Ipinagpatuloy ni Wong Ming ang paglalakbay niya. Sa loob ng Red Mountain Ranges ay napakayaman ng mga cultivation resources rito. Nanguha at nangolekta si Wong Ming ng mga pambihirang mga herbs at mga bagay na maaaring mapakinabangan niya.
Hindi rin nakaligtas na may makasagupa siyang mga magical beasts ngunit nagapi niya ang mga ito at kinolekta ang mga labi nito upang gamitin sa hinaharap. Sayang naman kung iiwan niya lamang iyon at inaksayahan niya iyon ng mahahalagang mga oras niya sa pananatili niya rito sa loob na malawak na kabundukang ito sa Red City.
Ramdam ni Wong Ming na sinwerte siya sa paglalakbay niyang ito at ang pagpunta niya rito ay nagbigay sa kaniya ng mga bagong karanasan.
Hindi namalayan ni Wong Ming ang pananatili niya sa lugar na ito at dalawang araw mula ngayon ay kailangan na niyang bumalik sa sentral na lungsod ng Red City kung ayaw niyang mapag-iwanan siya ng panahon at pagkakataong makapasok sa Flaming Sun Guild.
Merong nag-udyok sa isipan ni Wong Ming na maglibot-libot pa sa parte ng Red Mountain Ranges na di niya napupuntahan. Iyon ay ang pinakadulong parte ng Red City sa baybaying parte nito.
Walang alam si Wong Ming kung ano ang nasa isip niya sa mga oras na ito ngunit mahilig siyang tumuklas ng mga bagay-bagay. Isa pa ay gusto niyang malaman kung totoo nga ba ang Fountain of Memories na sinasabi ng karamihan na mula ngayon ay alamat pa rin kung maituturing.
Sa palagay ni Wong Ming ay handa na rin siyang matuklasan ang nakaraan niya. Alam niyang hindi kailanman ay matatakasan niya ang kung anumang nakaraang meron siya.
Gaya ng sabi ng amain niya ay baka ito pa ang maghahatid sa kaniya upang mabuksan ang isipan niya sa mga bagay-bagay patungkol sa Dou City at mga bagay-bagay mula sa memorya ng nakaraan niya.
Namalayan na lamang ni Wong Ming na dinadala na pala siya ng kaniyang mga paa patungo sa huling destinasyon niya bago niya lisanin ang Red Mountain Ranges na ito.
Maya-maya pa ay bigla na lamang narating ni Wong Ming ang isang malawak na lawa.
Napakapayapa ng lawang ito at masasabi ni Wong Ming na hindi niya aakalaing may nag-eexist na ganitong lawa.
Yun nga lang ay walang napansin si Wong Ming na mga gumagalang mga magical beast sa himpapawid o di kaya ay nasa katubigan.
Matalas ang senses ni Wong Ming at masasabi ni Wong Ming dahil isa na siyang Late Golden Blood Realm kung kaya't natitiyak niyang ligtas ang lugar na ito.
Nagsimula na si Wong Ming na maglakad sa malawak na lawang ito. Kitang-kita niya kung paanong kung gaano ang lebel ng tubig kanina ay ganon pa rin ang lebel ng tubig ilang daang metrong layo ni Wong Ming.
Naramdaman ni Wong Ming na parang may mali sa kapaligiran ngunit isinawalang-bahala niya ito. Gusto niyang marating ang tila dulo ng lawang ito ngunit tila makulimlim ang kapaligiran at wala siyang matanaw sa unahan nito.
Hanggang sa sinubukan ni Wong Ming bumalik ngunit parang ang dinaanan niya kanina ay hindi na niya mabalikan dahil pagkalingon na pagkalingon niya sa kaniyang likuran ay wala siyang matanaw.
Sinubukan ni Wong Ming na ilibot ang paningin niya ngunit wala siyang matanaw na kahit na ano.
Nagsimula na si Wong Ming na kabahan. Hindi niya aakalaing ang kahihinatnan niya kaya lubos ang kaniyang pagsisisi sa kaniyang nagawang desisyon.
Nagsimulang lumipad si Wong Ming sa ere ngunit nang tingnan niya ang katubigan ay tila umiikot-ikot ang paningin niya sa hindi niya mawari habang sa lumabo ang paningin niya.
Sinubukan pa ni Wong Ming na tumingin at lumipad sa itaas ngunit tila lumabo pa ng lumabo ang paningin niya hanggang sa nakaramdam ng kakaibang antok si Wong Ming sa hindi niya malamang dahilan hanggang sa pumikit at tuluyan ng nilamon ng walang hanggang kadiliman si Wong Ming.
...
Naramdaman na lamang ni Wong Ming ang malakas na paghampas ng tubig sa kaniyang kinaroroonan. Kung di siya nagkakamali ay tila alon ito.
Dito nga ay unti-unting binuksan ni Wong Ming ang mga mata niya at napansing nasa tabing-dagat siya.
Medyo masakit pa ang ulo niya at wala pa siya sa maayos na wisyo. Hindi alam ni Wong Ming kung ano ang nangyari hanggang sa nagsimula na siyang mag-isip.
Huling alaala niya ay pumunta siya sa isang malawak na lawa ngunit naabutan niya ay isang payapang lawa at nagkaroon ng kakaibang nangyayari hanggang sa nawalan na siya ng malay dahil wala na siyang maaalala pagkatapos ng pangyayaring iyon.
Ngunit biglang sumakit ang utak ni Wong Ming at rumagasa ang kakaiba ngunit bagong mga alaalang hindi niya aakalaing aalpas sa isipan niya.
Nakakaalala na si Wong Ming. Iyon ang biglang naisip ni Wong Ming nang mapansin na tila ang nangyaring nakaraan sa kaniya ay bigla na lamang bumalik at tila sariwa pa rin sa isipan niyang ito.
Hindi aakalain ni Wong Ming na ang memoryang ito ay naghatid sa kaniya ng iba't-ibang emosyon. Ang dating buhay niya, ang pamilya niya, ang angkan ng Li, ang mga ginawa niya, ang pakikipag-ugnayan niya sa Feathers Guild at iba ay biglang nanariwa sa utak niyang tila naninibago rin sa memoryang nakalipas.
Biglang nakaramdam ng pag-aalala at lungkot si Wong Ming nang bigla nitong naalala ang kaibigan niyang si Fai. Ang unang kaibigan niyang binigyan niya ng pangako. Pangakong tila napako at hindi niya natupad.
Biglang tumigas ang ekspresyon sa mukha ni Wong Ming at masasabi niyang dalawang katauhan ang namamayani sa kaniya ngunit mas nanaig sa kaniya ang kasalukuyan niyang katauhan at iyon ay ang pangalan at katauhan niya bilang si Wong Ming at hindi ang dating Li Xiaolong na matagal ng nakabaon sa pinakapusod ng isipan niya.
Ramdam ni Wong Ming na marami palang tiantagong kakaiba ang dating siya. Ang mga binabalak niya at mga planong minsan niyang naisip.
Hindi aakalain ni Wong Ming na maraming emosyon pa siyang hindi nakikita sa sarili niya at kung ano talaga ang tunay na siya.
May bahagi sa kaniyang gustong maging si Li Xiaolong at meron ding bahagi sa kaniya na gustong maging si Wong Ming lamang.
Ngayon ay tila gagamitin niya na lamang ang pangalan niya bilang si Wong Ming at susubukang tuparin ang mga gusto niyang gawin noon bilang si Li Xiaolong.