App herunterladen
12.76% THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 6: EPISODE 6

Kapitel 6: EPISODE 6

"BAGONG MISYON!"

Sa Jamais, Kung saan mahimbing nang natutulog si Selena nang magising sya dahil sa isang ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kubol.

Nagmamadali namang pumasok ang kanyang tapat na dama na si Georgia.

"Georgia anong nangyayari?" Tanong nya.

"Mahal na Prinsesa sumalakay ang mga kawal ni Hex sa kuta. Hinahanap ka ng kanyang tapat na kawal na si~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Georgia agad tumayo si Selena at agad nagtungo sa labas upang harapin si...

"Heneral Zandro? May kasunduan tayo ng iyong panginoon! Na walang masasaktan na nino man saaming mga Jamaisan. Lalo na sa apat na Kaharian! Hindi mo ba nakikita ang kalagayan namin? Wala na kaming mga kapangyarihan! Kalunos-lunos na ang kalagayan ng aking mga sinasakupan!" Galit na Sabi ni Selena.

"Alam ko Prinsesa! Nais ko sanang makausap ka ng tayong dalawa Lang! Tungkol ito sa kasunduan ng apat na kaharian." Sabi ni Zandro.

Tinitigan ni Selena si Zandro at nakita nya na mukhang may importanteng sasabihin ang tapat na heneral ni Hex.

"Sumunod ka saakin!" Sabi ni Selena at agad naglakad si Selena papalayo sa kanyang mga kasama.

Pinigilan sya ni Georgia ngunit.

"Mahal na Prinsesa!"

"Magtiwala ka Georgia. Bantayan mo ang mga kasama natin!" Sambit ni Selena.

At tuluyan na silang naglakad papalayo kasama si Zandro.

Samantala opisyal ng pinaalam ni Joshua sa kanyang mga kasama na sila na ni Sam.

"Alam ko Josh! Hindi mo maitatago saakin ang lahat!" Sabi ni Aira habang hawak ang tasa ng kape.

Si Xavier naman ay walang imik at kumakain lang.

"Hindi mo ba ako babatiin Bro?" Tapik ni Joshua kay Xavier.

itinaas ni Xavier ang kanyang ulo at tiningnan si Xavier sabay sabing.

"Ah edi ayus!"

Tinitigan ni Aira si Xavier.

"Aira! Itigil mo yang pagbabasa sa isip ng may isip!" Sabi ni Xavier sabay tapon kay Aira ng Dyaryo sa mukha.

Ilang sandali pa ay dumating na sina Liam at Sam.

"Guess what guys? He teaches me how to be maarte like duh?? Bagay ba??" Sabi ni Liam.

Tawang tawa naman si Sam.

"Modern Prince kana Liam." Sabi ni Sam habang tumatawa.

Lumapit si Joshua sakanya at hinawakan ang kamay sabay halik sa mga labi nya.

"Josh ano ba! Nakakahiya kay insan!" Sabi ni Sam habang namumula ang pisngi.

Bigla namang tumayo si Xavier at nagpaalam sakanila.

"Busog nako at maliligo lang ako!" Sabi ni Xavier.

Pinaupo ni Joshua si Sam sa upuan katabi ni Aira at pinag timpla nya ito ng isang tasang kape na may kasamang tinapay.

"Anong uring tinapay ito?" Tanong ni Sam.

Ngumiti si Aira at pinaliwanag nya ang mga uri ng tinapay na nasa hapag.

"Tunay ngang kadugo kita. At anak ka nga ni Tita Anya. Katulad mo. Noong kakarating lang nya ng Jamais. Lumaki ang iyong ina sa mundong ito. Kaya rin dito ka nila inilagay. Bata palang ako noon nung unang dating ni Tita Anya sa Jamais. At katulad mo sobrang lakas nyang kumain ng tinapay. " Sabi ni Aira.

"At totoo yan. Kasi ako mismo nakita ko Kung gaano ka ganda si Reyna Anya sobrang paborito nya ang mga tinapay na ito." Dagdag ni Liam.

"Pero kamusta na kaya si Tita Selena?" Sabi ni Aira.

Balik kina Selena at Zandro.

"Prinsesa Selena! Maraming salamat saiyong tulong at natauhan nko. Heto dala ko ang iyong kwentas." Sabi ni Zandro.

"Hindi pa ba nakakahalata si Hex na nagbalik kana sa iyong katinuan?" Tanong ni Selena.

"Hindi pa sya nakakahalata. Kung mapapasailalim man ako sa kanyang kapangyarihan ulit. Gusto kung paslangin mo ako Kung sakaling masaktan ko kayo ulit mga kalahi ko." Sabi ni Zandro.

"Maraming salamat Zandro." Sabi ni Selena at iniabot ni Zandro ang kanyang kwentas.

"May paparating! Patawad Mahal na Prinsesa. Hindi ito masakit." Sabi ni Zandro.

At ngumiti lang si Selena. Pinakawalan ni Zandro ang malakas na boltahe ng kidlat na nagmumula sa kalangitan patungo kay Selena.

"Yan ang napapala sa mga katulad mo! Sa gusto nyo at sa Hindi kikilalanin nyo ang panginoon ko!" Sigaw ni Zandro.

Sakto namang dumating ang isang kawal na kasama ni Zandro.

"Amo kelangan na nating magbalik!"

At tumango si Zandro sabay lingun Kay Selena na nawalan ng malay.

"Tayo na!"

Dumating naman si Georgia upang saklolohan si Selena.

"Mahabagin Mahal na Prinsesa! Anong ginawa nila sainyo!" Agad tinulungan ni Georgia si Selena.

Balik naman kay Sam sa bahay ng apat na tagapagbantay ng apat na elemento.

Habang papunta si Sam sa silid pagsasanay kung saan nag aantay na si Aira.

Napadaan sya sa banyo at tyempo namang bumukas ang pintuan ng banyo at tumambad sakanyang harapan ang matipunong katawan ng prinsepe ng Hestia.

Tinitigan nya ito mula sa basang buhok na kulay pula, pababa sa matipunong dibdib na may pink nipples. Pababa ng pababa ang kanyang titig hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa apat na pandesal sa tyan ni Xavier.

"Wala kanang makikita dyan! May tuwalya ng nakatakip!" Ngiting sabi ni Xavier.

Nang magbalik na sa kanyang sarili si Sam ay agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata.

"Anong ginagawa mo? Xavier?" Sabi ni Sam.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa? Ikaw lang naman tung malagkit maka tingin! Bakit hindi ba ganito katawan ni Prinsepe Josh??" Pang aasar na tanong ni Xavier.

"Wala! Mauuna nako. Hinahanap nko ni Insan." Sabi ni nya aalis na Sana sya ng bigla syang hawakan ni Xavier sa braso at kinuha ang kanyang kamay at inilagay sa dibdib.

"Wala ka bang nararamdaman?" Sabi ni Xavier.

Agad kinuha ni Sam ang kanyang kamay sa dibdib ni Xavier.

"Wala. Mauuna nako Prinsepe Josh. Paumanhin ho sa aking pag gambala." Sabi ni Sam at nagmamadali itong tumakbo papalayo sakanya.

"Hindi mo na ba ako naalala Samuel? O sadyang kinalimutan mo na ako?" Sabi ni Xavier.

THROWBACK >>>>

Noong muntikan ng mabangga si Sam ng sasakyan.

Tyempong naglalakad si Xavier at nakita nyang may paparating na sasakyan papunta kay Sam.

Agad ginamit ni Xavier ang kanyang kapangyarihan upang mabilis na makagalaw at maitulak si Sam papunta sa may iskinita. Habang sya naman ay tumagos sa sasakyan.

Tyempo namang nandoon si Zandro ang dating nobyo ni Sam sa Eskinita. Nang makita nyang tumilapon si Sam ay agad nya itong sinaklolohan.

BACK TO PRESENT<<<

"Oh pare? Bat nakatayo ka lang dyan? Mag bihis kana." Sabi ni Liam.

"Oo nga pala. Teka hinahanap na ba ako ni Manang Aira." Tawang Sabi ni Xavier.

"Kanina pa! At may bagong misyon na ibinigay si Tita Selena. Kelangan nating makolekta ang apat na diamante na nagsisimbolo sa apat na kaharian at apat na elemento. Ito ang magiging pruweba na matagumpay ang pagsasanay ni Samuel. At ang apat na diamante ay Ang tanging daan upang maka balik tayo Jamais!" Sabi ni Aira.

Itutuloy....

Hopefully nag enjoy kayo mga mahal. Stay tuned for the next episode.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen