App herunterladen
91.66% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 33: Chapter 33: A (Part 1)

Kapitel 33: Chapter 33: A (Part 1)

Date: July 22, 2021

Time: 10:30 A.M.

Kararating lamang ni Jin sa tapat ng bahay nila Chris at pinindot niya na ang door bell.

Doorbell Chime.

Pinagbuksan siya ng isang maid at pinapasok na siya sa loob. Nang makarating na siya sa living room, agad siyang sinalubong ni Chris ng nakangiti.

"Thank you, Jin, at pumunta ka." nakangiting bati ni Chris.

"Kung hindi lang dahil sa'yo. Hmmp!" inirapan ni Jin si Chris, ngunit ngumiti din siya kaagad.

"Tara na, Jin, puntahan na natin si papa?" paanyaya ni Chris.

Tumango si Jin, hudyat na handa na siyang makipagkita kay Mr. A.

Hinawakan ni Jin ang kamay ni Chris at sabay silang naglakad patungo sa kwarto ni Mr. A.

"Kinakabahan ka, Jin? Ang lamig ng kamay mo ah?" tanong ni Chris.

"Hindi 'no! Kumain lang ako ng ice cream kanina sa daan!" sagot ni Jin.

"Okay, sige, naniniwala ako sa'yo." nakangiting sagot ni Chris.

Nang makarating sila sa tapat ng kwarto ni Mr. A, nakita ni Jin si Mr. Jill na nakatayo sa tapat ng pinto.

"Sir Jin, mabuti at nakarating ka." bati ni Mr. Jill, ngunit parang tense at medyo kinakabahan ang kanyang pakiramdam.

"Mr. Jill, okay lang po ba kayo? Bakit parang kinakabahan po kayo?" tanong ni Jin.

"Okay lang ako, Sir Jin. Pumasok na kayo ni Sir Chris sa loob at hinihintay na kayo ni Mr. A."

Pinagbuksan na ni Mr. Jill ng pinto sina Jin, at pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng kwarto.

Nakita ni Jin na nakahiga si Mr. A. sa kama nito at tila nakatingin lamang sa kisame ng kwarto at malalim ang iniisip.

Nakatayo lang si Jin sa may pintuan habang lumapit naman si Chris sa pwesto ni Mr. A. at umupo sa tabi ng kama.

"Nandito na po kami, papa. Nandito na si Jin." paalam ni Chris kay Mr. A. habang inaayos niya ang kumot nito, "Okay lang po ba kayo dito?" tanong ni Chris.

"Okay lang ako, Chris. Salamat. Pwede mo bang papuntahin si Jin dito?" nanghihinang sinabi ni Mr. A.

Lumingon si Chris kay Jin at tinanguan niya ito, hudyat na pinapalapit niya ito sa pwesto nila.

Dahan dahang lumapit si Jin sa pwesto nila Chris at tiningnan niya ang lagay ni Mr. A.

Nakita niya na ang laki ng pinagbago nito, na ang dating Mr. A. na nakikita niya na may matapang na mukha, ay tila napalitan ng nakakaawa at nahihirapan dahil sa sakit sa puso na nararamdaman nito. Napansin niya na tila namumutla na rin ang kulay nito, at mas tumanda na rin ang itsura kumpara dati.

"Mr. A., nandito na po ako." seryosong bati ni Jin.

Tumingin si Mr. A. sa mga mata ni Jin, at biglang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

"Jin, patawad... hindi ko sinasadya." naiiyak na sambit ni Mr. A. habang hirap na hirap na siya mag salita dahil sa kalagayan niya.

Huminga ng malalim si Jin at umupo sa tabi ni Chris.

Hindi kumibo si Jin, at hinawakan niya ang kamay ni Mr. A, na lalong nagpaluha sa mga mata ni Mr. A.

"Naalala ko itong mga hawak na ito... ang pakiramdam at ang init ng mga kamay na ito. Parehas na parehas sa kanya. Sana ay mapatawad mo ko, at mapatawad na rin nila ako."  sinabi ni Mr. A. habang nakatingin sa mga kamay ni Jin.

Nakatingin lamang si Jin kay Mr. A., at hindi pa rin siya kumikibo at Inakbayan na lamang siya ni Chris at nginitian.

"Jin, may hihilingin lang ako sa'yo. Pwede bang pakinggan mo ang ikukwento ko sa'yo? Gusto ko lang na malaman mo ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ayoko ng mabuhay sa nakaraan, gusto ko na ito ilabas." pakiusap ni Mr. A.

Ngumiti si Jin at tumango kay Mr. A.

"Salamat, Jin..."

Pumikit si Mr. A, ngumiti, at nagsimula na magkwento.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Mr. A. POV (23 years Old) and Flashback

Year: 1990

Isa lamang akong tahimik at mahiyain na tao. Katulad na katulad ko si Chris. Hindi ako mahilig makipaghakubilo sa ibang tao. Gusto ko lang na nagbabasa lang ako sa tabi, at may sarili akong mundo.

Ang hilig ko lang din, ay ang mag-aral o kung minsan, gusto kong gumuguhit o nagpe-paint ako, mapatao, hayop, bagay, o kahit ano pa man na pwedeng gawing inspirasyon.

Natatandaan ko pa noon, nasa university ako kung saan nag-aral din si Chris, nakasandal ako sa isang puno sa tabi ng court, at nagbabasa ng libro habang ang kaibigan ko naman na si John, ang papa ni Jin, na naglalaro mag-isa sa court.

"Huy! A! Hindi mo ba ko sasalihan dito? Ang boring maglaro mag-isa!" sigaw ni John sa akin habang natatawa siya.

"Ayoko, mainit. Ikaw na lang muna. Papanoorin na lang kita." sagot ko sa kanya.

Nagbuntong hininga si John at nilapitan ako. Tumabi siya sa kinauupuan ako at sumandal din sa puno.

"Dito na lang ako, magpapahinga na lang ako. Malamig pa!" natatawang sinabi ni ni John.

Tiningnan ko siya na parang nandidiri dahil sa mamasa-masa niyang katawan gawa ng pawis dahil sa paglalaro ng basketball.

"Lumayo ka nga sa akin! Basang basa ka! Mamaya mangamoy pa tong uniform ko!" pabiro kong sinabi kay John.

"Ah? mangangamoy pala ah?" biglang tumingin sa akin si John at tila may kapilyuhan na naman siyang balak gawin.

Niyakap ako bigla ni John at pilit niyang nilalapit ang kanyang pawisan na katawan sa akin, habang ako naman, nilalayo ko ang sarili ko sa kanya.

"Dito ka lang, A. Babasain ko ng pawis yang uniform mo. Akala mo ah!" asar sakin ni John.

Habang niyayakap ako ni John, may dalawang babae ang biglang sumulpot at tumayo sa harap namin at nagsalita.

"Aba naman talaga! Ang sweet ah? Ganito ba maglandian, dapat sa puno? Haha!"

Hirit ni Agatha, ang mama ni Chris, na tila kinikilig sa pinag-gagagawa ni John sa katawan ko.

"John! Hindi mo naman sinabi, na trip mo pa lang niyayakap si A?"

Bigla namang sumingit ang isa pang babae na kasama ni Agatha, na si Althea, ang mama ni Jin.

Tinulak ko papalayo si John na nakayakap sa katawan ko dahil nahiya ako nang makita kami nina Agatha at Althea.

"Si John kasi, dinudumihan yung uniform ko! Ayoko kasi mag laro, tas pinilit ako!" paliwanag ko sa dalawang babaeng kaibigan namin.

"Nako nako nako! Mamaya, kayong dalawa pa magkatuluyan niyan ah? Hihi!" kinikilig na sinabi ni Agatha.

"Tapos, pwede ba tayo maging mga abay sa kasal nila?" dagdag ni Althea.

"Nababaliw na naman kayong dalawa!" natatawang sagot ko sa dalawang babae.

"Male-late na tayo, malapit na 'yung next class natin!  Magbihis ka na nga John!"  hirit ni Althea.

Pagkatapos magbihis ni John, tumungo na kaming lahat sa room dahil oras na para sa aming Differential Calculus na subject.

Sa room namin, magkatabi kami ni Agatha. At sa bandang kanan naman namin nakaupo si John katabi si Althea.

Habang nagdidiscuss na ang professor namin, hindi ko mapigilan na mapatingin sa bandang kanan na pwesto ng room namin.

Habang nakatingin ako, ay hindi ko namalayan na gumagalaw na pala ang mga kamay ko at nagsisimula nang gumuhit.

Kahit may tinitingnan ako sa bandang kanan ko, ay naririnig ko pa rin na nagsasalita ang professor ko, at naiintindihan ko pa rin ang kanyang tinuturo kahit na may ibang pumapasok sa isip ko.

Nakatingin lang ako sa bandang kanan ng classroom at patuloy sa pagguhit, nang bigla akong kinausap ni Agatha at binulungan.

"A!" bulong ni Agatha.

"Bakit?" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa bandang kanan ko.

"Gusto mo talaga siya 'no?" nakangiting tanong ni Agatha.

Napatingin ako sa mukha niyang napakamaaliwalas at nakangiti sa akin na may hindi maipintang mukha at napatingin ako sa larawan na ginuguhit ko at nagulat ako, dahil nakita ni Agatha ang ginuguhit kong tao.

Umiling ako ng mabilis at sinabi ko sa kanya na hindi.

"'Wag ako, A. Nararamdaman ko na gusto mo talaga siya. I can feel it! Hihi!" bulong ni Agatha habang kinikilig pa siya.

"Hindi niya naman ako magugustuhan." bigla kong nasambit kay Agatha

"O. M. G. So totoo nga?" tuwang tuwa na tanong sa akin ni Agatha.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko siya.

"'Wag na 'wag mong sasabihin 'yang nalaman mo sa kanya!" naiinis kong sinabi kay Agatha, ngunit hinihinaan ko lang dahil baka mahuli kami ng professor namin na nagdadaldalan.

Napatingin si Agatha sa taong ginuguhit ko.

"Ang pogi niya 'no? Ang pogi talaga ni John." biglang sinabi ni Agatha na tila inaapreciate niya ang kagwapuhan ni John.

"Hmmp!" ang tanging nasabi ko na lamang sa kanya.

Tumingin muli sa akin si Agatha at nginitian ako.

"Kaya mo nga siya gusto 'di ba? Gwapo na, mabait pa!" kinikilig na sinabi sa akin ni Agatha.

Tiningnan ko ng masama si Agatha dahil baka may makarinig sa kanya.

"Oh, A, wag masyado halata! Namumula ka na oh?" pang aasar sa akin ni Agatha.

Dahil masyado na kami nagiging maingay ni Agatha, napansin na kami ng aming professor kaya bigla kaming pinatayo.

"Mr. Villafuerte, Ms. Mapa, parang masyado kayong nag eenjoy sa usapan niyong dalawa huh? Pwede niyo bang i-share ang pinaguusapan niyo?" galit na sinigaw ng professor namin.

Kinabahan ako bigla dahil baka mapansin ng professor namin ang ginuguhit ko na mukha ni John, kaya palihim kong nilulukot ang papel kung saan ginuhit ko ang itsura ni John, na siyang napansin ni Agatha at binulangan niya ako.

"A, ikaw na bahala dito, alam ko kaya mo 'to!" bulong saa kin ni Agatha ngunit hindi ko alam kung anong nais niyang gawin. "Prof, naguusap po kami ni A tungkol sa subject ngayon. Nagtatanong po ako sa kanya. Sorry po." nakangiting sinabi ni Agatha sa professor namin.

"Bakit hindi ka sa akin nagtatanong? Si Mr. Villafuerte na ba ang professor mo ngayon?!" Tila tumaas ang boses ng professor namin at nainis sa palusot ni Agatha.

Napalunok kaming dalawa at biglang kinabahan.

"Dahil kay Mr. Villafuerte ka nagtatanong, halika dito, Mr. Villafuerte. Why don't you stay here in front of the class at ikaw ang mag explain ng lesson for today? Para naman maintindihan ni Ms. Mapa, dahil nakakahiya sa kanya, at hindi niya ako maintindihan!" naaasar na sinabi ng professor namin.

Napakamot na lang ng ulo si Agatha at nahihiya, at binulungan ako muli.

"Sorry A, ito lang talaga 'yung alam ko na palusot. Kaya mo yan! Go Go Go! Pakitaan mo 'yang professor natin na mas magaling ka pa mag explain sa kanya at magturo!"

Napaface-palm na lang ako sa sinabi sa akin ni Agatha at natawa. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad papunta sa harap.

Nang makapunta na ako sa harap ng klase, pumwesto sa likod ang professor namin upang pagmasdan ako.

Bago ako magsimula, tiningnan ko lahat ng classmates ko na nasa loob ng room, at lahat sila ay nakatitig sa akin. Bigla akong kinabahan, na tila isang bangga lang sa tuhod ko ay mapapaluhod na lang ako bigla. Habang tinitingnan ko ang mga classmates ko, napadaan ang mata ko kay John. Nakita ko siya na nagche-cheer sa kanyang upuan, at nagsulat ng note sa papel at pinakita sa akin.

"Kaya mo yan, A! Pakitaan mo yung professor natin!"

Napangiti ako at bigla ako nagkaraoon ng lakas ng loob. Dahil sa ginawa ni John, tila buong katawan at isip ko ay gumalaw at kumilos ng hindi ko namamalayan.

Nagsisimula na pala akong mag explain at magturo sa lahat, habang tinitingnan ko ang mukha ni John... ang mga mata ni John na tila maaakit ka at mahihypnotized ka na lamang kapag tiningnan mo ito dahil kitang kita mo ang pupils ng kanyang kulay light brown na mga mata.

Nang matapos na ako magexplain sa harap ng klase para sa lesson namin, biglang tumayo ang lahat ng classmates ko at pinalakpakan ako. Ang iba pa ay humihiyaw at nag cheer para sa akin.

May narinig ako na nag side comment at sumigaw—

"Sana si A na lang 'yung prof natin sa Differential Calculus! Mas nagets ko pa!"

Hinanap ko kung sino ang nag-side comment na iyon. Nakita ko si Althea na nakayuko sa kanyang upuan at iniiba ang kanyang boses. Napailing na lang ako sa kanya at natawa.

Nang marinig ng lahat ang side comment ni Althea, lahat sila ay sumang-ayon at kinantsawan na ang professor namin, hanggang sa nag walk-out na ito dahil sa kahihiyaan na natamo niya.

"Wooooohhh!" Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Nahiya ako sa mga nangyari at agad akong bumalik sa upuan ko at yumuko.

"Bakit ka nakayuko, A? Ang galing galing mo kaya! Hindi mo ba alam, habang nagtuturo ka sa harap, tinitingnan ko yung reaksyon ni John." bulong ni Agatha.

Tumingin ako sa kanya na nanliliit ang mga mata ko, at interesado ako na malaman ang reaction ni John.

"Nakatitig lang sa'yo si John! Nakangiti siya tapos bilib na bilib sa'yo! Kulang na nga lang lumapit siya sa harap para panoorin ka ng face to face!" natatawang sinabi ni Agatha.

"Baliw ka talaga Agatha! Bahala ka nga dyan! Kung ano ano sinasabi mo!" ang tangi ko na lamang nasabi sa kanya, ngunit natutuwa ako sa sinabi niyang iyon.

University Bell ringing!

Nagsilabasan na lahat ng nasa room namin at kaming apat na lang ang naiwan. Lumapit sa pwesto namin sina John at Althea upang yayain na kami ni Agatha mag lunch.

Nang makarating na kami sa school canteen, magkatabi ako at si John sa upuan, at kaharap naman namin ay sina Althea at Agatha.

Dating gawi, sabay kaming apat na kumakain tuwing lunch at madalas hindi na kami nagdadala o bumibili ng pagkain namin. Mahilig kasing magluto si Althea, at lagi niya kami pinapatikim ng iba't ibang recipes na ginawa niya. Pero 'yung pinaka gusto ko na madalas niyang dinadala para sa amin, ay yung garlic egg fried rice na specialty niya. Hindi ko alam, pero sa kanya yata 'yung may pinaka masarap na fried rice na natikman ko. Mas masarap pa sa mga high end restaurants.

Habang kumakain kami, tinanong ni Agatha si Althea, "Althea, gusto mo mag chef or magtayo ng restaurant? Grabe! Ang laki talaga ng talent mo sa pagluluto!" puri ni Agatha kay Althea.

"Ano ka ba! Maliit na bagay! Ugh!" nag eye-roll si Althea at biglang tumawa, kaya pati kami ay tumawa na rin.

Kung may Joker sa aming apat, si Althea na siguro 'yun. Maarte siya magsalita, pero 'yung kaartehan niya ang nakakatawa sa kanya. Kaya naman pag magkakasama kaming apat at nagsimula na mag salita si Althea, kahit seryoso siya, feeling namin nag jo-joke pa rin siya.

"A, tikman mo 'to, masarap 'to..."

Bigla ako napatingin kay John nang tinawag niya ako at laking gulat ko, may sinubo siya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Pinakain niya sa akin yung pinagkakaabalahan niya na saging na nilagyan niya ng chocolate at strawberry syrup.

Wala akong kamalay malay at biglang tinapat ni John sa mga labi ko ang saging na ginawa niya kaya kinain ko na lamang ito ng isang subuan at muntik na ko mabulunan.

"Sarap?" nakangiting tanong sa akin ni John.

Hindi ako makasagot habang nakatingin ako sa kanya, dahil sa tuwing tumitingin ako sa mga mata ni John, tila nawawala ako sa tunay na mundo. Bigla biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako.

Biglang may sumisigaw at tumitili sa harap namin at tila pinaghahampas ang table.

"Grabe! Tanghaling tapat ah? Pwede mamayang gabi na 'yan? Nasa University tayo oh!" Kinikilig na pang aasar sa amin ni Althea.

"Althea, gawan mo din ako ng banana with cholocate and strawberry syrup! Huhu!" pang aasar naman ni Agatha.

"'Don't worry, Agatha, lalagyan natin yan ng maliliit na marshmallow pa kung gusto, para may texture! Lalamangan natin silang dalawa!" dagdag ni Althea.

Napailing na lamang ako at nahiya, kaya yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng aking lunch.

Habang kumakain ako at hiyang hiya sa mga nangyari, napatingin ako kay Agatha, dahil nakatitig siya sa akin.

Nginitian niya ako at tumango siya at bigla siyang nagtanong kay John out of nowhere.

"John, may tanong ako sa'yo." seryosong sinabi ni Agatha.

"Ano 'yun?" sagot ni John habang puno pa ang kanyang bibig dahil sa pagkain.

"What if one day, nalaman mo na may lalaki pa lang nagkakagusto sa'yo? Anong mararamdaman mo?" tanong ni Agatha habang palihim siyang tumitingin sa akin.

Ako naman, ayaw kong magpahalata, pero tinitingnan ko na ng masama si Agatha. Ayaw kong marinig ang isasagot ni John dahil alam ko madidismaya ako, pero at the same time, gusto ko rin malaman kung anong magiging reaksyon niya.

Bago magsalita si John, dahil puno pa ang bibig niya, inunahan na siya ni Althea.

"Please lang, John, ubusin mo muna yang nasa bibig mo! Ayoko ng may tatalsik na kanin sa lunch box ko! Ughh!" hirit ni Althea, at tawang tawa naman si Agatha sa tuwing nag sasalita si Althea na may kasamang eye-roll.

Nilunok na ni John ang kanyang kinakain at pagkatapos ay sumagot na siya.

"Kung may lalaking magkakagusto sa akin. Hmm?" hirit ni John.

Palihim kaming nagtitinginan ni Agatha at hinihintay namin ang magiging sagot ni John.

"Siguro, hindi ko matatanggap 'yung feelings niya para sa akin, at mag sosorry ako." Ito ang sagot ni John.

At nang marinig ko ito, tila nadurog ang puso ko. Nakatingin pa rin sakin si Agatha, at tila nalungkot siya para sa akin.

"Pero—"

Nagulat kaming dalawa ni Agatha, dahil biglang humirit si John.

"Pero kung si A ang mag tatapat sa akin? Bakit hindi? Sino ba namang hindi mahuhulog kay A? Mabait, gwapo tapos sobrang talino pa! Haha!" nakangiting sinabi ni John.

Hindi ko alam pero nang marinig ko ang sagot na ito mula kay John, ang nadurog kong puso ay tila nabuong muli. Ang init ng pakiramdam ko noong sinabi niya 'yun. Sumisigaw na ko sa aking utak dahil sa sobrang tuwa, pero hindi ko 'yun pwedeng ipahalata kaya naka poker face lang ako.

Tumingin ako kay Agatha at kitang kita ko ang nakangiti niyang mukha para sa akin at tila suportadong suportado siya, kaya nginitian ko siya pabalik.

Bigla akong inakbayan ni John at kinausap, "So A, pwede na ba kitang ligawan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni John. Alam ko nagbibiro lang siya, pero sa loob ko, sana totoo na lang ito. Nahiya ako ng sobra, kaya ang defense mechanism ko—kunwari ay nandidiri ako sa kanya.

Tinanggal ko ang kamay ni John na nilagay niya sa balikat ko, at mahina ko siyang tinulak.

"Kadiri ka talaga, John! Kumain ka na nga! Tsaka 'wag mo nga ko hawakan! Madudumihan ng pagkain 'yung uniform ko! Ang kalat mo kaya kumain!" sinabi ko sa kanya, at tuloy lang akong nakafocus sa pagkain ko dahil hindi ako makatingin sa kanya. Dahil sa oras na tumingin na naman ako sa kanya, pakiramdam ko manghihina ako.

"Uhgg!" Biglang humirit si Althea at napa-eye roll na naman siya kaya tiningnan namin siyang lahat, "Naiinggit ako sa inyo! Nakakainis kayo! Gusto ko din ng may nang-aasar sa akin ng ganyan!" hirit ni Althea.

"Ako na lang mangaasar sa'yo, Althea!" pabirong sinabi ni Agatha.

"Friend, please nga. Ang hirap maging single sa harap ng dalawang 'to!" dagdag na pabiro ni Althea.

Hindi pa rin ako makatingin kay John, kaya patuloy pa rin ako sa pag focus sa kinakain ko, pero, napapansin ko na nakatingin si John sa akin.

Minsan, iniisip ko na lang, kapag nagsasalita ng mga ganoong bagay si John, na kunwari gusto niya ko o kaya sinasabi niya na liligawan niya daw ako, tinataboy ko siya. Pakiramdam ko kasi, inaasar lang ako ng tao na 'to. Sino ba namang gagawa noon? Tsaka isa pa, parehas kaming lalaki. Normal na lang siguro para sa kanya 'yung mga ganoong asar, pero para sa akin, madalas sineseryoso ko.

Kaso ayaw ko din na umasa, dahil alam ko na kapag umasa ako sa wala, baka masakit ang balik sa akin. Kaya hangga't maaari, iisipin ko lang na ito'y isa lamang sa mga biro niya para sa akin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

May isang araw akong hindi makakalimutan sa buong buhay ko— iyon ang February 14, 1990, Valentines day.

Papunta pa lang ako sa room namin para sa first class ng araw na iyon. Maaga akong pumapasok lagi, dahil sinanay ako ng parents ko na dapat hindi ako nale-late sa kahit anong bagay. Pagkapasok sa room, umupo na ako sa table ko, at dahil wala pang tao, nagbasa muna ako ng libro.Habang nagbabasa ako ng libro at sobrang nakafocus ako, wala akong pinapansin na kahit sino.

Basta nasa sariling mundo lang ako habang nagbabasa ako, nang biglang may kumakalabit sa likod ko ngunit hindi ko pinapansin. Kalabit pa rin siya ng kalabit kaya tiningnan ko ng masama ang taong nangaasar sa akin.

Pagkalingon ko sa aking likuran, nakita ko si Agatha na nakangiti. Nawala ang pagkainis ko nang makita ko na siya pala iyon.

"Bakit, Agatha? Anong mayroon?" tanong ko sa kanya.

May inabot sa akin si Agatha na isang letter. Hindi lang isang  ordinaryong letter, kung hindi parang isang love letter na nakalagay sa kulay light green na sobre!

"May nag papabigay sa'yo, A. Sabi niya, basahin mo daw. Hihi!" kinikilig na sinabi sa akin ni Agatha.

Nagtaka ako at kinuha ko ang sobre mula sa mga kamay niya.

"Sino nagbigay nito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka isa sa mga admirers mo siguro. Iba ka talaga, A! Buti pa sa'yo may nagbibigay, sa akin wala." natatawang hirit ni Agatha.

"Nababaliw ka na naman. Nahahawa ka na talaga sa kabaliwan ni Althea." pabiro kong sinabi kay Agatha.

"Sige na, A, iwanan muna kita ah? Bibili lang ako ng kiwi juice sa cafeteria, iwanan muna kita." nakangiting sinabi sa akin ni Agatha.

Pero nang tumalikod na siya sa akin, nakapansin ko na nagbuntong hininga siya, at nadadama ko na may malungkot siya na dinadamdam.

Lumingon siya muli sa akin, pero nakangiti na siya ulit sa puntong iyon.

"Kaya mo yan, A! Support lang ako! Fight Fight Fight!"

Umalis na si Agatha pagkatapos noon at hindi na siya muling lumingon.

Nang makaalis na siya sa room namin, binuksan ko ang light green na sobre na inabot niya sa akin.

Pagkabukas ko sa sobre at kinuha ang letter, may familiar na pabango akong naamoy.

Inamoy ko ang papel na nasa loob ng sobre, at napansin ko na ito ang pabango ni John.

Binasa ko ang nakasulat dito...

Hi A,

Mamayang 7:30 p.m., magkita tayo sa Little Jinny's Resto Bar. May gusto sana akong sabihin sa'yo... 'Wag ka mag alala, tayong dalawa lang. Ito na siguro 'yung pinakamatapang na bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. 'Pag hindi ka pumunta, ako ang pupunta sa bahay niyo. Hahaha!

Happy Valentines Day!

-John Pogi

Napailing na lang ako sa letter na nabasa ko, pero kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. Natatakot ako pero at the same time, ang saya ng pakiramdam ko—hindi na ako makapag hintay mamayang gabi.

Sa puntong ito, hindi pumasok si John, kaya hindi ko siya nakita simula nang pumasok ako hanggang sa matapos na ang klase namin para sa araw na 'yun.

At dahil 7:15 p.m. na rin, dumiretso na ako sa Little Jinny's Resto Bar upang kitain si John.

Pagkarating ko sa Little Jinny's, nakita ko na nakupo si John sa isang table mapalit sa view ng isang ilog at nakatingin lamang sa mga ilaw.

Pumunta ako sa table kung saan nakapwesto si John, at nakita niya akong papalapit na, kaya napalingon siya sa akin.

Nang makita ko ang napakagandang mukha ni John, biglang bumagal ang mundo para sa akin. Hindi ko na alam pero ang bilis na naman ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa napaka amo niyang itsura na naliliwanagan ng mga ilaw sa resto bar. Tila, gusto nang sumigaw ng puso ko sa taong nakikita ko. Na parang gusto ko siyang yakapin, pero hindi pwede... hindi ko magawa.

Pinigilan ko ang sarili ko at huminga ako ng malalim, at nagpoker face, upang hindi makita ni John ang tunay kong emosyon.

Umupo na ako sa harapan niya, at nakangiti lamang siya sa akin.

Hindi naalis ang tingin niya sa akin hanggang pag upo ko.

Nailang ako at nahiya, pero, gusto ko rin na nakatingin lang siya sa akin, at tinitingnan ko siya sa kanyang mga mata na tila dinadala ako sa ibang mundo—sa mundo na kaming dalawa lang ang naroon at wala ng iba.

"A..."  bigla niyang sinabi.

"Bakit, John? Ano 'yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ba ng beer?" pabirong tanong sa akin ni John.

"Baliw ka ba! Bawal akong uminom! Gusto mo bang pagalitan ako?" sagot ko sa kanya. Pero gustong gusto ko din na tumikim, lalo na't kasama ko si John.

Sabi nila, masarap daw uminom lalo na pag kasama mo ang taong gusto mo. Gusto kong subukan, pero natatakot ako suwayin ang mga parents ko. Baka pag nalaman nila, parusahan nila ulit ako, at hampasin na naman ako ng belt ni Dad.

"Isa lang?" pakiusap ni John.

Umiling ako dahil natatakot ako.

"Kalahating bote? Last call." nagmamakaawang pakiusap ni John.

Sabi ni Dad, 'wag daw ako uminom ng beer, dahil ang alcohol tolerance daw ng lahi namin ay napakaonti lang at baka hindi ko daw kayanin kung magkataon. Pero bakit 'pag nakikita ko umiinom si John, parang umiinom lang ng soft drinks? Hindi ko nga siya nakikitang nalalasing.

Dahil kalahati lang naman ang iinumin ko, wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin. Ano naman ang gagawin ng kalahating bote ng beer sa akin 'di ba?

Umorder na si John at dumating na ang may-ari ng Little Jinny's, si Nanay Rita, ang mama ni baby Jinny kung saan ipinangalan ang resto bar.

"Oh, anong order niyo mga pogi?" tanong sa amin ni Nanay Rita.

"Nanay Rita, Dalawang bote po ng beer!" nakangiting sagot ni John.

"Aba! Iinom na din si A? Haha!" nagulat na tanong ni Nanay Rita.

"Opo, pero kalahati lang. Baka magwala siya mamaya dito, mahirap na, baka mapagalitan pa tayo ng dad ni A." pabiro ngunit nagaalalang sinabi ni John.

"Oh sige na mga pogi, 2 beer, tapos, ako na bahala sa pulutan niyong dalawa, sagot ko na 'yun! Basta, A, 'wag kang magwawala dito sa resto bar pag nalasing ka ah?"

Umalis na si Nanay Rita upang ihanda na ang order namin.

Tumingin muli sa akin si John, pero this time, seryoso na ang kanyang mukha.

Minsan ko lamang makitang seryoso si John, dahil madalas ay nakangiti siya, kaya kinabahan ako sa kanyang ipinapakita na mukha sa akin, pero hindi ko mapigilan na tingnan pa rin ang kanyang itsura. Kapag seryoso siya, ang pogi pa rin talaga ni John, pero mas gusto kong nakikita ang nakangiti niyang mga labi.

"A... May gusto akong ipagtapat sa'yo." seryosong sinabi sa akin ni John.

"Ano 'yun?"

Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Tila gusto na nitong kumawala sa katawan ko.

"Ano kasi, A, umm—"

End of Chapter 33


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C33
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen