"APOCALYPSE PART 1"
ANG NAKARAAN...
"Hindiiiiii!!!!" Isang malakas na Sigaw ang pinakawalan ni Sam at dahil dun nagsiliparan ang mga kawal sa ibat-ibang bahagi. Dahil din dun agad nag kumpas ng kamay si Aira at nag usal ng isang salita..
ANG KARUGTUNG...
Tuluyan nang nagbukas ang lagusan ng Jamais papunta sa mundo ng mga tao. Kasabay din nun ay ang panghihina ni Jenna.
"Hindi! Hindi! Ate Jenna! Lumaban ka!" Sabi ni Tyler.
Habang abala ang lahat, ay nagkaroon ng pagkakataon sina Jake, Theo, Ian at Chad.
"Naloko na!" Sabi ni Ian.
Nagbabago ang mukha ni Jenna, bumabalik ito sa anyo ni Prinsesa Selena ng Aera.
"Jenna nararamdaman Kung nanghihina na ang iyong Dunggan. Anong nangyayari?" Sabi ni Selena.
Dunggan, means kalukuwa.
"Hindi na ako magtatagal, Kelangan ninyong pigilan si Sitan." Sabi ni Jenna habang papalit-palit ang mukha nila ni Selena.
"Alam ko namang hindi magandang Idea ang plano mong pagsanib sa katawan ng Prinsesa. " Sabi ni Katalina.
"Sandali wag na kayong mag away. Kung sa mga oras na ito ay nasa mundo ng mga tao si Hex. Susundan natin sila doon. Minsan na natin silang natalo. At matatalo din natin sila ngayon." Sabi ni Tyler.
"Sang-ayon ako kay Tyler." Sabi ni Jake.
"Kung ano man ang plano ninyo sasama ako!" Sabi ni Selena.
"Nasaan na ang Dunggan ni Jenna?" Tanong ni Katalina.
"Nasa katawan ko pa din sya pero di maganda ito. Nanghihina sya. Hindi ko alam hanggang kelan ang mahikang inilagay ko." Sabi ni Selena.
Samantala sina Aira naman ay natigilan sa kanyang ginagawang pag usal ng dasal ng biglang may isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang batok.
"Aira! " Sigaw ni Liam.
Nang lingunin nila, nakita nila na nawasak na ang kalasag na ginawa ni Liam.
"Hindi nyo ba naalala may kakayahan ang bracelet nato na maka tagos sa mga mahihiwagang Kalasag? Hindi lang niya kayang sangga-in mga atake ninyo. Kaya ko din kayong patayin gamit ng palaso ko!" Sabi ni Samantha.
Sabay itinutok ang isang pana na may gintong palaso.
Tumayo si Xavier at tangkang labanan nya ang babae ngunit pinigilan sya ni Samuel.
"Wag kayong mangingialam! Laban namin ito!" Sabi ni Samuel at agad nagbago ang kanyang anyo.
Suot nya ang pinaghalong kasoutang pandigma na nanggaling sa apat na kaharian.
"Hindi ito maganda! Nasa sukdulan na ang kapangyarihan ni Samuel. Kung hindi sya kakalma. Kaya ng kanyang galit ang sumira ng isang buong demensyon."sabi ni Aira.
"Oh? New fashion trend? But ang baduy?" Asar ni Samantha sakanya.
Ngumiti lang si Samuel at sabay sabing...
"Hestia laperda!" Isang malakas na lindol ang yumanig muli sa Jamais. At isang mala lava ang pumalibot sa kina tatayuan ni Samantha.
"Super easy?" Ginamitan ni Samantha ng biglang hindi sya makagalaw.
Ningitian sya ni Samuel at nag usal ng ikalawang salita.
"Aera Serra!" Isang malaking ipo-ipo ang nagsilabasan sa ibat ibang bahagi ng Jamais.
Ngunit ang isang pinakamalaking ipo ipo ay papunta kay Samantha.
Sinubukan ni Samantha ang sirain ang mahiwagang harang na nakapalibot sa kanya.
Pang huling ginawa ni Samuel,
Itinaas nya ang kanyang mga kamay at agad nagsi liparan ang malalaking ugat papunta kay Samantha.
Ngunit biglang may sumigaw sa kanilang likuran.
"Pigilan ninyo sya! Hindi pwdeng isang tao lang ang gumawa ng mga pag gamit sa apat na elemento. Dahil ang panghuling elemento ang dapat nag bibigay balanse sa apat. Kayong lima ang itinakda na gumawa ng pagliligtas sa ating tahanan. May dahilan si Jenna Kung bakit kayo! Ang pinili nya!" Sabi ni Selena.
Si Xavier naman ay nag usal ng mga mahiwagang salita sa libro ng kanyang ina.
Niyakap nina Aira, at Liam si Samuel upang magbalik sa dating ulirat.
"Mag iingat kayo. Sumunod kayo agad sa mundo ng mga tao!" Sabi ni Selena kasabay nun ay naglaho nalang ito agad.
"Ito Alam ko na.. kelangan ko lang banggitin ng tama!" Sabi ni Xavier.
"Bilisan mo na Xavier..." Sabi ni Liam. Habang patuloy pa din na nakayakap kay Samuel.
Nang banggitin iyon ni Xavier ay agad nag bago ang kulay ng buhok ni Samantha.
"Hiiiinnnddddiiiii!!! Hindi ninyo ako mapapaalis!" Sabi ng maitim na usok.
Ilang sandali pa ay nawala na ng tuluyan ang maitim na usok at nag balik na sa dating anyo si Samantha.
Ngunit Hindi nila alam ay naka abang lang si Via sakanya.
"Tandaan mo Via, gagawin nila ang lahat upang mabuo ang kelangan ko. Ang Susi ay ang Prinsesa Samantha. " Sabi ni hex sa kanya.
Dinukot niya ang dibdib ni Samantha at walang ka hirap hirap isang kulay gintong susi ang kanyang nakuha.
"Salamat sis! Ito na nga ang plano ng panginoong Hex. " Sabi ni Via.
Nagbalik na sa dati si Samuel. Agad niyang pinuntahan ang walang buhay na nobyo na si Joshua.
"Joshua? Gumising ka naman uh!" Sabi nya sabay alog dito.
"Sam? May paraan pa!"Sabi ni Samantha.
"Ano?" tanong ni Samuel.
Ngumiti lang ito sabay sabing...
"Tandaan mo nasa puso mo lang ako. " Ngiting sabi ni Samantha.
Hinubad nya ang bracelet at pana saka inilapag ito katabi ni Samuel.
Hinawakan niya ang katawan ni Joshua. Ng biglang umilaw ng sobrang lakas. Halos hindi na makita ang mga nandoon.
"Sa isang iglap ay nagising si Joshua ng walang natamong sugat o pasa.
"Anong nangyari?" Tanong ni Joshua.
Samantala sa mundo ng mga tao...
Nagkita na ang dalawang anak ni Sitan.
Naka plano na kung papano nila maipalalabas si ama.
"Hindi Kami papayag!" Sigaw ni Tyler
"Mga asungot!" Sigaw ni Hex.
"Kelangan ko ng oras.. paglaruan mo muna sila Alpeydous..."sabi ni Hex.
Itutuloy....