App herunterladen
78.57% Section 13 / Chapter 11: CHAPTER NINE

Kapitel 11: CHAPTER NINE

Sinadya kong maagang magising kahit na mamayang hapon pa naman ang awarding namin dahil gusto kong makausap si Ichiro tungkol sa nagyari kahapon ngunit agad na kumunot ang aking noo nang makitang maayos na ang kama niya. Inilibot ko pa ang aking paningin ngunit walang Ichiro rito.

Wala na ito roon, wala ring tunog na nagmumula sa banyo o sa kusina. Umalis na kaya ito? masyado pang maaga ngunit wala na kaagad sya sa kama niya. Tila nasayang ang paggising ko ng maaga para makausap siya.

Baka hindi siya umuwi? imposible naman yon.

Tamad akong bumangon saka dumiretso sa banyo sandali kong inayos ang aking sarili saka dumiretso sa kusina. Hindi na muna ako maliligo mamayang tanghali na lang kapag mag-aayos na mabango pa naman ako eh.

Nagtimpla ako ng kape para sa aking sarili at inaantok na naupo rito sa may lamesa.

Galit kaya sya sa akin? baka iniiwasan nya ako? Umuwi kaya sya kagabi? wala man lang akong naramdamang pumasok, hindi kaya sya umuwi? arghh!

Paano ko ba sya kakausapin kung hindi ko naman sya maabutan, paano ako hihingi ng tawad kung ayaw nya naman ako makausap, paano kami magkakaayos kung ayaw niyang magpakita.

"ouch!" nakangiwing saad ko nang mapaso ako ng kape.

Napailing na lang ako. Ang aga aga ang tanga tanga ko kaagad. Inis kong tiningnan ang kapeng pumaso sa aking dila. Kung pwede lang itong sapakin ay nagawa ko na.

"Ang aga mo namang nagising" halos mapatalon ako sa gulat dahil kay Acxius.

Inis akong tumingin sa kanya at nagkibit balikat lamang sya saka iniligpit ang kanyang higaan.

"Wala na si Ichiro?" tanong niya nang mapatingin sa kama nito. Hindi ba obvious?

Pumunta pa ito sa kusina upang icheck, maging ang banyo ngunit nabigo siya.

"Hindi sya umuwi" saad niya saka naupo sa aking tabi. "sigurado akong hindi sya umuwi dahil kung ano ang ayos ng kama kahapon ay ganon pa rin ngayon"

Sa halip na sumagot ay uminom na lamang ako ng kape upang magising na ako.

"nasaan kaya sya? hindi ako sanay na hindi sya umuuwi rito, ito ata ang unang beses na nagyari to parang naniniwala na akong galit nga sya sa'yo" saad niya saka nakakalokong ngumiti. Tinarayan ko lamang siya. "lagot ka!" parang batang saad niya.

Ang aga aga ganyan kaagad ang bungad nya, nag-guilty na nga yong tao rito eh!

"alam mo instead of teasing me why don't you help me para magkaayos na kami, para rin umuwi na sya rito" saad ko saka siya tiningnan. "para naman may ambag ka rin!"

"no way, i would never do that. baka madamay pa ako dyan, bahala ka dyan noh! away nyo yan kayo ang umayos"  nakangiwing tugon niya saka pumasok sa banyo.

Tila nawalan ako ng pag-asa matapos niyang sabihin iyon, buong akala ko pa naman ay matutulungan nya ako para magkaayos kami ngunit binigo nya ako.

"Tara labas muna tayo malay mo makasalubong natin sya o kaya makita natin kung saan sya tumambay" ani ni Acxius.

Nakabihis na ito at parang planado na ang gagawin nya ngayong araw bago siya pumunta sa awarding mamaya.

Tiningnan ko ang suot ko, maayos naman ito kaya hindi na ako nagreklamo pa at sumunod na lang sa kanya.

"sa Garden sya madalas pumunta kapag gusto nya mapag-isa ngunit nakapagtatakang wala sya rito ngayon" nalukot ang mukha ni Acxius nang walang makitang tao sa hardin.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan non ngunit kahit anino ni Ichiro ay wala doon.

Tumungo rin kami sa Library at sa iba pang posibleng puntahan ni Ichiro ngunit nabigo lamang kami. Hindi siya mahanap ng aking mga mata, wala na akong ibang lugar na maisip na maaaring puntahan niya.

"Where on this University he could be?" walang buhay na tanong ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa, baka nga lumayo na talaga sya. Imposible rin namang lumabas na sya sa Unibersidad na ito dahil sinabi naman nyang ayaw niyang gawin iyon, kung gano'n ay nandito lang sya sa loob.

