App herunterladen
12.96% University Series: Athena Louise Sarxel / Chapter 7: Chapter 7

Kapitel 7: Chapter 7

Xyzrielle's PoV:

Sunday ngayon and that means, may pasok ako sa pinagtatrabuhan kong bar. Maganda na rin 'yon. Para mawala sa isip ko 'yung kiss na nangyari sa amin ni Athena.

Tulad nga nang sinabi ko, hindi naman masyadong big deal sa akin ang mga ganoong bagay. Pero sya ang first at second kiss ko.

Infairness, ang lambot ng labi nya ha. Ano kayang naging reaction nya? Sana naman ay hindi masyadong nakakatakot or galit.

Natampal ko ang aking noo. Duh. Syempre for sure ay galit ang isang 'yon. Sino ba namang hindi diba? Aish. Bahala na nga si batman. Kung ano mang mangyari ay gabayan na sana ako ni Superman.

I wore a simple shirt na pinatungan ko ng pantalon. Okay na 'yung simple dahil magpapalit din naman ako kapag nagduty na ako mamaya bilang waitress/server.

Ang gagawin ko muna sa bar ay kumanta. Since Sunday ngayon kaya ganon. Ang schedule ng kanta ko ay Sunday, Wednesday, at Saturday. 7:00 pm ang pasok ko at 3:00am naman ang out.

Wala pa naman akong naeencounter na naholdap ako. Hindi naman ako natatakot kung may makasalubong ako since may nagturo sa akin ng self defense.

Atsaka wala rin po akong pera so wala talagang mahoholdap sa akin. Walking distance lang naman ang inuupahan kong bahay at sa pinagtatrabahuhan kong lugar.

Nasa labas pa lang ako ay sigurado akong marami kaming customer ngayon.

"Mabuti naman at nandito ka na, Xyz. Inaantay na nila si Elle na kumanta. Ang dami nang nagrerequest ng song sa iyo." Bati sa akin ni Marcus. Sya ang bartender dito sa bar. Naging kaibigan ko na rin.

Elle ang ginagamit kong pangalan tuwing kumakanta ako. Galing 'yon sa XyzriELLE. Wala lang, trip ko lang. Ang galing ko diba? For safety purposes kaya iyon ang naisip kong gamitin na name.

Tinignan ko ang mga nasa song request at pinag-aralan ang mga song. Nagready na ako para kumanta. Bale 4 na song ang kinakanta ko every night. With matching tanong-tanong pa sa mga audience para maentertain sila lalo.

With that ay nagkakaroon na ako agad ng 4K. Oh diba, instant money. Super speed.

"One more! One more! One more!" Hiyaw nila. I'm happy dahil nagustuhan nila ang performance ko.

"Sorry guys pero hindi ko kayo mapagbibigyan. Siguro, next time na lang. Kaya balik kayo rito ha." Nakangiting saad ko at bumaba na sa stage.

Ang bongga ko talaga. Inadvertise ko pa 'tong bar. Dapat may dagdag na sweldo 'to. Joke lang.

"Ang galing mo talagang kumanta, Elle. Good job. Ang dami nating customer. Malaki-laki ang kikitain natin ngayon." Nakangiting saad ni Boss. Mabuti naman at good mood sya.

Isang ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Agad akong nagbihis ng uniform namin. Hindi naman sya panget. Ang ganda nga eh. Ang cool. Hindi mo mapag-iisipan na waitress ang magsusuot non. Nagsimula na akong mag-assist at magbigay ng mga inorder ng customer.

"Elle, pakibigay naman 'to doon sa babaeng nasa corner." Saad ni Marcus. Agad ko naman itong kinuha para ibigay sa tinutukoy nyang customer.

Pumunta ako sa kinalalagyan ng bbaeng sinasabi nya. Nag-iisa lang sya sa sulok. Nakasuot sya ng isang dress at maganda sya ha. Ang daming nakatingin sa kanya. Maraming nag-aapproach ngunit tinatanggihan nya lamang iyon.

Napaangat lang ang tingin nya nang ilapag ko ang kanyang inorder. Owemji, ang ganda nya lalo sa malapitan. Ang inosente ng mukha nya. She has a pale skin. She also have a beautiful pair of eyes. Ang kaso ay halatang kagagaling lang nya sa pag-iiyak.

'Duh. Mas maganda pa si Athena riyan noh.'  Pag-extra ni mind.

Oo nga, may tama ka riya—— este, ano ba?! Dapat hindi ko na muna iniisip ang babaeng 'yon ngayon.

Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. Napansin kong nakakarami na ang babaeng 'yon ng inom. She probably planned to get drunk.

Closing na kami at eto na ang pinakaaantay kong part. Kakaunti na lang din ang tao dahil madaling araw na. Naglilinis na kami ngayon ng mga kalat.

Napansin kong naririto pa rin si ategurl. Aba, ba't hindi pa umuuwi ang isang 'to?

"Uhm... Miss, gising. Closing na kami. Kailangan mo na atang umuwi." Saad ko sa kanya at marahang tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Pero hindi pa rin sya gumigising. Wala na. K.O na talaga sya.

Pinaalam ko sa boss ko ang nangyari at ang tanging sagot lang nya ay "Iuwi mo na lang sya. Tutal, ikaw naman ang nakakita sa kanya. Babae ka rin at alam kong hindi mo magagawan sya ng masama."

Medyo natuwa ako doon sa part na alam ni boss na hindi ko kayang gumawa ng masama. Mabait kaya ako.

Pero ano raw? Iuwi ko na lang si ategirl? Hala, bakit naman ako? Huhuhu. Gusto ko pa sanang umangal pero alam kong wala na akong magagawa pa.

Inayos ko muna ang mga gamit ko. Kinuha ko ang mga iyon pagkatapos ay isinukbit ko sa aking dalang shoulder bag ni ateghorl. Nang makita kong wala na syang naiwan, sinimulan ko na syang alalayan paalis ng bar.

Nakalagay ang kamay ko sa kanyang bewang habang ang kamay naman nya ay nakaakbay sa akin.

Naglalakad na kami sa kalye at pagewang-gewang kami. Jusko naman. Sana naman ay makicooperate sya. Gusto ko na ring makapagpahinga dahil may pasok pa mamaya.

No choice ako kung hindi buhatin sya ng pabridal style. Mabilis syang kumapit sa aking batok. Infairness, ang gaan nya ha. Kaya pala ang sexy eh.

'Lagot ka kay Athena nyan. Hmp.' Hala. Papansin talaga ka talaga kahit kelan, mind.

Matiwasay at maayos kaming nakarating sa inuupahan kong bahay. Dahan-dahan ko syang ibinana sa kama. I changed my clothes first bago tuluyang tumabi na rin sa kanya. Hindi naman sya amoy alak kaya okay lang.

I guess, she wouldn't mind naman na may katabi sya, right? I closed my eyes. Nakatulog ako dala na rin ng kapaguran.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen