App herunterladen
38.09% PINKY GANGSTERS / Chapter 8: CHAPTER 8: Invitation

Kapitel 8: CHAPTER 8: Invitation

Maria's POV

******

And last ay si Kristalline Williams, half Filipino at half British. Ipinanganak sa ibang bansa pero nang magtatlong taong gulang ay iniuwi rito nang kanyang ina dahil nalaman nitong ang kanyang ama pala ay isang miyembro rin ng kalaban na grupo ng DQM.

Medyo masakit nga ang lovestory ng mga magulang nito, her dad was killed by his own group. Nalaman daw ng mga kagrupo nito na hindi niya tinupad ang mission na papaibigin ang Mom ni Talline at kukunin ang loob para malaman nila ang data na ito lamang at mga Queens ang nakaaalam.

Ang nangyari ay napamahal na ang Dad niya sa mom nito na hindi dapat nangyari.

Tulad kasi ni Talline magaling sa mga hacking ang mama niya. Ito rin ang tagapagtago ng mga importanteng data ng DQM. Alam nilang magaling din ito pagdating sa pakikipaglaban kaya iba ang ginawang strategy ng mga kaaway dahil alam nilang hindi nila kaya ang ina ni Talline.

But unfortunately, pag-uwi nila rito sa bansa ay napatay ang Mom niya dahil sa pagprotekta sa kanya.

Hmmm. So sad.

*****

Wencie's POV

Nilukot ko ang papel na laman ng puting sobre na aking hawak. Muli nanamang bumalik sa aking ala-ala ang nakasulat.

Ugh!

Gusto kong murahin nang malutong ang nag-utos 'non at barilin sa ulo na lalabas ang utak. Kailan ba niya titigilan ang pagpapagawa sa akin ng mga misyon na halos isuka ko na ang lahat h'wag lang gawin?

They are all demons. Heartless. They should be rotting in hell.

They controlled lives over their hands as if they were Gods.

Fudge, and it sucks that I couldn't do anything. I couldn't do anything to end this!

"What should I do next?" Tanong ni Talline na nagpaalis sa akin sa mundo kong sobrang dilim.

"Lagay mo na yung tubig." Aniya ni Eloi.

"Hindi, gulay muna!" Sagot ni Maria.

"E'di nalusak! Yung macaroni na." Ani ni Ana habang nagpupunas nang baril sa may lamesa.

Napatayo naman si Maricris at iniabot yung tubig. "Eto una. Halatang hindi mga nagluluto."

"Oh, ano ha! Ha! Ano ka, Maria. Hindi ba tubig una! May pagulay-gulay ka pa."

"Iba 'to." Dila naman ni Maria saka lumabas ng kusina.

"Gaga ka Eloi," pagtatawa ni Talline matapos asarin nanaman ni Eloi si Maria at napawalk out nang wala sa oras.

"Matatapos na ba 'yan Talline? Nagugutom na ako eh." Reklamo naman ni Ana na inililigpit na ang baril.

"Intay-intay rin pag may time no?" Talline mumbled, saka humigop sa sandok na hawak niya. "Better."

Nandito kami sa condo ni Maria kahit alas-10 na nang gabi, naisipan kasi ng aming grupo na rito na mag-dinner. Kaya ayun nagluluto si Talline katulong si Maricris.

"Para hindi ka magutom, alam ko na Ana ang gagawin mo." Tumayo si Eloi saka lumabas ng kusina na may malademonyitang ngiti nanaman, for sure kinikilabutan na niyan si Ana.

"Hala! Talline, bilisan mo na. Si Eloi mukhang may gagawin nanamang hindi maganda."

"Okay lang 'yan Ana." Nang-aasar na tap sa kanya ni Diana sa balikat at kakapasok lang nito sa kusina.

"Oh? Kala ko hindi ka makapupunta." Tanong ko nang tumabi siya sa akin dito sa lamesa.

"Naamoy ko kasi ang niluluto ni Tal, kaya napatakbo ako."

"Ha-ha-ha joker talaga tong si Diana." Pang-aasar ni Maricris.

"Ha-ha-ha idol kita eh." Gatong nito na pineke rin ang tawa. Nang bumaling naman ulit yung dalawa sa pagluluto, lumabas naman si Ana sa kusina kaya naiwan kami ni Diana sa table.

"Natanggap ko na." Sira niya sa katahimikan naming dalawa.

"Really? Kailan?" Tanong ko na tinutukoy ang invitation. 'Yun lang naman talaga ang aasahan naming matanggap eh.

"Kaaabot lang sa akin ni Harris sa office, kaya nga medyo nasira gabi ko."

"Kaya pala nasugod ka rito agad, pffft."

"Tsss. Here, tingnan ninyo nalang hindi ko pa kasi binubuksan man lang 'yan." Abot niya sa akin ng invitations na kulay itim ang papel at may iilan na pinatuyong talulot ng bulaklak ang desenyo na mas nagbigay nang kilabot sa itsura.

"Kumpleto na 'yan para sa ating pito, hindi ko nga alam kung bakit hindi iniabot sa atin isa-isa eh." Kibit balikat nito habang kumukuha ng tubig sa fridge.

Mukha namang busy yung dalawa sa pagluluto at hindi kami naririnig samantalang rinig din dito sa loob ang tawanan nung tatlo sa labas. "Isa lang ibig sabihin niyan, they were really busy and preparing for something perilous again." I shrugged.

Lagi naman ganun ang DQM, kapag ganitong malapit na ang party may mga inaasikaso sila.

Tinungga niya ng straight ang tubig saka bumalik sa pagkakaupo. "At kinakabahan ako sa pinagkakabisihan nila, after 5 years. Ito nanaman tayo."

Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko napigilang matawa bigla sa sinabi niya, dahilan kaya kumunot ang noo niya sa naging pagtawa ko out of nowhere.

"Aren't you nervous?" Umiling ako at tumawa ulit. "C'mon?"

"Not really, maybe you're just overthinking."

"I know that you have heard already about what happened in the Rebellion gang, right?" I nodded. She's referring to CaUx Benneth Parker, the one I talked with the other day about their plan for getting revenge.

"And then, why you're not afraid?"

"What will happen if I'll be afraid? If we will be all afraid?" Tinaas niya ang isang kilay telling me to elaborate.

"If it will happen then we need to be ready and if not, just be thankful." I grinned.

"Hoping here."

"Being a wimp will not help me grow. It's not a vitamin that if I will take some, I'll get better," dugtong ko pa.

Siya naman ngayon ang natawa. "Hanep, hugot ka eh."

Napailing na lang ako habang natatawa rin. Basta hangga't puwede, at kaya, hindi tayo matutulad sa kanila.

I promised.

Maricris's POV

"Eloi naman! Nagugutom na nga ako gusto mo pa akong mapagod."

"Hindi kita pinapagod, option lang 'yan para hindi ka mabored." Aniya ni Eloi habang iniaabot pa kay Ana ang isang Rifle.

Napapailing nalang ako habang tumatawa. Berat talaga 'to. Ang tinutukoy pala niyang way para hindi magutom si Ana ay paglinisin ng sandamukal na ammunition namin.

"Haya! Aba, Maria! Nakikigaya ka naman. Ikaw maglinis nung sa'yo," pout ni Ana saka itinulak pabalik kay Maria yung baril.

"Ang damot mo. Parang isang piraso lang."

Hindi ko napigilan na mapalakas ang tawa habang pinapanuod sila. "Oo nga naman Ana! Si Eloi nga limang baril." Sabat ko rin, katatapos ko lang kasing magluto kaya nagtungo na ako rito sa sala. Si Talline at Diana naman ang gumagawa sa kusina.

"Oo nga, sige na. Magbabasa lang ako, kaya linisan mo na." Lagay ulit ni Maria sa lamesa nung baril.

Napatawa nalang ako ulit nang parang aso at pusa yung dalawa sa pag-aaway, tanggi naman kasi nang tanggi si Ana pero ginagawa pa rin.

Silly.

"Oy, Maricris. May nakita akong magandang shoes na ipinost sa FB ko."

"Talaga? Patingin nga."

"Sandali, iniscreenshot ko." Sandaling nagbuklat si Eloi sa iphone niya at ipinakita sa akin. "Ganda 'no?"

"Oo nga 'no? Pero kung white 'to mas maganda. Magkano raw?"

"Wala."

"Anung wala?"

"Out of stock na." Nabatukan ko tuloy ito dahil sa kaberatan. Pinakita pa sa akin, wala naman na pala.

"Berat ka talaga! Pinakita mo pa sakin, wala na pala!"

Umirap ito sa hangin saka nagcellphone ulit. "Share..." aniya lang.

Tsk.

Tsk.

Sira talaga.

Napalingon naman ako sa phone ko nang magring itong bigla. Palihim akong ngumiti at tumayo para lumayo sa kanila dahil si Toffer ang tumatawag.

"Yes?" I asked as soon as I answered the call. I thought he was busy.

"Just checking if you're okay."

My smile became wider, we're too old for this, but I just couldn't stop the sensation inside me again. Kinikilig pa rin ako sa kanya.

"Don't worry, mas okay ako kasi tumawag ka. Akala ko ba may mission kayo ngayon?"

"Ah, yeah. Just waiting for the other members, hon."

"Midnight mission?" Umupo ako sa may veranda ng condo unit ni Maria habang pinagmamasdan ang labas nito.

Ang ganda pala ng ilaw ng mga building rito kapag gabi.

"Oo eh, kumain ka na ba?"

"Nagluluto pa sila Talline."

"Tof! Tara na, si Maricris ba 'yan? -- oi, akina nga 'yan -- hi, Maricris!"

Napatawa na ako nang marinig si Lourd sa kabilang linya, inagaw ata kay Toffer yung phone.

"Hi..." I greeted back.

"Sandal--- hon, alis na kami ha! Bye."

Then he ended the call.

I'm so lucky because he has never forgotten me.

-----------------

NEXT CHAPTER: READY


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen