"Bakit mugto ang iyong mga mata?", agad na tanong sa akin ni Ina habang papababa ako ng hagdanan. Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit na kaniya naman ipinagtaka. "Ina nagkaroon ako ng malungkot na panaginip.", tila bata kong sumbong sa kaniya. "Nais mo bang pag-usapan 'yan iha?", malumanay niyang tanong sa akin. Ilang minuto pa ay kapwa na kami mabagal na naglalakad sa gubat upang makalasap ng sariwang hangin.
"Bakit ka tila umiyak iha?", malumanay na panimula sa akin ni Ina at muli na naman ako nakaramdam ng lungkot. "Nanaginip ako patungkol sa isang batang lalaki sa ating baryo Ina. Humihingi siya ng tulong sa akin ngunit wala man lang akong nagawa.", mahina kong turan habang nagsisimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Pakiramdam ko Ina kasalanan ko ang lahat. Hindi ko siya naprotektahan. Tila nawalan ng hustisya ang mga sinulat niya para sa akin.", hindi na ako nakapagpigil sa pag-iyak kasabay ng malungkot na pag-abot ko kay Ina sa kwaderno na siyang sinulat ng bata para sa akin. "Pakiramdam ko binigo ko lahat ng mga bagay na hinangaan niya sa akin.", tuluyan na akong naiyak na muli dahil sa matinding damdamin.
Binuklat ito ni Ina at agad niyang nakuha ang tuyot ng bulaklak na nakasingit sa kwaderno. "That's his favorite flower na iniabot ko sa kaniya. Naalala ko na siya Ina.", tila bata kong pagsusumbong sa kaniya. Marahahan niya itong ibinalik muli sa kwaderno at tumigil siya sa kanyang paghakbang na siya ko din namang ginawa. She looked sad while staring at me.
"Natupad ang panalangin ko Vreihya sa mahal na Dyosa. Binigyan niya ako ng anak na lubos ang pagmamahal sa kaniyang nasasakupan.", malumanay nitong pahayag sa akin na siyang tila haplos sa aking puso. "Hindi nasayang ang kaniyang pagkamatay Vreihya dahil mas lalo lamang pinasidhi nito ang iyong pagmamahal sa mga katulad niya.", kalmadong pahayag ni Ina na siyang aking tinanguan.
Muli niya akong niyakap nang mahigpit ngunit kapwa kami nagulat ni Ina at magkayakap na bumulusok sa damuhan dahil sa pwersang nagtulak sa amin. Mabilis kaming kumalas at matalas na tumingin bampirang bagong dating. Kitang-kita namin si Tiyo na tila biglaan lamang pumreno dahil siguro hindi niya natansya ang kaniyang bilis.
"Alonzo!", galit na sigaw ni Ina ngunit kapwa kami tila nagtaka kung bakit hingal na hingal si Tiyo habang nasa balikat niya ang maliit na anyo ni Silvestre. Agad kaming tumayo at nagseryoso dahil tila may hindi magandang balita. "The other kingdom is moving towards here!", agad na seryosong turan ni Tiyo habang naghahabol ng hininga.
"Entrante! How?", agad kong tanong. "Nakita sila ni Silvestre na tila patungo sa direksyon na ito. May kasama silang malaking Awol!", madiin na turan ni Tiyo. "Isang Awol? Hindi ba pinatay na ang lahi ng mga halimaw na yon?", agad na turan ni Ina. In our world an Awol is a monster that can smell a human hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang dugo ngunit maging sa kaniyang paghinga. Mino is breathing and at the same time he is not a full blooded vampire. "Talagang desperado na sila Ina. They even use a cruel monster just to get their hands on Mino!", galit kong turan.
Hindi na mahalaga kung saan sila nakakuha ng buhay na Awol ang kailangan isipin ay ang makaalis sa lugar na ito si Mino dahil hindi maaaring masundan ang kaniyang amoy dito dahil hindi ko kakayanin na makakita ulit ng pinapaslang na mga taga-baryo. "Aalis kami ng mortal! Kailangan mailihis ang pang-amoy ng Awol!", mabilis kong turan na agad tinanguhan ni Ina at Tiyo.
Gamit ang aking bilis ay nagtungo ako sa palasyo at mabilisang tinungo ang silid ng mortal. Malakas kong binuksan ang pinto at agad na napasigaw si Mino ngunit agad na nanlaki ang aking mata dahil sa bumungad sa akin ang hubad niyang katawan ngunit mabuti na lamang at nakatalikod siya kaya tanging ang kaniyang likuran ang aking nakita. "Damn! Bakit naman kasi walang habas na pumasok?", agad niyang singhal sa akin habang nakatalikod pa din ako.
Buti na lang mabilis akong nakatalikod agad kaya hindi ko na nakita ang ibabang parte ng kaniyang katawan. "I am so sorry its urgent!", agad kong sagot pabalik habang naririnig ko na siyang nagsusuot ng kaniyang kasuotan. Ilang segundo pa ay muli akong nagsalita. "We need to go away from here Mino.", agad kong sabi sa kaniya ngunit nagulat ako ng tapikin niya ang aking likod. "Humarap ka na wala ka ng makikita.", agad niyang sabi at mabilis na akong humarap sa kaniya.
Hindi tuloy ako makatingin sa kaniyang mata nang diretso dahil sa nakakaramdam ako ng hiya dahil sa aking biglaang pagpasok. Malamig na titig lamang ang nararamdaman ko mula sa kaniya dahil siguro nainis siya sa aking pagpasok. "Is there any problem? Bakit kailangan natin umalis?", malumanay lamang niyang tanong sa akin habang sinisimulan niyang tila suklayin ang kaniyang buhok pataas gamit ang kaniyang mga daliri.
He looks as dazzling as before ngunit hindi ang kaniyang kakisigan ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. "Patungo na sa direksyon na ito ang ibang kaharian. May kasama silang Awol.", agad kong paliwanag na nagpakunot lamang ng noo niya. "Awol? Absent without official leave? May military school ba dito sa inyo?", agad niyang tanong na agad nagpataas ng kilay ko. Ano pinagsasabi nito?
"Baka naman OTWOL yung On the Wings of Love ni James Reid at Nadine Lustre may ABS-CBN kayo dito?", agad niyang muling saad na lalong nagpasakit ng utak ko. Entrante! Hindi ito ang tamang oras para unawain ko pa siya. I feel so stress right now baka makasakal ako ng isang gwapong mortal. "Not those nonsense Mino! Awol in this world is a beast that can smell human breath and can tear you apart! They are born to kill humans and tear them to shred!", mabilis kong paliwanag na sana naman ay maunawaan niya agad.
I saw how his jaw clenched ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang pagtago sa kaniyang nanginginig na kamay. I know that he is scared for his life dahil wala siyang awa na papatayin ng halimaw na iyon. "We need to go baka madamay ang mga taga-baryo. Your enemies will play dirty again.", seryoso niyang turan at ilang sandali pa ay nasa labas na ako ng palasyo. I have a bag that is large enough to carry my necessities at ilang sandali pa ay nasa tabi ko na si Mino and just like me he is carrying a bag but it is a lot smaller than mine dahil wala naman siyang kagamitan.
Agad na kaming sinalubong ni Ina at Tiyo na galing sa baryo upang siguruhin na ligtas ang mga naninirahan doon. "You both need to go to the sanctuary. Awols are forbiden to enter there.", agad na payo ni Tiyo ngunit mabilisan akong umiling. I dont like that sanctuary. Nag-iinit lamang ang ulo ko sa nilalang na makikita ko doon. "Come on Vreihya! Hanggang ngayon ba ay hindi pa din kayo magkasundo?", medyo iritableng pahayag ni Tiyo.
"Just don't let her know about the reason kung bakit ka pupunta doon dahil alam mo naman na tuso ang babae na yon.", babala sa akin ni Tiyo at naiinis na lamang akong napatango. I will see her again at kumukulo na naman ang aking dugo pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin noon. "And you Mino, behave your eyes on there huwag kang magpapatukso.", babala ni Tiyo kay Mino na nakakakitaan na ng pagtataka.
"Let's just hope that the mortal has a strong mind! Kailangan na natin sumugal sa lugar na iyon kahit pa may tyansa na mabaliw siya.", agad na pahayag ni Tiyo dahil kahit pa tila paraiso ang lugar na iyon ay hindi ito ligtas sa mga mahihina ang kapasidad ng kaisipan. That sanctuary will be a nightmare sa mga nilalang na madaling paglaruan. "You can't use Silvestre dahil siya ang nag-uulat sa akin kapag may papalapit sa lugar na ito.", saad ni Tiyo na tinanguan ko lamang.
Ilang sandali pa ay nagsisimula na kaming maglakad papalayo sa kagubatan at tanaw ko na ang malawak na desyerto. Nag-iwan ako ng isang singsing na may basbas ng aking kapangyarihan upang mapanatili ang kagubatan na nagkalinga sa amin at nagsilbing taguan. Mahirap man kumalas sa yakap ni Ina kanina ay kailangan na namin maghiwalay pansamantala.
Kanina pa tahimik si Mino simula ng may tila ibinulong sa kaniya kanina si Tiyo na hindi ko na lamang binigyan ng pansin. Ilang sandali pa ay nasa disyerto na kami habang lumiit na ang kagubatan dahil sa aming distansya. Hindi ko alam ngunit tila kinain na lamang din ako ng kuryosidad kaya naman humarap ako sa lalaking asa likuran ko lamang.
"Mino ano ang binulong sa iyo ni Tiyo?", agad kong tanong sa kaniya. "I wont tell you.", seryoso nitong turan at agad na napataas ang aking kilay habang paatras ako na naglalakad upang manatili akong nakaharap sa kaniya habang umuusad. "I need to know dahil baka kung anong kalokohan na naman iyan!", I told him ngunit tila hindi lamang niya ako narinig.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo prinsesa baka mapatid ka.", pag-iiba niya ng usapan ngunit umiling lamang ako. "Ayaw mo lang sabihin sa akin eh. Ano ba kasi yon?", muli kong tanong habang patuloy sa pag-atras. Hindi ko talaga gusto ang ugali ko na ito na palausisa. "No I wont tell you!", agad nitong turan sabay napayuko siya nang bahagya upang tignan ang kaniyang inaapakan.
Akma na sana akong magsasalita ngunit agad na hinampas ng kaba ang aking dibdib dahil sa aking paghakbang paatras ay walang naapakan na buhangin ang aking paa. "ENTRANTE!", agad na nanlaki ang aking mata dahil matutumba ako paatras ngunit agad kong nahawakan ang kasuotan ni Mino sa kaniyang dibdib at agad na nanlaki ang kaniyang mata dahil sa kapwa kami natumba at agad siyang napayakap sa akin nang mahigpit habang kapwa kami gumugulong paibaba sa buhangin.
Ramdam ko ang init ng buhangin sa aking balat ngunit naramdaman ko ang tila pagprotekta ni Mino sa aking ulo habang nakayakap sa bewang ko ang isa niyang braso. Ilang sandali pa ay agad kong narinig ang tila pagtama ng kung ano sa kaniyang ulo at mabilis na lumuwag ang paghawak niya sa akin. Kasalukuyan akong nasa kaniyang ibabaw at agad akong napakalas sa kaniya dahil tila nawalan siya ng malay.
Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko ang pagdaloy ng masaganang dugo sa gilid ng kaniyang ulo at ang isang malaking bato sa tabi nito. Entrante! Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa nangyari. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Akma na sana akong tatayo upang gumawa ng paraan ngunit agad akong nakaramdam ng tila pagbaba ng temperatura sa disyerto.
Agad kong inalerto ang aking sarili dahil hindi normal na lumamig ang mainit na lugar na ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na humarap sa direksyon kung saan ramdam ko ang kaniyang prinsesa at walang ano-ano ay agad kong nasalo ang matalas na malamig na bagay na itinapon niya sa akin na tatama sana sa aking noo.
"Kamusta na prinsesa?", mayabang na saad nito habang may nakapanlolokong ngisi.