App herunterladen
91.66% The Seven Nights / Chapter 11: Be With You

Kapitel 11: Be With You

"Maluha luha pa ako nun habang nagsusulat. Tinupi ko na ang papel at nagpaalam sa Mama ko na aalis muna ako nang saglit."

"Pagkarating ko sa kanila, hinanap ko siya sa Mama niya pero wala daw siya dahil umalis. Sabi ko, okay lang. At nagbilin na ibigay kay Kyle yung sulat. Tapos nun, nagmamadali na akong umalis sa bahay nila."

"Alas otso nang gabi, nasa kwarto na ako at nagliligpit ng mga natira kong gamit. Karamihan sa gamit ko ay nasa maleta na para ready na pag alis ko kinabukasan. Nagbilin din sa akin si Mama na matulog nang maaga para hindi daw ako ma-late. Dapat daw two hours bago yung flight ko ay nasa airport na ako. Matutulog na sana ako noon nang makatanggap ako ng chat message mula kay Kyle. Sabi niya, labas daw muna ako dahil nandoon siya sa labas at gusto niya akong maka usap sa personal."

"Buti nalang at tulog na ang lahat kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto. Paglabas ko, nakita ko agad siya sa may gate. Nakatayo, matamlay at parang kakatapos lang umiyak. Lumapit ako sa kanya at bigla niya nalang akong niyakap. Gumanti din ako ng yakap. Kumalas din siya pagkatapos nang ilang saglit at sinabi niya na sumama daw ako sa kanya. Aalis daw kami! Gusto kong tumanggi, pero ayaw kong maghiwalay ulit kami. Napabuntong hininga nalang ako at tuluyan nang lumabas sa gate. Hawak niya ang kamay ko nun at dahan dahang hinihila papunta sa motor niya. Umiiyak na ako noon! Nilingon ko ang aming bahay at pinagmasdan nang ilang saglit at pikit matang umangkas sa kanyang motor papunta sa kung saan niya man ako balak dalhin."

"Habang nasa byahe ay umiiyak pa rin ako. Siya naman, alam kong naiiyak din siya pero pinipigilan niya lang. Narating namin ang isang lugar na tahimik. Bumaba na ako tapos hinila niya ako. Sumama lang ako sa kanya! Umakyat kami sa isang mababang bundok at pagkarating namin doon sa tuktok, matatanaw doon ang dagat. Kumikislap ang tubig noon dahil sa ilaw mula sa liwanag ng buwan. Maririnig din ang hampas ng alon sa dalampasigan. At ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Ang gandang pagmasdan ang paligid kahit gabi na."

"Pumuwesto kami sa ilalim ng puno ng Aguho. May kahoy na upuan doon kaya perfect! Nabawasan na rin ang aking kaba that time. Hawak niya ang aking kamay at siya na ang unang nagsalita. Humihingi siya noon ng tawad dahil sa pag iwas niya sa akin. Nagawa daw niya yun dahil feeling niya hindi siya kamahal mahal. Umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Gusto niyang pigilan ang pag alis ko noon, pero pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan. Pareho kaming umiiyak habang kawak ang kamay ng isa't isa. Kaya nag promise siya sa akin na magbabago na siya. Mag aaral siya nang mabuti at tutuparin ang mga pangarap niya sa pamilya niya at sa akin. Hihintayin daw niya ang aking pagbabalik! Tinanong niya din ako kung mahal ko ba siya. Sabi ko, oo. Kaya sinabi niya na mula sa gabing iyon ay magkasintahan na kami. Pumayag ako dahil ayaw ko nang lokohin pa ang sarili ko."

"Dahil sa pangyayaring iyon at nagtama ang aming mga mata. Mga matang punung-puno ng pag ibig! Dahan dahan niya nalang na inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako at naramdaman kong dumampi na ang labi niya sa labi ko. Isang matamis at mainit na halikan ang nangyari nang gabing iyon sa amin."

"Nakatulog kaming magkayap dahil sa lamig ng hangin. Alam kong mas nilalamig siya dahil ibinigay niya ang kanyang jacket sa akin. Walang ibang naganap. Kumalas ako sa pagkakayap at tiningnan kung anong oras na. Pagbukas ko ng phone, alas tres pasado na pala nang madaling araw. May ilang missed calls at texts din mula kay Mama. Hinahanap ako! Nag reply ako at sinabi ko kung saan ako."

"Tumayo ako at nag ayos ng sarili. Tiningnan ko siya habang mahimbing na natutulog. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya, ang gwapo niya pa rin. Gusto siyang gisingin nun pero nag decide ako na hindi na dahil baka mas bumigat pa ang loob ko sa aking pag alis. Nakatingin lang ako sa kanya! Tinitingnan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha, dahilan para tumulo na naman ang aking mga luha."

"Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at pabulong na sinabing, "Mahal, alagaan mo sarili mo ha? Tuparin mo mga promises mo. Hintayin mo ako ha? Babalik ako. I love you Mahal!". At hinalikan ko siya sa kanang pisnge bago umalis."

"At naglakad na ako palayo sa kanya. Grabe yung buhos ng mga luha ko. Tinatanong ko nalang sarili ko kung bakit ganun? Kung kailan kami naging okay ay pinaghiwalay naman kami ng tadhana. Hindi na ako lumingon kasi nasasaktan na ako."

"Sa aking paglalakad, nag aalalang tumawag sa akin si Mama. Sinagot ko ito kahit halatang umiiyak ako. Kaya naman ay lalo pa itong nag aalala. Sinabi kong sa bahay nalang ako magpapaliwanag at huwag na siyang mag alala. Nakahinga nang maluwag si Mama at sinabi niyang papunta na daw si Kuya para sunduin ako."

"Naka upo lang ako sa gilid ng kalsada sa ilalim ng street light noon para hintayin ang Kuya ko. Iyak ako nang iyak! Hindi ako mapakali noon kaya tumayo na ako at naglakad. Naglakad ako sa madilim na kalsada na tanging ilaw sa mga street lights lang ang nag bibigay nang liwanag. Tahol nang tahol ang mga aso noon pero wala akong pakialam. Wala nga akong pakialam kahit mag aalas kwatro palang ng madaling araw noon."

"Mayamaya ay nakasalubong ko ang aking Kuya. Huminto siya sa may harap ko, bumaba sa kanyang motor at alalang niyakap ako. Agad din kaming umuwi. Pag dating ko sa bahay, niyakap din ako ni Mama at ni Papa. Nakahanda na sa sala ang mga maleta ko. Uminom ako ng gatas na tinimpla ni Mama at kumain ng hinandang almusal. Pagkatapos ko kumain ay nag ayos na ako."


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C11
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen