KABANATA 3: Meet
Dali-dali akong lumapit sa dalawa nang makita ko sila sa VIP area. Napadpad ang tingin nila sakin at sabay silang napangiti. Padabog akong umupo sa tabi ni Jazzy. Ramdam na ramdam ko parin ang galit at inis.
Kumukulo parin ang dugo ko hanggang ngayon.
"Oh?" Si Jazzy. "What happen? Bakit ang tagal mo?" Sumulyap ako sa kanya na wala sa mood.
"May nakasalubong akong ahas sa daan," awtomatiko kong sagot. Umugong ang tawa ni Jilheart rason kong bakit ko sya tinignan.
"Oh my ghad, buti at hindi ka tinuklaw?" Entrada niya. Mas lalo ko syang sinamaan ng tingin.
"Hindi nanunuklaw ang mga ahas sa kapwa ahas, remember?" Mapakla kong sagot na ikinatahimik ni Jilheart. Napanguso sya!
"Sabagay may tama ka." Natatawang saad ni Jilheart. "But----wait lang? Anong nangyari? Panigurado akong hindi nagpapatalo ang Hally na iyon noh?" Umirap ako sa sinabi ni Jilheart. Alam nang dalawa kong kaibigan na si Hally ang tinutukoy ko. Dahil sa tuwing nag uusap kami tungkol sa mga ahas ay si Hally lang ang sumasagip sa kanilang isipan.
"At mas lalong hindi ako nagpapatalo." Sagot ko agad. Sabay silang pumalakpak sa sinabi ko.
"Ganyan nga laban lang!" Si Jazzy na nanatiling pumalakpak.
"Yun na nga eh, laban ka ng laban ngunit 'yong puso mo sya parin ang laman." Alanganing sambit ni Jilheart. Ganitong-ganito ang ugali niya, palagi syang nang-iinis sakin. Nasanay na ako dahil sya yong tipong totoong kaibigan.
"Jil, nagsisimula ka na naman." Barang ni Jazzy. Napailing ako habang nakangiti. Nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Nilagok ko ang alak sa isang inom lang habang pinapanuod ang mga nagsasayawan sa dance floor.
Narinig ko ang bulongan ng dalawa kaya agaran ko silang sinulyapan.
"Girls dont worry about me." Sambit ko na maarte. Natahimik ang dalawa. "Baka nakalimutan nyong, ginagamit ko lang ang Bazer na yon." Natatawa kong dugtong. "Tsaka, i never love him."
"Alam mo Mar, maganda ka sana, kaso hindi ka marunong magsinungaling." Nagalit ako sa sinabi ni Jazzy. Agad syang nag peace sign sakin. Napabuntong hininga ako!
"Okay fine---- kong nasaktan man ako noon yon at hindi na ngayon. Sobrang dali lang talaga mag move on pag panget yong ex mo." Natatawa kong wika pagkatapos ay nilagok ang isang alak. Nagtawanan ang dalawa ngunit plastik!
"Oh well, alam naman naming hindi ka aamin. Alam namin na ikaw si Marilou Charleston, na hinding-hindi nagpapatalo sa kahit sino." Maarteng sambit ni Jilheart. Nagtawanan ang dalawa habang ako ay lumalagok ng alak.
"Buti alam nyong dalawa. Alam nyong hinding-hindi ako ma i'inlove sa mga lalaki. Hindi katulad nyong dalawa, sa dami-daming naging crush nyo kahit isa walang naging sainyo." Nakakapanlumo kong wika. Napanguso ang dalawa at sabay lumagok ng alak. Natawa ako habang umiiling.
Ganito ang tunay na kaibigan, nagsasabihan ng masasakit na salita.
"Ouch naman girl, seryoso ba iyon?" Si Jilheart habang hawak-hawak ang dibdib niya. "Hanggang crush lang muna kaming dalawa ni Jazzy, alam mo naman kong gano ka strict parents namin diba? Kong nagmana lang sana kami sayo? Siguro napagsalitaan ko na ang magulang ko. How to be you naman kasi." Si Jilheart. Napangiwi ako pagkatapos ay lumagok ng alak.
"You dont need to be me, Jilheart. Kasi kumpleto ang pamilya mo at hindi na kailangan mag rebelde ka. Wala nang kulang sayo, boyfriend nalang talaga." Suhestyon ko. Nagtawanan kaming dalawa ni Jazzy habang si Jilheart ay nakanguso.
"Oo nga Jil, bakit hindi mo sinasagot ang mga manliligaw mo?" Si Jazzy. Natahimik si Jilheart at lumagok ulit ng alak.
"Eh kasi nga----" nguso niya. "Kasi naman, lahat nang nanliligaw sakin ay hindi ko gusto. Alam nyo naman mabait ako hindi ako katulad ni Marilou na ginagamit ang mga lalaki." Natawa ako sa sinabi ni Jilheart. Umirap ako na may tawa!
"Bakit ako? Kanya-kanya tayo ng pag-uugali huh? Huwag mo akong idamay dyan." Entrada kong natatawa.
"Madadamay ka talaga, kasi nadadamay kami sa kasamaan mo." Singhal ni Jilheart. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jazzy.
"W-what?" Taas kilay ko. Dahan-dahang nag peace sign si Jilheart sakin habang nakapikit.
"Oy ano ba guys, joke lang. Practice lang 'yon noh hahaha." Tawang-tawa si Jilheart habang kami ni Jazzy ay tahimik. "Hoy wala ba kayong sasabihin? Im just kidding, huwag nyo namang seryosohin yong sinabi ko." Halos mapaos ang boses niya sa kakatawa.
"Jil may problema ka?" Biglaang tanong ni Jazzy. Nanatiling humahalakhak si Jilheart habang hawak-hawak ang kanyang tyan.
"Wala noh, natatawa lang talaga ako hahaha!" Halos umalingawngaw ang tawa niya sa tenga ko.
"Alam mo Jil, naiintindihan ka namin. Okay lang yan, mga pagsubok lang yan sa buhay." Pang-aasar ni Jazzy. Sa puntong ito ay natawa ako ng mahina. Maging si Jazzy ay tawang-tawa sa sinabi niya.
"Laughter is the best medicine. But if you're laughing without any reason, you need medicine, Jilheart." Sa sinabi ko ay natahimik si Jilheart. Dahan-dahan syang tumahimik na di umano'y nahiya samin. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi.
"Nagmumukha kang julogs tuloy! Para kang baliw." Dugtong naman ni Jazzy.
"Masaya lang naman kasi ako," sagot ni Jilheart. Nagkatanginan kami ni Jazzy. Sabay kaming nagkibit ng balikat.
Ilang segundo kaming natahimik. Iginala ko ang aking mata sa buong bar. Well to be honest, namangha ako sa bar na 'to. Sobrang laki at lawak. Halos lahat ng kagamitan ay kulay gold at silver. Kumikinang ang lights sa buong paligid.
"T-tika nga lang girls, bakit dito?" Palipat-lipat kong tinignan si Jazzy at Jilheart.
"Hindi ko rin alam kay Jilheart, eh sya ang nag-isip nito. Akala ko ba eh loyal tayo sa bar na lagi nating tinatambayan." Halos mag alburoto si Jazzy ngayon. Sabay kaming napatingin kay Jilheart na ngayon ay may ngiting aso.
"Kaya dito ko kayo dinala kasi---" saad niya habang lumilinga sa paligid. Kumunot ang noo ko.
"Kasi ano nga?" Si Jazzy. Maarteng umusog si Jilheart samin.
"Dahil sa tatlong 'yon," ngusong turo niya sa unahan. Nagkatinginan kami ni Jazzy bago tignan yong tinuturo ni Jilheart. Kumunot ang noo ko sa tatlong lalaki na pababa ng hagdanan. Hindi ko sila kilala at wala akong pakialam sa tatlong iyan.
Napangiwi ako bago nag abalang uminom ng alak. Sorry, im not interested.
"Who are they?" Tanong ni Jazzy at kitang-kita sa mata niya ang pagkinang. Tila kinikilig ang dalawa sa nakita.
"They are Edelbario boys," sa sinabi ni Jilheart ay ibinalik ko ang tingin sa tatlong lalaki.
"Omg---- Kilala ko sila, sila 'yong pinakamayaman sa buong Manila. Anak sila ng mga legendary richest sa buong pilipinas." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jazzy. Hindi ko alam kong bakit ako napatitig sa tatlo.
"You're right Jazzy, kaya nga dinala ko kayo dito para sabay nating makita yong tatlong mag pinsan. Omg!!!!!" Namangha ako sa sinabi ni Jilheart. Umawang ang labi ko sa narinig.
"Excuse me?" Sabay lumingon sakin ang dalawa. "Sana nalang pala, kayo nalang dalawa ang napa rito. Hindi ako interesado sa tatlo. Ghad!" Padabog kong binaba ang baso ng alak sa mesa. Sumandal ako sa backrest ng sofa.
"Girl, huwag ka ngang epal. Gwapo kaya 'yong tatlo, diba Jazz?" Nagtawanan ang dalawa habang kilig na kilig. Kong kagandahan lang ang pag-uusapan, sobrang ganda ng dalawang 'to, kong yaman lang ang pag-uusapan, sobrang dami ng pera ng dalawang 'to. Subalit-----yong mga kilos nila ay parang mga bata.
"Let me introduce them," sumulyap ako kay Jilheart sa sinabi niya. Hinayaan ko syang magsalita at napagdesyonang tumahimik. Ang tatlong sinasabi niya ay nakaupo sa isang sulok habang umiinom. "Yong matangkad na lalaki at sobrang puti, yan si Matteo Edelbario." Kilig na kilig si Jazz sa tabi ko.
"Omg ang yummy niya!" Malumanay ni Jazzy. Natawa si Jilheart sa reaksyon ng kaibigan namin.
"But----," si Jilheart. "Hindi na sya available, balita ko eh may asawa na sya at magkaka baby na sila. Katulad niya eh, sobrang yaman ng babae." Eksplenasyon ni Jilheart. Napanguso si Jazzy habang nakahalumbaba.
"Ayy sayang naman," si Jazzy.
"Tssss para kayong mga sira," usal ko.
"Doon nalang tayo sa pangalawa," nagsimula ulit si Jilheart. "Yong medyo ash blond ang buhok, at medyo may kaputian. Yong may ahit sa kilay, sya si Clifford Croxx Edelbario." Napatitig ako sa lalaking sinasabi ni Jilheart. Napataas ang kilay ko habang tinititigan sya. Napalunok ako ng mapadpad ang tingin niya sakin. Hindi ko sya masyadong klaro ngunit alam kong nakangiti sya sakin ngayon. Why he smilling at me? Umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko alam kong bakit bigla akong kinabahan. Oo gwapo sya ngunit hindi ko tipo. I dont like matured guy.
"Tignan muna, bakit napatitig ka kay Clifford?" Nanlaki ang mata ko. Awtomatiko akong lumingon kay Jazzy.
"Shut up---," singhal ko bago lumagok ng alak. Sinamaan ko ang dalawa. "Hindi ko type ang mga ganyang lalaki. Girls bata pa tayo, were just 19 years old, at hindi sila ang mga tipo natin. Look at them, they so matured. Maybe nasa 26 years old na sila." Irap ko bago lumagok ng alak.
"Oo bata pa tayo, pero marunong na tayong lumandi." Natigilan ako sa sinabi ni Jilheart. Nagtawanan ang dalawa habang nag ha'highfive. Napagdesyonan kong tumahimik nalang.
Nagpatuloy kami sa inuman. Hindi ko nalang namamalayan na unti-unti kong nakakalimutan ang mga problema. Napapikit ako habang nakasandal sa sofa. Sobrang lakas ng musika at halos mabingi ako.
"Oh my ghad!" Alanganing sigaw ni Jilheart. Napadilat ako at tinignan sya.
"Bakit ka ba napasigaw?" Si Jazzy. Nanliliksi ang mata ni Jilheart sa harap namin, kumunot ang noo ko sa ekspresyon niya.
"Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" Napatuwid ako ng upo sa sinabi ni Jilheart.
"Your crazy, Jilheart. Ano bang pinagsasabi mo?" Singhal ko. Nanatiling malaki ang kanyang mata.
"Nakakatakot kana girl huh, masyado kanang praning." Natatawang sambit ni Jazzy. Sa totoo lang ay nakakatawa ang mukha ni Jilheart ngayon.
"Girls hindi ako nababaliw, bakit di nalang kayo tumingin sa dancefloor!" Sabay kaming tumingin ni Jazzy sa dancefloor.
Sabay silang sumasayaw sa dancefloor habang nakaakbay si Hally sa likuran ni Bazer.

Halos bumagsak ang katawan ko sa sahig. Bakit ko nararamdaman ang kabigatan ng aking dibdib? Umiwas agad ako ng tingin. Im already aware of this, alam kong nandito silang dalawa.
"Alam naming hindi ka okay." Tanong sakin ni Jazzy. Sumulyap ako sa kanya na may ngiti.
"Why should I? Wala akong pakialam sa relasyon ng dalawa. I'm okay!" Mapakla kong sagot. Titig na titig sakin ang dalawa.
"Sureness? Wala nang bitterness?" Si Jilheart. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Remember, honest ako sa feeling ko." Sagot ko agad. Maluwang akong tumayo bago nilagok ang alak. "Banyo muna ako saglit," iyon lang ang tangi kong nabitawan.
Dali-dali akong tumungo sa banyo, pumasok ako sa cubicle at padabog na isinara ang pinto.
"Bweset!!!!" Sigaw ko habang sinasabunotan ang sarili. "Sa dinami-daming bar at bakit dito pa? Bweset talaga!" Sigaw ko bago sinipa ang pintoan.
Gigil na gigil ako sa puntong ito. Nanginginig ako sa galit. Yong feeling na nagagalit ako sa sarili ko, kahit anong ibubuga ng ganda ko ay iniwan parin ako. Bweset talaga!
Natahimik ako ng ilang sandali. Binuksan ko ang bag ko at bumungad sakin ang isa kong damit, well change outfit para lumandi, ganyan ako. Minabuti kong magbihis bago lumabas ng cubicle. Habang nakaharap sa salamin ay napatitig ako
saking sarili.

"Sila maganda ang lovelife, ako maganda lang. Humanda ka sakin Hally!" Ngisi kong may balak. Binuhaghag ko ang aking buhok bago nanghilamos. Nagsimula akong mag make-up na may inis na nararamdaman. Halos kinapalan ko ang make up saking mukha.
Napatitig ako sa cleavage kong halos makita ang masilang bahagi. Ang paglalandi ay inaayon sa itsura at pustora, ganito ako magalit. Kembot ng kaunti, landi ng kaunti bago iwanan ang mga lalaki na may hapdi.
Inayos ko ulit ang aking buhok. Napatitig ako saking sarili mula sa salamin. Hinding-hindi ako magpapatalo lalo na't nasaktan na ako. Iba ako, iba ang kamandag ng isang Marilou Charleston. Humanda kayo!
Paglabas ko nang banyo ay halos mapatingin sakin ang lahat ng tao. Maging ang dalawa kong kaibigan ay nakangaga sa nakita. Inilapag ko ang aking bag sa tabi ni Jazzy bago ininom ang dalawang baso ng alak.
"Girl ano ba yang suot mo? Magbihis ka nga." Si Jilheart. Tinawanan ko sya ng mahina.
"Hayaan muna ang dalawa, hindi mo kailangang gawin yan para manalo. Mabuti pa eh umupo ka nalang dito," hinila ni Jazzy ang kamay ko ngunit hinawi ko lang ang kamay niya.
"Dont worry, im okay---" nakapikit kong halakhak. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil ramdam ko na ang kalasingan.
"Lasing kana Marilou, uwi na tayo." Tumayo si Jazzy ngunit pinabalik ko sya nang pagkakaupo.
"Ganito lumandi, watch me." Kindat ko sa dalawa bago napagdesyonang sumulong sa dagat ng dancefloor.
Halos hindi ako makalakad ng direkto dahil umiikot na ang paningin, kanina pa ako umiinom at ngayon ko pa naramdaman ang pagkahilo. Natawa ako sa mga titig ng mga tao, hanggang tingin lang kayo.
Nakangiti akong lumapit sa dalawa. Di umano'y natigilan sila sa pag-sasayaw. Hinuli ko ang mata ni Bazer at napatitig sya sakin. Halos umusok ang tenga ni Hally ng lumapit pa ako lalo sa kanya.
"Hey guys, you both here." Kaway ko na may kalasingan. Sumasayaw ako sa harap ng dalawa. Halos landiin ko si Bazer sa harap ni Hally. Bawat kembot at kagat ko saking labi ay galit na galit si Hally.
"What are you doing, Marilou?" Singhal sakin ni Hally. Natawa ako ng natawa na parang baliw. Lumapit pa ako lalo sa kanya.
"Ginagawa ko lang kong anong ginawa mo noon," sagot ko. Nanatili akong sumasayaw at alam kong nakatitig si Bazer sakin.
"W-what?" Singhal sakin ni Hally. "Babe lets go, shes trying to seduce you. Come on!" Galit na tono ni Hally ngunit hindi sya pinansin ni Bazer.
"Hally hayaan muna syang panoorin ako, he enjoying my company. I am doing what you do." Natatawa kong wika. Itinaas ko ang aking magkabilang kamay habang nakapikit na sumasayaw.
"Hayop ka Marilou," aakmang sasampalin niya ako ng may biglang humila saking bewang. Nasubsob ako sa matigas niyang dibdib, dahan-dahan akong tumingala at bumungad sakin ang mala anghel nyang pagmumukha. Who is this man? I dont even know him.
"I feel sorry for my girlfriend, she is already drunk." Malamig niyang paumanhin sa dalawa at nanatiling nakahawak saking bewang.
Girlfriend? Wala akong boyfriend.
"Hey is not my fault," singhal ko sa kanya. Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko bago ako hinalikan sa noo. Halos hindi ako makahinga sa kinatatayuan ko ngayon.
"Lasing kana babe, lets go!" Bulong niya sakin bago ako hinila palayo kay Bazer at Hally. Hindi ko alam kong bakit kusang sumunod ang paa ko sa kanya. Hinila niya ako sa gitna ng dancefloor.
"Hey let me go, who are you?" Singhal ko at binawi ang aking braso. Halos matumba ako ng binitawan niya ako. Lumapit sya sakin, inayos niya ang damit ko sa harapan. Itinulak ko sya. "Dont touch me, i dont even know you!" Singhal ko ulit. Nanatili syang tahimik, ang kanyang seryosong mukha ay nakatitig parin sakin. Bakit sobrang familiar sakin ng mukha niya? I dont know if he is mad, or what expression he has now. Lasing ako at hindi ko halos maklaro ang kabuohan ng kanyang mukha.
Pero sigurado akong gwapo sya!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakahawak sya sa kanyang baba. Tila tinititigan ang buong katawan ko!
"I just can't believe that you are my future wife!" Bagsak boses niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napailing ako habang nakapikit. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga dahil sa malakas na musika.
"What did you say?" Sigaw ko. Hindi sya sumagot at nanatiling nakatitig sakin. Bigla nalang may bumangga saking likuran rason kong bakit napalapit ako lalo sa kanya. Nahawakan ko ang magkabila niyang dibdib. Napalunok ako sa sobrang tigas, ang magkabila niyang palad ay nasa pwetan ko.
Bakit hindi ko sya maitulak? Ang matigas niyang kabuohan sa ibaba ay ramdam na ramdam ko. Nanginig ang tuhod ko at tila gusto ko nang matumba. Umawang ang labi ko at pinilit magsalita.
"Ahhhh!" Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Shshshshs!" Bulong niya rason kong bakit sumalubong ang kanyang mabangong hangin sa mukha ko. "How hard is it?" Isa-isang tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang kanyang kamay ay naglalakbay saking likuran. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nahilo at unti-unti nawalan ng malay.
Sa puntong ito ay iisa lang ang iniisip ko. Isa sya sa mga Edelbario.