App herunterladen
37.5% Angel's Feathers / Chapter 17: Chapter Sixteen

Kapitel 17: Chapter Sixteen

Hanggang kailan mo ba talaga kami susuyawin Jenny!" Galit na wika nang ina nang dalaga habang nasa sala sila nang bahay nila. "Dati ayaw mo kay Ramon dahil akala mo ipinambabayad utang ka ngayon naman na nililigawan ka nang isang binata ayaw mo dahil hindi mo siya gusto. Wala ka na bang ibang gustong gawin kundi ang kalabanin ako?" Galit na wika nito.

"Hindi naman po sa ayaw ko kay Johnny----"Putol na wika ni Jenny.

"Dahil umaasa ka na lilingonin ka nang Lt heartfelia na iyon. Gumising ka nga Jenny! Hindi isang gaya mo ang magugustuhan niya." Agaw nang isang stepsisten niya.

"For we know kaya siya malapit sa bunsong kapatid nito ay dahil para mapansin siya nang tiyente. Ilusyonada!" Asik nang isa pa. walang ibang nagawa si Jenny ikuyom ang kamao at kagatin ang pang ibabang labi. Gusto niyang sumigaw dahil sa labis na pagtutol. Kailan man hindi niya inilapit ang sarili kay Aya para mapansin ni Eugene.

Dumating na si Eugene sa bahay nang pamilya ni Jenny. nagpunta siya sa hospital kung saan ito nang tatrabaho. Sabi nang nurse nag leave daw ang dalagang doctor. Intake daw kasi ang amain nito at kailangang may mag-alaga. Kaya naman naiisipan niyang puntahan ito sa bahay nang mga magulang nito.

Sa gate pa lang dinig na ni Eugene ang mga boses nang ina at step sister nito. ilang beses siyang nag door bell pero walang may sumagot. Bukas ang gate kaya niisip niyang pumasok na lang.

Habang papasok siya sa loob nang bakuran nang bahay nina Jenny naririnig niya ang pangalan niya na binabanggit nang mga ito. Lalo siyang na kyuryos kaya siya tuluyang naglakad patungo sa pinto.

Maya-maya narinig niyang sumisigaw na ang ina ni Jenny kaya naman agad siyang nagmadali palapit sa may pinto. Nabungaran ni Eugene nag nagkakagulong pamilya ni Jenny dahil inatake ang ama nito. walang sabi na pumasok sa bahay si Eugene bagay na ikingulat nang lahat.

"Eugene!" Gulat na wika ni Jenny nang Makita ang binata.

"Later, kailangan nating madala sa Hospital ang amain mo." Wika ni Eugene kay Jenny sa pinasan ang ama nito hindi naman nag reklamo ang madrasta at mga kapatid nito sumunod na lang ito sa binata.

Agad na dinala sa operating roo ang ama ni Jenny. Hindi mapakakali ang pamilya ni Jenny habang naghihintay sa labas nang operating room. Nadako ang tingin ni Eugene kay Jenny na nakatayo sa labas nang pinto nakatungo ang ulo niya at nanginginig ang mga kamay.

"Jenny." Wika ni Eugene na lumapit sa dalaga saka hinawakan ang kamay nito. nag-angat naman nang tingin ang dalaga. Nakita niyang nangingilid ang luha sa mga nito.

"Eugene, anong gagawin ko." Wika ni Jenny na tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata. Hindi niya gustong Makita sa ganooong kalagayan ni Jenny.

He's hurt seeing her in tears. Wala siyang ibang maisip na gawin nang mga sandaling iyon kundi ang i-comfort ang dalaga. Hinatak niya ang dalaga palapit sa kanya at niyakap. Hoping that his action would convey the message to her. That he is always there for here. Hinayaan niya ang dalaga na umiyak sa bisig niya. Alam niyang kailangang ilabas ni Jenny ang sakit na nararamdaman sa kalooban nito lalo na at dalawang oras na sa operating room ang daddy nito. Matapos ang tatlong oras na pag hihintay lumabas sa operating ang isang doctor agad naman nilang sinalubong ang doctor.

"Doktor Kumusta po ang asawa ko?" Tanong nang ina ni Jenny nang lumapit sila sa doctor.

"Pasensya na misis, ginawa na naming ang lahat ngunit hindi naming nagawang iligtas ang asawa niyo." Malungkot na Wika nang doctor. Nang marinig iyon nang ina ni Jenny bigla itong nawalan nang balance at akmang matutumba, agad naman siyang inagapan nang anak nito ganoon din si Jenny kung wala pa sa tabi niya si Eugene marahil ay tuluyan na siyang nawala nang balance.

"Nalulungkot ako sa nangyari sa asawa niyo." Wika nang doctor. Sa ginang bago umalis nang makalayo ang doctor saka naman pumalahaw nang iyak ang madrasta ni Jenny. Bigla itong tumingin ay Jenny, nag ngingitngit ang mga titig nito sa dalaga.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko. Hindi sapat sa iyo na bigyan siya nang sama nang loob tuwing nakikita ka, ngayon pinatay mo pa siya."

Galit na Wika nito at sinugod si Jenny sabay sampal dito. Wala namang ibang nagawa si Jenny kundi tanggapin ang galit nito at umiyak.

"Umiiyak ka? Anong magagawa nang pag-iyak mo hindi mo na siya maibabalik." Nangagalaiti sa galit na wika nang ina niya. "Kahit kailan malas ka sa buhay ko. Nagsisisi ako na isinilang pa kita." Sigaw nito kay Jenny.

"Tama na." Wika ni Eugene at sinalo ang kamay ni ginang nang muli nitong sasampalin si Jenny. "It is not just you who is hurt right now." Wika ni Eugene sa babae.

"Huh, ang lakas nang loob, nang dahil sa iyo malaking sama nang loob ang ibinigay sa amin nang babaeng iyon. Bakit? Aakuin mo ba ang responsibilidad para sa buhay ni Jenny?" Sakristong wika nito kay Eugene.

"Hindi ko alam kung ano ang ugat nang galit niyo sa 'kin o kay Jenny. But I am not going to sit and watch you hurt the person I cared." Makahukugang Wika ni Eugene. Gulat namang napatingin si Jenny sa binata.

"Huh, magsama kayo dalawa. Mga Buwesit!" wika nito saka umalis kasama ang dalawanng anak.

"Bakit mo ginawa yun?" Wika ni Jenny nang makaalis ang ina. "Hindi mo ba alam na ------" putol na Wika ni Jenny nang kabigin siya ni Eugene at niyakap.

"Wala naman akong pakialam kung galit siya sakin. Kaibigan mo ako, syempre---" naputol ang sasabihin ni Eugene nang bigla siyang itinulak ni Jenny. Ayaw niyang marinig na ang dahilan nang kabaitan ni Eugene ay dahil sa pangako nito at sa pagiging magkaibigan nila. Hindi iyon ang kaikangan niya ngayon.

"Pasensya, sa susunod na tayo mag-usap. Ayokong lalong dagdagan ang sama nang loob nang pamilya ko sa'kin. Sapalagay ko dahil sa nangyari lalo kong inilayo ang loob nila sa kin." Wika ni Jenny.

"They never treated you like one. Bakit ba patuloy mong ipinipilit ang sarili mo sa kanila. Pwede naman tayong bumalik sa dati, gaya nang nasa bahay niyo noon, ako, ikaw, si Julianne at Aya. Pamilya tayo hindi ba?"

"Sila ang pamilya ko Eugene. Kahit anong gawin ko, hindi ko iyon mababago. Sa palagay ko, masyado akong naging makasarili."

"Jenny.." mahinang wika ni Eugene. "And what do you take me for? I thought we are family. Ikaw, ako, si Julianne at Aya."

"Pasesnya na iwan mo muna ako." Wika nito at tinalikuran ang binata. Wala naman nagawa ang binata kundi ang sundan nang tingin ang dalaga. Hindi siya mapakali sa mga sinabi nang dalaga. Pero higit sa lahat bakit siya nasasaktan.

Matapos ang eksena sa ospital hindi na muling nakita ni Eugene si Jenny. Para bang sadya siyang iniiwasan nang dalaga. Hindi niya ito Makita sa hospital, para bang alam nito ang oras nang pagdating niya kaya maagang umaalis. Dahil kay Johnny nalalaman niya ang mga nangyayari kay Jenny at sa pamilya nito. malapit si Johnny sa pamilya ni Jenny. Ito rin ang tumulong sa mag-anak para sa libing nang ama nila. Dalawang araw lang ang itinagal nang lamay para sa amain ni Jenny.

"Kumusta na si Jenny?" Tanong ni Eugene kay Johnny nang magkita sila sa Headquarters.

"Okay lang siya, ngunit nalulungkot pa din dahil sa nangyari sa stepfather niya." Sagot ni Johnny.

"Siguro naman hindi niya pinababayaan ang kalusugan niya. She tend to----" Putol na Wika ni Eugene.

"Hihilingin ko sana na Huwag mo na siyang gambalain pa." Agaw ni Johnny sa sasabihin pa nang binata.

"Ano?"

"Hanggang ngayon sinisisi siya nang pamilya niya dahil sa nangyari sa amain niya. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang dahilan. Sinubukan ka niyang ipagtanggol mula sa mga ito. Ngunit sa palagay ko hindi mo alam ang dahilan." Wika ni Johnny.

"Anong sinasabi mo?" Gulat na wika ni Eugene.

"H'wag mo nang alamin. Ang isang tulad mo na sarili lang ang iniisip hindi maniintindihan ang nararamdaman ni Jenny. Naaawa ako sa kanya dahil sa maling tao niya ibinigay ang puso niya. I wish I was the first person she meet." Makahulugang wika ni Johnny. Dahil sa sinabi ni Johnny hindi na mapakali si Eugene.

Alam niyang hindi siya gusto nang pamilya ni Jenny. ngunit hindi niya akalain na bilang kaibigan ipagtatanggol siya ni Jenny mula sa mga ito. Hindi matanggap nang konsensya niya ang isipin ang malungkot na kalagayan nang dalaga. Inilibing na ang amain ni Jenny ngunit hindi manlang siya nakalapit sa dalaga. Parating nasa tabi nito si Johnny.

Habang nakabuntot naman ang ina nito. napag alaman din ni Eugene na nagging mahigpit ang ina nito sa kanya. Kahit ang trabaho nito ay pinanghihimasukan. At wala siyang magawa para dalaga. Nais niiya itong tulungan ngunit wala siyang magawa. Nag aalangan siyang lumapit sa dalaga dahil sa halip na mapagaan niya ang loob nito lalo lamang itong mahirapan.

Eugene?" Gulat na wika ni Jenny nang biglang lumitaw sa labas nang silid niya si ang binata. Inakayat nito ang balkonahe na parang isang magnanakaw. Napalingon siya sa may pinto nang kwarto niya. Bago lumabas patungo sa veranda.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jenny nang makalapit sa binata.

"Baka Makita ka ni Mama." Wika nang dalaga.

"Anong nangyari sa mata mo? Hanggang ngayon ba umiiyak pa ka rin?" Tanong ni Eugene nang Makita ang namumugtong mata nang dalaga.

"Wala ito." Wika ni Jenny. "Umalis kana bago pa malaman ni mama na nandito ka." Wika ni Jenny at hinatak si Eugene patungo sa bahagi nang beranda na walang masyadong ilaw.

"Bakit naman ako magtatago sa kanya. Wala naman akong ginawang masama." Wika pa ni Eugene.

"Ano ka ba. Alam mong maiinit ang dugo nila sa iyo. Please."

"Bakit ba, pumapayag ka na apihin nang ina mo. It's not like you Jenny. Hindi ko gustong nakikita ka nang ganito. Alam kung hindi rin ito gugustuhin nang daddy mo." Wika ni Eugene. "Is this the way you want to live your life? Have you really decided to live like this?"

"Umalis ka na." Wika nito at akmang maglalakad papasok nang silid niya. Ngunit bigla siyang pinigilan ni Eugene.

"Kung naawa ka sa akin. I don't need it." Ani Jenny at nilingon ang binata. "Anong ginagawa mo?" Wika ni Jenny at tumingin sa kamay niya na hawak ni Eugene.

"Aalis ako, as you want it. But first, you are to tell me why are you avoiding me? Dahil ba sa mama mo? Tinatakot ka ba niya?" Ani Eugene.

"Walang ganoon Eugene. Staying away from you is my descision. They have nothing to do with it." Ani Jenny at inagaw ang kamay sa binata.

"Bakit?" Tanong ni Eugene.

"I have come to realilze na mas mahalaga ang pamilya ko kesa sa pansarili kong kapakanan. Besides, I am just wishing for the moon." Wika ni Jenny. Kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na si Eugene ay mananatiling pangarap at isang masayang alaala.

"Haven't it cross your mind, na baka mali ka?" Wika ni Eugene. Agad namang napalingon si Jenny sa binata. Heto na naman ang binata. Is he trying to shake her again. Heto siya at buo na ang pasya na kalimutan ang binata pero ano ito nasa harap na naman niya ang binata at may sinasabi na lalong nagpapagulo sa kanya.

"JENNY!" Narinig nilang tawag nang ina ni Jenny sa dalaga.

"Si Mama." Wika ni Jenny na biglang nagpanic.

"JENNY! nasaan ka ba." Sigaw nito na halos dumagondong sa loob nang kabahayan. Narinig nilang tumunog ang siradora nang pinto ni Jenny. napatingin si Jenny sa binata dahil sa labis na takot, hindi niya alam kung saan itatago ang binata.

"JENNY!" Galit na wika nito at binuksan ang pinto. Naging mabilis ang kilos ni Eugene. Kinabig nito si Jenny palapit sa kanya at nagkubli sa madilim naparte nang balkonahe. Seeing their posture, mapagkakamalang nagyayakapan ang dalawa. Narinig nilang lumibot sa silid ni Jenny ang ginang.

"Stay still." Bulong ni Eugene sa dalaga. Being so close like that. She was able to hear his breath. Nariring niya ang tibok nang puso nito. those arms na pakiramdam ni Jenny ay isang matibay na sandalan. That sense of security on his arms. Iyon ang pakiramdam ni Jenny. nag-angat siya nang tingin, dahil madilim hindi niya masayadong Makita ang mukha nang binata.

"Wala na siya." Wika ni Eugene at lumayo sa dalaga nang makalabas ang madrasta ni Jenny. Simple ding lumayo si Aya sa binata.

"Are you okay?" Tanong ni Eugene nang mapansing walang kibo si Jenny.

"Umalis ka na. Hiling ko na sana ito na ang huling pagkikita natin." Wika ni Jenny.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Eugene.

"Pumayag na akong magpakasal kay Johnny. Kaya naman, nakikiusap ako sana, ito na ang huling pakikita natin." Wika ni Jenny.

"Anong ibig mong sabihin? Magpapakasal ka kay Johnny? Bakit? Anong nangyari? Tinakot ka ba nang ina mo?" sunod-sunod na tanong ni Eugene. Hindi niya maitindihan kung bakit bigla na lamang magpapakasal ang dalaga kay Johnny.

"Hindi, desisyon ko yun. Sabi mo dati mabuting tao si Johnny. At nakikita ko yun. Isa pa, gusto siya nang pamilya ko." Wika ni Jenny.

"Gusto mo ba siya?" Wika ni Eugene at hinila si Jenny paharap sa kanya.

"Matututunan ko rin siyang mahalin. Madali naman siyang pakisamahan." Wika ni Jenny saka inilayo ang tingin sa binata.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Look into my eyes ang tell me you love him kaya ka magpapakasal sa kanya." Giit ni Eugene at hinawakan ang kamay ni Jenny ngunit agad itong tinaboy nang dalaga. Ayaw na niyang makinig kay Eugene dahil baka hindi niya panindigan ang desisyon niya. Kung gusto niyang tuluyang iwasan ang binata kailangan niyang simulant ngayon.

"Mag-iingat ka pauwi. Aabalahin ko si mama. Tapos maari ka nang umalis." Wika ni Jenny at biglang pumasok sa kwarto. Hindi niya maiintindihan ang tinatakbo nang utak ni Jenny at kung bakit nito biglang naisipan na magpakasal kay Johnny. Dapat maging masaya siya para sa kaibigan ngunit bakit siya nagagalit sa naging desisyon nito.

"Bakit ba hindi ka sumasagot sumasakit na ang lalamunan ko sa katawag saiyo." Asik nang mama niya nang lumabas siya sa sa balkonahe. Narinig ni Eugene ang galit na boses nang ina ni Jenny.

"Nasa baba si Johnny at anng mommy niya." anito. "Mag bihis ka at bumama" anito at iniwan siya. Napalingon siya sa may balkonahe. Wala na doon si Eugene.Bigla siyang nalungkot. Ilang araw niyang hindi nakita si Eugene ngunit wala siyanng ibang ginawa nang magkita sila kundi ang itaboy ito. Kailangan na niyang tanggapin na wala siyang mapapala sa nararamdaman niya sa binata. Gaya ni Frances, hindi kayang suklian ni Eugene ang pag-ibig niya.

Anong ginagawa nang lalaking yan ditto?" tanong ni Eugene kay Julianne nang dumating sa bahay nila at nakitang naroon si Herrick Merin ang lalaking asawa nang babaeng pinatay.

"Master Eugene. Kaibigan ni Miss Bernadette ang asawa nito." wika Butler Lee.

"Lieutenant." Wika nito nang Makita siya at kumaway saka tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanila.

"Akala ko nagbibiro si Bernadette nang sabihin niyang pinsan niya ang Tinyenteng may hawak sa kaso nang asawa ko. Ngayong nakita na kita I can say na hind niya ako gino good time." Nakangising wika nito.

"I can see na hindi ang kaso ang pinunta mo ditto." Seryosong wika ni Eugene.

"Yes. I was here because of Bernadette. You know, we are close she is the best friend of my wife." Wika nito.

"Ganoon ba. Sige maiwan ko na kayo." Wika nito, at nilampasan si Herrick.

"Bakit hindi tayo mag inuman. Pwede tayong maging magakaibigan. It will be easy for you to handle my wife's case." Ani to at sinundan ang binata.

"Kumusta ang kapatid ko?" wika ni Eugene at hindi pinansin ang sinabi ni Herrick.

"Sinabi sa akin ni Bernadette nan aka coma ang--" wika ni Herrick at humarang sa binata. Ngunit natigilan ito dahil sa talim nang titig ni Eugene sa kanya.

"What did I say something wrong?"

"Look. Mr. Merin I am not trying to be rude here. Pero huwag kang manghimasok sa mga bagay na wala ka namang dapat pakialam." Wika ni Eugene at nilampasan ang binata.

"What's with him?" anito at tumingin kay Julianne at Lee.

"Stay away from him. Hindi maganda ang mood niya." wika ni Julianne at tinapik ang balikat nang binata saka ito iniwan. Sumunod naman sina Butler lee at ang nurse sa dalawang binata. Habang sina Bernadette at Herrick ay naiwan sa sala.

"Tama nga ang sinabi mo. masyado siyang arogante." Ani Herrick kay Bernadette.

"Huh. Kung pwede ko lang silang tapusin na magkapatid ginawa ko na." anito. "tinik sila sa lalamunan ko." Anito.

"Gusto mo bang ako na ang gumawa noon para saiyo?" ani Herrick at hinapit ang bewang nang dalaga. Agad namang itinnulak ni Bernadette ang binata.

"Are you crazy? Mamaya Makita tayo ni lola." Ani Bernadette.

"Bakit? Natatakot ka ba? Weve been doing this for the whole time. Ngayon ka pa nakonsenya. I am a already free. So it is not a seen anymore kung---"wika niito na naputol dahil biglang tinuptop ni Bernadette ang bibig ni Herrick.

"Pwede ba mag ingat ka nga sa mga sinasabi mo. baka may makarinig sa iyo." Ani Bernadette.

Buhay pa ang asawa ni Herrick, matagal nang may relasyon ang dalawa. Kaya namang ngayong patay na ang asawa niyo pwede na nilang gawin ang kahit ano mang gusto nilang gawin. At ipagpatuloy ang relasyon nila

Walang nagbabantay sa silid ni Aya kaya naman malayang nakapasok sa loob nang silid si Bernadette at Herrick. Wala din sa mansion sina Eugene at Julianne dahil sa kasong hinahawakan nang mga ito. Si DOnya Carmela at Lee naman ay nagpunta sa korea para sa conference nang mga director sa branch nang kingdom sa bansang iyon.

"So this is the famous Sleeping beauty?" ani Herrick habang nakatingin sa dalaga.

"Yeah. And It gets on my nerves na narito siya." Ani Bernadette.

"Bakit ka na tatakot sa isang gulay?" ani Herrick at humara sa dalaga. "Look at her. Wala siyanng magagawa. Hindi siya makakalaban. She is an easy target." Ani Herrick.

"Paano naman si Eugene? At ang kaibigan niyang pakiaalamero? Mula nang bumating sila ditto nasira na ang plano ko. Wala nang tiwala ang matanda sa akin." Ani Bernadette.

"Problema ba yon? Isang makatutuhanang aksidente lang. and we can dispatch your cousin." Ngumising sika ni herrick. Habang nag-uusap ang dalawa hindi nila napansin na biglang kumilos ang daliri sa kamay ni Aya.

"Pwede ba huwag mo akong paandaran nang mga palpak mong plano." Wika ni Bernadette.

"Hindi palpak ang plano ko. Isa pa, isang gulay itong kintatakutan mo, madaling ma despatsa ang ganitong mga hadlang. Kawawang bata, hindi na niya muling makikita ang umaga." Nakangising wika ni Herrick.

AYA!" biglang napabalikwas nang bangon si Achellion nang maramdamn ang biglang pagtibok nang puso ni Aya. Sa loob nang ilang buwan ngayon lang uli niya narinig at naramdamn ang tibok nang puso nang dalaga. Alam niyang pamilyar ang tibok nang pusong iyon ngunit hindi niya alam kung kanino. Ang tibok nang pusong iyon ay tila tumatawag sa kanya. Hinihila nito ang mga paa niya. Before he knows it napaloob na siya sa kakaibang mahika nang tibok nang pusong iyon. Bigla siyang tumayo mula sa kinahihigaan. Hindi niya alam kung bakit niya naririnig ang tibok nang pusong iyon At sino ang Aya na nabanggit niya?

"Bakit Achellion?" tanong ni Leonard. Natigalgal si Leonard nang biglang magbago ang kulay nag mata ni Achellion nagging Greenish blue ang mata nito. Kakaiba sa mga mata nito tuwing nagagalit.

"Wala." Simpleng wika ni Achellion saka naglakad palayo Tila wala ito sa kanyang sarili. Takang sinundan nang tingin ni Leonard ang binata. Walang imik na umalis sa kuta nila ang binata at dahil sa pagtataka agad namang inutusan ni Jezebeth si Balam na sundan si Achellion. Nais niyang malaman kung saan pupunta ang binata. At kung bakit kakaiba ang kinikilos nito nitong mga nakaraang araw. Nababahala siyang biglang bumalik ang alaala ni Achellion at bigla na lamang silang Talikuran nito. Isang mahalagang sandata si Achellion para sa kanilang adhikain kaya naman hindi nila pwedeng hayaan ang binata na bumalik ang alaala.

Sinundan ni Achellion ang tibok nang puso na naririnig niya. Sa gitna nang paghahanap ni Achellion kay Aya dinala siya nang mga paa niya sa isang malaking bahay. Lalong lumakas ang pakiramdam niya na naroon si Aya. Ilang sandal ding nakatayo sa labas nang gate nang malaking bahay ang binata, nakatingin lang ito doon habang patuloy na pinakikinggan ang tibok nang puso nang dalaga.

Isang silid na bukas ang ilaw ang napansin ni Achellion. Doon niya nararamdaman na nang gagaling ang tibok nang puso. Lumutang sa Ere si Achellion para makalapit sa bintana. Nang nasa harap na siya nang bintana napansin niyang bukas iyon. Umihip ang hangin. Inilipad nito ang kurtinag nakatabon sa binata. Ganoon na lamang ang gulat ni Achellion nang Makita si Aya na nakahiga sa kama sa loob nang silid. Dahil bukas ang bintana malayang nakapasok sa loon nang silid si Achellion.

That girl. Utak nang isip ni Achellion nang makilala ang dalaga.

Nang makapasok ang binata dahan dahan siyang lumapit sa dalaga. Mahimbing na natutulog ang dalaga.

"Ikaw ba? Ikaw ba ang tumatawag sa akin?" Mahinang wika ni Achellion at akmang hahawakan ang mukha ang maamong mukha ni Aya. Habang nakatitig niya sa mukha nang natutulog na dalaga tila ba may nagsasabi sa kanya na hawakan ito hindi pa man niya nailalapit ang kamay sa mukha nang dalaga bigla siyang natigilan. Hindi niya magawang mailapit ang kamay sa dalaga. Maya-maya napansin niya ang harang nakapalibot sa dalaga iyon ang dahilan kung bakit hindi manlang niya mahawakan ang mukha nito.

"Harang?" gulat na wika ni Achellion. Bakit may Harang ang dalaga?

"Sino ka?" tanong nang isang boses sa gitna nang kadiliman. Biglang napaigtad si Achellion nang marinig ang boses. Napatingin siya sa pinto.

Bumukas ang ang ilaw sa silid nang dalaga. Nang magliwanag walang ibang nakita ang nurse sa loob nang silid ni Aya kundi ang natutulog na dalaga. Kanina lang alam niyang may naaninagan siyang anino na nakatayo sa tabi nang kama. Dahil sa takot. Agad niyang pinindot ang alarm upang bigyan nang babala ang mga naroon na may nakapasok sa loob nang bahay. Agad naman napasugod sina Eugene at Julianne sa silid ni Aya.

"Anong Nangyari?" Tanong ni Eugene. Nag tumatakbong pumasok sa loob nang silid nang kapatid.

"Parang may tao sa loob nang silid ni Aya." Wika nito.

"ANong tano ang sinasabi mo." Ani Julianne at naglakad patungo sa bukas na bintana. Sinilip niya ang labas nang binata ngunit wala naman siyang nakitang tao. Nagtataka din siya kung bakit bukas-na bukas ang silid gayong parating sinasabi ni Eugene na isara iyon. Dahil ayaw nilang maulit ang nangyari sa una na dinukot ang dalaga nang hindi nila nalalaman.

May presinsya siyang nararamdaman sa paligid ngunit hindi niya makompirma kung ano at sino. Pero nararamdaman niya ang nasa paligid pa ang kung sino mang nilalang na nakapasok sa kwarto ni Aya.

"Wala namang tao, baka hangin lang." wika ni Julianne at naglakad palapit sa kaibigan. "Mahimbing pa rin siyang natutulog." Wika ni Julianne at napatingin sa dalaga.

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon tila may mga panganib sa palibot nang kapatid ko." Wika naman ni Eugene habang nakatingin sa mukha nang kapatid. Hindi niya maunawaan ang klase nang panganib sa paligid nang kapatid. Hindi nila alam kung bakit bigla nalang itong nawalan nang malay.

"Dito ako matutulog sa silid ni Aya. Mas mabuti nang sigurado tayo. Baka kung anong naman ang mangyaring masama sa kapatid ko." Wika ni Eugene.

"Mas mabuti pa nga." Wika ni Julianne. Sa unang pagkakataon. Naisip niyang mas mabuting may nagbabantay sa dalaga kung narito pa ang nilalang na nararamdaman niya tiyak na nasa piligid pa rin ito. Hindi nila alam kung anong kailangan nang mga ito kay Aya ngunit mas mabuto na ang nag-iingat.

Habang nag-uusap ang magkaibigan sa loob nang silid ni Aya. Nasa itaas naman nang bahay si Achellion at nakatayo sa bubog. PInakikinggan nito ang usapan nang dalawa. Hindi kaagad siya dumating dahit pakiramdam niya patuloy siyang tinatawag nang tibok nang puso. Hindi siya makaalis kahit ayaw niyang manatili sa lugar na iyon at walang dahilan para manatili siya hindi niya kayang umalis.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C17
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen