Nicolette Celestial
"Are you sure you're going for a job interview?" bungad sa akin ni Nicolo paglabas ko ng kwarto. Napatingin naman ako sa gawing kusina nang marinig si Yaya Mel na pigil na pigil kung tumawa.
Lumakad ako papalapit sa aking anak at kinurot ang kanyang pisngi. "Yes, baby boy!" tugon ko. Titig na titig pa rin sa akin habang seryoso ang mukha.
"I don't think so, Mommy. Look at your skirt! It's too short. Your sleeve is too revealing."
Napayakap ako sa aking dib-dib at tumayo. Nag pose pa ako na kunwari ay model. Umikot-ikot ako sa kanyang harapan. "Are you saying that I'm too sexy in my outfit that can catch the eyes of men?"
Napa-hagikgik na ng tawa si Yaya Mel, "Ang ganda-ganda niyo nga po, Ma'am. Hindi po ba ay mga ganyang kaganda ang mga tinatanggap sa opisina? Meron pleasing personality!"
Nag thumbs-up ako kay Yaya Mel dahil sa kanyang sinabi. "Nicolo, baby! Don't worry. Mommy will not attract many bees out there. Alam mo naman ikaw lang ang baby boy sa buhay ni Mommy!"
Hindi na siya nakakibo at umiling-iling. Daig pa niya ang isang boyfriend o asawa kung umasta pag dating sa mga sinusuot ko. 'Ayaw niya na nag-aayos ako sa sarili dahil nakikita niya na maraming umaaligid na lalaki.'
Hinalikan ko siya sa labi, "Behave, Nicolo! After my interview, uuwi na rin ako." Paalam ko sa kanya. "Yaya Mel, kayo na po ang bahala rito." Paalala ko.
"Opo, Ma'am! Goodluck po sa interview niyo."
Nike Trinidad
'How to impress a woman?'
Make sure that you look perfect. You can gain confidence if you feel good physically and psychologically. Wearing an elegant and high-class suit will show how presentable and handsome I am. 'Para kapag nakita ka nila, 'WOW' ang salitang unang masasabi nila.' Wear an expensive wristwatch. If possible yung kilalang brand talaga para agad na makuha ang kanilang attention. Having an astonishing hairstyle is an extra point. 'I should look neat at every angle, whether it's a side view or front view.'
"Good morning!" bati ko sa aking mga empleyado na aking nakasalubong.
Nakasabay ko sa elevator paakyat sa opisina ang aking kapatid. In my peripheral view, tinitignan niya ako mula sa aking mukha pababa sa aking mga pa.
"Do I look perfect and dazzling?" tanong ko. Binigyan ko siya ng malaking ngiti para makita ang mapuputi kong ngipin.
"Sino na naman ang prospect mo?" tanong niya. Kilala niya talaga ako kapag nakaporma ng ganito. "Iyan ba yung bagong mag a-apply na nakilala mo sa Cebu?" Umiling-iling siya, "Kawawang babae! From peaceful life in Cebu to a hell life in Manila!"
Tinapik ko siya sa kanyang balikat, "Bro, 'di naman ako ganun kasama! You know I always adore woman, right? Iba lang kasi ang usapan kapag real relationship na. Beside, she's the one who call and want to apply. Hindi ko siya pinilit, like the other woman na nakakasama ko."
"Really? For sure, ilang buwan lang at maghahanap na naman ako ng papalit sa kanya!"
I laugh, "It's up to her, Bro!" Sakto naman bumukas ang pintuan ng elevator, "Once she's there, direct her to my office, okay?' Inirapan niya lang ako at nilagpasan. "Great!" Wala naman siya magagawa kapag inutos ko.
Scout Trinidad
'Beautiful! Appealing! Innocent!' Tatlong salita na made-describe ko ang babaeng hinihintay ko. Bukod sa experience ay matalino talaga siya base sa mga nakalagay na details sa kanyang resume. Hindi rin basta-basta ang pinagmulan na kumpanya niya dahil isa iyon sa kilalang business sa Visayas.
Napatingin ako sa orasan, 'Any moment nandito na siya!' I told myself. Kasabay nga noon ang pag ring ng aking telepono.
"Miss Celestial is here, Sir Scout!" sambit ng receptionist.
"Thanks! Pa-akyatin mo dito sa aking opisina."
Ilang minuto lang at bumukas ang pintuan. Pumasok ang aking admin staff kasabay ang isang babae. Base sa kanyang pananamit, ayos, at body gesture ay hindi basta-basta babaeng simpleng empleyado lang siya. 'May kaya o baka nakaka-angat rin sa buhay.'
"Good morning!" bati ko.
Bago umupo sa harapan ng lamesa ay nilahad muna ang kanyang kamay at nagpakilala, "Good morning, Sir! I'm Nicolette Celestial!"
"Have a seat, Miss Celestial. By the way, I'm Scout Trinidad, one of the acting CEOs of this company!" Nginitian niya lang ako at tumango. "Give me a minute and I will escort you to my brother."
"Thanks!" tipid na sagot.
Nilahad ko ang aking kamay nang buksan ko ang pintuan ng opisina ni Kuya. "Ladies first!" usal ko. Nang makapasok sa loob ay nakita ko naman ang pagsalubong ni Kuya sa babae na hindi niya ginagawa sa mga aplikante na ini-interview niya. 'Nagsimula na ang pag papa-impress niya.
"Kuya, lalabas na ako." Paalam ko kay Kuya na nasa babae ang atensyon. "Miss Celestial, goodluck!"
Nike Trinidad
"What a pleasure to meet you again, Miss Celestial! You look better now than I saw you in Cebu."
"Thank you," pormal niyang tugon. "Thank you Sir for giving me a chance to apply to your prestigious company! I didn't expect na napakalaki pala ng kumpanyang papasukan ko (if ever)."
Pinatong ko ang aking dalawang kamay sa likod ng kanyang upuan. "Humble, huh! Based on your resume, galing ka rin sa isang malaking kumpanya. You have a high position with high salary and benefits! May I ask kung bakit pinili mo mag resign at maghanap ng ibang kumpanyang pagta-trabahuhan?"
"It's a personal reason, Sir!"
"Okay! Are you connected to the owner of your previous company?"
"Yes! I'm the daughter of Luisito Celestial. The one you've met in Cebu."
"Wow! Big time!"
"Not really, Sir! Besides, I work hard to get my previous position. I started as a low-key employee and didn't use the connection of my father."
"So why should I hire you?" I ask. Umikot ako mula sa kanyang likuran at umupo sa kanyang harapan.
"Because I have a lot of knowledge and experience when it comes to the business, like your company. I can contribute many things to improve everything in this organisation. I am flexible in schedule. I easily catch up on different works. Just tell me what you want and need."
"Impressive! I can offer you the vacant job of Company Specialist which is more suitable for your experience. The salary is great with complete benefits." Nginitian ko siya. "Can you start tomorrow?"
Nag-iba ang itsura ng mukha niya nang sabihin ko iyon. 'Naging masaya ang aura ng kanyang mukha.'
"Yes, Sir! I can start right away." masiglang tugon sa akin.
"That's great! Your office work will be Monday to Saturday from 9 am to 6 pm. I will prepare for the contract." Hindi na siya nag salita at patango-tango lang. Sa tingin ko naman ay nagka intindihan na kaming dalawa kaya hindi ko na kailangan pahabain pa ang aming pag-uusap. Tumingin ako sa aking wristwatch at muling bumaling sa kanya. "Are you free? Can I invite you for lunch? Don't worry it's my treat. I just wanna celebrate your new work in my company."
"Thank you for the offer, Sir! But I can't today." She rejected me. "I should be the one to thank you for giving me an opportunity. And, I'm the one who owes you a meal. Probably our next meeting will do."
"Aasahan ko 'yan, Miss Celestial." Nilahad ko ang aking kamay, "Congratulation and welcome to my company."
"Thank you! I will not disappoint you. See you tomorrow, Sir Nike!"
"You're very much welcome, Miss Celestial."
Hindi nawala ang ngiti sa aking labi kahit wala na siya sa aking paningin. Nakakabigla na makita siyang very pleasing and professional sa kanyang ayos kasya noong nakita ko siya sa Cebu. Wearing a simple clothes, 'di mo maiisip na kabilang siya sa isang mayamang pamilya.