App herunterladen
95% LET'S LOVE, IDOL! / Chapter 19: CHAPTER 18

Kapitel 19: CHAPTER 18

SHINA POV

Bago pa man mag-alas tres ng madaling araw ay nasa DVX dorm na ako. Nataranta ako sa aking naabutan. Ang daming kalat daig pa ang may naganap na party. Napangiwi ako sa kalagayan ng kusina. Ang daming pinag-inuman ng beer na iniwan lang sa dining table tapos tambak ang hugasin sa lababo. Sumakit ang leeg ko sa kakalinga sa paligid. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa.

I decided to start in easiest one. Inalis ko ang mga pinag-inuman sa mesa at itinapon sa basurahan. Pagkatapos ay inumpisahan kong maghugas. Ano ba ang dapat kong unahin sa paghuhugas? Pinggan, utensils, pans or glasses. Ah bahala na kung ano ang madampot ko huhugasan ko. Pero teka paano ba maghugas? Kailangan ko bang buhusan muna ng dishwashing soap ang mga hugasin?

Kinuha ko ang sabon at ipinatak sa mga hugasin. Dinamihan ko. Nang kukuskusin ko na ay biglang nag -ring ang aking telepono. Tumatawag si Manager Eric.

"Nasa dorm ka na ba Yura?"

"Andito na ako."

"Gising na ba ang mga members?"

Napatingin ako sa hagdan. "H-Ha? Hindi ko alam. Andito ako sa kusina wala pang bumababa sa kanila."

"Aba ay dapat pagdating na pagdating mo ay ginising mo na sila!" singhal niya.

"Should I wake them up now?"

"Natural!"

I dropped the call immediately. Pagharap ko sa aking kanan ay nagulat ako nang makita ko si Jin.

"Good morning Ms. Yura," he greeted with morning voice. He's still on his pajama. He went to the fridge and get water.

"Where are the other members?"

"Still sleeping I guess."

Nagsalubong ang aking kilay. "Can't they wake up on their own? Alam naman nilang may maagang schedule ah!" Nagmamadaling umakyat ako sa second floor at inisa-isang kalampagin ang mga kuwarto. "Wake up everyone!!!" Hindi ako tumigil sa pagkatok ng bawat pinto hangga't wala akong naririnig na sagot.

Pagkagising ko sa kanila ay mabilis akong bumalik sa kusina para ituloy ang aking paghuhugas.

"Where's the breakfast Ms. Yura," tanong ni Jin habang inaantok pa na nakaupo sa mesa.

"Ha? Should I cook breakfast too?" napapangangang tanong ko.

"Yes," tango niya.

"I-I don't know how to use this one." Turo ko sa cooking range. "Can you teach me?"

"Never mind ako na lang magluluto." Lumapit siya sa lutuan at nagsuot ng apron. He picked up a pan and a spatula.

"Magaling ka bang magluto?" usisa ko.

"I guess I'm better than you."

Palihim ko siyang nginiwian. Ang aga mang pilosopo.

Isa-isa ng nagbabaan ang mga members. Meron akong palatandaan para mamemorize ang mga pangalan nila. It's the hair color. Kookie is blue, James is pink, Hope is gray, RJ is black, Jin is blonde, Vince is red and August is purple. Pag pinatabi-tabi ang ulo nila ay pwede ng mapagkamalang color wheel.

They greeted me one by one and I gladly greeted back.

"Ms. Yura hindi ba dapat may ginagawa kang iba?" puna sa akin ni Jin habang nakatayo lang ako sa tabi niya at minamasdan ang kanyang ginagawa.

Ngumiti ako. "Ah tinitingnan ko lang kung paano ginagamit yang cooking range."

"Wala ba kayong ganito sa bahay niyo?"

"M-Meron kaya lang ibang brand. Iba yung hitsura."

"Can you get the cooking oil for me?" utos niya.

Mabilis kong dinampot ang yellowish na liquid at inabot yun sa kanya.

"This is vinegar. Vince iabot mo nga sa akin yang mantika," he said to the nearest member to us. Vince gave it to him quickly.

"Ms. Yura magluto ka na lang ng rice," utos na naman niya.

Napatanga ako at kukurap-kurap na tumingin sa mukha niya. "Kailangan niyo ba talagang mag-rice sa umaga? Hindi ba pwedeng sandwich na lang?" malumanay na tanong ko.

"RJ, magsaing ka!" biglang malakas na utos niya sa kasamahang tulala pang nakaupo sa sopa.

"Ate Yura ano tong ginawa mo?" Napalingon ako kay Kookie. Tinuturo niya ang mga hugasin.

"Maghuhugas ako. Bakit may problema ba?" taka ko.

"Bakit mo binuhos yung diswashing soap?"

I went to the sink and stared at dirty dishes. "Sasabunin ko kaya binuhusan ko ng sabon. Akin na nga't itutuloy ko na." Pinaisud ko siya at dinampot ko ang sponge.

"Ate Yura you should wear gloves when washing dishes," advise niya.

"Hindi ba pwedeng kamayin? Hindi naman siguro magkakagerms di ba kasi hinuhugasan na nga," katwiran ko.

Tinawanan niya ako. "I'm not talking about germs. We used gloves para hindi ma-irritate yung kamay lalo na kung may allergy pala sa dishwashing soap."

Bigla akong nag-alala para sa balat ko. "Oo nga no hindi ko naisip yun. Asan ba yung gloves at sensitive pa naman tong palad ko."

Tatawa-tawang inilabas ni Kookie ang gloves sa cabinet sa ilalim ng lababo ngunit sa halip na ibigay sa akin iyon ay isinuot sa sariling mga kamay. "Ako na maghuhugas Ate Yura."

"Talaga? Sige," natutuwang sagot ko at pinanood ko siya maghugas.

"Pag nagsasabon hindi niyo kailangang ibuhos ang dishwashing liquid. Magpatak lang kayo ng kaunti sa sponge saka niyo ikuskos sa mga plato," paliwanag niya.

"Ah ganoon pala yun," binigyan ko siya nang malapad na ngiti. "Nakakatuwa ka naman kahit sikat na sikat ka ay marunong kang maghugas ng pinggan," puri ko.

"Ms. Yura, 99.99% ng tao sa mundo marunong maghugas ng pinggan,"sabat ni Jin.

Lumapit ako sa kanya at siya naman ulit ang pinanood ko. "Wow, the eggs look perfect. How did you do it? Wala man lang kahit konting sunog," hangang-hangang sabi ko.

He glanced at me. "Anong gawaing bahay ang alam mo Ms. Yura?"

Nag-isip ako nang malalim. "I can fix my bed."

"And?"

Wala na akong maisip.

"Ate Yura hindi ka ba na-train ng nanay mo sa mga simpleng gawaing bahay?" sabi ni Vince habang pumapapak na lamang ng tinapay.

"My mother died when I was still a young girl."

Sabay-sabay silang tumingin sa akin nang may naawang mga mata. Asiwang tumawa ako.

"Please don't look at me that way. I'm totally okay now."

"Buti Ate Yura okay lang sa asawa niyo na hindi kayo marunong sa bahay," tanong ni Kookie.

"Siya ang nagluluto at naglilinis sa amin," kunway proud na sabi ko.

"I think your husband loves you a lot," komento ni August na katatapos lang ubusin ang isang basong gatas.

"Yes he loves me soo much," may kasamang kilig na sabi ko.

"But we're not your husband so you better learn these simple chores," seryosong sabi ni Jin at medyo masama ang tingin.

Nawala ang aking ngiti at natatamemeng tumango.

"Ate Yura!" napaiktad ako. Nilingon ko si James.

"Bakit pinagsama-sama mo tong barusa?!" problemadong sabi niya habang nakatingin sa basurahan.

"Anong basura?" mabilis akong lumapit sa basurahan.

"Nilagay mo tong mga cans ng beer dito sa nabubulok, dapat dito to sa katabing basurahan," sagot niya habang isa-isa nang nililipat ang mga lata ng beer sa isa pang basurahan.

"Ah kaya pala kanina nagtataka ako kung bakit dalawa ang basurahan. Yun pala ang purpose non."


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C19
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen