Epilogue: Ang masaklap na pagwawakas.
"Welcome back.. Annette. Or should I say shakira?"
Hindi ako kumurap o ngumisi man lang. Walang emosyong tinignan ko ang mukha niya.
Naging kayumanggi na ang balat nito. Nakikita ko ring ang ringkels sa noo nito. May mga white and black heads sa ilong at may tumutubong pimples.
gusto kong matawa一 humalakhak ng pagkalakas lakas.
Nakikita ko ngayon ay mga bagay na hindi ko nakikita sakaniya noon at iyon ay ang katandaan.
"Sa wakas nagkita na rin kayong dalawa" nakangising ani nito, halatang natutuwa sa mga pinagsasabi.
"Nagkita nino?" diin kong tanong kahit alam ko na ang pinahihiwatig nya.
Sumulyap ako ng palihim kay Lucas na wala ring emosyong nakatingin sa'kin.
"Ng anak ko.." dun ako bahagyang nagulat, anak nya?! Umabante si Lucas na kanina'y nasa likuran lang ni adrasteia. Ngayon magkapantay na sila. "Siya, Siya ang anak ko." anito na pinatitigan pa ko halatang hinihintay ang reaksyon ko.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sandali habang nakatitig sa mga mata ng matanda, hindi ako makatingin kay Lucas. Hindi ko rin tanggap.
nanatili akong tahimik nakikiramdam kung anong susunod niyang sasabihin o gagawin.
"Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Bakit parang tinatago mo?" humalakhak pa sya na parang baliw. "Hindi mo inaasahan no? Hindi mo inaasahan na ang anak ko ay ang matalik mong kaibigan at ang trumatraydor sa'yo ngayon." diniinan nya pa ang dulo.
Napangisi akong umiwas ng tingin.
"Ngayon. Sisiguraduhin kong tapos kana." aniya. Sinenyasan nya si Lucas na lumapit sa'kin at hilain, ginawa nya nga.
Halos mapadaing ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko一parang pinipilipit at gusto nang baliin.
Pero hindi ako nagpahalatang nasasaktan ako. Alam kong iyon ang gusto nilang makitang reaksyon sa mukha ko, kung ganon hinding hindi ko sila pagbibigyan.
Sinimulan nya na akong hilain patungo sa kung saan. Hindi ako nagsalita o nagreklamo man lang, pagod na pagod na ang katawan ko na tila hindi ko na alam kung makakalaban pa ba ako o hindi na.
Nakatulala lang ako hanggang sa napagtanto ko nalang na nasa pinaka madilim kaming parte ng kagubatan.
Napa-daing ako nung bigla akong itulak ni Lucas dahilan para mapadapa ako sa lupa. Sobrang sakit sa tuhod at balakang iyon dahil sa lakas ng pwersa niya.
Ngumisi si adrasteia kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kukunin ko lang ang gamit." paalam ni adrasteia, hindi ko siya pinansin lalo na si Lucas.
Ilang sandali pa ay umalis na ang matanda. Isang napaka awkward na katahimikan ang namayani sa amin. Nakakapagalala.
Akala ko ay wala nang magsasalita, pero nagulat ako nung magsalita siya.
"Bakit 'di ka lumalaban?" halos hindi ko na mabosesan ang boses niya. Napakalamig nito at para bang hindi ako kilala. Ang way niya ng pagtingin ay kakaiba rin sa nakasanaywb ko; puno ito ng pait at galit.
Umiwas ako ng tingin. " Para saan pa? Alam mong kahit anong gawin ko, mamamatay rin lang ako." seryoso kong sabi.
"Nasan na ang shakirang kilala ko? Yung matapang at hindi sumusuko sa buhay?" hindi ako makapaniwalang napatingin sakaniya, ngayon naramdaman ko na ang galit ko.
"Pinatay mo siya, pinatay mo na ang shakirang yun. Lucas" puno ng pait na ani ko. "Pinagkatiwalaan ka niya ng buong-buo! Ikaw lang ang lalaking sinandalan nya ng balikat nung araw na yon! Pero p*t*ng*na! Ginag* mo siya! Trinaydor mo siya!" sigaw ko sakaniya.
Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin, kalmado ang mukha.
"Hindi ko kasalanang nagtiwala ka sa'kin ng sobra sobra." dumukwang siya para magkapantay kami. "Alam mong kasalanan mo ang lahat ng to."
"Alam ko.." mapait akong natawa. "Ang gag* gag* ko para magtiwala sa'yo." napatingin ako sa ibaba, hindi ko maiwasang mamuo ang luha sa mga mata ko.
Ngayon ramdam ko na ang lahat; ang pagod, sakit ng katawan at ang bigat sa dibdib. Ngayong kinompronta ko na siya ay naramdaman ko na ang karamdamang iniignore ko lang kanina.
"Lumaban ka, shakira. Labanan mo 'ko." hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay gusto niyang lumaban ako, gusto niyang maging matapang ako sa pagkakataong ito. Itinaas ko ang tingin ko sakaniya. May kakaibang kislap ang mga mata niya. Parang marami itong sinasabi na hindi kayang sabihin ng bibig nya. "Hindi ka weak, t*ng*na labanan mo kami shakira." nagulat ako nung bigla siyang sumigaw.
Umiling ako. "Ayaw ko. Kahit anong mangyari hinding hindi ako lalaban sayo.. sainyo Lucas." huminga ako ng malalim para labanan ang namumuo kong luha.
'hinding hindi ako lalaban. Hindi ko kayang saktan ang kaibigan ko.'
"P*t*ng*na naman shakira!" bigla ako tumayo siya, umikot na parang nauubusan na ng pasensya. "I've no feelings for you. I've planned everything. From approaching you-- Being friends with you and being your hero whenever you needs help. Shakira, i'm a villain .. So please don't be nice to me!"
"I can't do that!" balik kong sigaw. "Kaibigan pa rin kita Lucas! Kahit plinano mo lahat.. kaibigan pa rin kita." may pumatak na luha sa mga mata ko na mabilis kong pinunasan.
Tinignan niya ako ng namamangha, naguguluhan at nagagalit. Gumagalaw ang panga niya habang tila hinihingal na nakatingin sa'kin.
"Trinatraydor kita alam mo ba yon?! Bakit hindi mo ipasok dyan sa kokote mong kalaban mo'ko!" sigaw nya na naman.
Nakatitig lang ako sa mga mata nya. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Halatang may tinatago siya.
"All this years.. You're the only person na nag-alaga at nagsama sa'kin sa lahat.. Ikaw lang ang kaibigan kong sasamahan pa rin sa kahit anong mangyari sa buhay ko.." mapait akong ngumiti. "Hindi kita masisisi kung galit ka o nasasaktan. Hindi rin kita masisisi kung bakit wala kang nararamdaman sa'kin.. dahil alam kong ginawa mo lang to dahil sa ginawa ko noong past life ko一"
"T*ng*na! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ha?!" umangat ang tingin ko sakanya at halos maiyak ako nung makita ang ekspresyon nya. Patuloy na bumabagsak ang luha niya habang nakatingin sa'kin. Nakikita ko na ang ekspresyon nya habang nakatingin sa'kin; ang lungkot, sakit at iba pa.. " Minahal naman talaga kita. Totoo yun, t*ngina sobra kitang minahal na huli na nung mapagtanto kong ang babaeng hinahanap ko sa buong taon ng buhay ko ay ang babaeng minamahal ko ngayon!" Natakip ko ang nanginginig kong kamay sa nanginginig ko ring labi. Naluluha ang mga matang nakatingin sa nanlilisik, puros puot munit puno ng luhang mga mata ni Lucas. "P*t*ng*na shakira! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung malaman kong ikaw pala ang babaeng yon! Ilang beses akong humiling na sana hindi nalang ikaw yon na mas tatanggapin ko pa na hindi pa nabubuhay ang babaeng 'yon kaysa maging ikaw! Na sana.. Sana wag nalang syang mabuhay uli.. Na sana wag maging ikaw.. T*ng*na ilang beses akong nagmakaawa, lumuhod habang lumuluha para lang pakinggan Niya 'ko pero wala.." umiiling-iling nitong ani. "Wala p*t*ng*na! Mapaglaro pa rin talaga ang tadhana! Nanalo pa rin Siya kahit anong gawin ko.." nanlulumo na nitong ani.
Para siyang pinagsakluban ng lupa at langit. Mas nasasaktan ako sa nakikita ko. Gusto kong lumapit at punasan ang mga luha niya一 gusto kong hawakan ang pisnge nya't sabihin "Ayos lang. Magiging ayos lang tayo." Pero maski ang sarili ko ay binebetrayed ako.
Ayaw gumalaw ng mga paa ko kahit anong pilit ko. Ayaw ding tumigil ng mga luha ko kahit anong pikit ko.
Parang wala na 'kong control sa katawan ko dahil sa nararamdaman na bigat ng puso ko.
Natahimik ako sa sinabi niya. Mapait akong napangiti, ngayon napagtanto kong hindi pala nawala si Lucas dahil nariyan pa rin siya. Nandito pa rin siya.
Mapait akong ngumiti, magsasalita na sana nung biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Tama na ang eksena ninyo!"
Hindi ko sila nilingon o tinignan man lang. Nakakapagod, sobra.
Narinig ko ang pagkasa ng baril. Maya maya ay ang pagputok nito sa itaas na para bang tinatawag ang atensyon ko.
Doon ako napataas ng tingin. Nakita ko ang ngisi ni Adrasteia habang unti-unting tinutok sa'kin ang b*ril.
"Ngayon.. Katapusan mo na." napangisi ako nung kinasa niya iyon. Unti unti kong pinikit ang mga mata ko hinihintay ko ang pagputok ng baril.
Isang segundo lang ay narinig ko na rin iyon.. Sunod-sunod ang putok nun na para bang gusto akong patayin.
pero wala akong naramdaman, niisa ay walang tumama sa'kin.. Unti-unti kong tinignan ang paligid at nanlaki ang mga mata ko.
Parang tumigil ang mundo ko, nagslow-mo ang lahat nung bigla kong makita si Lucas..
Si Lucas na nakahiga ngayon sa harapan ko.. at naliligo sa sarili niyang dugo.
"L-Lucas?" hindi makapaniwalang ani ko.
Sinalo niya lahat ng bala.. Sinalo niya lahat ng para sa'kin.
Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na humarang siya.
"Lucas.." naiiyak kong ani habang nakatingin sakaniya.
Ngumiti siya kahit nahihirapan na. Ngumiti siya sa'kin.. yung ngiti nung Lucas na lagi kong nakikita..
Bigla ay nandilim ang paningin ko, kumuyom ang kamao ko at tinignan si adrasteia.
Halatang maski siya ay nagulat munit nung tinignan niya ko'y bakas ang takot sa mukha niya.
Hindi na ako makapagtimpi. Napakabilis ng pangyayari, nakita ko nalang si adrasteia na nakahiga sa lupa. Naliligo sa sarili niyang dugo habang ang daming kalmot at halos hindi na makilala ang mukha.
Hinihingal ako dahil sa galit bago tumingin sa likuran ko.
My face soften as I look at him. He's still breathing and he's smiling at me.
Mabilis akong naglakad papalapit sakaniya.
Umupo ako sa lupa at binuhat ang ulo niya. Pagod na ang katawan ko kaya hindi ko siya mabuhat.
"S-Shakira.." halatang hinihingal na siya.
"Shh, huwag kang magsalita please!" Umiiyak nang sabi ko, mabilis kong hinawakan ang mga tama ng baril niya pero dahil sa sobrang dami nun ay hindi ko maiwasang maiyak lalo.
T*ng*na! Wala na naman akong magawa! Wala man lang akong nagagawa!
"Please.. Hold on, tatawag ako ng tulong okay? Hantayin mo'ko.." umiiyak kong ani, tumayo na ako at tatakbo na sana para humingi ng tulong nung maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko para pigilan ako.
Naluluhang napatingin ako sakaniya. Mahina siyang ngumiti.
"H-Huwag.. kang umalis" nahihirapan siyang magsalita. Agad akong umupo at hinawakan ng mahigpit ang kamay nya, walang pakealam kahit puro dugo na ang damit ko.
Unti unti niyang itinaas ang kamay nya na tila hahawakan ang kamay ko kaya ako na mismo ang naglapit nito sakaniya. Napapikit ako nung punasan niya ang luha ko.
"Huwag kang umiyak.." sabi niya, nanghihina.
Napailing ako. "Please, hold on Lucas! Kaya kong pagalingin ka.. Please hold on" hinawakan ko ang mga sugat nya, pumikit ako, naramdaman kong ang enerhiya kong lumilipat sakaniya habang ginagamot siya pero.. agad niyang tinanggal ang kamay ko.
Napatingin ako sakaniya, umiiyak.
"five years ago.. Naalala mo ba ang araw na y-yun?" halata ang panghihina sa boses nito.
Umiling iling ako. "Huwag kanang magsalita please, Lucas." umiiyak ko nang ani sa sobrang pag-aalala.
"Five years ago.. You saved me." mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kamay niya.
"Please let me heal you.. L-Let me save you again." humahagulgol ko nang ani.
Munit tila tumigil ang mundo nung makita ko kung paano ito umiling habang nakangiti.
"You saved me that's why i saved you now.. and it's the wonderful and the best decision I've ever made.." Nakangiti pa rin nitong ani. "You're the best person I've ever met.. the person that I can fight, the person that I'm ready to spend my life with even though I'm just a friend.. the person that I'm ready to betray everyone just for her sake.."
Nanginginig ang mga labing napatitig ako sakaniya. Hindi ko mapigilang alalahanin ang araw na yun..
[Flashback]
Inayos ko ang shoulder bag sa shoulder ko habang bagot na nakatingin sa stop light.
Gustong gusto ko nang umuwi kaya lang wala akong magawa kun'di ang humanap ng trabaho.
Walang tumatanggap sa isang batang katulad ko kaya wala akong ibang magawa kun'di ang bumuntong hininga nalang.
May sakit ang ate at mama ko kaya wala akong ibang nagawa kun'di ang tumigil sa pag-aaral at maghanap nalang ng trabaho para tulungan ang papa kong maghanap buhay.
Hindi naman ako mukhang katorse anyos palang dahil kahit bata palang ako, matangkad na at mukhang matured na kong tignan may lahi rin kasi kaming kastila kaya kulay dagat din ang mga mata ko.
Kaya nga hindi ko alam kung paanong nalalaman pa rin nilang bata ako kahit ganito ang itsura ko.
"Mama! Tara na po!" doon lang ako nagising nung bigla kong narinig ang boses ng isang bata na mukhang inaaya nang maglakad ang kaniyang ina dahil naka green na rin ang ilaw sa stop light一meaning, pwede nang dumaan.
Naglalakad na ko nung bigla kong nakita ang isang lalaki一medyo may kapayatan ito at halos magmukha nang pulubi dahil sa mga dumi sa kaniyang damit.
Pero mapapansin mo pa rin na galing ito sa mayamang pamilya dahil sa mga alahas na suot suot nito. Halata ring mas matanda ito sa'kin dahil mas matangkad siya.
Ang kaso lang para siyang nawawalang bata dahil lumingon lingon ito sa paligid na tila ba may hinahanap, tapos mugto na rin ang mga mata na para bang kakatapos lamang sa pag-iyak. Nakatayo lang din sya sa gitna nang kalsada na tila ba naestatwa habang lumingon lingon pa rin.
Ewan ko ba pero nung makita ko siya nakaramdam ako ng awa para sakaniya. Kaya nga hindi na ko nagulat nung bigla ko nalang siyang lapitan at hawakan ang braso tsaka hinila patawid.
"Ano ba? Let go of me!" hindi ko na pinansin ang mga sigaw nito, hindi ko rin pinansin ang mga taong nagtitinginan dahil ang alam ko lang一kaylangan ko siyang dalhin sa pulis.
"ANONG GINAGAWA NATIN DITO?" tanong nya agad nung makapunta na kaming pulis station.
As usual hindi ko uli siya pinansin at hinila nalang siya一 mabuti nalang at nagpahila nalang din siya papasok.
"Sir, sa tingin ko po nawawala ang batang 'to." ani ko tsaka tinulak siya nang bahagya sa harap ng pulis. "Mukha po siyang mayaman, baka may mayamang pumunta rin dito para hanapin siya." dagdag ko pa.
Tumango naman ito kung kaya't napatango nalang din ako.
Napatingin naman ako sa lalaking nakatingin na rin pala sakin一nagtataka pa ito na tila iniisip kung anong klaseng kaweirduhan ang pinaggagawa ko kaya naman sa pinaka unang pagkakataon, kinausap ko na siya.
"Hindi ka dapat sa kalsada naghahanap o naghihintay ng taong hahanapin ka. Kung nawawala ka dapat sa police station ka pumunta." pranka kong ani sakaniya bago tumalikod at naglakad palabas.
[ End of flashback]
Hindi lang yun ang una't huli ko siyang nakita kun'di marami pang beses. Dahilan din yun para maging matalik kaming kaibigan.
"Ikaw lang ang kaisa-isang naglakas loob lapitan ako at dalhin sa police station.. Ikaw lang ang kaisa-isang taong tumulong sa isang katulad ko..." nagulat ako nung makita ang isang butil ng luha sa mga mata nito. " That's the day I promised to myself that I'll protect you no matter what一kahit pa ang kapalit nun ay ang pagbebetrayed din sa pamilya ko." doon ako mas lalong napaluha.
Knowing na akala ko talagang binetrayed niya ako dahil sa Confession na yun, tapos malalaman kong nung una palang ay ang pamilya nya na talaga ang binetrayed na at hindi ako.
"Shh.. Please shut your mouth lucas! You need to live!!"
Pinilit nitong ngumiti at iniabot ang aking mukha kung kaya't napayuko ako upang madali niya iyong maabot.
"I'm ready to die right here, right now, shakira.." napaubo ito ng dugo dahilan para mataranta na naman siya munit hinaplos ni Lucas ang kamay nito sa mukha nya at ngumiti na naman na tila ba pinapahiwatig na ayos lang siya kahit halatang hindi. "I'm ready to die knowing that I saved you and protected you.. Makakahinga na ko nang maluwag d-dahil nagawa kong iligtas ka sa huling pagkakataon."
"No.. Lucas please!" napapasigaw na ko nung makitang unti unti na syang tila inaantok.
"H-huwag mong sisihin ang sarili mo.. W-Wala kang kasalanan.. Palayain mo ang sarili mo... Shakira.." tumigil siya saglit. "I will die to make you alive.. Please live for me." pagkatapos nun unti unti nitong pinikit ang mga mata dahilan para mas lalong lumakas ang hagulgol ko.
"Damn! LUCAS! PLEASE WAKE UP!" Niyugyog ko siya pero halos hindi ako makahinga nung unti unting bumagsak ang kamay niya sa lupa. "Lucas! Don't die! Please don't die!!" sinubukan ko pang gamutin siya gamit ang kapangyarihan ko pero halos tumigil ang mundo ko nung hindi ko na maramdaman ang heartbeat niya..
Don ako napahagulgol. Niyakap ko ang wala nang buhay niyang katawan habang umiiyak.
Sobra sobra akong nasasaktan, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko kahit sinabi niya nang hindi ko dapat gawin iyon!
"Sorry! Sorry wala na naman akong nagawa.. Lucas I'm so sorry." paulit ulit kong ani habang nakayakap sa katawan niya.
NAKATULALA tila wala sa sariling naglalakad ako sa gitna ng gubat. Puno ng dugo ang suot kong damit may bahid ding dugo ang mukha at braso ko pero kahit ganon ay ako'y dere-deretso pa rin sa paglalakad.
Walang pakealam kahit nararamdaman na ang ibang bampirang papalapit sa gawi ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Bampira sila habang tao naman ako. Wala akong lakas kaya wala rin akong kapangyarihang lumaban.
Ang mga luha ko ay patuloy lang sa pag-agos sa walang buhay kong mga mata.
Gustong gusto ko nang sumuko, gusto ko nang humanap ng bangin at don tumalon pero..
Pero may pumipigil sa'kin. Isang bagay na hindi ko alam kung saan nagmula.
Narinig ko nalang ang tunog ng tubig. At doon ko narealize na nasa balon ng pasagjan pala ako.
Balon kung saan nagsimula ang lahat.
Ngayon ay iniisip ko kung tama ba ang lahat ng desisyon ko sa buhay.. Kung hindi ba kami pumunta rito ay hindi ko siya makikilala? Hindi ko rin ba malalaman ang dati kong buhay? Hindi ko rin ba mawawala si Lucas?
Ang daming tanong at puro what if sa utak ko. Gustong gusto ko nalang mawala sa mundo.
Hanggang sa bigla ko nalang naramdaman na basa na ang kalahati kong katawan. Naglalakad na pala ako papunta sa malalim na parte ng ilog.
Pero ganon pa rin, wala pa rin akong pakealam kung mamatay man ako o hindi..
munit bago pa man ako mapunta sa pinaka-ilalim ng ilog ay may dalawang pares ng braso ang humawak sa bewang ko.. naramdaman ko nalang na nasa lupa na naman ako.
Tinignan ko ng masama ang taong nanghila sa'kin ngunit ganon nalang ang gulat ko nung makita kung sino yun..
"Are you that despirate to end your life?!" sigaw nya, hindi ako kumurap nanatili lang akong nakatingin sakaniya.
Nablangko ang isip ko at parang gusto ko nalang umiyak ng umiyak habang nakatingin sakaniya.
Narito na siya..
Nakatitig lang din siya sa'kin. Hinihingal na para bang pinipigilan ang inis at galit. Gayon pa man ay kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya.
"Talk now!" he shouted, it signs my tears to scape my eyes. Napahagulgol ako na para bang isang batang naliligaw.
I cried so much 'til i felt his arms wrapped around my body. He hug me tigthly like he will never let me go again.
"Namatay siya.. Namatay siya dahil sakin! Ang sama-sama ko, wala akong nagawa.. Wala!" umiiyak kong sabi habang nakayakap na rin sakaniya.
He caressing my hair, He didn't say anything. He's listening to my rants, to my cries and loud voice.
Wala siyang pakealam kahit puno na rin siya ng mansya ng dugo. Wala siyang pakealam kahit siniksik ko ang mukha ko sa leeg nya dahilan para mabasa ito. Wala siyang pakealam kahit sumisigaw ako malapit sa tenga nya..
Nandon lang siya. Niyayakap ako ng mahigpit na unti unting nagpakalma sa kaibuturan ko.. Unti unting tumigil ang iyak ko pero nandon pa rin ang sakit para sa kaibigan ko.
"Roz.. Namatay na si Lucas... Niligtas nya na naman ako.. Ang bobo bobo ko." umiiyak kong ani sakanya.
"Shh.. Its okay, you'll be fine. Hm?" he said. He's voice is so soft. It comforts me. "He'll hate you seeing like this.. You're strong shakira. I know u can do this."
Natigilan ako. Maski ang pagpatak ng luha ko ay tumigil din.
Agad ko siyang tinulak palayo, naguguluhang nakatingin sakaniya.
"A-Anong sabi mo?" parang nabibingi kong tanong. "Ulitin mo.." utos ko, nagseryoso na ang mukha ko.
Unti unting nagseryoso ang mukha niya. "I remember you.." nablangko ang utak ko nung marinig iyon.
Mas nadagdagan ang sakit ng puso ko. Ang bigat nito.
"You what?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Tinignan niya ako sa mga mata. Halo halong emosyon ang mga nababasa ko ron na hindi ko mapangalanan.
"Her Familiar Scent.." don palang ay natauhan na ko.
Oo nga pala. Ang scent na nanggagaling sa'kin ay ang kapareho ng scent ko nung past life ko. Noong mga panahong ako pa si Annette.
"Like what happened many years ago.. I familiarize your scent.. Your rose scent and it brings back many memories.." his face softens. "Tell me shakira.. How can I forget you?"
Napailing ako. Naitulak ko siya at napaatras. Iling ako ng iling.
Sobrang pagod na ang utak at puso ko. Pakiramdam ko ay trinaydor din ako ng kapangyarihan ko..
Pakiramdam ko ay wala na 'kong ginawang tama.
"I'm sorry.. Please" Lumalapit siya habang umaatras ako. Hindi ko makita ang itsura niya pero alam kong kagaya ko ay nasasaktan din siya.
Napaupo ako sa lupa dala ng pagod. Nakayuko ako habang patuloy na umiiyak.
"Pagod na 'ko.. Pagod na pagod na 'ko." halos pabulong kong ani.
"Rest.. You may rest and I'll.. I'll find you again, mi amor.." pagkatapos nun ay nawala siya na parang bula at naiwan ako sa gitna ng kabugatang iyon..
Na mag-isa.
Ngayon alam ko na.. Alam ko nang tapos na ang lahat.
Maya maya ay bumagsak sa lupa ang pagod kong katawan. Naramdaman ko nalang na may likidong patuloy na tumutulo mula sa katawan ko..
Unti unting nandilim ang paningin ko hanggang sa unti unti ring nawala ang aking hininga.
"R-Rozz.." Iyon ang huling pangalang binanggit ko bago ako tuluyang magpasakop sa dilim.
— Bald kommt ein neues Kapitel — Schreiben Sie eine Rezension