App herunterladen
50.87% Pagdating Ng Panahon / Chapter 29: Chapter 29: Dinner

Kapitel 29: Chapter 29: Dinner

Sa hapag. Si Ate Kiona nalang ang wala. Kakatext nya sakin. Nasa Rooftop daw sya. Magpapahangin lang tas uwi din daw bago mag-alas otso. Hindi na ito pinansin pa ni Papa matapos ko itong basahin. Second rule kasi samin ni Ate ay ang laging ipaalam kung nasaan kami at kung anong oras ang uwi. Kung ako, laging gumagawa ng dagdag oras sa binigay na oras ng uwi. Sya naman, empunto oras ng sinabi nya. Nasa tapat na sya ng pinto. Bagay kung bakit malaki din ang tiwala nila sa kanya na wala itong kasintahan kahit minsan obvious naman na, meron na.

"Kumain ka lang hijo.. tapos na ba final exam nyo?." si Mama ito. Para tuloy bumara sa lalamunan ko ang karne ng manok na nginuya ko, kanina pa.

Ge lang Ma. Kunyari concern ka. Pero ang totoo. Hinde!.

Lumunok muna itong Poro bago sumagot. "Ah.. next week na po Tita.. kaya nga po marami kaming kailangan tapusin bago ang lahat hehe.." I can sense that he can also sense the uneasiness of the dinner. Kahit naman kasi nakangiti si Mama. Halata sa mukha nyang, hindi totoo ang pinapakita nya. Aware dito si Papa. Ganun din si Karen na kanina pa tahimik. Si Kian lang ay nagmamatyag lang na parang Agila. Naghihintay ng pagkain na maaaring makuha.

"Buti, napaunlakan nyo pa ni Kian ang dumaan dito kung ganun hijo?." Kita nyo na? Hindi talaga sila welcome para sa kanya. Hay naku Mama!.

"Ako ang nag-aya bilang pasasalamat. at dito din sya matutulog mamaya." Singit bigla ni Papa. Natigil sa harap ng labi ko ang kutsarang may laman na kanin at kaunting pisil ng manok. Adobong manok kasi ito at sinalsa na kamatis. Literal na hindi kumurap ang mga mata ko. Sino nga ulit?. SI Poro, dito matutulog?. Bakit ho?.

"Po?." si Karen ito. Inaakalang si Kian ang tinutukoy ni Papa.

Binaba ni Papa ang hawak ng mga kamay nyang kutsara at tinidor bago sumandal sa kanyang upuan. "Hindi ikaw hijo.. magwawala ang Mommy mo kapag dito kita pinatulog." kausap nito si Kian na mabilis tumango sa kanya. "Saka ka na rito pagkatapos ng kasal ninyo.. Darating din tayo dyan.. Poro." paliwanag nya sa isa bago tinawag ang pangalan ng katabi ko. Yung kanina ko pang sinubo na kutsara nasa loob pa ng labi ko. Para kasi akong kinalabit ng mahikang nakakapagtigil ng kilos ng oras. Sandali akong natigilan at di ko na namalayan ang pagdaan ng oras.

"Tito?." magalang na sabi nito sa Papa ko.

"Dito ka na matulog.. may gagawin ka pa ba pagkatapos nito?."

"Ah.. meron po sana.." natagalan ang pag-iisip nya kaya siniko ko sya. Napatingin sya sakin. "Pero ayos lang naman kung bukas ko na gawin. Marami pa namang oras.." anya na taliwas sa nababasa ko sa mukha nya.

"Pa, maraming gagawin si Poro.. saka na ang inuman after finals.." bigla akong nagsalita dahil pakiramdam ko, kailangan. Baka kasi napipilitan lang si Poro tapos eto namang si Papa, alok ng alok. Di man lang inisip kung nag-aadjust lang ba yung tao sa kanya o sinusunod lang sya para respetuhin ang gusto nya. Aba! Hindi dapat ganun?. Kawawa si Poro kapag ganyang lagi nalang oo ang sinasabi sa kanya. Hindi ako papayag. Hanggat nandito ako. Handa akong magmukhang mali para itama ang ginagawa nila. Lalo na si Mama.

Mataman akong tinitigan ni Papa. "Sa baba matutulog si Poro.. ikaw sa silid mo.."

"Of course naman Pa.. ano bang klaseng salita yan?. Nakakahiya eh.." pumadyak ako sa ilalim ng mesa. Tinignan ako ni Poro.

Dumaan ang nakakailang na katahimikan sa mesa. Kung pwede lang tumayo at umalis nalang. Kanina ko pa ginawa. Kaso, bisita ko si Poro. Bisita nga ba?. O si Papa?. Hay ewan!. Basta. May kung anong nagsasabi sakin na huwag itong iwan sa hapag dahil magigisa ito sa kawaling hindi nakasalang.

"I'm just stating the facts here hija. Wag mong masamain.." giit pa ni Papa.

"Hindi ko minamasama ang sinabi nyo Pa.. ang sa akin lang. Wag nyo namang palabasin na may nangyari saming dalawa kahit wala naman.. Nagmamalasakit lang yung tao.. alam nyo namang maulan kagabi diba?. Ano nalang iisipin nyo kung hahayaan nya akong suot ang basang damit magdamag?."

Rinig ko ang pag-ubo ni Kian. Tinapik naman ni Karen ang likod nito. Aware akong natawa sya. Aware din akong pinagtatawanan nya ang kaibigan nya. Si Poro kaya?. Natatawa din kaya sya sa amin ngayon?.

"Totoo po, Tito. Tita. Uuwi naman po sana kami kaso masyadong malakas ang bugso ng hangin at ulan. Hindi ko rin naman po gusto na mabasa kami sa ulan. Nag-aalala lang ako na baka magkasakit sya kaya pinahiraman ko nalang po ng damit ko."

Naging tahimik muli ang mesa. E di, pahiya sila?. Kasi... Matatanda na. Di pa rin, magtanda! Hayst.

"Ayos ka lang?." tanong ko sa kanya. After dinner. Nagpaalam akong bibili ng ballpen kila Aling Mer. Ang totoo naman. Paraan ko lang yun para magpahangin sa labas kasama si Poro. Sumama din naman ito sakin matapos kong magpaalam.

"Yeah.. ikaw?. Mukhang hinde?." nakapamulsa syang sinasabayan ang bawat mabagal na hakbang ng mga paa ko. "Nakita ko lang kanina sa mesa nyo, sa may sala na may isang box ng ballpen tas heto ka't bibili?." may pagtataka nyang saad. Nagdududa din sa biglaang paalam ko. Napansin nya pa yun? Grabe naman! Pero bakit sila, hindi napapansin ang maliliit na detalyeng iyon?.

"Wala. Gusto ko lang magpahangin. Para kasing, hindi ako makahinga sa loob kanina." nilingon ko sya. Mabagal nga masyado ang lakad nya. "Nga pala. Sorry ha, kung ganun ang mindset nila." hinging paumanhin ko sa inasta ng parents ko. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang hingin ng paumanhin ang kilos nila. I can't blame them. Takot lang din siguro sila na baka maaga akong bibigay kay Poro because they knew. Alam na alam nilang, tulad nya ang type ko sa lalaki. Pero hindi. May respeto ako sa katawan ko. Higit na, sa kanila.

"Di ko din sila masisi Ken. Babae ka at lalaki ako. Sa panahon kasi ngayon. Madali sa mga tulad natin ang mahulog sa bagay na unexpected.. nakatanim na iyon sa isipan nila. But I already told Tito about this. Ginagalang kita at nirerespeto. Ganun din sila. Hindi ako basta gagawa ng mga bagay na ikasisira ko sa inyo.. At syempre, gusto ka lamang nilang protektahan. Huwag mo sanang gawing masama ang pagprotekta nila sa'yo. Para iyon sa ikabubuti mo."

"Pero tama bang husgahan nalang nila basta ang isang tao?." di ko mapigilang mainis. Tumigil kami sa ilalim ng poste ng street light kung saan ilang hakbang nalang papunta sa may tindahan.

"Misunderstanding lang siguro ang nangyari. Hayaan mo na. Kakausapin ko si Tito tungkol dito.."

"Wag na Poro.. madidismaya ka lang.."

"You're judging them?."

"No!. bakit ko naman gagawin yun?."

"Look here Ken.. magulang sila. Anak ka nila. They do all their best just to protect you. Hindi masama ang ginagawa nila." giit pa nya.

"Alam ko. Pero mabuti rin bang, sisihin ka sa bagay na hindi mo ginawa?." namaywang na sya. "Pasalamat nga dapat sila because you're with me. Protecting me. Tapos ganun pa iisipin nila?." napabuntong hininga nalang ako.

Hindi na sya nagsalita pa. Hindi na rin ako umimik pa. Mukhang pareho kaming nag-isip kung sino sa amin ang tama.

Sa aming dalawa. Walang tama at mali. Parehong may punto ang bawat isa. Nga lang. Pag-iintindi ang mahirap gawin. Isa yun sa pinakadahilan kung bakit nagkakaroon ng pagitan ang bawat pamilya.

"Look here gwapong batang abogado. May punto sila. I also understand you. Ang sa akin lang. Sana intindihin din nila ang pinupunto ko. Wag puro sila ang isipin nilang tama dahil minsan, ang inaakala nilang tama ay mali pala. May pagkakataon na, may pangit na maganda at may baluktot na tuwid talaga."

Tinitigan nya lang ako. "I understand you now. Lalo pa yata kitang namiss ah.. hahaha..l"

"Psh.. anong namiss?. Sa baba ka daw matutulog, hoy.." tumawa lang sya sa sinabi ko. Tumawa rin ako sapagkat sa dami ng nangyari sa gabing ito. Nagtapos itong, may ngiti saking mga labi.

Pero Ken, wag umasa ha!.

Masakit masaktan.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C29
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen