App herunterladen
77.5% Protector's Love / Chapter 31: Chapter 31

Kapitel 31: Chapter 31

Binuksan ni Valerie ang kanyang pinto at nagulat siya ng makita ang mga maliit na kandilang may sindi na nakapila sa kanyang sahig. Tanging ang mga ito lamang ang nagbibigay liwanag sa kanyang unit. May mga petals din ng mga puting rose na nakakalat sa sahig.

"Hon?" Tawag ni Valerie kay Luke pero wala siyang nadinig na sagot mula dito kaya minabuti niyang sundan ang mga kandila.

"Hon!" Ngumiti si Luke ng sa wakas ay makarating na si Valerie sa balcony ng unit nito kung saan niya inayos ang isang mesa para sa kanilang dalawa. Naglagay din siya ng puting kurtina na ginawa niyang parang kubol. Naglagay din siya ng maliliit na ilaw sa paligid nito.

Napangiti si Valerie sa kanyang nakita. Pareho silang sweet ni Luke pero aaminin niya na sa kanilang dalawa, si Luke ang pinakasweet.

"Happy anniversary, hon." Sabi ni Luke sabay abot ng isang bouquet na puro puting rose ang laman. "Thank you, happy anniversary too." Sabi ni Valerie.

Binaba ni Valerie ang bouquet at pagkatapos ay tumingkayad para bigyan ng halik ang boyfriend. Puno naman ng pagmamahal na gumanti ng halik si Luke.

....

"Kapag buntis talaga malakas ang radar." Natatawang sabi ni Valerie. Magkaharap na sila ngayon sa mesa at pinagsasaluhan ang nilutong pagkain ni Luke.

"Bakit?" Tanong ni Luke. "Ramdam niya kasi na may tinatago si Andre simula pa lang pagdating nito sa ospital." At ikinuwento na ni Valerie ang nangyari sa kanilang tatlo.

"Tiyak na ngayon eh bugbog sarado na si Andre kay Abigail." Natatawang sabi ni Luke. "Malamang!" Sagot naman ni Valerie at natawa silang pareho.

Nang matapos silang kumain ay hindi pumayag si Valerie na si Luke pa din ang magliligpit ng kanilang pinagkainan. Pumayag naman si Luke ang kaso ay para naman itong bata na nakayap sa likod ni Valerie.

"Ang clingy ha?" Natatawang sabi ni Valerie. "Eh kasi naman, one week kang mawawala." Sabi ni Luke. "Buti nga one week lang. Next year meron akong one month out of the country." Nanlaki ang mga mata ni Luke at iniharap any dalaga sa kanya.

"Hindi pwede!" Natatawang pinunasan ng sabon ni Valerie ang ilong ni Luke. "Mr. Captain, alam mo na in demand ang girlfriend mo." Ngumuso si Luke na lalo nagpatawa kay Valerie.

Biglang binuhat ni Luke si Valerie dahilan para mapatili ang dalaga.

"Hon! Hindi pa ko ako tapos maghugas." Sabi ni Valerie pero parang walang nandinig ang binata at deretso ito sa paglakad.

Nang makarating sa sala ay dahan-dahang ibinaba ni Luke si Valerie sa sofa. Tatayo sana ang dalaga pero bigla naman dumagan sa kanya ang binata.

"I love you." Sabi ni Luke. Nabigla man sa sinabi ng binata ay nakuha pa ding ngumiti ni Valerie. Sa loob ng isang taon ay hindi niya nadinig mula sa binata ang mga salitang iyon pero hindi naman niya ito masisisi dahil ganoon din naman siya. Walang mga salita pero pareho nilang pinaparamdam sa bawat isa ang pagmamahal. Sabi nga, "actions speak louder than words."

"I love you, too." Sabi ni Valerie pagkatapos ay hinalikan niya ang binata na gumanti din naman ng maiinik na halik sa kanya.

Nagsisimula nang lumikot ang kamay ni Luke at ganoon din naman si Valerie. Pareho nilang dinadama ang init ng kanilang mga katawan. Patuloy sila sa paghalik sa bawat isa. Binuhat na ni Luke si Valerie para dalhin sa kwarto nito pero sabay namang tumunog ang kanilang mga phone. Dapat sana ay hindi nila ito sasagutin pero walang tigil ito sa pagtunog.

"Hello!" Sabay na sabi nila Luke at Valerie na halata ang iritasyon sa kanilang mga boses.

"Manganganak na ko!" "Manganganak na si Abi!" Sabay namang sabi nila Andre at Abigail dahilan para mataranta sila Luke at Valerie.

....

"Maupo ka nga. Nahihilo na ko sa'yo eh." Sabi ni Luke habang hinihila si Andre para maupo. "Daig ko pa ang nasa isang misyon, pre." Gustong matawa ni Luke sa itsura ng kaibigan na halata ang nerbyos sa mukha.

"Easy ka lang, nasa loob naman si Valerie saka nurse ang asawa mo." Sabi ni Luke. Bigla naman bumukas ang pinto at sumilip si Valerie. Sabay na lumapit ang dalawang lalaki.

"Congrats daddy!" Nakangiting sabi ni Valerie. "Silip kayo sa bintana doon sa kabila." Dugtong ng dalaga at sumunod naman ang dalawa.

"Congrats!" Tapik ni Luke sa balikat ni Andre na nangingilid ang luha ng makita na ang anak. "Ang gwapo ng anak ko." Natawa si Luke sa nadinig mula sa kaibigan. "Mana sa ninong." Nakangising sabi ni Luke.

....

"Ikaw na ang bahala kay Abigail at sa baby ha? Kung may kailangan kayo, sabihan mo lang si Mia o kaya sila Archer at Genesis." Bilin ni Valerie kay Andre at tumango naman ang lalaki bilang sagot sa kaibigan. "Ikaw, wag kang pasaway ha? Hindi porket nurse ka eh magiging matigas na ulo mo. Pasyente ka ngayon kaya sumunod ka sa OB mo at sa mga nurse na naka-assign sa'yo." Bilin naman ni Valerie kay Abigail. "Opo doktora." Naningkit ang mata ni Valerie. "Sinabi ng hindi ka pa pwede magsalita eh." Nag-peace sign lang si Abigail. "Aalis na ko, see you after a week." Sabi ni Valerie sabay yakap sa kaibigan. "Mag-iingat ka." Muling naningkit ang mata ni Valerie ng magsalitang muli si Abigail.

....

"See you next week." Sabi ni Valerie habang mahigpit na nakayakap kay Luke. Nasa harap na sila ng Departure Area ng airport. "Tawagan mo agad ako kapag nandoon ka na." Sabi ni Luke na mahigpit din nakayakap sa girlfriend. "No monkey business ha?" Dugtong pa ng binata. "If I know nakaready na si Iggy na magreport sa'yo paglapag na paglapat ng eroplano ko." Natawa si Luke sa sinabi ni Valerie dahil totoo ang sinabi nito. Magmula pa lang ng sinabi sa kanya ni Valerie na meron nga itong one week convention sa Mindanao ay araw-araw na niyang kinulit si Iggy.

"I love you." Sabi ni Luke. "I love you too." Sagot naman ni Valerie pagkatapos ay hinalikan ang binata bago tuluyang pumasok sa loob ng airport.

Bago umalis sa lugar ay nagpadala ng text message si Luke kay Iggy na nakaalis na ang dalaga. Natawa ang binata sa angry emoji na reply ni Iggy.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C31
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen