagawa ko mangutang. Ayaw kita nahihirapan sa problema mo." natawa na lang ako.

"Ang kinaiinisan ko lang bakit ka nangutang hindi mo sinasabi sa akin? Alam mo naman kung paano sila nakaka-agrabyado ng buhay namin dati noong buhay pa si itay. Kaya pilit kong tinataguyod ang pamilya ko basta huwag lang mangutang sa katulad nila." mariin kong sabi sa kanya.

"Pasensya na. Kalahating milyon lang naman nautang ko." hinawakan niya ang braso ko pero umiwas ako.

"Pasalamat ka may sumalo sa problema ko." sabi ko sabay alis papunta ulit kina Aling Tena.

Kinuha ko yung order ko kay Aling Tena at hindi ko nalimutan na magpasalamat sa kanya.

Panira ng araw si Francis pero kailangan kong alisin ang pagkabadtrip ko kaya nagdrive na ako papunta sa office ni Jacey. Alam kong siya lang makakawala ng inis ko ngayon.

Ilang sandali lang, nakapagpark ako at pumunta sa 27th floor (office in Jacey). Nakasakay ako sa elevator at pinauna ko yung mga empleyado sa pagpasok.

Madami chismis na nahagilap ko dito sa company ni Jacey. Pero in fairness, maganda feedback sa pagjudge kay Winry ayon sa mga empleyado. Hinayaan siguro ni Jacey na maging malaya ito sa kung ano gawin niya. Narinig ko yung pagtunog ng elevator na nandito na ko sa 27th floor kaya lumabas agad ako. Sinalubong ko si Jacey ng masayang ngiti at ngumiti siya sa akin.

"Hindi mo na kailangan pang dalhan ako ng pagkain." sabi niya at tumayo siya.

Nakipagbesuhan siya sa akin at pinaupo niya ako sa sofa. Nilabas ko yung bacsilog at tapsilog sa plastic.

"Masarap yung tapsilog." suggestion ko sa kanya kaya kinuha niya para sa kanya at ako naman kinuha ko yung bacsilog which is favorite ko rin naman ito.

"Ikaw nagluto?" tanong niya.

"Hindi. Sa kakilala ko, may nagluluto ng tapsilog." sabi ko, "Kain na. Mamaya na 'yan. Hindi nakakapaghintay ang pagkain." alok ko sa kanya.

Kumain naman kami at naisip ko tuloy si Winry.

"Oo nga pala balita ko maganda performance ni Winry." share ko lang.

Uminom agad siya ng tubig baka mabulunan siya, "Yeah, you're right. I just took your advice kaya maganda yung resulta ng performance. Thank you so much." masayang sabi niya sa akin, "Look she's one of a top artist for the whole week." sabi niya sabay bigay sa akin ng ipad niya sa akin.

Kinuha ko yung ipad at tiningnan ko at pinakinggan ko yung music ni Winry. Medyo ang chill na pop yung music niya. Magiging famous siya for sure.

"I'm so proud of her." nagulat akong umiwas ang kamay niya.

Nahawakan ko ba kamay niya? Shet!

"Sorry! Na-carried away lang." sabi ko agad sa kanya.

"It's okay." napasapo ako ng ulo ko dahil sa nagawa ko. Masyado tuloy akong tsansing sa crush ko.

"Do you wanna stay for a little longer? I'll show you around here." alok niya at umiling ako.

"May lakad ako mamaya. Puntahan ko si inay mamaya." sabi ko sa kanya, "Pero thank you sa offer. Kahit next time na lang." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Samahan kita?" alok niya sa sa akin.

Ha? First time ko lang marinig mula sa kanya. Kikiligin na ba ako? Nahiya tuloy ako.

"Wag na. Kaya ko naman mag-isa."

"I'll drive you." alok niya at nahiya lalo ako tuloy dahil nag-insist siya na ipagdrive ko siya.

"Sige. Ikaw bahala." sabi ko na lang kahit gusto ko pa siyang kasama ng matagal.

After namin kumain, dumeretso kami sa parking lot at siya talaga naginsist magdrive kaya hinayaan ko na siya.

"Where are we going?" sinet ko yung ruta sa hospital na kung saan naka confine si inay.

"Are we going to hospital?" napahinto ang kotse kaya nagtaka ako kay Jacey. Kita ko kung paano natulala siya pero bumalik siya at pinaandar niya ang kotse ulit. Huminto lang kanina lang.

May naalala ba siya?

"Yes. Nasagasaan kasi si inay kaya ilang taon na nakacoma pa rin sa hospital." sabi ko sa kanya at napapansin kong pawis na pawis si Jacey at napahawak ito sa sintindo.

"Okay ka lang ba? Pawis na pawis ka pero ang lamig naman ng aircon ng kotse mo." sabi ko sa kanya at umiling lang siya, "Ako na lang kaya magdrive?" suggestion ko.

"Itabi mo."

Tinabi naman niya at nakahinga siya ng maluwag.

Ano ba nangyayari sa kanya?

Nagpalit kami ng pwesto at nagdrive na ako. Kita ko kung paano niya hinihilot ang sentido niya.

"Gusto mo ba huwag ka na lang sumama? Ihatid kita na lang sa bahay mo?" sabi ko sa kanya at umiling siya.

"Wala 'to. Kaya ko pa naman." sabi niya at kita kong huminga siya ng malalim na nakatingin lang ito sa bintana.

"Pagdating sa hospital, papacheck up kita." sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang braso ko.

"Im okay. Pagod lang ito buti na lang tapos ko na rin gawain ko sa office." sabi niya sa akin, "Just let me take a rest na kasama ka." napangiti ako sikreto dahil sa sobrang kilig ng pagkasabi niya.

Bakit ang pafall nitong babaeng to? Hustisya po! Natameme na naman ako dahil sa sinabi niya. Nakakainis.

Pagkarating namin sa hospital, dumeretso kami sa room kung saan naka-coma si inay.

Bumungad si Kevin sa akin at sinulubong ako ng yakap at beso. Napasigaw siya dahil nandito si Jacey.

"OMG! Justine Clair Erevalo? CEO ng CLOUDD?" tumango naman si Jacey at niyakap ito pero kinuha ko yung braso niya dahil nakakahiya sa kanya ganito kapatid ko.

"May gu-" tinakpan ko yung bibig para tumigil.

Pumiglas si Kevin, "Ano ba ate? Gusto ko lang magpa-autograph."

"Pwede magpa-autograph?" sabi ng kapatid ko at natawa ito sa kapatid ko na may dalang papel at ballpen.

"Sure." pinirmahan niya ito.

Nakaramdam ako ng pag-ihi.

"Magccr lang ako ha?" pagpaalam ko, " Kevin, i-zip mo yung mouth mo." sabi ko sa kanya at umakto na nakazip ang mouth nito.

Lumabas ako ng room at nasa labas kasi ang cr kaya pumunta agad ako. Ihing-ihi na ko. Pagkatapos, dumeretso agad ako sa room pero dahan-dahan lang. Gusto ko marinig pinag-usapan nila.

"Lalaki ba tipo ng ate mo?" tanong ni Jacey.

Huwag mo talagang sabihin, Kevin. Please lang. Masisira plano ko.

"Alam ko hindi na. Alam kong babae gusto niya. May natitipuhan siya." napasapo ako sa ulo ko dahil hindi ako umaamin kahit kay Jacey pa. Kahit sino at pangalawa lang si Jacey.

Tinext ko si Kevin na tumahimik siya pero hindi niya tinitingnan ang phone niya.

"Yung amo—" pumasok na ko"—oy. Ang baho ata dito. Kailangan ko linisin." nagpapanggap na naglilinis. Binatukan ko ito. 

Kung anu-ano sinasabi nito kay Jacey.

Baka kung ano pa sabihin pa niya. At malalagot sa akin ang kapatid ko ngayon.

Kinurot ko sa tagilirin si Kevin at sinamaan ng tingin.

"Akala ko tipo ni Scarlet. Lalaki." pagkukumpirma niya.

"Oo naman..." 

"Pero babae pala."

Napakamot ako sa ulo.

"Babae nga." hindi ko sinasadyang sabihin yon sa kanya.

Napa-amin ako bigla.


AUTORENGEDANKEN
leavamarie leavamarie

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen