App herunterladen
38.88% Who's The Impostor? / Chapter 7: The Killer

Kapitel 7: The Killer

Chapter 7

Nahihilo at gumigiwang pang naglalakad si Mr. Shoi habang papunta sa kotse nya. Galing kasi sya sa loob ng bar kung nasaan sya ngayon at handa na syang umuwi.

Nagsasalita pa ito ng kung ano-ano habang naglalakad. Pakiramdam nya ay umiikot ang paningin dahil sa sobrang kalasingan. Nasa kalagitnaan sya ng paglalakad ng biglang may tumawag sa kanya.

"Psst." Sitsit sa matada habang nakatalikod ito. Dahan-dahang humarap ang matanda at nagtaka ng makita ang isang dalaga na pero nakadamit pambata pa. "Pahingi po candy." Nakangiting sabi nito.

"Wala akong candy. Umalish ka na nga! Panira ka ng gabi ko, ehh!" Sigaw ng matanda at iginalaw  ang kamay na parang nagpapaalis ng lamok.

"Pero, gusto ko ng candy...." Malungkot na sabi nito. "Ice cream nalang." Nakangiting pang sabi nito.

"Wala nga!!" Sigaw pa ng matanda. Nagsimula nang umiyak ang babae at nagsimula nang magwala. Itinapon nito ang dalang laruan at may kinuha itong matulis na bagay sa likod nito tapos biglang itinapon sa matanda.

Agad tumama ang patalim sa matanda pero hindi pa nakuntento ang babae. Lumapit pa sya sa matanda at tinadtad pa ng saksak ang matanda. Napatigil lang sya ng biglang magsalita ang kasama nya.

"Annie, tama na." Natatawang sabi ni Camille. "Halika na, bibili na tayo ng ice cream." Sabi pa nya kaya agad tumayo si Annie.

_____________________________

"May sinugod daw sa ospital kanina. Dead on arrival." Sabi ng katrabaho ni Erick

"Sino yung suspect?" Tanong nya.

"Hindi pa malaman, ehh. Sabi nung mga nakakita, bata daw ang huling kausap nung biktima. Tapos nakita naman daw nilang tadtad na ng saksak sa harap ng kotse nya." Sabi pa nito.

"May autopsy na?" Tanong pa nya. Agad nitong inilapag ang mga nakalap nilang ebidensya.

"May 12 saksak sa dibdib, 9 sa ulo, 7 sa maselang parte, at marami pa sa ibang katawan. Bale, 25 lahat." Sagot nito. "Tapos may nakitang hairpin ng bata sa tabi nung biktima. At hindi pa sigurado kung anong ginamit na bagay na pampatay kasi parang stick na ewan ang liit ng mga saksak." Sabi pa nito.

"Hmm. Sige, papaimbistigahan ko na din to kaagad." Sabi ni Erick at umalis na doon. Habang naglalakad sya ay naiisip nya kung sino ang mga suspect.

Matagal na nilang gustong mahuli ang mga ito. Alam nyang may kasama sila kasi hindi lang isa ang napatay nila. Tapos may naiiwang hairpin, lipstick, ballpen, at kung ano-ano pang bagay.

Lahat ng mga iyon ay puro gamit ng babae. Kaya ibig sabihin ay puro babae sila. Nag-try na kaming kuhanin ang mga CCTVs pero hindi pa iyon na che-check, nabubura na agad.

Masyadong magaling ang mga pumapatay na ito. Marami na silang napatay at halos mayayaman ang mga target nito. Tinitignan namin aqng mgaa gamit pero wala namang nawawala, pinapatay lang talaga sila.

"Sino ba kasi ang may gawa ng mga to?" Tanong nya sa sarili.

_____________________________

Nasa kalagitnaan ng gabi ay papunta na si Nash sa bahay ni Annie. Pagpasok nya sa loob ay naroon ang dalaga habang nakaupo sa sofa at kumakain ng ice cream. Napailing sya at tumabi dito.

"Lumabas ka nanaman ba para sa ice cream?" Tanong nya. Agad staang nilingon ni Annie at nginitian sya. Hindi din nya napigilang mapangiti dahil sa cute nito. "Anong gusto mong dinner?" Tanong nya pa.

"Gusto ko ng dumplings!" Nakangiting sagot nito. Ngumiti sya at tumango dito tapos sabay silang pumunta sa kusina at gumawa ng dumplings.

Natapos na silang kumain at hindi parin nawawala ang ngiti ni Annie hanggang ngayon. Hanggang sa napansin nyang nawawala ang isa nitong hairpin. Yung isinuot nya dito kanina. .

"Nasaan yung pink mong hairpin?" Tanong nya dito. Tumingin ito sa itaas at parang nag-iisip.

"Hindi ko alam. Tinanggal ko sya kanina pero hindi ko alam kung saan ko nilagay." Sagot nito. Tumango-tango syaat hindi na ulit nagtanong dahil alam nyang mahahanap naman nya ito.

"Hmm. Gusto mo bang dito na ako tumira?" Tanong nya bigla. Tumingin ulit si Annie sa itaas at nag-isip tapos nakangiti syang tumango dito. Kaya, napangiti na din sya.

Makalipas ang ilang minuto ay naghahanda na silang dalawa sa pagtulo. Habang nakahiga si Annie ay nag-aayos naman ng gamit si Nash para sa pagpasok nya kinabukasan.

"Annie, anong gusto mong suotin bukas?" Tanong nya sa nobya.

"Gusto ko, black dress." Sabi nito. Napakunot ang noo nya dahil bibihira lang ito mag-suot ng black dress, at iisa lang ang palagi nitong suot.

"Iyon nanaman?" Tanong nya tapos humarap sa nobya. Tumango ito tapos ngumiti sa kanya kaya wala na syang nagawa kung hindi ibigay ang gusto nito.

"Kuya, anong gagawin mo kapag nagkababy na ako." Biglang tanong ni Annie. Napakunot ang noo nya dahil sa tanong nito.

"Hindi ko alam. Natural na magiging masaya ako kasi magkakaanak na tayo." Sagot nya dito. Tumango-tango nanaman ito at nahiga na ang maayos.

Makalipas ang ilang minuto ay tumabi na din sya dito at bago magpakalunod sa antok ay nakita nyang tumayo si Annie ng kama at lumabas ng kwarto pagkatapos ay narinig nya ang pagsara ng pinto bago sya tuluyang kinain ng antok.

_______________________

Kakarating lang ni Erick sa bahay ni Scarlett pero hindi parin nya naabutang naroon ang babae. Napakunot ang noo nya at nagsisimula nanaman syang mainis dahil sa kilos nito.

Lumipas pa ang ilang mga oras ay hindi padin ito umuuwi. Hanggang sa umabot na nang gabi ay narinig nyang bumukas ang pinto at ang babaeng hinihintay na ngaa nya iyon.

"Ohh, nandito ka na pala?" Tanong nito habang gulat na nakatingin sa kanya. "Bad trip ka?" Tanong nito.

"Saan ka galing magdamag?" Tanong nya na parang asawa sya nito. Agad namang kumunot ang noo ni Scarlett at hindi maunawaan ang nagiging kilos ngayon ng binata.

"Nag-over time ako kagabi. Doon na lang din ako natulog kasi maaga din naman ang pasok ko bukas." Kunot-noong sabi nito.

"Bakit hindi mo ako sinabihan?" Tanong pa nya.

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo?"

"Kailangan!" Biglang sigaw ni Erick. "Naghintay ako sayo buong gabi, tapos ganyan ang sinasabi mo sa akin?!" Galit nyang sigaw. Si Scarlett naman ay halatang nagulat dahil sa biglaang pagsigaw ng lalaki. Napalunok sya at hindi na nakasagot.

"H-Hindi ko naman alam. Tyaka, mabagal kasi mag-charge ang phone ko at inabot iyon ng magdamag, tyaka wala din akong number mo..." Mahinang sabi ni Scarlett. Nagulat sya ng kapkapan sya nito at kunin ang cellphone nya ng walang permiso.

"Anong password?" Tanong nito. Kinuha nya ito at binuksan. Inilagay nito ang cellphone number nito at ibinalik muli sa kanya. "Next time, magsasabi ka. Hindi yung bigla-bigla ka nalang hindi uuwi." Inis pang sabi nito.

"Ano bang problema mo? Bakit ba bigla-bigla ka nalang nagiging ganyan?" Takang tanong ni Scarlett. Si Erick naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "May gusto ka ba sa akin?" Biglang tanong ni Scarlett. Si Erick naman ay biglang hindi na makatingin dito kaya lalong naging malakas ang hinala ni Scarlett. "Kaya ba palagi kitang nakikita sa harap ng bahay ko? Stalker ka ba?" Tanong nya pa dito.

"H-Hindi ganon yon." Naiilang na sabi ni Erick.

"Ehh, ano? Sabihin mo sa akin kung ano yang mga pinagsasabi mo at pinanggagalingan ng galit mo dahilan lang hindi ako nakauwi buong gabi." Mataray na sabi ni Scarlett.

"Scarlett..."

"Tama na. Pagod ako. Wag mo muna akong kausapin." Sabi ni Scarlett at naglakad papunta sa kusina.

"Nagugutom ka ba? Nagluto ako ng menudo dyan." Biglang salita ni Erick.

"Nakikita ko, Erick. Wag ka nalang magsalita dyan. Napaghahalataan ka na talaga." Sabi ni Scarlett habang abala sa pagkuha ng pagkain. Si Erick naman ay pinili nalang itikom ang bibig dahil sa hiya.

___________________________

"Talaga? May gusto sayo yung Erick?" Tanong ni Camille tapos tumawa. "Grabe, ang pangit naman ng taste ng pulis na yon." Natatawang sabi pa nito pagkatapos ay biglang sumeryoso. "Scarlett, alam mo namang kung ano ang lalaking yan. Kapag nagong sagabal yan, kailangan natin yang idespatya." Seryosong sabi nya.

"Sino ang idedespatya?" Tanong bigla ni Annie.

"Magaling ka kahapon." Sabi ni Scarlett.

"Oo nga. Sobrang galing mo kahapon." Nakangiting sabi ni Camille.

"Sabi ni kuya, lilipat na daw sya." Nakangiting sabi nito.

"Good for you. I hope, you make him happy." Makahulugang sabi ni Camille habang may makahulugang ngiti din.

- To Be Continued -

(Wed, August 18, 2021)


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen