App herunterladen
54.83% Schrodinger's Bane / Chapter 17: Chapter 16

Kapitel 17: Chapter 16

Zayden's POV

Lahat kami ay nagulat sa biglaang pag dating ni Volker

Pero napaka mali ng oras ng pag uwi niya dahil napakagulo ng buhay namin

Tatlong araw na ang makalipas ng makauwi siya dito

At ngayon pa lamang namin ipinapaliwanag sa kaniya ang mga nangyayari

Hindi rin nakakataka na hindi siya nagulat

Dahil sa tingin ko ay nagkukwento naman sa kaniya si Raven

" Sagabal akala ko ay ayos na lahat, mukhang hindi ako makakaalis ng ilang buwan dahil sa nangyayaring kagaguhan dito " dismayadong sabi niya ng matapos kaming magkwento at paliwanag sa kaniya

" Kailan mo ba balak tumigil sa paglilibot mo? " tanong ko sa kaniya

Sa loob ng isang taon ay napipirmis lang siya tuwing may icecelebrate kami

" Kapag na pagod na ako " halos malaglag ang panga namin sa sagot niya

Hindi ba siya napapagod mag gala at magwaldas ng pera?

Napailing nalang kami sa naging sagot

" Mas mainam 'yon kaysa mambabae ako at magaya sainyo " pang aasar niya sa amin at tinitigan si Azure na simanaan siya ng tingin

" Tutal nandito ka na Volks, paniguradong hindi kami mamamatay ng maaga " masayang sabi ni Rye

Akala niya yata ay may sa immortal 'tong si Volker

" Bakit balak mo akong gawing shield sa mga kaaway? " he mocked sabay bato ng unan kay Rye

Sana ay palagi nalang ganito ang lagay naming lahat

Tahimik at walang iniisip na problema kagaya noon

" Buksan niyo yung tv, panoorin natin yung news dali " natatarantang sabi ni Levi habang may pinanonood sa cellphone niya

Kahit nagtataka ay binuksan ni Ry ang tv

Lahat kami ay nagulat sa nakaflash na balita

' Female magazine covergirl, Zurich Montes is missing '

" Bakit naman na missing 'yan eh kaya niya naman na ang sarili niya para makidnap pa siya na parang bata " kontra ni Gio sa balita

" Nung nakaraang araw lang ay tinatraydor tayo ngayon naman ay nawawala na, karma nga naman " iling iling nito

Bakit naman kaya 'yon nawala?

Nawala nanaman ako sa wisyo ng maalala ko ang sinabi ni Rowie sa akin nung huli kaming nagkita

" Mahal kita, Zayden "

Hanggang ngayon ay binabagabag ako ng salitang 'yan

Ang daming tanong sa isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot

Pero ganon pa man ay ayaw ko ng makita pa siya ulit

Sa tuwing makikita ko siya ay naaalala ko kung paano niya ako niloko at pinagpalit noon

Nanonood kami ng tv ng tumunog ang doorbell

Dahil ako lang naman ang di nakafocus sa balitang pinanonood nila ay ako na ang nagbukas ng pinto

Napamura ako ng wala sa oras ng makita ko kung sino ang nasa harap ng bahay namin

" Rowie " wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa kaniya

At sa kasama niyang bata

Mukhang magaling na ang anak niya-- nila ng step father ko

" Gusto lang kitang makausap " mahina niyang sabi

Though I didn't wanna talk to her, I let her in

Iniwan namin yung bata sa mga kaibigan ko sa sala at doon kami nagtungo sa may pool para mag usap

Kung sakaling maurat ako ay lulunirin ko na siya diretso

Kidding

" What brings you here? " mabilis kong tanong ng hindi siya tinitignan

Huminga siya ng malalim at tuminga sa langit

Nanahimik kami ng ilang sandali pa bago siya magsimulang magsalita

" Zayden, yung nangyari noon-- "

Nagsisimula palang siya pero pinutol ko na agad ang sasabihin niya

" Stop. Ayaw ko ng pag usapan pa 'yan matagal ng tapos 'yon at hindi ko na gusto pang marinig " natahimik naman siya sa sinabi ko

I looked at her direction she was looking straight in the sky

" Kung maibabalik ko lang lahat ay hindi ko sana ginawa 'yon " salita niya ulit

" You can't turn it back, just leave there and forget it "

" Alam ko, pero pabayaan mo akong pagsisihan ang mga maling bagay na nagawa ko noon " seryoso niyang sabi kaya tinitigan ko siyang maigi

Everytime I saw her, bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na 'yon

" Row-- what the hell? " napamura ako ng makita ko ang girlfriend ko na makahalikang iba

Ang step father ko

Tangina nga naman

" Z-zayden, magpapaliwanag ako makinig ka sa akin " tarantang sabi niya pero umiling nalang ako at tinalikuran siya

Kahit malakas ang ulan ay hindi ko 'yon ininda at naglakad ako sa gitna ng malakas na ulan

As the rain fall to from the sky, my tears began to fall to the ground

Hindi ko lubos maisip na kakayanin niyang lokohin ako

At mas matindi ay ipagpalit pa ako sa step father ko na doble na ng edad ko

Bukod sa mas matanda 'yon ay ano pa ba ang lamang niya sa akin?

Dumiretso ako sa nadaanan kong bar at doon nag inom mag isa nang may mareceive akong text mula sa kaniya

Ito na yata ang pinakamasakit na salitang natanggap ko sa buong buhay ko

" I'm sorry, Zayden. Mas mahal ko si tito mo "

Siguro ay darating din yung araw na kakayanin ko ng tignan siya ng walang nararamdamang sakit o naalalang masakit na nakaraan

Pero hindi pa ngayon ang araw na 'yon dahil hanggang ngayon ay masakit parin para sa akin ang ginawa niya

Hindi ko alam kung hanggang kailan at ilang taon pa akong masasaktan dahil sa nakaraan

But one thing is for sure

I will be over it

Alam ko at ramdam kong sincere nga ang mga sinasabi niya

" Sana nga ay ganon lang kadali ang lahat ng 'yon, Rowie " muli akong tumingin sa malinaw na tubig

" Naiintindihan ko kung may galit parin sa puso mo, hindi kita masisisi. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa kabila ng lahat ng nagawa ko ay tinulungan mo pa rin ako nung panahong wala na akong malapitan pa " a saw a tear escaped her eyes

She just let it flow and I just keep on staring on her

Maybe if you didn't do that thing, maybe it's the two of us who has a family now.

" Zayden " tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko ng mariin

Now, we're facing each other

" I was make things right, Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat " huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita

" Can you give us another chance, Zayden? "


Load failed, please RETRY

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C17
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen