App herunterladen
40% SIREN: TAKE MY HAND / Chapter 6: SIRENES PT.1

Kapitel 6: SIRENES PT.1

Bigla naman sya ulit nag humming, habang nakatingin sa mga alon, kaya napantingin na lang din ako, napapakunot ako ng noo dahil sa bawat pag humming nya kumakalma yung mga alon, bigla naman ako kinabahan, ngayon lang nag sink-in sa utak ko yung sinabi nya sakin, maya maya pa yung mga malalaking alon kanina, unti unti ng nawala.

"Di ba nangako ako sayo na tutulungan kita sa report mo" nakangiti nyang sabi sakin, tapos bigla ko naalala, oo ngapala nawala sa isipan ko yun, sobrang saya ko kasi nitong mga nakaraang araw, gaya nga ng sinasabi ko pag kasama ko sya nawawala mga problema ko sa buhay, nawala sa isip kong mag rereport nga pala ako next week, napahawak na lang ako sa batok ko at--

"Nawala sa isipan ko yung tungkol sa bagay na yan ah" sabi ko, ngumiti naman sya sakin.

"Tara" sabi nya sabay abot ng kamay nya sakin.

"Saan?" agad kong tanong

"Tutulungan kita" nakangiti nyang sabi kaya ngumiti na din ako sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Pagdating namin sa resthouse, habang kinukuha ko yung white folder sa bag, andun naman sya sa may balcony, nakatayo habang nakapikit.

"Ano inisip mo?" tanong ko sa kanya, dahan dahan naman nya iminulat yung mata nya sabay tingin sakin at ngumiti.

"Malalaman mo din" nakangiti nyang sagot sakin.

"Alam mo na weweirdohan ako sayo" sagot ko sa kanya.

"Ano mga tanong na andyan? Itanong mo lang sakin" sabi nya habang dahan dahan naupo sa upuan na nasa kaharap ko, kaya umupo na din ako sa katabi nya, kinuha ko naman yung ballpen at notebook ko para isulat yung mga sasabihin nya.

"Ok, first question, hanggang ilang taon nabubuhay ang isang sirena at paano namamatay?" tanong ko.

"Nabubuhay ng hanggang 500 years ang isang sirena, kung paano namamatay ang isang lamang dagat ganun din ang mga sirena, lumulubog kami sa pinaka ilalim na parte ng dagat at kakainin ng iba't ibang uri ng isda o mga lamang dagat hanggang sa maubos" sagot nya, napanganga naman ako.

"Kami???????" medyo gulat kong tanong sa kanya, tumingin naman sya sakin at ngumiti.

"Wag mo sabihin sirena ka?" tanong ko din agad sa kanya

"Maniniwala ka ba pag sinabi ko na oo?" nakangiti nyang sagot sakin.

"Hindi" sagot ko.

"Wala naman talagang mga ganyang nilalang, saka sa loob ng madaming panahon, ni isa walang naka pagpatunay na nag eexist talaga ang mga sirena" dagdag ko.

"May gusto ako aminin at ipakita sayo, pero bago yun , sasagutin ko muna lahat ng katanungan na nakasulat dyan sa papel mo" sabi nya.

"Okay sige, next question, paano nabubuntis at nanganganak ang isang sirena?" tanong ko

"Sabi ni Ezra, kung paano mag mating ang mga isda ganun din ang mga sirena, kung paano nanganganak ang mga isda ganun din ang sirena, pero kapag umibig ang isang sirena habang nasa lupa at nasa anyong mortal, kung paano mag talik ang mga mortal ganun din ang mangyayari, ang kaibahan lang habang nag dadalang tao ang mga sirena nasa kailaliman sila ng dagat at kapag dumating na ang takdang araw ng panganganak nila, saka sila aahon sa lupa para magsilang" paliwanag nya, napapanganga na lang ako sa mga sinasagot nya.

"San mo nakuha yang mga ganyang sagot? Google nga hindi alam yan eh" tanong ko sa kanya

"Ano yung google?" Tanong nya din sakin, kaya napakamot ako sa ulo, wala ngapala syang alam sa mga ganun, mas lalo naman nalakas ang tibok ng puso ko. Pano nga kaya kung hindi talaga sya tao?

"Nevermind, next question" sabi ko na lang

"May iba't ibang uri ba ng sirena? Kung meron ilan ang kabuuang uri?" tanong ko, ngumiti naman sya sakin.

"Saka ko sasagutin yan kapag naipakita ko na yung bagay na gusto ko ipakita sayo" nakangiti nyang sabi, mas lalo naman ako na cucurious kung ano yung bagay na gusto nya ipakita sakin.

"Okay sige, ito muna, may iniinom bang potion ang isang sirena para mag kapaa? Kung meron ano?" tanong ko, ngumiti naman sya ulit at nag buntong hininga.

"Walang ininom na potion ang isang sirena para mag kapaa, oras na gustuhin nila umahon sa dagat, magiging paa yung mga buntot nila" sagot nya, kaya napakunot ako ng noo


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen