"Gabi gabi akong umiiyak. Nagsisisi! Naghahangad na sana maibalik pa ang lahat. Sana binigyan kita ng pagkakataon. Pero hindi na eh. Nakalipas na! Hindi naman kita kayang pigilan kasi wala akong karapatan. Naiinis ako sa sarili ko."
"Gusto kong mainis sa'yo dahil umalis ka nalang nang hindi nagpapaalam. Iniwan mo ako nang hindi ko alam ang tunay na dahilan. Dahil ba yun sa pagtanggi ko sa pag ibig mo? Hindi ko talaga alam. Ganoon na lang ba sa'yo lahat ng mga memories natin? Ganoon mo nalang ba kinalimutan lahat ng meron tayo noon? Ako? Ganoon nalang ba ako sa'yo? Matapos ang lahat, isang hamak na stranger na ulit ang pagtingin mo sa akin."
"Yung pagyaya mo pala sa akin sa 7eleven na'yon ay iyon na pala yung huling beses na masaya tayong magkasama. Iyon na pala ang huling beses na magiging masaya ka dahil sa akin."
"Isang araw nabalitaan kong na dengue ka daw. Gusto kitang puntahan sa ospital nun. Sabi ng puso ko, puntahan kita kasi gusto kong makita mo akong nag aalala sa'yo. Pero sabi naman ng utak ko ay huwag. Dahil hindi mo na ako kailangan. Baka nga hindi mo na ako kilala eh. Masakit man sa loob ko, pero sinunod ko kung anong naging pasya ng utak ko."
"Nagkaroon din ng pagkakataon na kailangan kong dumalo sa isang event ng school. Pero hating gabi yun matatapos. Wala naman akong ibang choice kundi magbakasakali sa'yo. Pumayag ka naman na doon muna ako maki tulog sa inyo. Sa una ay masayang masaya ako dahil sa wakas nagkasama na ulit tayo. Pero noong pauwi na ako, doon ko nalang na realized na hindi na tayo kasing saya katulad ng dati. Wala nang spark sa tuwing hahawakan mo yung kamay ko. Wala nang init yung yakap mo. At yung I love you mo? I miss you? Nagbalik ako kasi mahal parin kita? Parang ordinaryong salita nalang yun lahat sa akin. Ang akala kong magiging okay, ay hindi na pala."
"Kaya simula noong araw na iyon, mas pinili ko nalang na bumitiw na. Pinili kong bitawan ang relasyon nating ako nalang pala ang kumakapit. Sa relasyong ako noon ang hinahabol pero ngayon, ako na ang naghahabol. Masakit, oo. Pero kailangan na kitang i'let go. Hindi ko gustong iwan ka, perong anong magagawa ko? Eh ikaw yung unang bumitaw."
"Siguro oras na para hanapin ko yung sarili ko at maging masaya kahit wala ka na. At siguro oras na rin para tanggapin ang mga nangyari sa atin. Huwag mo na akong alalahanin. Alam kong hindi madali mag move on. It will probably require me enough time to put back all the pieces, to be okay, to move forward and to be in love again. Maybe not today. Maybe not tomorrow. But rest assured, I will."
"You are now free, Mahal ko. Wishing you happiness!"
Natigil si Sarah nung kinalabit na sya ng kanyang pinsan para magbayad. Matagal na pala siya nakatulala sa harap ng bulaklak at hindi na niya namalayang tumutulo na pala yung mga luha niya. Tumayo na siya at pasimpleng pinunasan ang kanyang mga luha. Nagpaalan na din siya sa kanyang pinsan na sa sasakyan nalang siya maghihintay sa kanila.
Gaya nang nakasanayan, sa may likuran ulit siya umupo. Umiiyak man, ay may ngiti parin kahit papano sa kanyang mukha habang inaalala ang mga nakalipas.
Mayamaya ay dumating na rin ang kanyang kapatid at pinsan dala ang kanilang biniling mga bulaklak at iba pang materyales. Noong ipasok na sa sasakyan ang mga bulaklak ay nalanghap agad niya ang natural na bango nito nito.
Medyo naging mabilis lang ang kanilang byahe at nakarating din sila agad sa kanilang tahanan. Pagbaba niya, tumulong na sya sa pagbitbit ng mga pinamili nila.
Diretso agad siya sa kusina upang kumain. Noong nabusog ay lumabas muna siya upang magmasid sa paligid. Isa isa niyang tiningnan ang mga tao sa kanyang paligid animo'y ngayon niya lamang ito nakita.
Napa upo saya sofa at kinuha ang kanyang cellphone. Nililibang ang sarili para hindi makatulog. Nirereplayan niya ang mga nag memessage sa kanya. Isa isa niya tinitingnan ang post mula sa kanyang mga kaibigan at napapangiti nalang siya kapag nakakakita ng mga Memes, mga nakakatuwang videos at mga viral na pakulo ng mga netizens.
Hindi niya namamalayang inabot na pala siya ng madaling araw. Saktong na deadbat na rin yung cellphone kaya nagpaalam na siya sa kanyang Tiya na nakatayo malapit sa may pintuan. Tumayo na siya at naglakad papunta sa kanyang kwarto pero napahinto siya. Bigla nalang siyang napangiti! Dahan dahang lumingon at nagpaalam, "Mahal, matutulog na ako!". At naaninag niya rin ang mukha ng kanyang Mahal na nakangiti sa kanya, senyales nang pagsang-ayon. Kaya pumasok na siya sa kanyang kwarto at nagpahinga na.
Tanghali na nung magising si Sarah dahil sa puyat. Medyo mabigat din ang kanyang pakiramdam dahil siguro sa pagod at hindi sapat na tulog. Kaya paglabas niya sa kanyang kwarto ay pumunta siya sa kusina, nagmumog at nag cr.
Bamalik din sya agad sa sala at umupo sa sofa. Nakasandal siya sa may gilid. Inaantok na naman siya kahit kakagising niya lang. Mayamaya ay binigyan siya ng kape ng kanyang pamangkin. Ininom nya yun nang dahan dahan at unti unti namang nawala ang kanyang antok. Nakipag kwentuhan siya muna sa kanyang pamangkin.
Pagkatapos nun ay pumunta na siya sa kusina para kumain. Tapos na ang lahat mananghalian at siya nalang pala ang hindi nakakain.
Pagkatapos niya kumain ay tumulong din siya sa mga gawaing bahay, nagligpit ng mga kalat at tumulong din sa kusina. Nakatanggap siya ng message mula sa kaibigan niya. Pupunta daw sila sa bahay nila Sarah.
Nag ayos na din si Sarah ng kanyang sarili. Mga takip-silim na nang makarating ang kanyang tatlong kaibigan. Pinapasok niya ito sa kanilang bahay at pina upo sa sofa. Nagkamustahan ang mga ito dahil may katagalan din mula nung huli silang magkita at mag usap nang pormal. Nagtatawanan sila nang malakas kagaya noon. Maraming taon na ang lumipas pero matatag pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Ansaya saya nila!
Naputol lamang ito nung niyaya na sila upang maghapunan. Masayang naghapunan ang magkakaibigan. At pagkatapos nun, lumabas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag uusap.
Umupo sila sa may gilid banda kung saan wala halos taong dumaraan. May dala silang mga pagkain bilang paghahanda sa isang mahaba at masayang kwentuhan.