Halos malukot na niya ang hawak na papel sa galit.
Later?! Pag-e-eksperimentuhan na naman nila si Bangs ngayong araw?! Hindi pa ba sapat ang ginawa nila kaninang umaga? Hindi na kakayanin ng katawan ni Bangs kapag nagpatuloy pa 'to! Sumosobra na talaga sila!
Nahinto siya sa malalim na pag-iisip nang hawakan ni Bangs ang nanginginig niyang kamay sa galit. Bahagya siyang kumalma at tumingin sa mukha nito.
"Bakit ka tumayo? Mahina pa ang katawan mo."
Inilahad nito ang kamay na may hawak na hiringgilya. Kumunot ang noo niya rito. Tinitigan niya ang hiringgilya ng ilang segundo tapos ay mabigat ang loob niyang kinuha ito sa kamay ng binata.
"Sorry, Bangs."
Huminga siya ng malalim tapos ay maingat na itinurok ito sa leeg ni Bangs.
Hindi yata ako masasanay kahit kailan sa ganito, sabi niya sa sarili habang hinihintay na humupa ang pangingisay ng buong katawan ni Bangs.
When the side effect of the drug stopped, she sat beside him ang wiped the blood from his nose. Ipinatong niya ang ulo nito sa hita niya at awang-awa na sinuri ang katawan nito tapos ay tumitig sa mukha ng binata.
"Araw-araw na lang ganito," usal niya.
Nakatingin lang din ito sa kaniya na may hindi mabasang emosyon sa mga mata. Kailan kaya darating ang araw na makakaalis silang dalawa sa kamay ni Shane? Sa impyernong ito? Gusto niyang mamuhay ng normal kasama ito.
Kung pwede lang ay gusto niyang akuin ang sakit na nararamdaman ni Bangs ngayon. Nahihirapan siyang makita itong ganito. Hindi man nito ipahalata, alam niyang matinding sakit ang iniimda nito mula sa mga drogang linalagay ni Shane sa katawan nito. This is breaking her heart.
"Bangs," malambing niyang sambit sa pangalan nito habang nakatitig sila sa isa't isa. "Gagawin ko ang lahat para maitakas kita rito. Pinapangako ko 'yan sa'yo."
Pagkasabi noon ay yumuko siya at hinalikan ito sa noo. Pag-angat niya ng ulo, natawa siya sa reaksyon nito. Hindi yata ito makapaniwala sa ginawa niya.
"Isara mo 'yang bibig mo baka malaglagan ng tae ng butiki," pabiro niyang sabi.
Napakurap-kurap siya rito nang tumuro ito sa labi nito. He wants her to kiss him on the lips too. Pinisil niya ang magkabila nitong pisngi.
"Ikaw talaga!" Natawa na lang sila pareho.
Pinagpatuloy na niya ang ilan pang natitira sa listahan ng gagawin niya ngayong araw. Binilisan niyang tapusin lahat upang marami pa siyang matirang oras para makipag-usap at makipagkulitan kay Bangs.
Kinwentuhan niya ito ng mga nakakatawang karanasan niya sa buhay. Nagbanggit siya ng mga magagandang lugar na sana ay mapuntahan nila balang araw kapag malaya na sila. She also told him jokes and they laughed like children.
Nang mapagod na siya sa kadadaldal, pinaglaruan niya ang mahaba nitong buhok at kung anu-anong hairstyle ang sinubukan. She even put her make up on him to see how pretty he is if he was a girl. They played and laughed like there is no tomorrow. Sa mga oras na iyon ay nagkaroon sila ng sarili nilang mundo.
She prayed for the time to stop. But the reality is dark and cruel. Tapos na ang shift niya at dumating na ang mga nurse at doktor na maghahatid kay Bangs pababa ng Basement Three. That is where they do the experiments and only the staff with the Black Card can go there.
Napalitan ng katahimikan ang mga tawanan nila. Wala siyang nagawa kung hindi panuorin itong ilabas ng ward na may nakatutok na mga baril sa ulo.
Noon ay pinapatulog muna ito para madala nila pababa ngunit hindi na iyon kailangan dahil ngayon ay mas masunurin na ito dahil sa kaniya. Because of her, MNA can now fully control Bangs and that angers her. Pero kahit anong sisi pa ang gawin niya sa sarili, wala nang magbabago.
Promise, Bangs, hahanap ako ng paraan para iligtas ka.
Lumipas ang isang linggo na walang nagbago sa sitwasyon nila. Pero hindi siya sumuko sa kakaisip ng paraan kung paano sila makakatakas sa MNA.
Ano na kaya ang ginagawa nila kay Bangs ngayon? she can not help but wonder how Bangs is doing while preparing to go to school. Sana naman hindi nila s'ya masyadong pahirapan, hiling niya habang hinahanda ang dadalhin sa eskwelahan.
"Lesley! Halika nga muna sandali rito!" sigaw ni Amanda.
Agad na pumunta si Lesley sa kusina. Naabutan niya itong nakapamewang at lukot na lukot ang mukha.
"Bakit po?" she politely asked.
"Ano'ng klaseng gayuma ang pinainom mo sa anak ko? Ha?!" Nagtatagis ang mga bagang nito at pinandidilatan siya.
"Po?!" she asked confused.
"Kunwari ka pang walang alam!" sigaw nito. "Ilang linggo nang naglalasing ang anak ko! Hindi s'ya pumapasok! Hindi s'ya kumakain! Pati rin pagligo kinatatamaran n'ya! Tapos hindi pa s'ya umuuwi simula kagabi!"
Umawang ang labi niya sa gulat. Nasa iisang bubong sila pero hindi naman niya ito napansin. She was too busy worrying about Bangs that she forgot about Patrick.
"H'wag po kayong mag-alala kakausapin ko s'ya."
"Ano'ng sinabi mo? Huwag mag-alala?!" Lalong nanlaki ang mga mata nito at humakbang palapit sa kaniya. "Alam mo ba ang sinabi n'ya sa akin nung tinawagan ko s'ya kanina at pinaamin kung bakit s'ya nagkakaganito?" Nanggigigil na dinuro nito ang dibdib niya. "Mahal ka raw n'ya!" mas malakas nitong sigaw. "Alam mo ba yung pandidiri na naramdaman ko nung marinig ko 'yon?! Bakit sa lahat ng babae ikaw pa?!"
Yumuko siya at hindi umimik. She feels guilty. Alam niyang hindi pa tapos ang problema niya kay Patrick pero hindi niya inaasahan na malalaman kaagad ito ng ina-inahan. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Malakas siyang dumaing nang hablutin nito ang buhok niya at sinimulan siyang sabunutan.
"Ang landi landi mo! Bakit ikaw pa?!"
Bumuhos ang luha niya hindi dahil sa sakit ng pagsabunot nito kung hindi dahil trapo pa rin ang tingin nito sa kaniya. After all these years of trying to make this woman happy, this is what she gets. "
Ma! Sorry po! Tama na!" pagmamakaawa niya rito habang hinihila ang buhok niya.
Malakas siya nitong itinulak sa sahig. "Lahat na lang kinuha n'yo sa'kin! Noong una ang pamilya at asawa ko! Ngayon naman ang anak ko!"
Lumuluha siyang tiningala ito. Puno ng pagtataka ang mukha niya sa sinabi nito. Ano ang kinalaman niya sa pamilya at asawa nito?
Humakbang ito palapit sa kaniya at dinuro ang mukha niya.
"Pinatay ng pamilya mo ang asawa at mga magulang ko! Ngayon naman sinisira mo ang buhay ng anak ko!" puno ng poot nitong sabi tapos ay mahigpit nitong hinawakan ang baba niya at pinagpantay ang tingin nila. "Ibalik mo sa normal ang anak ko! Ayokong nakikitang ganoon si Patrick! Gawin mo ang lahat ng gusto niya wala akong pakialam kahit ibigay mo pa 'yang katawan mo! Kulang pa 'yan na kabayaran sa pagsira n'yo ng pamilya mo sa buhay ko!"
Napuno ngayon ng katanungan ang isip niya habang nakatingin sa babaeng halos isumpa ang buong pagkatao niya. Did her real parents killed this woman's family? Kaya ba masama ang trato nito sa kaniya? Then why did she adopt her? To make her suffer?
Her tears continued to flow as questions about Amanda's past and hers arise. Binitawan nito ang baba niya at nanggagalaiti siyang tinitigan.
"Hindi ko hahayaang sirain mo ang anak ko. Kung gusto mong ituring kitang anak tulad ng matagal mo nang gusto, paligayahin mo si Patrick."