Dahil sa pagod ni Sarah sa buong araw na pagliligpit sa bahay, naghanda na sya para sa hapunan. Sabay-sabay silang kumain ng kanyang pamilya. Pagkatapos niyang kumain, lumabas muna siya para paglibang. Napa upo siya sa kawayang upuan sa gilid ng kanilang bahay habang umiinom ng juice. Hawak-hawak niya ang baso at dahan dahang umiinom. Nilalasap niya ang inumin habang masayang pinagmamasdan ang kanyang kamag anak na masayang nakikipag kamustahan sa isa't isa.
Napangiti nalang si Sarah sa kanyang mga nakikita. Medyo may katagalan na rin kasi simula nang magkita ang kanyang mga kapamilya kaya ganun nalang sila kasaya habang nag uusap. Dahilan ito upang mapa isip siya.
"Namimiss talaga nila ang isa't isa. Ansaya nila tingnan! Naalala ko tuloy kung gaano din namin na miss ang isa't isa matapos ang ilang taon hindi pagpapansinan. Oo, magkakasama lang kami sa iisang classroom pero daig pa namin ang mga may long distance relationship. Mahal, naaalala mo ba yun? Hahaha Matapos kong ipagtapat ang nararamdaman ko sa'yo ay umiwas ka na. At simula nga noon, hindi mo na ako kinikibo. Parang hangin lang ang turing mo sa akin."
"Nagtagal din yun nang mahigit dalawang taon. Pero medyo wala din naman akong pakialam kasi nakahanap na ako nang bago kong magugustuhan sa campus. Grade 8 na tayo nun, siya naman ay Grade 7. Gwapo din sya at sports minded. Kaya nagustuhan ko sya! Pero ibang eksena naman yung sa kanya. Kung sayo ay patago kitang hinahangad, sa kanya naman ay bulgaran kong sinabi sa klase na crush ko siya."
"Dahil doon, palagi akong tinutukso ng mga kaklase natin. Ako naman kinikilig. Habang ganoon yung eksena, tinitingnan kita pero wala kang pake. Hanggang sa ikaw na rin mismo yung nang aasar sa akin. Tuluyan na ngang nabaling ang atensyon ko sa kanya. Wala na rin akong nararamdamang kakaiba sayo. Paano ba naman, sa tuwing nginingitian nya ako, ay kinikilig ako at ganoon din yung mga barkada ko."
"Tayo? Kahit papaano naging magkaibigan na ulit tayo pero hindi na kagaya nang dati. Yung parang magkakilala lang. At mahigit dalawang taon din na ganoon yung eksena natin. Hanggang sa naging Grade 10 na tayo at Grade 9 naman siya. Nagbago lang ang lahat nung nakita ko syang naninigarilyo. Na turn off ako nun! Ayaw ko kasi nung mga naninigarilyo kasi nga masama yun sa kalusugan. Simula noon, hindi ko na sya crush at hindi nyo na rin ako tinutukso. At naging tahimik ulit ang lovelife ko! Pero saglit lang yun, kasi ang pag uncrush ko sa kanya ay magiging simula pala nang bagong kwento, kwentong magbabago nang tuluyan sa akin at sa buong buhay ko."
"Isang hapon, may practice tayo para sa isang dula dulaan. Nang bigla ka nalang nagmamadaling tumakbo paalis bitbit ang 'yong bag. Yun pala nakatanggap ka ng text message na nag sasabing na aksidente daw yung kapatid mo at kailangan mo pumunta sa Hospital. Tinatanong ka namin nun kung bakit parang nagmamadali ka, pero hindi mo na kami sinagot. Gabi noon, nagtext ako sa'yo upang kamustahin ang kalagayan ng kapatid mo, sabi mo okay na din siya. Kahit papaano ay nawala yung kaba ko. Kahit ako din kasi ay nag aalala. At mula sa kamustahan na iyon, nasundan pa yun at nagtuloy tuloy. Naging personal na rin yung palitan natin ng tanong. Tatlong araw ka nang hindi pumapasok kasi nagbabantay ka sa kapatid mo. Pero patuloy parin yung palitan natin ng mensahe."
"Isang gabi, tinanong mo nalang ako kung may boyfriend na ako. Sabi ko, wala pa. Sagot mo naman, "Ano kaya kung maging tayo nalang?". Nagulat ako noon. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko. Sinabi ko nalang na, "Hindi mo pa nga ako nililigawan, tayo agad?". Tapos nagreply ka din agad, "Ligaw? Kailangan pa ba yun? Pero kung ayan yung gusto mo. Sige liligawan kita." Hindi na alam ng puso ko kung ano ang kanyang gagawin. Ambilis nang tibok ng puso ko. Nagreply na din ako, "Wag ka na manligaw". "Hala? Bakit?" sagot mo. "Kase sinasagot na kita!" Reply ko. Mapusok! Malandi! Pero wala eh, mahal talaga kita. Bumalik ulit mga feelings ko sa'yo na akala ko wala na. At yuuun! Dito na nagsimula kung anong meron tayo ngayon! Pumasok ka na rin sa school pero hindi tayo nagpapahalata kung anong nangyayari sa atin. Tayo lang nakaka alam sa relasyon natin. Pero sa text, grabe yung palitan natin ng mensahe. Sa text din tayo nag aaway at nag kakaayos. Pero sa personal hindi man natin na eexpress by words yung nararamdaman natin, mata naman natin yung nagsasabi kung gaano natin kamahal yung isa't isa. Ingat na ingat din akong mahawakan nung iba yung cellphone ko baka kasi mabasa nila yung sorry mo at pagpapaliwanag matapos nating mag away dahil aksidente mo akong na mura."
"Naging ganito yung sitwasyon natin. Sa una okay lang, pero habang tumatagal hindi na ako komportable. I have this feeling of guilt! Hindi ko kayang niloloko yung mga kaibigan ko at magtago nalang sa kung anong meron tayo. Kaya umabot lang tayo hanggang apat na buwan. Hindi ko man pormal na sinabi na makikipag hiwalay na ako sa'yo, pero unti-unti ay ako na ang umiwas at hindi na rin ako sumasagot sa mga text messages mo. Hindi ko ipinaliwag sa'yo kung bakit dahil ayaw ko nang pahirapan yung sarili ko."
"At wala na ngang tayo. Pero wala namang nakakaalam sa mga naganap sa atin. Balik ulit tayo sa dati! Simpleng magkakaibigan."
At nakatulog si Sarah habang naka sandal sa pader habang nagmumuni muni. Malalim na ang tulog nya dahil na rin sa pagod sa buong maghapong paglilinis. Kaya binuhat nalang siya ng kanyang Kuya at dinala sa kanyang kwarto para magpahinga na. Mahaba ang naging tulog ni Sarah at anong oras na din sya nagising. Nagising sya dahil ginising siya ng kanya pamangkin dahil mag aalmusal na ang lahat. Nag ayos na sya at lumabas sa kwarto.
Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila para mag grocery. Mga tanghali na sila bago nag simulang mamili ng mga kakailanganin sa bahay. Andami nilang pinamili bilang paghahanda na rin sa isang okasyon. Kaya takip silim na sila natapos. Buti nalang may sarili silang sasakyan kaya mapapaaga ang uwi nila.
Inilagay na nila yung pinamili nila sa likuran ng sasakyan. Ang kanyang kuya ang nagmamaneho ng sasakyan at ang kanyang Ate naman yung sa tabi ng driver. Si Sarah sa may likod, sa gilid ng bintana.