"Pasensya ka na ah, hindi ko rin kasi talaga alam kung saan natin sya maaaring mahanap. Wag kang mag-alala siguradong aattend siya sa Awarding mamaya at doon tiyak na makikita natin sya, ang gawin mo na lang muna ngayon ay magpalakas ng loob para magawa mong harapin at kausapin siya mamaya" malumanay na saad ni Acxius.

"hindi kaya iniwan na nya tayo?" wala sa sariling tanong ko. "baka lumabas na sya sa Unibersidad na ito"

Napatawa naman siya nang malakas dahil doon. Tiningnan ko lamang siya ng masama.

"are you damn serious? he will never do that Hyacith, he distance himself but it doesn't mean that he'll leave us" tugon niya saka ngumiti. "Trust me, he'll never leave you"

"kung ganon bakit hindi natin sya mahanap? bakit ayaw nyang magpakita? bakit wala sya?"

"palagi naman  siyang may rason sa lahat ng ginagawa nya at ngayon sigurado akong may rason din siya kaya hindi sya nagpapakita sa atin" mahinahong tugon niya. "maghintay lang tayo Hyacith magpapakita rin yon, magtiwala ka lang sa kanya"

Malaki ang tiwala ni Acxius kay Ichiro, kitang kita naman iyon sa kanya. Sa pananalita niya ay tila kilalang kilala nya si Ichiro at sobrang laki ng tiwala nya sa kanya, bakit nga naman hindi diba? matagal na silang magkaibigan at marami nang nagawa si Ichiro na hindi matutumbasan ng kahit na sino.

"I trust him pero—"

"kung naniniwala at nagtitiwala ka sa kanya wala kang dapat ikabahala at wala kang dapat kwestiyunin sa kanya" putol niya saka ako tiningnan. "You trust him, no more buts and whys" seryosong saad pa niya.

Tumango na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa.

"alam kong matagal mag-ayos ang mga babae kaya mauna ka na maligo para habang naliligo ako nag-aayos ka na. Meron pa naman tayong isa at kalahating oras para magprepare" saad ni Acxius habang inililigpit ang aming pinagkainan.

Tulad ng sinabi niya ay nauna na nga akong naligo, suot ang aking school uniform ay lumabas na ako sa banyo kasunod ng pagpasok niya roon.

"omg you're so gorgeous Hyacith" puri ni Hailey saka matamis na ngumiti sa akin.

Halos lahat ng aking kaklase ay narito na sa Hall, hinahanap ng aking mata si Ichiro ngunit parang wala pa ito.

"by section daw ang linya ng upuan, doon tayo" turo ni Katy sa mga upuang mayroong 'section 13' na nakalagay sa likod.

Tabi tabi kaming nakaupo rito at nasa aming harapan ang iba pang section na kumpleto na rin.

Isa na lang ang bakanteng upuan sa amin, isa na lang ang kulang. Si Ichiro.

Hindi kaya sya pupunta? paano na?

"hindi nyo ba kasama si Ichiro?" nagtatakang tanong ni Xyreign saka luminga linga sa paligid.

"oo nga, bakit wala pa sya?" si Hailey.

Tumingin ako sa bakanteng upuan at pilit na ngumiti saka tumingin sa kanila.

"hindi namin sya kasama dahil may importante syang inaasikaso" si Acxius ang sumagot. Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Umaasa akong darating ka, Ichiro.

"Good afternoon Senior High School Students, I know you're all excited dahil ito ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw kung saan makakamit ninyo ang gantimpala sa lahat ng inyong pagod, puyat, pagtitiyaga at paghihirap. Ngayong araw, sa mga oras na ito ay ginaganap natin ang seremonya para sa paggawad sa mga mayroong karangalan sa ating Unibersidad, ngayon pa lamang ay binabati ko na kayong lahat! Congratulations everyone, keep up the good work!" malakas na saad ni Ms. Gemini sa mikropono.

Naroon ito sa taas kasama ang iba pang heads at professors.

" before we start, let's welcome our beloved founder na siyang magsasabit sa inyo ng inyong gintong medalya at magbibigay ng trophy and certificate bawat isa, our very own Mr. Haruki Taichi!" isa sa mga heads ang nagsabi non.

Mula sa backstage ay lumabas si Mr. Haruki, nakatuxedo ito at matamis na ngumiti sa aming lahat. Kausnod non ay ang palakpakan mula sa mga estudyante.

Mag-uumpisa na ang seremonya ngunit wala pa rin sya. Bakante pa rin ang upuang dapat ay sa kanya.

"Hello students, good afternoon" bati nito sa amin. "apart from the awarding ceremony, we are here to introduce and congratulate our new Co-founder. This person is one of the very powerful in this University, let's give a warm welcome our new Co-founder Mr. Gou Takeshi Taichi!" malakas na sigaw nito kasunod ng paglabas ng lalaki.

Si Ichiro.

Si Ichiro ang lalaking yon. Ibang iba ang ayos niya, ang dating kulay itim nitong buhok ay napalitan ng kulay abo at ang tindig niya ay mas naging nakakasindak at nakakatakot kumpara noon. Ang mukha niya ay walang emosyong at ang kanyang mata ay malalamig kung tumingin.

"si ichiro"

"Gou Takeshi raw? si Ichiro yon hindi ba?"

"paano nangyari yon?"

"nag-iba ang awra nya pero sya pa rin yan"

"mas naging nakakatakot ang presensya nya"

"bakit Taichi rin sya? anak ba sya ng founder?"

Katulad ng iba ay naguguluhan din ako. Sa loob ng limang taon ay wala kaming alam na ganito tungkol sa kanya.

"si Ichiro ba talaga yan? bakit bigla syang nag- iba? bakit hindi ko alam na ganyan pala ang tunay na pagkatao nya?" sunod sunod na tanong ni Acxius. "ako lang ba o kayo rin? bumigat ang pakiramdam ko sa presensya nya, hindi ko alam kung parang tila natatakot ako sa bawat matatalim na tingin niya"

Diretso lamang itong nakatingin kay Ichiro na nasa gitna ng entablado.

"I know that all of you are confused and there's so many questions in your heads but let me explain, let me explain why Gou Takeshi or also known as Ichiro is standing here beside me" saad ni Mr. Haruki saka tiningnan si Ichiro.

"I am not his father, my brother is. He is the only son of my Brother that passed away 8 years ago because of the accident. Narito sya sa inyong harapan dahil itinalaga ko sya bilang ating bagong Co- founder kung saan nagkaroon siya ng mas mataas na katungkulan at mas malakas na kapangyarihan kumpara sa iba" ani niya. "Hindi siya maaaring galawin at hindi rin siya maaaring suwayin" huling saad niya saka seryosong tumingin sa amin.

Hindi na nagulat doon si Ichiro, tila batid niyang nangyayari ito. Mas mataas ang posisyon ni Mr. Haruki ngunit tila mas natatakot pa siya kay Ichiro. Sunod sunod itong napalunok at tila hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Sa wakas ay tapos na, kanya kanyang hawak ng mga tropeo at certificate ang iba, nagkukwentuhan tungkol sa mga experience nila ngayon.

"Congratulations!"

"ngayon lang ako nakatanggap ng medal at mukhang gawa pa sa  totoong ginto, omg!"

"ilan average mo? patingin nga"

"ayaw ko nga, hindi mo nga pinapatingin yong iyo eh tapos sa'kin titingnan mo bahala ka riyan!"

Napailing na lamang ako sa kanila. Hinanap ng aking mga mata si Ichiro at natagpuan ko ito sa harap kung saan kausap niya ang mga heads at professors na tila binabati siya.

"kakausapin mo ba sya?" tanong ni Acxius habang nakatingin kay Ichiro.

"hindi ko alam Acxius, hindi ko na alam. Tingnan mo sya ngayon, pagmasdan mo syang mabuti marahil ay hindi na tayo kakausapin niyan lalo na at napakataas na ng posisyon nya. Nag-iba kaagad sya hindi pa man isang araw ang nakakalipas paano nangyari ang lahat ng yon?" naguguluhan pa rin ako.

Hindi ako makapaniwala sa mga nagaganap ngayon. Itinago nya sa amin nang matagal ang bagay na ito at ngayon magugulat na lang kami na nag-iisang anak pala siya ng kuya ni Mr. Haruki na founder ng Unibersidad na ito.

"magbihis ka na muna para makapagpahinga ka na, masyadong maraming naganap kanina sigurado akong hanggang ngayon ay naguguluhan ka pa rin at marami pa ring tanong sa isipan mo" malumanay na saad ni Acxius na kalalabas lamang sa banyo.

Tumango ako saka sinunod ito.

"Acxius, pa'no kung.... kung katulad ng mga heads, mga professor at ng founder natin ay kapareho pala nila ng ugali si Ichiro? pa'no kung mali ang pagkakakilala natin sa kanya at—"

Bigla bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bago naming Co-Founder.

"wow. Gou Takeshi Taichi" mariing saad ni Acxius saka inis na tiningnan si Ichiro na wala man lang ekspresyon ang mukha. "what a powerful name" mariing saad pa niya.

"akala ko magkaibigan tayo kapatid na nga ang turing ko sa'yo eh, akala ko kilalang kilala na kita pero bakit Ichiro? bakit kailangan mong itago sa akin, sa amin ang pagkatao mo samantalang nagpakatotoo kami sa'yo? Pakiramdam ko ay tinraydor mo'ko, sobrang laki ng tiwala ko sa'yo— hindi ko maintindihan Ichiro, naguguluhan kam—"

"how would you understand if you'll not goin' to give me a chance to explain my side" putol niya sa sinasabi ni Acxius.

"go ahead then! defend yourself, explain your side make sure na valid yang reason mo!" mariing saad ni Acxius saka inis na tiningnan ito. "ano pang hinihintay mo? magsalita ka Ichiro or should I say Takeshi" mariing ani nito.

Ichiro let out a heavy sigh.

"Gou Takeshi Taichi is my real name. My father is the brother of Haruki, he's my uncle. I hide my identity to fit in this University, i hide my identity to save my life and live to revenge" mariing ani nito. "I know that he will claim this University as his property and I'm right" nanlilisik ang mga mata nito.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

Lalo akong naguguluhan sa kanya. Ayaw nanaman mag sink-in sa utak ko ang mga nalalaman ko ngayon.

"My father is the real founder of this University..... but Haruki is greedy and selfish, he planned everything to get rid of my father and possess this University. I remember everything crystal clear, he betrayed my dad, he killed my father nang walang kalaban laban and he even tried to kill me but he failed thanks to Mr. Rivas he saved me" seryosong saad niya. Kumuyom ang kanyang kamao saka siya napatitig sa kung saan. "Now that I get in this position, I will use it to know everything about him and I'll use the power he gave against him.  I'll make him pay everything he did, I'll make him feel betrayed, he bleeds me and he will taste it"

"I'll make sure that he'll regret that he didn't put me into death, I'll be his nightmare.... his curse " mariing saad pa niya. Kitang kita sa mukha nito ang galit, nagtitiim ang kanyang bagang.

Kung ganoon ay pinatay ang tatay niya at hindi namatay lang? Sariling kapatid pa nito ang pumatay sa tatay niya at pati siya ay muntik pang idamay?

Kaya ba ganon na lang ang takot sa kanya ni Mr. Haruki?

"bakit hindi mo sinabi agad? bakit kailangan mo pang itago? alam mo namang maiintindihan kita eh!" usal ni Acxius saka biglang niyakap si Ichiro o Takeshi. "you betrayed me rin!" pabirong saad pa niya.

Akala ko ay itutulak siya palayo ni Ichiro ngunit dahan dahan nya rin itong niyakap pabalik.

"I didn't tell you for your safety, I don't want to get your life into danger. You're my bro and I'll blame myself if there's something bad happens bad to you" saad ni Ichiro. " but now no one can hurt you bro!"

Para silang magkapatid.

"Tutulungan ka naming bawiin ang lahat na dapat ay sa'yo, sasamahan ka naming itama ang maling nangyayari rito ibabalik natin ang dating nasimulan ng dad mo Ichiro. Makakaasa kang nandito lang kami kapag kailangan mo ng tulong" malumanay na saad ni Acxius. "Oo nga pala, ano na ngayon ang itatawag namin sa'yo Ichiro ba o Takeshi?" nagtatakang tanong niya.

"Wherever you're comfortable" tugon nito saka dumapo ang tingin sa akin.

Agad akong napaiwas ng tingin saka sunod sunod na napalunok. Bigal akong kinabahan knowing na hindi pa kami magkaayos, baka bulyawan niya ako rito at ibalik sa akin ang masasakit na salitang sinabi ko.

"Mmm Acxius, can you please leave us alone we just need to talk" saad ni Ichiro na lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Gusto kong pigilan si Acxius na umalis ngaunit tila napako ako rito sa aking pwesto. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto.

"Hyacith..." napakasarap sa tainga kapag binabanggit niya ang pangalan ko, lalo lamang nito pinapabilis at pinapalakas ang tibok ng puso ko. Mas lalo na akong nahihiyang tumigin sa kanya kaya napayuko na lamang ako.

"aren't you goin' to look at me?" walang buhay na tanong niya.

Pakiramdam ko ay maiihi na ako rito, hindi ko siya kayang tingnan. Baka matunaw na ako.

"you look scared, relax I'm not going to eat you" nang-aasar pa ata siya.

Gusto kong tumakbo palabas ngunit traydor ang mga paa ko.

I let out a heavy sigh and clear my throat.

"Uhmmm, pasensya ka na sa mga nasabi ko kahapon..... hindi ko sinasadya, hindi lang talaga ako nakapag-isip ng maayos. Sorry kung sumama ang loob mo dahil doon, hindi naman kita masisisi kung galit ka sa aki—"

"I can't be mad to the girl that I love the most"

---------------------

---------------------


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C11
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen