App herunterladen
25% My Brave Pilot Beauty / Chapter 6: Chapter 5

Kapitel 6: Chapter 5

Nasa loob siya ng kotse ni Robert nasa hi way pa sila,

"Robert baka naman ako ang lalabas na kahiya-hiya" sabi ni Jack,"

"Hindi Jack, ang mga yan naman kasi ay marami nang karanasan sa mga babe,  Sa barkadahan namin normal na yun Jack," sabi ulit ni Robert sa kanya,

"At inilinya mo na rin ako sa mga babae ninyo ?"tanong niya kay Robert, "A really ,

ganun ba ang tingin sa akin ng mga kaibigan mo Robert?"tanong ulit niya dito,

Sa bahay nina Robert sila dumiretso at sa sala sila nagpatuloy sa pag uusap

"Hindi Jack alam nila na ikaw lang ang sineryuso ko" , sabi ni Robert kay Jack ,"ikaw lang ang dinala ko dito sa bahay Jack,"sabi ni Robert" ,

"Talaga lang ha? di ba si Anjie galing dito noon hindi ba babae si Anjie?"

"Hindi ako ang nagdala sa kanya dito si mommy ang kasama niya papunta dito,"

Naisip naman ni Jack okey lang yun, as long as na hindi naman talaga totoo yun,

Bahala na diyan ang maruruming mga isip, naisip ni Jack, tuloy pa rin ang samahan nila walang nagbago sa mga kaibigan ni Robert, sa mga kaibigan naman niya ay ikinuwento rin niya ang lahat sa mga ito, Si Margie ang pinaka, mahinhin sa kanila ay napanganga sa mga rebelasyon ni Jack,

"Magkatabi kayo Jack na parehong top less anong pakiramdam Jack? tanong sa kanya ni Chie,

"Ano naman ang mararamdaman ko eh! "

tulog nga ako namalayan ko na lang na wala na pala akong damit ng magising kami sa ingay ng mga kaibigan ni Robert", pagtatapat ni Jack sa mga kaibigan niya."

Magtatapos na ang unang semester, candidate for Deans Lister si Jack, kaya ng dumating ang recognition day ay may certificate na natangap si Jack for Deans Lister, semester break na kaya tutok siya sa pagtulong sa restaurant, naglinis din siya sa bahay kasi busy siya ng husto. Sina Robert ay sa hapon na lang pumupunta sa restaurant at umaalis din kaagad, kasi ayaw niyang istorbohin si Jack sa pagtatrabaho. Si Russell ay pumupunta din sa restaurant kahit nag-iisa, Isang beses papasara na ang restaurant ng dumating si Russell,

Si Jack na ang nag- aasikaso sa pagsara nito, hindi muna niya ini lock iyon nasa loob pa kasi si Russell,  nagkwentuhan lang sila,

"Jack mag iingat ka lagi, lalo na ngayon na uuwi daw ang mama ni Robert, siguradong malalaman nun ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa. Ang gusto kasi nun ay si Anjie ang pakasalan ni Robert kasi makakatulong ito sa negosyo nila, baka may gawing masama sayo ang taong yun, "Alam mo ba Jack na pag

aari nina Robert ang school kung saan tayo pumapasok?"kung ako lang ang masusunod ay sana tangapin mo na lang ang offer sayo ni Robert na kasal para wala ng magawa ang mama niya na pag hiwalayin kayo, sabi ni Russell sa kanya,

Ano bang pinagsasabi mo? Inutusan ka ba ni Robert para pumayag na akong magpakasal sa kanya? tanong dito ni Jack.

"Sana nga ganun Jack, pero hindi. Ako dito ang nag-aalala sa iyong kaligtasan, dahil mahal kita, "

"Anu,? Anung sabi mo Russell ?"

"Oo Jack mahal kita, inaamin ko marami ng babaeng dumaan sa buhay ko, pero ikaw ang "first love ko" sana wag kang magagalit sa akin,"hindi ako  magiging sagabal sa relasyon ninyong dalawa ni Robert, noon pa kita mahal Jack, bago ka pa nakilala ni Robert ay ako na ang laging pumupunta sa department ninyo para lang makita ka. Alam ni Robert ang nararamdaman ko sayo Jack, nakiusap siya sa akin, na ipagkatiwala kita sa kanya. Si Robert kasi Jack wala pa ni isang babae ang pinatulan niyan, kami ay nakikipaglaro na sa kung sino- sinong babae, pero yan ay "hindi", alam mo kung ano ang dahilan niya sakit lang daw ng

ulo ang mga babae, pero ngayon nabagsak siya sayo alam mo bang pinagtawanan namin siya nang lumuhod siya sa harapan mo, nandoon kami ng oras na yon, nasa malayo nga lang kami, doon napag isipan ko, kung aagawin kita sa kanya ay baka masiraan na ng bait yang si Robert Jack ,"sabi sa kanya ni Russell,

"Natigagal si Jack sa mga sinabi ni Russell",

Hindi siya makapaniwala, dalawang pasabog ang sumabog sa harapan niya ngayon,"

"Jack aalis na ako pero ihahatid na muna kita pauwi ,"

"Huwag na Russell malapit lang naman ang bahay namin dito,"

"O, sige Jack ingat ka sabi nito"

"Ingat ka din Russell,"

Nalaman ni Jack na umuwi na ang mama ni Robert, si Russell ang nagsabi sa kanya, kasi si Robert ay hindi na pinalalabas ng bahay, nalaman na kasi nito ang relasyon nila ni Robert, si Anjie ang nag sumbong dito,

Makalipas  ang isang linggo ay nalaman nila na pinapunta na si Robert sa China ng mama nito mabuti na lang at supportive ang mga kaibigan niya pati na rin ang mga kaibigan ni Robert at ang pinaka supportive ay si Russell, nalaman na rin ng mga kaibigan niya at kaibigan ni Robert kung saan ang bahay nila ,na nasa likod lang ito ng restaurant, lagi siyang sinasamahan ng mga ito , isang araw ay pupuntang palengke si Jack naka motorbike lang siya, nang bigla

siyang hinarang ng isang Toyota Fortuner sakay ang anim na malalaking lalaki, bigla siyang isinakay sa sasakyan pinatakbo na ng mga ito ang dalang sasakyan palayo  dinala siya sa isang lumang bodega maya maya may tinawagan ang mga ito. Hindi naman siya sinasaktan ng mga ito siguro kasi hindi naman siya nag hysterical o nag iskandalo , Mahigit isang oras, dumating ang isang may katandaan ng babae hindi nito nahalata ang cellphone niya nasa may dibdib na niya, inilagay niya iyon doon kanina ng nasa kotse pa sila, nakalabas lang ang camera kaya na capture nito ng malinaw ang mukha ng mama ni Robert.

"Hoy!!babae ang taas naman ng pangarap mo, akalain mong patulan ang anak ko, hindi mo ba alam na tagapagmana si Robert ng lahat na kompanya namin dito at sa labas man ng bansa, siya ang successor ng Enriquez group of companies."

"Kayo na ang bahala dyan gawin nyo ang lahat para magtanda na ang hampas lupang yan, sabi nito sa mga kidnappers,"

Pagka alis ng mama ni Robert ay nag inuman muna ang anim na kidnaper dahil doon nagkaroon si Jack ng pagkakataon para makalas ang pagkakatali sa likod ng kanyang mga kamay , kinuha niya ang cellphone nya at humingi siya ng tulong kay ate Dory, nagkataon namang nandoon sina Russell at nagpatulong si ate Dory sa mga ito, sinabi ni Jack kung saan siya dinala ng mga kidnapers,

Nahalata ng mga kidnapers na nakalas na ni Jack ang pagkakatali niya kaya susungaban na sana siya ng mga ito ngunit nakaiwas si Jack at nakapanglaban pa rin siya may nahawakan siyang dalawang matigas na tubo nagamit niya itong arnis, kaya ang anim na lalaki ay nahirapan na mapatumba si Jack magaling kasi ito kahit marami ng suntok at sipa ang ginawa sa kanya hindi talaga siya nagapi ng mga ito pinag tulong tulungan siya ng anim pero lumaban talaga si Jack ng buong lakas kaya kahit marami na siyang tama ay hindi talaga nila mapatumba si Jack, kahit sobra ng sakit ng katawan ang naranasan niya subalit pinaglabanan niya ang lahat ng sakit basta iniisip lang niya ang makaligtas sa anim na kidnaper,

Halos lupaypay na si Jack pero nakikipaglaban pa rin siya ayaw niyang sa ganitong gulang lang siya mamatay marami pa siyang pangarap sa buhay, isang malakas pang "palo" sa likod niya ang nagpa tumba kay Jack pero tumayo pa siya at binigyan nya Ito ng isang flying kick tumalsik ito sa malayo tulog. halos hindi na siya makatayo pero pinilit pa rin niyang lumaban lamog na ang buo niyang katawan halos walang parte ng katawan niya ang walang tama. mismong mata niya ay halos hindi na niya maidilat pero hindi siya patatalo iyon ang huling naisip niya pagkatapos ay kadiliman na .

Nang dumating ang mga pulis lahat ng naroon sa bodega ay tulog pati si Jack ay wala na ring malay, siguro sa sobrang hirap ng katawan at dahil sa dinanas na mga bogbog sipa at palo sa kanyanng katawan, kaya siya bumigay kung pagmamasdan mo siya ay madudurog talaga ang iyong puso, ang mukha niya ay hindi mo na halos makikilala sa dami ng bogbog, awang awa si Russell kay Jack dinala nila ito sa hospital halos tatlong linggo siya sa hospital , mabuti na lang ay malakas ang katawan ni Jack kaya sa loob ng tatlong linggong iyon ay lumabas siyang fully recovered na, nakulong ang anim na kidnaper, nai akyat na ang kaso laban sa mama ni Robert.

Pinuntahan ni Russell ang bahay nina Robert, at hinanap niya ang mama nito.

"Magandang araw po tita hawak ko po ngayon ang warrant of arrest laban sa inyo. kumpleto po ang hawak naming ebidensya laban sayo , na record pong lahat  ang usapan ninyo at ng mga kidnaper, 

"Na kayo po ang nagbayad sa kanila, pati po mukha ninyo ay malinaw na malinaw na nacapture ng camera ni Jack habang kinakausap ninyo ang mga kidnaper, yong dalawa pong kidnaper naka pagbigay na din ng statements sinasabing kayo nga ang mastermind sa kidnaping ni Jack,gusto nyo po bang sabihin ko na ito kay Robert? kasi po si Robert ay ipaglalaban ng patayan kapag si Jack ang nasaktan, bakit po ba galit kayo kay Jack sa pagpatol sa anak ninyo?saksi po ang buong barkada ni Jack pati mga estudyante sa school maging kaming magbabarkada ay nasaksihan namin na iniyakan at niluhuran ng anak ninyo si Jack sa harap ng maraming tao."

"Ni hindi siya nahiya balikan lang siya ni Jack, nereject na po yan si Robert ni Jack ang kaso nga lang dahil sa nagawang iyon ni Robert ay nakipag balikan uli sa kanya si Jack. Ito po ang mga picture ni Jack makikilala mo pa po ba ang mukha niya dyan? dahil lang sa paglaban sa mga lalaking kumidnap sa kanya, pasalamat po kayo tita dahil magaling makipaglaban si Jack, pag  nagkataon ay baka napatay o kaya nagahasa na si Jack ng mga lalaking yon hindi kayo mapapatawad ni Robert pag iyon ang nangyari,

Sa ngayon nga  lang po na ganyan lang ang nangyari kay Jack ewan ko lang po kung ano ang magagawa ni Robert sa inyo, at kung ako sayo tita mas mabuting ikuha mo si Jack ng

magaling na bodyguards, dahil kung may masamang mangyari ngayon kay Jack ay kayo po ang unang hahanapin ng mga pulis. Naka pagpa blotter na po kami tungkol dyan, kaya pag isipan nyo po."

"Ayaw ni Jack na ipakulong kayo, pero ako ang nag asikaso nito, once na may gawin ka na namang hindi maganda, tita ako na ang magpapakulong sa inyo, sinasabi ko po ito sainyo dahil mahalaga sa akin si Jack, mahal ko po siya,. Alam mo tita na general na ang lolo ko, madali na lang kayong mahuhuli ng mga pulis, kahit pa umalis kayo ng bansa, sabagay kahit ngayon pa lang ay pwede ko nang I pa hold ang permit to travel ninyo, O, anu, tita bakit hindi na kayo makapag salita!! mag salita kayo, sabi ni Russell,"

"Hindi ko na kayo guguluhin, huwag nyo lang akong ipakulong,"gagawin ko ang lahat ng gusto ninyo basta huwag nyo lang akong ipakulong,

"Huli na po tita kasi may warrant na kayo anytime pwede ko na itong ibigay sa warrant division pero dahil sa pakiusap sa akin ni Jack kaya nakakalaya pa kayo ngayon tita, sa ngayon po hindi ko pa ipaaalam Ito kay Robert kaya ligtas pa kayo," mahabang paliwanag ni Russell sa mama ni Robert

Si Jack ay gulong gulo ang utak gusto na niyang umalis muna kaya lang saan naman siya pupunta, may bigla siyang naisip, kinausap nya ang kanyang ate Dory tungkol dito,

" Ate Dory ano po kaya kung mangibang lugar po ako, mag aaral po ako sa aviation dito po sa Pasay ay pwede kaya lang po ang gusto ko ay sa malayo para maka iwas na din ako sa gulo, sobra po ang trauma na naranasan ko kaya kailangan ko munang magpaka layo para makampante na ako,"

" kasi Jack bakit hindi mo na lang isipin na safe ka na, siguro naman hindi na uulit ang mama ni Robert na gawan ka ng masama,"

"Alam ko kahit hindi mo sabihin natatakot ka pa rin na baka ulitin ng mama ni Robert yon, pero kung yan ang desisyon mo igagalang ko yan, may tiwala naman ako sayo Jack"sabi ni ate Dory sa kanya,"


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen