App herunterladen
14.03% Pagdating Ng Panahon / Chapter 8: Chapter 8: Tiwala

Kapitel 8: Chapter 8: Tiwala

Alas nuwebe na ng gabi pero di pa rin kami kumakain. Hindi gumalaw si Mama para magluto. Kahit si Ate ay, nasa phone pa rin nya. Tinatawagan ang mga kakilala ni Papa na tulungan kami tungkol sa kaso nya. Kaso, lagi ko nalang naririnig ang buntong hininga at pagkadismaya sa tuwing binababa na nya ang tawag. Ibig sabihin, wala pa sa kanila ang umoo sa paghingi nya ng tulong.

"Anong sabi?. What about Aron?. Subukan mo kaya?." Aron Manalo ay pinsang buo namin. Na barkada din ni Karen at kaschool mate. Di man kami close sa kanila dahil sa agwat ng mga magulang namin. He is always there kapag kailangan namin ng tulong. Sya ngayon ang inaasahan naming tumingin kay Karen dahil dito sa nangyayari. Kian's Mom is trying to stop the two from being with each other. Ano bang mali sa kanila?. Jusko! Mga bata pa sila. Hindi naman porket nagdate na ngayon, sila na ang ikakasal sa huli. Bakit hindi nya hintayin na magsawa sila sa isa't isa, hindi yung ganito na kailangan nya pang gumawa ng paraan para mghiwalay ang dalawa?. What a shit move. Natatawa nalang ako sa tuwing naiisip na baka hibang na sya. Lalo pang nadagdagan iyon ng malaman mula kay Mama kanina na, may dati palang nakaraan ang Mommy at Daddy ni Kian sa kanila ni Papa. Ang kwento nya. Ang Mommy daw ni Kian ang first love ni Papa. At hindi raw sila nagkatuluyan dahil sa itinali din ng Lolo at Lola ni Kian ito sa Daddy nya ngayon. Ibig sabihin ba nun, kailangan nya ring gawin sa anak ang ginawa sa kanya noon?. Is she even happy when she agreed to it?. Sa palagay ko hinde. Kaya sya nababaliw ng ganito. Ginagawa ang lahat, masunod lang ang gusto nya. Tulad ng sa kanya dati.

"Nakakahiya Ken.. Kilala mo naman si Tito.. babati ka palang, ibaba na ang telepono.." masakit man isipin na ganun nga ang kapatid ni Papa. Wala na kaming ibang magawa kundi lumunok nalang at tumango nga. Dahil kahit anong paliwanag o katok namin sa kanila, hinding hindi nila kami pagbubuksan. "Tama na si Aron na andyan para kay Karen.." alam kong masakit din para kay Ate na sabihin ito ngayon. We have no other choice. Wala kaming ibang malalapitan dahil wala din kaming kilalang abogado. Ang mga kaibigan naman ni Papa na kinausap ni Ate ay, hindi sumasagot sa tawag ang ilan tas ang iba naman ay di na nagsalita pa. Siguro para umiwas na rin na madawit sa gulo o anumang kinasangkutan ni Papa. I got them. I understand them either. Naiintindihan ko sila dahil kung ako man. Ganun din ang gagawin ko. Pero ang tanong ko, kaibigan ba talaga sila ni Papa o kaibigan lang kapag walang problema?.

Ang hirap mag-isip. Sumasakit ulo ko.

"Ano nang gagawin natin ngayon?." mabigat syang nagpakawala ng hininga sakin saka pinahinga ang ulo sa head rest ng sofa. Tumingin sya sa kisame saka pumikit. Halatang pagod na pagod.

"Hayaan nalang sigurong ganun si Papa.."

"Ano!?. Wala tayong gagawin?. Paano na si Papa?. Habang buhay nalang ba syang makukulong?." alam ko naman na wala kaming ibang choice ngayon kundi ang tanggapin nalang ang katotohanan na, wala nga kaming pagpipilian. Hibang na rin yata ako. Nagtatanong kahit alam na sa sarili ang sagot. "E kung, kay Kian, Ate?. Humingi tayo ng tulong sa kanya?." this is ridiculous. May ganun ba?. Yung Nanay ang gumawa ng gulo tapos anak rin ang gagawa ng solusyon?. Baliw na ata ako! Kutos yata ang kailangan para magising ang diwa ko. O baka dala lang ng gutom. Ewan ko din sa dalawa. Duon nalang ako kakapit sa gutom ako. Dahil ano nang oras. Wala pang nagsasaing. Wag na sa baliw ako. Di ako papayag. Haler!.

"Tanga ka ba!?." hiyaw nya sakin. Pumikit ako. Para kasi akong tinamaan ng bala kahit wala namang pumutok na baril. Ganun. Napaahon na sya sa pagkakahiga. "Nasaan ba isip mo ha?. Pumasok ba sa utak mong Nanay nya ang may pakana nito tapos sasabihin mo pang sa kanya tayo lalapit?. Ang talino mo lang Kendra..ang tali-talino mo!.." nasampal ako ng katotohanang tanga nga ako!. Buset!. Bakit kasi wala pang nagluluto?. Dahil to sa gutom e. Pagod pa kami pareho.

"Kung sya lang ang tanging solusyon din dito Ate, why not?. Hindi naman siguro masama.." pahina ng pahina ang boses ko rito. Baka kasi hilahin na nya buhok ko dahil sa inis. Kaya umatras na rin ako't dahan dahan na nagtungo sa may kusina. Kinuha ko ang kaldero at tinanggal ang laman nun. Hinugasan ko ito at nilagyan din ng bigas saka isinalang sa stove.

"Kahit anong mangyari Kendra.. walang hihingi ng tulong kay Kian.. mas lalo lang magulo ang lahat kapag ginawa natin ang naiisip mo.."

"Pero Ate, magulo na ang lahat.. kung gulo ang iniiwasan natin.. bakit hindi na natin subukan ang suhestyon ko.." at kahit pa ipagpilitan ko ang naisip ko. Pinal na ang desisyon nyang huwag humingi ng tulong kay Kian. Ano nalang daw ang mukhang ihaharap natin sa Mommy nya kung sakaling magkaharap muli ang dalawang pamilya?. Tama nga naman sya. Hindi mali ang punto nya. Ngunit, ano bang mas dapat gawin?. Ang hayaan nalang si Papa na magdusa sa hindi nya kasalanan o hahayaang humingi ng tulong kay Kian kahit kapalit pa nito ang katahimikan ng lahat?.

Naging tahimik na si Ate. Umakyat sya sa taas para tignan sila Mama at Kim. Ang bunso namin. Nilabas nya rin ang karneng manok mula sa ref saka binigay yun sakin. Ako na raw bahala sa hapunan.

Kamot ang ulo. Bakit kailangang mangyari ang mga ganito?. Kung sana lang, hinayaan ang panahon na magdikta sa kapalaran ng bawat isa. E di sana, walang problema. E yun, nakikialam sila.

"Ate?." dumating si Karen kasama si Aron. Halatang mga pagod. At ang mata din ni Karen. Mukhang kagagaling ng iyak.

"Karen, Aron?. Sa kayo galing?. Gabi na ha.." pinasadahan ko sila pareho. Nakapambahay na si Aron habang si Karen ay nakapantulog na.

Hindi nagsalita si Aron. Tinignan nya lang ako. Ayaw nya rin sigurong pangunahan ang kapatid ko kaya naisipan nyang wag ng magsalita.

"Si Papa, ate.." umiiyak na si Karen habang lumalapit para yakapin ako. "Hinuli ng mga pulis.." humagulgol na sya ngayon. Hinagod ko ang likod nya. Kay Aron tumingin. Alam nya kung para saan ang tinging iyon.

"Galing kaming presinto. Hinuli si Tito ng mga kapwa pulis dahil daw sa droga.. Kaya tumakbo kami ni Kaka. Hinanap namin kung saang istasyon nga sya.."

"Nahanap nyo ba?." I cut him off. Mabilis naman syang tumango.

"Oo, at ang sabi nya lang samin. Wag mag-alala dahil wala naman daw katotohanan ang bintang sa kanya."

"Wala naman pala Kaka.. kaya wag ka ng umiyak.. magiging okay din si Papa.."

"Pero Ate, kawawa sya duon.. baka kung anong gawin sa kanya?." umiiyak pa rin nyang sambit. Hinagod kong muli ang likod nya. Pampakalma.

"Wala ka bang tiwala kaye Papa?." I ask her. Maging ako ay tinanong ang sarili rito. May tiwala ako kay Papa. Walang duda duon. Pero sa mga kapwa nya pulis?. Wala.

Gaya ko. Gaya din ng sinabi ko. Iyon din ang naging sagot ni Karen sakin. Buong buo ang tiwala nya kay Papa pero sa mga tao, wala.

Dahil sa nangyari. Pinakiusapan ko nalang din si Aron na samahan ito sa silid nya. Baka kasi kung anong isipin nitong gawin. Lalo na't nagkanda gulo gulo na ang lahat sa kanila ni Kian. Binilin ko rin sa kanyang tawagan ang Daddy nya para ipaalam kung nasaan sya para di sila mag-alala sa kanila. Mabuti nalang. Mabilis itong tumango at nagsabing, "Ako ng bahala, Ken.." nabunutan din ng malaking tinik ang lalamunan ko. Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. At parang wala ng puwang ang adobong manok sa tyan ko dahil nabusog na ako sa assurance na binigay ni Aron.

Kung sya open tumulong. Kabaliktaran nya rin ang Daddy nyang. Hindi maabot-abot.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen