I woke up around 3:45 am feeling uneasy. Tumingin ako kay James na ma himbing na natu tulog sa tabi ko. I hate the fact that he sleeps so well while ako dito namomroblema kasi hindi ko alam kung Ano ba talaga ang gusto ko.
"Will you marry me?" James asked while kneeling one knee and holding a sliver box with a ring on it.
I was shook. I didn't see this coming.
I looked at Eren, pero wala na sya sa stage.
I looked around, wala talaga sya.
Then I looked back at James.
"Hon?"
"Ahm..." okay... so, Ano na? Then tumingin ako sa mga tao sa paligid ko. Nag aantay sil ang lahat sa sagot ko, and then yung iba May camera pa.
Shit, what am I gonna do?
Hahayaan ko bang mapahiya si James dito?
"Hon, will you marry me?" He asked again.
I took a deep breath before answering his question. "Y-Yes." Halos pabulong kong Sabi.
Then he flashed a big smile. "Yes! She said yes!" At sinuot na niya ang singsing sa daliri ko. Nag hiyawan naman ang mga tao sa paligid, then he stood up and hugged me and kissed me.
Everything's happened so fast, and now I'm engaged.
Sighed. As I looked at the ring on my fourth finger.
Saka tumayo at pumunta ng cr. I really don't know what to do anymore. Diba dapat masaya ako kasi engaged na kami ni James? Officially. Pero Bakit ganito? Bakit parang May Kulang, parang ang lungkot, parang ang bigat...
Hai... then lumabas ako at kinuha ang jacket ko.
I think I need a long walk.
Sighed. It feels so helpless and heavy, yung parang maiiyak ka nalang.
God, pinaparusahan mo ba ako dahil sa ginawa ko? Yes, I cheated. At hindi sa lalaki, kundi sa babae. Doble sala laban sa bibliya.
I admit, hindi ko na control ang sarili ko at nag padala ako sa tukso without thinking the effects.
You gave me a near perfect relationship, you gave me a near perfect partner pero Ano tung nagawa ko? I cheated on him with Eren.
But then I can't explain why in a very short period of time I became so happy, that happiness I never experienced before, and every single time with her, It felt so warm and home...
Why?
Kung mali tu? Bakit ito ang nararamdaman ko? Kulang ako.
Challenge lang ba tu, Lord o sign?
Please tell me...
I didn't say I'm no longer happy with James, pero kasi iba kay Eren eh, I can be who I am when I'm with her.
Then sighed and looked up at the sky.
—-
—
-
Back in Manila...
It's actually been like 2 months now mula Nang makabalik ako dito sa Manila. Busy na rin kami sa pag pa plano ng kasal namin ni James, and yes, I am happy and excited.
"Clark, mag order nalang kayo mamaya ni papa ha, Di ako makakauwi ng early eh.. mag o overtime ako." Sabi ko Sabay bigay ng pera sa bunso namin. "Si Kaye wag niyo nang isama.. Mamaya mag s-start na yun sa graveyard shift nay di daw muna uuwi..." si Kaye yung sumunod sakin na nag Ta trabaho sa call center. "And Clark, tulung tulungan mo naman si Papa sa Talyer, pwede?"
"Okay, 'Te, susunod ako dun, pramis."
"O, sya, alis na ako." Saka lumabas na, nag aantay na kasi ang grab.
"Good morning, Miss Reese!" Ngiting ngiting Bati ng mga staff sakin, then pagkarating ko sa table ko Ay bumungad sakin ang isang bouquet of flowers, napangiti naman ako nun. Then kinuha ang note at binasa.
'Good morning, hon! I love you.'
Then my phone rang.
James calling...
"What? Ano tu?"
James: (laughing) okay okay! I can't make it mamaya kasi, hon, emergency meeting sa Baguio branch namin...
"Yeah. Whatever... wala naman akong choice diba? Parang ako lang yung ikakasal mag isa eh ako lang mag isa mag me meet sa wedding planner natin."
James: I'm really sorry...
"Okay... so mag Ingat ka dun ha."
James: yes, ma'am
"Okay."
James: I love you
"I uh... love you."
End.
"Ang sweet naman ..." Sabi ni Engr. Lacosta.,
"Good morning, Ma'am." Bati ko naman agad sa kanya.
"Thoughtful naman ng mapapangasawa mo."
Napangiti nalang ako.
"Anyways, Reese.. I need to be in Cebu on Monday." Sabi nito. "But then, something came up sa isa sa mga projects natin..." Sabay bigay sakin ng isang folder.
Kinuha ko yun Saka binuksan at napahinto ako when I red the Agency's name. Agad na pumasok sa isip ko si Eren, Oo, sa agency kasi na tu nag tatrabaho si Eren.
"...konting revision lang naman ata ang kelangan nila. Tawagan mo nalang ako for update after the meeting." Sabi nito.
I Looked at her. "Ako ang Pupunta dun?"
Tumango ito. "Yes. With Engr. Valerie."
"Ahmm.. ma'am, okay lang naman if si Val nalang." Sabi ko.
"Why? May schedule kaba sa day na yan..."
"W-Wala naman po...."
"Then.... Ikaw ang representative ko..." Sabi nito saka tumingin sa relo nito. "Okay, let's discuss about the La Union project later at 2... I need some of your ideas." Saka umalis na ito.
At katahimikan. Saka tiningnan uli ang folder.
Eversince that night James proposed to me, di ko na muli pang nakita si Eren, I tried na puntahan sya sa New Coast kaso Sabi nG guard wala na sila run. And then this, muli nanaman kaming magkikita.
Then I put my hand on my chest.
Damn. It beats so fast.
——
——-
———
"Reese, let's go na."
"Val. Okay naman kung ikw lang dun eh, malay ko naman sa project na yan." Sabi ko. It's been like 15 minutes mula Nang maka park kami sa parking area ng agency kung saan nag Ta trabaho si Eren.
"Come on, baka nag aantay na run si Engr. Villar... masabihan pa tayong late comer." Sabi ni Val.
"Val, seriously, dito na lng muna ako sa sasakyan, antayin nalang kita rito... Mejo sumakit ulo ko eh."
Nag cross arms ito. "Wag mo akong Daanin sa kaartehan mo Reese ha, kanina ko pa nahahalatang ayaw mo pumunta rito. Ano bang meron?"
"Wala."
"Yung totoo."
"Wala nga. Mejo di lang maganda pakiramdam ko." Saka minassage kunwari ang forehead ko.
"Okay... mauuna ako run Basta please lang promise me, sumunod ka naman, wag mo akong ipatira dun ng mag isa."
"Oo na Oo na." Sabi ko Saka tinaboy na ito.
30 minutes later Ay naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.
Engr. Valerie calling...
Shit. Naka tulog na pala ako.
"Oh, Val? Sorry. Naka tulog ako."
Valerie: saan ka na, Reese? Need kita rito, galit si Engr. Villar...
"Ha? Bakit?"
Valerie: ayaw mag pa talo eh. Punta ka na dito. Please.
End.
———
————
————-
————
———
"Yes, definitely, Engr., kaya nga we have decided na ganyan eh.. 'cause we're thinking about your welfare... I mean, the people's welfare..." Sabi ko as I shook hands with Engr. Villar. "Thank you sir for reconsidering. We will surely do our best."
"Yes. Yes, dapat lang. and I really expect it... I know how your company works... also, kami dapat ang mag pasalamat sa company niyo kasi ang baba ng Pasensya niyo sa Amin."
"Naku po, wala yun, Engr. ... Anyways... si Engr. Val nalang ang bahala mag discuss sa mga idadagdag na mga gawain." Sabi ko saka tinawag si Val nakikipag usap sa Asst. Head ng agency.
Agad naman ako nun nag excuse para lumabas dahil tumawag ang head ng bidding team.
"Yes... Oo yan ang Sabi ni Engr. Lacosta eh... no..... mag o overprice tayo jan..... Oo tama.... Yan nga...."
And then I stopped when I saw a familiar figure from a far.
Napahawak naman ako nun bigla sa chest ko. It beats so fast, parang may mga Kabayong nag tatakbuhan ngayun sa dibdib ko.
No.... No....
And she turned around...at nag tama ang mga mata namin.
Napalunok naman agad ako nun.
"Hello, ma'am Reese?" Sabi nung nasa kabilang linya.
Napakurap naman ako nun. "Oh. Yes?"
"Update nalang po kita later after ng bidding."
"Oo.. Sige.. Sige.."
End.
And then tumingin uli sa direksyon kung saan ko sya nakita. Wala na sya run.
Sighed. Buti naman wala na sya run but then May side sakin na nanghihinayang.
Then my phone vibrated.
Valerie: antayin mo nalang ako sa car. Mga 1 hour siguro, now na kasi pag uusapan yung gagawin
Hai... so mag tatagal pa Pala kmi rito. Then I yawn. Inaantok ata ako, makapag kape nga muna.
Pumunta ako dun sa malapit na kapehan, lowkey lang. Dun na muna ako nag lapag ng laptop at nag update ng report ko regarding sa meeting kanina, nag order na rin akong coffee and garlic bread.
Then biglang May nag patong ng kape sa harap ko kaya napatingin ako rito.
"Hi, seat taken or not?"
And my heart once again skipped a beat.
It's her.
She's wearing a lowkey corporate attire. White blouse, black pants and black 3 inches heels, and she's wearing a light make up on her face.
Teka. When did she learned to wear make up on her face sa office nila. I never seen her in this get up before, naka poloshirt and sneakers lang ito lagi eh.
"When did you start wearing make up?" I asked.
By the way, Eren's looks soooooo freakin hot.
She smiled. "I got promoted last month so I had to." Sabi nito. "Can I sit na?"
"Yeah..." at umupo na ito.
Then katahimikan. Goddamit! Pinag papawisan ata ako.
Then I noticed she looked at my left hand. And it felt so awkward kaya kunwari kinuha ko ang kape ko at ininom.
"So... When's the date?"
"Ha? Date saan?"
"Your wedding, silly."
"Oh.. next month." Saka uminom uli ng kape.
"Ahhh... so May time pa pala ako para agawin ka."
At parang muntik ko NAng ma ibuga ang kape sa sinabi nito.
"Joke." Saka tumawa ito.
And then katahimikan.
"I'm happy for you, Reese."
I looked at her. May sincerity sa mata nito.
Okay na nga ba talaga kami?
Well, we ended everything minutes before James proposed to me. Edi Siguro nga...
"Anyways... I gotta go... kanina pa kasi dapat kita lalapitan but then I noticed na Mejo importante ang call mo kanina... congratulations sa inyong dalawa ni James..." Sabi nito saka ngumiti at tumayo at lumabas na ng cafe.
I Sighed. As I looked at her walked away.
God, Bakit ganito ang nararamdaman ko? I was supposedly be happy knowing that she's okay now... pero Bakit ako ganito? Bakit parang nasasaktan ako?
———
———
———
"Hi, hon..." si James yun Saka hinalikan ako sa cheeks, kaka baba ko lang nun sa taxi, May family dinner kasi dito sa bahay nila every Friday.
"Sorry, hon, mejo nalate ako ng konti, marami lang tinapos sa office." Sabi ko Saka inabot dito Ang brazos na dala ko. "Dessert later."
"Thanks, hon, nag abala ka pa talaga."
"Wala yun."
Kahit na tatlong taon ko Nang kilala ang Pamilya ni James, I still feel very awkward whenever I'm with them. Napaka high standards kasi ng parents nito, dagdag pa na only child si James.
Sighed.
Abot ko rin na di boto sakin ang mama nito, lagi ba namang pinaparinggan si James Saka laging sinasali sa topic ang ex nito.
"I really hate lesbians and gays." Sabi nito habang binabalita sa tv ang tungkol sa same sex marriage, well, di na ako magugulat kung Anti ito, retired principal at active sa church ang mama nito eh. "It's a sin. Kaya nga babae at lalaki ang nilikha ng Diyos, diba?" Sabi nito Nang saktong nilapag ko sa center table ang apat na platito na May slice ng brasoz.
Then binigay ko dito ang isang platito.
"Ikaw, hija, sang ayon ka ba dyan?"
"Ho?"
"Sa same sex marriage."
At parang pinag pawisan naman ako bigla. "Well..."
"Ma, walang kaibigang member ng lgbtq si Reese... so malamang, diba hon?" Sabi nun ni James, katabi nito ang papa nito.
Napa lunok naman ako nun, actually, I have, pero knowing James hate gay (bakla) people, di ko nalang pina alam.
"Well, as for me, wala yang problema, as long as they're not in my circle." Sabi naman ng papa nito, her father was a retired military general and now merong security agency.
Then umupo na ako sa tabi ni James matapos kong Idistribute ang mga cake.
Through out the night ay about sa LGBT ang topic namin. Her mom even asked my insights and opinions about same sex relationship. Ayokong mag sinungaling kaya sinabi ko ang opinyon ko, people are free to love who they want, no, not saying this because of what happened to me and Eren, o baka sabihing pumapatol ako sa kapwa ko babae because she was the first and maybe the last, sinabi ko yun kasi kelan ba naging mali ang pag mamahal, maybe in some cases like cheating, pero as long as wala kang inaapakan, hindi yun mali, mas mali ang manatili sa isang relasyon Kahit na alam mong hindi kana masaya, kasi hindi lamang ang partner mo ang niloloko mo Kundi Pati ang sarili mo.
Then I stopped with the thought. Napaisip ako bigla, masaya pa ba ako kay James?
Then my phone vibrated.
It's James.
Napa buntung hininga naman ako nun.
James: Sorry, hon. I'm just overreacting.
We had a small fight after that conversation with her mom. Actually, hindi dapat ako naka taxi ngayun, kasi supposedly ihahatid niya ako, but then di pa kami nakakaalis sa harap ng bahay nila ay binanatan na niya ako sa loob ng kotse. Naging bastos daw ako sa mama niya, eh Anong mali sa sinabi ko? Eh sinagot ko lang naman ang Tanong nito kanina, his mom asked me my insights and opinion so sinabi ko, nagpakatotoo ako, sorry nalang kung disappointed sya sa sagot ko pero yun yung nasa isip ko at pinapaniwalaan ko eh.
Sighed. Somehow, mejo nakonsensya din ako, supposedly nag papa impress ako dapat sa parents nito pero yun nga sinalungat ko pa paniniwala nila kanina.
Hai...then I've decided na dumaan sa jollibee, sa totoo lang Hindi ako nakakain ng maayos kanina eh, kaya Mejo nagugutom ako.
"Kuya, liko mo nalang ako sa jollibee." Sabi ko sa taxi driver. Dun na siguro ako bababa, lalakarin ko nalang pauwi, di na rin naman ganun kalayo eh, Saka Di naman madilim papunta samin, at Saka marami namang tiangge at karinderya ang bukas sa mga ganitong oras, marami kasing kumakain at tumatambay na mga taxi at trisikel driver.
"One pc. Burger Steak with fries, regular coke, then for take out naman three cheesy yum burgers and two large fries and 1 pies to go."
"Okay, ma'am. 518.00."
Agad ko naman dito binigay ang bayad ko.
"Love, Anong sa'yo?"
Napalingon naman ako nun sa likod ko.
"Ahm.. same nalang tayo, love."
Ngumiti ang babae. "Love, sorry talaga, next week pa kasi sweldo ko eh."
"Sus, wala yon, as long as I'm with you, happy na ako." Then nag back hug ito sa partner nito.
"Ma'am, eto na po ang change and number niyo." At kinuha ko na yun Saka nag hanap na ng table.
While kumakain ay naka agaw uli ng pansin ko yung couple kanina, ang sweet kasi nila, and they looked so happy together. They're both girls, siguro ages 23-25, masaya sila, mukhang in love na in love sa isa't isa.
I wonder, if I took risk with Eren, ganito rin na kami?
Maybe, kasi in just short period of time, naging masaya ako sa kanya eh. Hai, pero di parin yun ma justify yong thought na mas matagal parin pinag samahan namin ni James. Nakakatakot sumugal sa kanya.
Sighed.
Then napahawak sa chest ko.
My heart aches whenever I thought of her.
Now Playing: Leaves - Ben&Ben
——-
—-
-
"Ate?" That's Kaye, kakalabas lang nito ng gate namin.
"Duty kana?" 11 pm kasi ang shift nito.
"Oo." Then she looked at her watch. "Ate, ba't ka nag lalakad mag isa, 10:30 na ah... di ka ba hinatid ni Kuya James."
Umiling ako Saka kinuha ang isang burger at isang mango pie. "Kainin mo yan mamaya."
"Thanks, 'Te, pero Sana pag di ka hinatid ni Kuya Sana sabihan mo kami para si Clark na mag sundo sayo di yung nag lalakad ka jan mag isa." Sabi nito, napangiti naman ako nun, naku, sinesermunan ako ng kapatid ko parang kelan lang ako yung nangangaral dito.
"Nag taxi naman ako bumaba ako dun sa kanto, dumaan akonng jobi eh..."
"Kahit na, Ate." Saka sumakay na ito sa scooter nito. "O di kaya sana ako sinabihan mo sinundo kita."
"Wag na, okay naman ako... kaya ko self ko."
"Ate..."
"Sige na alis na..." Sabi ko Sabay suot dito ng helmet nito. "Baka malate kapa."
"Tsk."
"Ingat." Sabi ko Sabay halik sa forehead ng helmet nito.
Pinaandar din naman nito agad ang scooter at pinatakbo.
Pag pasok ko ay nadatnan ko si Papa na nanunuod ng Vikings sa Netflix. "Mano po..." Sabay mano dito Saka nilapag ang take out sa table.
"Nag away ba kayo ni James?"
Napahinto naman ako nun.
"Ho?"
"Di ka niya hinatid eh..."
Narinig siguro nito kami ni Kaye sa labas kanina.
Di ako sumagot.
"Nak, Kahit na ma hirap tayo, kaya naman kitang sunduin... May multicab ako jan, Sana sinabihan mo kami ni Clark Nang masundo ka namin sa bahay ng mga mayayaman na yun." Sabi nito. Alam kasi ni Papa na hindi boto sakin ang pamilya ni James dahil sa estado namin sa buhay.
"Clark... May jollibee dito." Sabi ko May Clark Nang makitang pababa ito ng hagdan.
"Ate... pag ganun lang din naman ang laging Nang yayari, mag hahanap nalang ako ng trabaho para maka tulong ako sa tuition fee ko." Scholar kasi si James ng foundation na Kinabibilangan ng Mama ni James, kaya nga malaki rin ang utang na loob ko sa kanila.
"Wag na, Clark... okay? Kung mag ba back out ka lang din naman sa scholarship, ako na bahala sa tuition fee mo." NAsa huling taon na rin naman ksi si Clark sa Kurdish Architecture.
"Baka kasi inaapak apakan ka naman dun kela Kuya James dahil mama niya tumutulung sakin... ayaw ko nun. Kung pwede lang mag hirap at mag trabaho ako para di ka maapakan ate, gagawin ko." Seryosong Sabi ng bunso namin.
"Sshhh... tama na yan... Kain kana dito." Sabi ko Sabay abot ng burger dito at fries. Then umupo sa sala.
"'Nak, masaya kapa ba kay James?"
Napatingin naman ako nun kag Papa. "Nakikita ko kasing wala na ang dating sigla ng mga mata mo, unti unti yung nawala mula nung naging kayo... masaya ka nga ba talaga?"
"Oo naman, Pa, mag pa pakasal nga kami diba? Saka Di naman tatagal ng tatlong taon ang relasyon namin kung hindi."
"Nak, hindi yun sa tagal ng relasyon... dito yun oh..." Sabay turo sa dibdib nito. ".... Aanhin mo ba naman ang tagal ng relasyon kung etong puso mo ay nahihirapan, nasasaktan at higit sa lahat... hindi masaya diba?"
At napaisip ako sa sinabi ni papa.
Sighed.
Masaya pa ba ako kay James?
Kasi parang pakiramdam ko para akong dahon na lumulutAng at nakikisabay na lamang sa Ihip ng hangin.
I feel so empty. :(
Now Playing: Sa Pag Ikot Ng Araw - Gabo Gatdula
———-
——-
—-
—
-