App herunterladen
10.52% Pagdating Ng Panahon / Chapter 6: Chapter 6: Worth it

Kapitel 6: Chapter 6: Worth it

Kinabukasan. Ang paalam ko kay Mama. Susunduin ako ni Jane ngayon, pero hindi. Si Troy ang sumundo sakin sa may kanto. "Good morning.." bati nya habang hawak ng isang kamay nya ang manibela. At ang isa nyang kamay ay nasa binti. "Buti di sila nagtaka bat di mo dala sasakyan mo?." tanong nya. Sumakay na ako. Pinaandar nya na rin ang SUV nyang puti. Inayos ko ang seat belt.

"Sinabi kong si Jane ang susundo sakin.." paliwanag ko. Hindi naman sigurong masamang magsinungaling kahit minsan diba?. Minsan naman sa buhay. Kailangan ng kasinungalingan para sa kaligtasan hindi ba?. Lalo na kung wala ka namang nakikitang masama rito. I'm always true to my parents kahit anong gusto kong magsinungaling sa kanila. Hindi ko iyon maitago. Para bang kapag lumabas sa labi kong, hindi totoo. Mamimilipit ako't mamatay na tulad ng uod na nabudburan ng asin. Kaya gusto ko ring subukan kung ano nga bang pakiramdam ng ganito.

He look at me. Confused. "Hindi nila alam?." may bigat ang boses nya ng sambitin ito.

Naging isang linya ang labi ko. "Hindi naman sa ayaw ko.." Huminto ako para ayusin pa ang skirt na suot ko.

"Nahihiya kang ipakilala ako?." tumaas ang isang kilay ko sa statement nya.

"Nope. Of course not..Si Papa kasi yun.. he has rules Troy.."

Namagitan ang katahimikan sa aming pagitan. Tanging mahinang tugtog lang sa stereo nya ang naging ingay. Pati pa yata paghinga ko, napigil ko para lang wag gumawa ng ingay.

"It's okay." Anya pa kahit obvious naman na hindi sya okay.

"Darating din naman tayo dun.. just.. give me some time.." at kahit ano pa yatang paliwanag ko dito. Hindi na maibabalik ang mukha nyang maayos nung sinundo nya ako sa may kanto. Napalitan na kasi iyon ng pagiging seryoso. Hindi ko nga alam kung ano ang ikinagagalit nya. Ang malaman bang hindi ko dinala ang sariling sasakyan o ang hindi masabi sa pamilya ko na may boyfriend na ako?. Isyu ba talaga iyon sa kanya?. E di kung oo. Sana bago nya muna ako niligawan, inisip nya muna ang pros and cons kapag ka sinagot ko sya. Hindi yung after I gave my precious yes to him. Saka sya magtataka kung bakit di ko masabi kila Papa ang tungkol sa kanya.

Sa lalim ng iniisip ko. Naikwento ko nalang ito basta kay Jane. "Bat di mo ipaliwanag na ayaw pa ng Papa mo ang magkaboyfriend ka?. Para di na sya magalit diba?."

"Makikinig pa ba sya kung may nakahanda nang rason Jane?. Sa nakikita ko. Hinde e."

"Why wouldn't you try first?. Ano ba?. Bago palang kayo pero away na agad?." nalukot ang mukha nya ng matanto ang sinabi. Sa pagkaabala sa inaasikasong Thesis. Di nya ako matapunan ng tingin. Andito kami ngayon sa Library. At parehong tinatapos ang aming baby Thesis. Sya na kanina pa abala. Ako na walang pumapasok sa utak dala ng pagkalito.

"Di naman away.. di ko lang maintindihan?. Ikaw ba nung naging kayo ni Cristoff, alam agad ng Dad mo?."

"No!. Bat ko pa sasabihin noh?."

"That's my point here.. bat kailangan ko pang ipaalam diba?."

"Baka gusto nya lang ng open kayo sa parents nyo?."

"Ewan.. tsk.. napapaisip nga ako kung tama bang umoo ako."

Duon nya lamang ako tinignan. "Nagsisisi ka na?."

"I'm not regretting anything.. grateful pa nga ako kasi naramdaman kong hindi na ako nag-iisa ngayon.. pero nung marinig sa kanya na dismayado sya ng dahil lang sa di ko pinaalam na kami na." bumuntonghininga ako. "Nadismaya na rin ako. Gusto ko na tuloy umatras sa kabila ng kagustuhan na, gusto ko ito."

Tumigil sya sa pagsusulat at mariin akong tinignan. "Kung gusto mo talaga ito, panindigan mo nalang. Kung saan ka man dalhin. Siguro hindi ka naman lugi kapag ganun. You'll learn from it."

Sana nga mapanindigan ko talaga ito. Sana nga, matagalan ko ito. Sana rin, matuto ako dito. Hindi ko ito pinasok ng walang dahilan. Wala mang kasiguraduhan, susugal ako kahit alam kong walang sigurado rito.

"Let's go?." hapon na. Wala na akong pasok. At sya?.

"Wala ka ng pasok?." tanong ko sapagkat nagtaka ako. Ang alam ko kasi. Every Friday, gabi ang uwian ng Engineering Department. Di ako stalker no. Napapadaan kasi ako lagi rito. Way ito patungong gate na.

"May thirty minutes vacant pa ako.. saan mo gusto?."

Naisip kong wag nalang kontrahin ang gusto nya para wag na muli syang madismaya. I'm trying my best to work also this out. Gaya nga ng sabi ko. Hindi ko ito pinasok nang dahil sa wala lang. Pumayag ako rito dahil gusto ko rin. And most of it. I like Troy. Much.

"Sa may malapit nalang na cafe.. baka kasi malate ka pa.."

Tumango naman sya. Limang minutos lang din. Narating namin ang cafe sa school. Pwede namang maglakad nalang. Kaso sa gipit ang oras namin. Kailangan na talaga ng sakay.

"Anong sa'yo?." Tanong ko ng iabot nya sakin ang menu. Nasa harap ko sya. Nakaupo sya't titig na titig sakin.

"Anything can do.."

"I'll get you latte and.." naghanap ako ng pastries na maaaring magustuhan nya.

"And, your attention please.." napanguso nalang ako sa sinabi nya. Eh?.

"It's already been served sir.." kindat ko sa kanya matapos ibalik sa waiter ang menu.

Nangalumbaba lang sya at gaya kanina hindi ako panawan ng mata nya. "Masyado ba akong maganda para titigan mo ng husto?." biro ko. Makatitig kasi, wagas.

"Kahit saang anggulo. Hindi ka nakakasawang titigan mahal ko."

Suminghal ako. Natatawa na di lumalabas ang ngipin. Sa ilong lang napunta iyon. "Talaga?. paano pag lasing ako?. Maganda rin ba ako?." iling ko sa kanya. Di makapaniwala na natanong ko pa ito.

Natatawa sya sabay ng mahinang ubo. Nasamid sa sariling laway. "Wala pa ring tatalo sa ganda mo sa tuwing matino ka. Haha.."

Pinagtaasan ko sya ng kilay. Sinadya ko ring pagsalubungin ang mga kilay. Wala lang. Gusto ko lang mainis sya.

"Are you laughing at me?." kunwaring naiinis ako bigla.

Nataranta naman sya.

"What?. No baby!. Di ko lang maiwasang mapangiti. Still. Until today. Di ko lubusang maisip na, tayo na."

Lumapit sya ng kaunti kahit ang lapit na nya. Hinanap nya ang kamay ko para mahawakan.

"Bakit?. Nagduda ka ba na baka lolokohin lang kita?." honestly. I don't know where did I get this idea of. Pero malay ko nga naman diba?. Kung sumagi ba minsan sa isip nyang ganun nga ako.

Inirapan nya ako. Imbes na ako dapat ang gagawa nun. "Don't blame me. Marami kang manliligaw. Ilan pa sa kanila kaibigan ng kaibigan ko o kaibigan ko mismo."

So, anong gusto nyang sabihin?. Na lolokohin ko lang sya ganun?.

Hay... Ewan nalang!

Lumakas ang pagbuntong hininga ko.

"And they told you that I gave them false hope?." sabay ang pagkibit nya ng balikat sa maliit nyang pagtango sa sinabi ko. "Hindi naman kasi lahat ng manliligaw ay nagugustuhan agad. It takes time. At sa kabila nilang lahat. Ikaw lang yung nagtiis at nakuha ang buong atensyon ko." totoo naman. Sya yung persistent at consistent kaya nya nakuha ang gusto nyang sagot ko.

Wag sana lumaki ulo nya.

"Really?. That's why huh?." lumabas na ang ngisi sa gilid ng kanyang labi. Damn that smirk! Dyan ako nahulog, sa totoo lang. Lumalakas ang dating nya kapag napapangisi. Kung titignan, para syang suplado sa malayuan kahit na sa malapitan ay mabait naman. Mabait nga ba?. Maybe. Maybe not.

"Of course. I can't risk my time and effort to someone that are not worth the risk.." nilibot ng mata ko ang kabuuan ng cafe. May kaliitan ito. At maging ang mga tauhan rito ay mabilang lang sa daliri. Habang sinusuri ko ang paligid. I saw someone who is familiar. Di ko sya personal na kakilala pero pawang nakita ko na sya dati pa. Yung pagtitig nyang iyon?. Gumewang ang ulo ko sa pag-iisip kung kilala ko nga ba sya. Parang kung tapunan nya kasi ako ng tingin. Nandidiri. I don't even know him. Pero bakit kung tumingin sya sakin, he knew me already. Judging me. Making conclusion on his mind like I'm a flirt girl. Or, more worst than that.

"Then, I'll make sure, your risk will be worth it.." anya sabay halik sa kamay kong hawak nya. Nawala man ang atensyon ko sa taong iyon. Ramdam ko pa rin ang mabigat na tingin nya sa gawi namin.

Sino kaya sya?. Kilala nya kaya ako?.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen