Nagtatalo ang kalooban ni Lesley kung hahayaan niyang patuloy na diktahan siya ni Amanda o kung ipaglalaban niya ang sariling kagustuhan kahit pa may mga taong masasaktan. Kung iisipin, masyado iyong makasarili. Is her love for Bangs truly worth fighting for? She had so many doubts. Then she thought, what if one day they'll never see each other again? Katulad ng sinabi ni Jacoben.
Malalim siyang huminga at sinapo ang kaniyang dibdib habang nakatanaw sa malayo sa kaniyang kwarto. Just the thought of losing Bangs makes her heart feels like it will stop beating any moment.
Mahirap at komplikado ang sitwasyon nila. Marami pa siyang bagay na hindi alam sa pagkatao nito at napakaraming hadlang sa kanilang dalawa. Malakas at nakakatakot din kalaban ang mga Nobles.
Sa tuwing naaalala niya ang kwento ni Jacoben tungkol kay Victor ay nanginginig pa rin siya. Pero kapag naiisip niya ang mga masasamang bagay na pwedeng gawin ng MNA sa lalaking mahal niya, biglang lumalagablab sa galit ang damdamin niya.
Kinakabahan siya sa plano nilang pagpapabagsak sa MNA, pero para kay Bangs, handa siyang sumabak sa giyera. Hindi niya alam kung kailan at paano, pero nahulog na siyang tuluyan sa binata. She had fallen for him deep and hard.
Nagmamadali siyang lumakad palabas ng kanilang bahay nang may pumigil sa braso niya.
"Saan ka pupunta? Sabado ngayon wala tayong pasok," usisa ni Patrick na kunot ang noo sa kaniya.
"Pupunta ako sa MNA," walang emosyon niyang sagot dito.
"Bakit? 'Diba gabi pa pasok mo?"
Marahan niyang binawi ang braso. "May mahalaga akong gagawin," aniya saka tinalikuran na ito at nagpatuloy lumakad.
Nagtagis ang panga nito at marahas na hinablot ang kaniyang braso at pilit siyang pinaharap.
"Mag-usap nga muna tayo!" sigaw nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at natulala sa namumula nitong mukha sa galit.
"Akala mo hindi ko napapansin kung gaano ka kalamig sa'kin nitong mga nakaraang araw? Boyfriend mo nga ako pero hindi mo naman ako kinakausap o pinapansin! Ilang araw mo na akong iniiwasan! Ano ba'ng problema?!"
She scoffed at him. Buong lakas niyang binawi ang braso sa mahigpit nitong pagkakahawak at tinalasan ito ng tingin.
"Gusto ko nang tapusin kung ano man itong mayroon tayo."
"Ano?!"
"Patrick, sinubukan ko, pero wala talaga. Hindi kita kayang mahalin tulad ng gusto mo."
Ilang segundo itong natahimik. "Les, ilang linggo mo pa lang akong boyfriend. Bigyan mo pa tayo ng oras. Sabi ko nam-"
"Patrick!" putol niya sa ano pang sasabihin nito.
Nagsusumamo ang mga mata niyang pinagtama ang tingin nila.
"Tama na... Alam mong napilitan lang ako sa relasyon natin dahil kay mama. Akala ko tama pero hindi e. Mas lalo lang natin sinasaktan yung mga sarili natin. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko. Hindi ko rin kayang turuan ang puso ko. Sorry... Hindi kita mahal... Hindi kita kayang mahalin. Palayain mo na ako."
Kita niya ang sakit at pait na bumalatay sa mukha nito pero hindi siya nagpa-epekto. Hindi ito nakapagsalita at namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi naman siya manhid para hindi makaramdam ng awa pero sigurado siyang ito ang tama. Mas lalo lang niya itong masasaktan kung patuloy niya itong paaasahin. Linoloko lang nila ang mga sarili nila sa relasyong ipinilit lang.
Matamlay siyang yumuko. "Aalis na ako," malungkot niyang paalam dito saka tumalikod at lumakad papuntang pinto.
"Ano'ng pangalan n'ya?" biglang tanong nito sa nanginginig na boses bago siya tuluyang makalabas.
She saw unbearable pain in his eyes that are almost covered in tears. Tinignan niya ito sa mata nang walang pag-aalinlangan.
"Kieran," sagot niya na may malumanay na ngiti.
Pagkasabi noon ay iniwan na niya itong lumuluha at nakatulala sa linabasan niyang pinto. Pakiramdam niya ay nawala iyong napakabigat na bagay na matagal nang dumadagan sa kaniyang dibdib. Napakagaan at napakasarap pala sa kalooban ang palayain ang sarili sa isang kasinungalingan.
She feels bad for hurting Patrick but this is the best decision for both of them. Kailangan niyang itama ang pagkakamali niya sa pagpayag na maging nobyo ito. Sana ay mapatawad siya nito balang araw. Sana ay maintindihan nito kung bakit niya iyon ginawa.
Pagkarating sa MNA ay dumiretso siya sa opisina ni Jacoben pero wala ito. Ang sabi ng maganda nitong sekretarya ay bukas pa ito makakapasok. Pabagsak siyang naupo sa sopa sa waiting area at hinugot mula sa bag ang calling card na binigay nito.
Ilang segundo niya itong tinitigan bago malakas na bumuntong-hininga. Ayaw niya itong tawagan dahil masyadong importante ang bagay na sasabihin niya. Gusto niyang personal ito makausap kaya maghihintay na lang siya sa pagbabalik nito bukas.
Mahaba ang nguso niyang lumingon-lingon sa paligid habang nag-iisip ng susunod na gagawin. Naisip niyang puntahan si Bangs pero nasa B3 nga pala ito ng mga ganitong oras. Bumuntong hininga na naman siya.
"Makauwi na nga lang," aniya.
"What are you doing here?"
Agad siyang napalingon sa kaliwa niya dahil sa pamilyar na boses na iyon.
"M-mrs. Dapit!" gulat siyang napatayo dito.
"What are you doing here, Miss Madrigal?" ulit nito.
"Uhm, kakausapin ko po sana si Sir Jacoben pero wala po pala s'ya," sagot niya tapos ay magalang siyang yumuko. "Uuwi na po ako."
Hahakbang na sana siya paalis nang pigilan siya nito.
"Wait! Let's talk instead."
Ayaw man niya hindi niya ito matanggihan.
"O-okay po," napipilitan niyang sagot. Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?
"Doon tayo sa labas," anito saka mabilis na naglakad palabas.
Sumunod naman siya rito at tahimik na bumuntot sa likuran ng matanda hanggang sa makarating sila sa parking area. Pinatunog nito ang kotse at malalaki ang mga hakbang na tinungo ito.
"Get in," anito nang buksan ang pinto ng kotse sa bandang driver's seat.
Umawang ang labi niya at nagtatakang napatitig sa mukha nito.
"Are you deaf?" taas ang isang kilay nitong sabi nang natulos siya sa kinatatayuan. "Ano? Gusto mo pagbuksan pa kita ng pinto?"
"Sa-saan po tayo pupunta?"
Pinandilatan siya nito ng mata. "We're going to eat. I'm starving so get in!" pagtataray nito tapos ay sumakay na sa pula nitong kotse.
Wala naman siyang nagawa at sumakay na rin sa loob. Pagkakabit nila pareho ng seatbelt ay pinaandar na nito kaagad ang sasakyan.
"Why do you want to see Jacoben?" tanong nito habang papalabas sila ng parking area.
Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya dapat ipagsabi ang napag-usapan nila ni Jacoben.
"Uhm, wala po iyon. Hindi naman masyadong importante."
Kumunot ang noo nito. "Who's your supervisor?"
"Uhm, kayo po."
"Then are you trying to bypass me by going straight to Jacoben? Hindi ba dapat sa akin ka muna pumupunta kapag may concern ka sa trabaho?"
Mabilis niyang iniling ang ulo at natatarantang humarap dito.
"Hi-hindi po, Mrs. Dapit! Hindi po 'yon ganoon," todo tanggi niya. Hindi naman talaga iyon ang intensyon niya. "Medyo personal po kasi kaya hindi ko po sa inyo masabi. Wala po iyon kinalaman sa trabaho."
"Whatever. What's your preferred cuisine?"
"Po?"
"Anong klaseng restaurant ang madalas mong puntahan?"
Saglit siyang napa-isip at nagtaka. Mrs. Dapit is definitely acting weird today. Kailan pa ito nagkaroon ng pakialam sa gusto niya? At ano ang mayroon at naisipan itong isama siya?
"So-sorry po hindi kasi ako palakain sa mga restaurant. Ka-kahit saan na lang po siguro."
Umikot ang mata nito saka suminghal.
"Why did I even bother to ask?"
Sumimangot siya at tinuon ang atensyon sa harapan.
Ang sungit talaga ng matandang ito.
Anong magagawa niya e hindi naman siya lumaking may gintong kutsara sa bibig. Hanggang karinderya lang ang kaya niya. Malay niya sa mga cuisines at restaurants na iyan.
"Let's just eat at my favorite place," anito saka pinaharurot ang sasakyan.