App herunterladen
89.04% The Badass Twins / Chapter 65: Chapter 64

Kapitel 65: Chapter 64

Heaven's POV

Ang sakit sakit na nga ng ulo ko! Ang dami pang nangungulit sa'kin! Parang mga bubuyog na nagbubulungan!

'Yebat!

"Hoy! Commander! Bumangon ka na diyan at mag-ayos! Late ka naaaa!!! Sa una mong klaseeeee!!!"

Boses iyon ni Venom na daig pa ang speaker sa sobrang lakas ng boses niya. Nanatili akong nakatalukbong sa kumot ko at hindi gumalaw. Bahala sila diyan.

"Commanderrrrrrrrr!!! Gumisingggggg na ikawwwww po!!!"

Ang lalaking hindi marunong gumamit ng 'Po'. Scorpion. Mga huking ina! Bakit ba nabiyayaan ako ng mga makukulit na comrades? Mabuti na lang at wala ang pinakamakulit sa kanila. None other than Dawn! Lalo lang sasakit ang ulo ko kapag dadagdag pa ang isang yun.

"Ang tamad tamad mong bumangon ng maaga upang maghanda sa klase mo. Lemme know you, Sweetheart, may ibang kabataan diyan na gustong makapag-aral habang ikaw ay sinasayang mo ang pagkakataon na mag-aral at makapagtapos sa kolehiyo. Nasa iyo na ang lahat pati ang puso namin nabihag mo."

Kinginaaaaaa mo Afterrrrrr! Tatapusin ko talaga ang buhay mo kapag nasa huwisyo na ang utak ko. Ang drama amp! Akala mo naman pinagkaitan ng tadhana para makapag-aral. Eh, sabay lang naman sila ni Ocean nakapagtapos ng pag-aaral.

"Nakahanda na rin ang almusal natin. Ikaw na lang ang hinihintay namin para makakain na, Commander. Maagang pumasok si Godee sa Huntress. Tsk. Dapat tularan mo ang isang tulad niya. Masipag."

Edi nyaw! Lul. Makiki-chismis lang naman ang kambal kong iyon kaya maagang pumasok. I secretly frowned to Silversmith.

"Pagbilang ko ng tatlo kapag hindi ka pa babangon diyan. Maliligo ka sa kama mo. Isa. Dalawa. Tat-----"

"Oo na ito na. Mga kingnaaaaa amp!!!

Hindi natuloy ang sasabihin ni Venomous ng tinanggal ko na ang kumot sa katawan ko. Sininghalan ko silang lahat saka nakasimangot na bumangon. Wala akong pakialam kung nakikita nila ang suot ko. I'mma wearing red Two piece. Hindi ako sanay matutulog na balot na balot. Mas prefer kong magsuot ng bra and bikini only. Minsan pa nga, hubo't hubad na lang.

"Witwewww!"

"Ang sexy naman ni Commander!"

"Hot bodyyy!"

"Gorgeous!!!"

"Akin ka na lang, Commander!"

"Dibdib pa lang pamatay na hahahahahaha!"

"Mga gunggong! Magsilayas kayo rito sa kwarto koooooo!!!! Ora mismo!!!!"

Sigaw ko sa kanilang lahat! Nag-unahan silang magsilabasan sa pinto. Hihiga na sana ako ulit ng pumasok si Venomous. I groaned in annoyance.

"Tsk. Gusto mo bang paliguan pa kita, Commander? 30 minutes ka ng late sa first subject mo."

Inaantok pa ako at ayaw ko ng mag-aral hangga't nandoon si Miss Ekans sa Huntress University.

"Fine! Pakihanda ang susuotin ko. Uniform ng Huntress."

Tinuro niya ang mga naka-hanger na uniform na nasa labas ng closet ko.

"Done. Galing yan sa Mansion niyo. Si Subject 333 ang nag-ayos niyan na dinala rito ni Tokyo."

As ever. Hindi nagbabago ang ugali ni Dana na mahahalanin. Maybe, iyon ang nakasanayan niya sa Cell na iyon ng labing limang taon.

"Kay' Thanks."

Tanging sabi ko at nagtungo na sa banyo upang maligo.

Mabilis ako kumilos kaya wala pang limang minuto ay tapos na akong maligo. Naligpit na rin ni Venomous ang higaan ko. Naabutan ko siyang nagbabasa ng Business Book namin ni twin.

"Gusto mo ba, samahan kita sa Huntress University?"

Tanong niya sa'kin. Nagbibihis na ako habang siya naman ay nagbabasa pa rin.

"Ikaw bahala."

Sinulyapan niya ako ng bra ko na ang susuotin ko. Nayayamot itong lumapit sa'kin at siya na ang nagkabit ng lock sa bra ko. Kinuha niya rin ang white shirt ko at sinuot niya ito sa'kin. Kahit ang Blazer ay siya na rin ang nagsuot nito sa'kin.

"There, nagmukha ka ng tao."

Aniya pagkatapos niyang pasadahan ako ng tingin. Sumimangot ako sa sinabi niya at nauna ng lumabas sa kwarto ko. Dumeretso ako sa kusina upang kumain ng almusal. Alam ko sina Silversmith at Venomous ang nagluto nito. Amoy pa lang. Menu na nila. Nandito na rin ang mga gunggong parang mga batang nag-aantay sa ina nila para magsimula ng kumain. Tumingin silang lahat sa'kin na may mga paghanga sa mata. Ngumiwi ang tanging nagawa ko at umupo na upuan kong ginto. Pansin kong wala ang dalawa kong pinsan. Sina Scythe at Ocean.

"Wowww! Mukha kang tao. Ang galing naman ng uniform ng Huntress. Nagiging tao ang nagsusuot nito."

Puna sa'kin ni After. Na sinundan ng pagtango ng lahat. May pa 'Hmm, hmm' sound pa sila. Mga ulol.

Hindi ako nagsalita dahil lalo lang nila akong aalaskahin. Nilagyan ni Venomous ang plato ko ng isang pancake at dalawang homemade vegetable hotdog wala itong halong karne kaya paborito ko itong kainin dito sa Headquarters. Sila ang nag-inbento nito ni Silversmith.

"Mauna na ako sa inyo, On duty ako 24 hours dahil kailangan kong bantayan ang pasaway na apo ni Don Matthew."

Tumayo si Silversmith at yumuko muna ito sa'kin bago lumisan. Si Genesis ang tinutukoy niyang pasaway na Imperial. Kilala ko ang gunggong na iyon dahil miyembro ng ACES ito. Ika nga nila ito ang The Great Genesis of ACES. Psh. Ang daming mga alam. Wala namang mga binatbat sa'kin.

"Sasamahan ko si Commander sa Huntress University. Kaya kayo na lang ang mag-duty ngayon sa World Government." saad ni Venomous kanila Tokyo at After. Tumango ang dalawa bilang sagot sa General nila. Yeah. General-in-chief si Venomous ng mga Calixtus while Tokyo and After are the elite sniper of World Government. Tokyo the Sharpshooter sniper while After is the marksman sniper.

Apat silang kinuha ng pamahalaan upang maglingkod sa kanila pagkatapos ng paglaya ng mga ito sa Hailstone Prison Cell.

"O? Sayang naman, gusto ko ring sumama sa Huntress ng makita ko naman ang Aswang ko hahahahahaha!"

"Nakita mo na nga kanina si Subject 333. Kaya, ikaw na lang ang magduty ngayon at sasama rin ako kanila Commander."

Angal ni After kay Tokyo. Tumingin ako sa iba ng nagbubulungan ang mga ito. Sasakit ang ulo ko kapag sasama silang lahat sa Huntress University. Mag-iingay ang mga estudyante roon kapag makita ang mga pagmumukha nila. At siguradong magwawala si kuya sa oras na kasama ko ang mga lalaking ito. Galit siya sa mga kapwa niya kriminal. Kahit noon pa man ay hadlang na siya sa mga taong ito ng nangako sila sa harap ng pamilyang Hunterose na anumang mangyare sila ang magiging anino ko sa lahat ng bagay at hihigitan pa nila ang pagmamahal ng mga kadugo ko sa'kin.

"You'll all come with me to Huntress University next week at the dawn time cuz were going to torture someone."

Saad ko sa kanila at tinapos na ang pagkain. Tumayo na rin ako at hindi ko na hinintay ang mga reaksyon nilang sabik na sabik pumatay. Sumunod sa'kin si Venomous na agad akong inakbayan at sabay kaming lumabas sa Headquarters.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C65
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen