App herunterladen
54.05% Anchored Completed / Chapter 20: Chapter 17

Kapitel 20: Chapter 17

LOCKSMITH

After lunch ay naglakad kami sa lilim para magpatunaw ng kinain. The resort was good. Sobra din silang busy. The restaurant was full but I was grateful that Peter made a reservation for us before coming here.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Tapos sa mukha niya. I held my breath when I saw him looking at me. Iniayos ko ang hinahangin kong buhok habang tinitignan siya.

He was so sexy with his muscled shirt on and his jeans. He was barefoot like me.

He took my hair in one hand and tied it back. Nagulat ako kung saan niya nakuha yon pero hindi na ako nagcomment. Nakakailang na naman ang tingin niya kaya iniwas ko.

He pulled me closer at napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. I glanced up and sure enough nakatingin pa rin siya sa akin ng matiim.

"Ang ganda dito. Thanks." Nasabi ko na lang at itinukod ang mga kamay sa dibdib niya.

"Yes, you're beautiful."he answered then crouched down. Napatawa ako at itinulak siya.

"Bolero. May pwede ba tayong gawin dito? Like boating? May nakita akong island doon oh!" Turo ko sa kanya.

He nodded then made me sit on the lounger.

"I'll check it out. Wait here. You want something to drink?" Napatango ako.

"Buko nalang. " sagot ko at ibinaling na ang tingin sa dagat.

To get to the sand, we have to walk down the steps. There were lounger and umbrellas scattered along the beach.

Napabuntong hininga ako ng mapansing parang natagalan si Peter sa pagtatanong. So I waited some more. Napatingin ako sa mga babaeng pababa galing sa resort.

"Gosh. He's so handsome. I think I saw him in a hollywood mag with Camilla!" One of the girls giggled.

Napakunot ang noo ko at tumingin sa ibang direksyon but my ears were all on them.

"Too bad, Nadine's with him." Sinong Nadine? Si Peter ba yong tinutukoy nila?

"Bakit pala andito si Nadine?" Tanong nung isa.

"To do some photoshoot daw. The beach here is pristine kaya ito ang kukuhanan for advertisements. Then siya naman ang napiling ambassador ng Pilipinas for tourism."

Oh..So she's a model. Kung si Peter yong tinutukoy nilang lalaki, talagang hindi na makakabalik dito si Peter dahil mahilig yon sa mga model na malalaki ang dibdib.

Naiinis na napatayo ako sa lounger. Para din pala siyang si Luther! Mang aaya tapos kapag may nakitang iba, yon muna ang pagtutuunan nang pansin. Mga lalaki nga naman.

Naglakad na ako palayo para ikalma ang sarili. Natigilan ako ng makitang malapit na ako sa gubat. May cliff sa itaas na nagextend pa sa dagat. Tapos sa ibaba ay maraming bato. Sayang wala akong dalang camera. Pang post card pa naman..

Napatingin ako sa paligid at napansing wala ng tao. Sobrang init ng katawan ko so I decided to swim. I removed my romper and hanged it on the dried rocks then walked to the water. And swam.

The cold water instantly relieved my sweaty and hot body. Nagpabalik balik ako at napatigil nang may naaninag akong paa sa gilid ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakitang walang katao tao. Nagkibit balikat nalang ako at lumusong ulit. Napapiglas ako ng may humila sa paa ko. Napalingon ako at nakita si Peter na may madilim na mga mata sa ilalim ng dagat. Ikinampay ko ang mga kamay para iangat ang ulo sa dagat. He pulled me up too.

"Why did you do that?!" I shouted angrily at him.

"I should be the one asking you that! You just left without any trace!" He clenched his jaw.

"Because you're busy! I can't wait for you!" I shot back.

Napakunot ang noo niya at umiling. "Love, I just talked to the receptionist about the boat. What are you saying?" He said confused then pulled me into his arms. He wrapped his arms around my waist.

"I heard those girls! You're with some model! Wag ka nang magkaila!" I hit his chest and pushed him.

"Love.. no. What are you saying?" Mas lalo akong nainis. Kahit nahuli na nagmamaang maangan pa rin!

"Shut up! You're always with girls! Kahit saan ka magpunta!"Pinagtutulak ko siya. Hindi ko alam kung san nanggaling ang galit ko pero sobrang inis na inis ako sa kanya. Just by remembering all his girls in the hollywood.

Hinuli nya ang mga kamay ko at inipit sa pagitan ng mga dibdib namin.

"They were just for promotion."

"Liar!" Naiiyak kong sabi. At pumiglas.

He wrapped his arms around my waist then pulled me more. Sobrang higpit na halos maputol na ang paghinga ko.

"Love. Listen to me. I never dated anyone after you. I swear. You're the only one I've wanted all my life." He said then loosened his hold on me. He stared at me with his soft blue eyes.

Natigilan ako. At napalunok. Bigla kong naalala ang dati naming engagement.

Was this the part two?

"Did Tita order you to marry me again? Sorry to say this but I will never marry you Peter! Not now not ever!" sabi ko at pumiglas. Natigilan siya at nabitawan ako.

I swam to the shore and pulled my romper off the rocks. I almost ran back to the resort. I could feel him behind me.

"I wanna go home Peter." Galit kong sabi bago umakyat sa hagdan papasok sa gate ng resort.

"Love.. please. My mom is out of the picture." He begged then pulled me by the wrist. Napabalik ako sa dibdib niya

"Let me go home Peter!"galit kong sigaw.

Nang hindi siya kumilos ay pinagsusuntok ko ang dibdib niya. He pulled my hands down using his hand and the other one grabbed my hair and kissed me.

Napatingala ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. His eyes were closed and brows slightly furrowed.

He pulled away when I didn't kiss him back. His eyes were red. I could also see desperation in them and pain.

"Please believe me.. I never had any girls after you." Napapikit ako dahil parang sumasakit ang puso ko na makita siyang parang nasasaktan. It couldn't be.. he never loved me before. He was just doing his duty when he proposed to me.

"I wanna go home Peter." Matigas kong sabi. Dahan dahan niya akong binitiwan. He looked away and combed his hair.

"Okay. I'll give you time to think about us." He said dejectedly then looked at me.

Napaiwas ako ng tingin at naglakad palayo.

I was on the parking lot waiting for Kuya Ram when Luther suddenly appeared from nowhere.

"Shan, sandali.." he stood in front of me. I crossed my arms on my chest. Waiting for him to say what he wanted to say.

He scratched his head and looked away.

"Sorry about last Saturday. I went back for you but you're gone.."

"Yeah." Tangi kong sagot. Naalala ko pa rin iyong ginawa nya. Nakakainis lang na nakipaghalikan siya sa 'kaibigan' niya knowing that I was there. Parang nainsulto ako. I was his date that day.

"Well.. I'll make up to you. Maybe this afternoon we can have a road trip or something.."he said shyly.

"I'm busy this afternoon and until next week eh." Dahilan ko at tumingin sa likuran nya. Nakita ko si Travis na pasakay sa sasakyan niya na may hawak ng cellphone sa tainga. Iginala nya ang tingin niya then nung nakita ako ay nakipag usap siya at lumabas ulit.

"What about the next? I can wait.." napatingin ako sa lalaking makulit na nasa harapan ko.

"Luther.. I just don't feel like this is going somewhere." Prangka kong sabi. I just couldn't get it. Was he thinking that he could still get a chance after doing that to me?

"Try me again. Tsaka i was caught off guard that time. Hindi ko alam na may gusto pala siya sa akin." You still kissed her back! Gusto ko ng isigaw but I just pressed my lips together.

When I saw Travis looking bored coming towards us, I suddenly got an idea.

"We're cool. I supposed you had a great time so don't worry about me." Sagot ko at hinila si Travis. He just furrowed his eyebrows. But didn't say anything. I clasped our hands together.

"I still wanna try to court you.." napahinto sa pagsasalita si Luther at tinignan ang mga kamay namin ni Travis. I raised it to show it to him.

"You missed your chance. Go somewhere else." Travis answered for me and pulled me to his car.

I sighed in relief. Buti nalang kahit aantok antok itong lalaking ito ay mabilis ang pick up niya.

"Thanks. Bawi na lang ako sayo next time!" Nakangiti kong sabi nang makasakay sa kotse niya si Luther.

"That's the third time you used me Shanelle. That's why he's getting mad at me." Napapout ako. Anong magagawa ko kung habulin ako ng mga walang hiya?

"Kaya nga babawi ako sayo next time eh!"

"I don't need that. I want my peace of mind." He said then raised our clasped hands.

"Like now. I feel like he wants me dead." Napabuntong hininga siya at binitiwan ang kamay ko.

"Sino si Luther? Mas malaki naman ang katawan mo doon. Pwede mo siyang mapatumba." Sabi ko at ikinawit ang kamay ko sa baywang niya at binalak na maglakad papunta sa dati kong pwesto.

Biglang nagmura si Travis at bahagya akong itinulak palayo sa kanya. Napaurong ako sa matigas na bagay na dibdib pala. Tumingala ako at nakasalubong ko ang asul na mga mata ni Peter. I didn't see him for almost a week. Though he kept texting me and sending me pictures of him with whatever he was doing.

Naitulak ko siya nang pumalibot ang mga kamay niya sa maliit kong baywang.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Fetching you. Ram couldn't make it." Sagot niya habang tinignan si Travis ng nanlilisik ang mga mata.

"Hey! Bakit mo siya tinitignan ng masama? He just help me out!" Sabi ko at hinampas siya sa dibdib. Ang tigas talaga.

He clenched his jaw then looked at Travis' hand that I held awhile ago before turning his attention back at me.

"Let's go love." He said darkly and pulled me towards his car. I waved at Travis and he nodded back.

Peter just opened his door and helped me to get in. He then buckled my seatbelt on.

"Is there something wrong?" Tanong ko dahil tahimik lang siya. He just swallowed hard then shook his head.

In no time, nakarating kami sa bahay at mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako ng pintuan. Napansing kong nawala na ang plaster niya sa mukha. Gwapong gwapo na ulit. May stubble din siya na bumagay sa kanya. He looked ruggedly handsome.

He pulled me out of his car and walked hand in hand towards our house.

"Love, mommy wants to talk to you. She's here." Napalingon ako sa kanya at sa kamay naming magkahawak. Bahagya kong hinila ito para mabitiwan niya. At nauna nang pumasok sa loob.

Noong last na nagkausap kami ni Tita, isang buwan sila ni Tito sa Morocco for a holiday. Pero bakit andito na sila? Was there an emergency?

Nakita ko sina Mommy at Tita Patricia na nag uusap.

Tita spread her arms and I ran to hug her. When we sat down the couch, I asked about Tito. She said he's still in Morocco. Namiss lang daw ako kaya bumisita na. Napatango lang ako. Tita Patricia always visit us whenever she's free. Sometimes Tito Vincent would come too. She's really kind to me. Panay pa bigay ng pasalubong sa tuwing uuwi galing sa ibang bansa.

Peter came in and sat beside me. Nanlaki agad ang mga mata ko nang umupo siya nang sobrang lapit.

"Hay nako, I knew the first time I saw her Pat. Now Ashmere couldn't rest still in Manila!"my mommy giggled. Pinag uusapan nila si Kuya at Gia?

"Well buti kapa! Ako nga naghihintay pa rin na may ipakilala sa akin ang kambal ko. Lindsey's busy with our company here while my Peter's in charge with the promotions of our shipping line in America" I stiffened in my seat at napatingin kay Tita na nakatingin na sa akin. She smiled broadly at me. I smiled back.

"Tama! It's a clever idea Peter na pumunta sa party to promote your company with famous models. Lahat ba sila ambassadors nyo?" Mommy asked. Lalo akong napipi.

"No Tita. Only few models."tipid na sagot ni Peter. I couldn't look at him. I remembered what we've talked about last week.

"Hindi Mar. Noong unang lumabas si Peter kasama si Camilla, naging mainit siya sa mata ng public at naging hit kaya ininvite din siya ng ibang handlers to escort their models para makilala din. For promotions. Nothing else." Mas mahabang paliwanag ni Tita at tinapik ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Napaangat ako ng tingin. I didn't know what to say. I just smiled awkwardly.

"Can I talk to Shanelle, Mar?" Tita asked while smiling warmly at me. Mommy smile and got up.

"Of course. I'll just supervise our dinner. Sa kitchen lang ako mga anak." Mommy said then caressed my face and Peter's then she walked out of the living area.

"I wanna talk to you iha alone and show you my presents. Pero nasa kotse pa.." Tita Patricia said quietly

Napatayo ako agad at umalalay kay Tita. Si Peter ay agad lumapit kay Tita so nagkabungguan ang mga katawan namin. He held my waist to steady me. Ngumiti ako pero hindi siya tinignan sa mga mata. Nahihiya ako dahil pinaratangan ko siyang babaero pero for promotions lang pala talaga yong paglalabas labas niya sa hollywood..

"Peter, why don't you stay and talk to Santiago or help your Tita in the kitchen? I remembered Shanelle likes your cooking..." Tita suggested. I saw him hesitate first because leaving us.

Naglakad kami papunta sa kotse niya.

She showed me all the paperbags from branded stores inside her car and told me they're all mine. Then sa boot ay kina daddy and mommy.

Ang dami naman.. I called our helpers to get the paperbags. I should give her presents too when I go abroad..

"Diba iha, I told you that I would never arrange you to any of my sons?"she said slowly after our helpers emptied her car.

"Opo.."sagot ko ng tahimik. Pinapakiramdaman siya.

"Well.. ayoko kasing isipin mo na may ginagawa na naman akong ganoon." Naalala ko ang sinabi ko kay Peter last week.

"Tita, sorry po.. kasi.." putol putol kong sabi.

"I really like you to be my daughter. Pero I won't force you to be with my son. Kahit kanino. Please believe me."malungkot na sabi ni Tita. Napatango ako ng ilang ulit.

Parang ang sama ko kasi walang ginawang masama si Tita tapos napag isipan ko na naman siya ng masama. Ano naman kayang sinabi ni Peter?

Kitang kita ko ang lungkot sa mukha ni Tita.

"So sana wag mong pag isipan ng iba si Pe-, I mean kung sinuman sa kanila ang lumapit sayo." Tita said sadly. Napatango ulit ako. Biglang nalungkot. I felt really bad.

"Sorry po. Sorry po talaga." Hiyang hiyang sabi ko.

"So can you do me a favor and try all your dresses and shoes for me? Marchelle's also excitedly to see you with them on."she said happily. Nabigla ako dahil mabilis na nagbago ang expression ng mukha ni Tita.. Hindi ko nalang pinansin. I like to see her smile..

I smiled broadly too and nodded.

"Sure po Tita.."

Tita Patricia stayed for another hour after dinner at nagpaalam na ring uuwi. Kakarating lang pala niya galing sa ibang bansa at dumiretso dito! Tapos ininvite niya ako sa bahay nila para magstay in two days dahil mag isa lang daw siya at baka malungkot lang. Pumayag agad si Mommy at Daddy. Nagimpake agad ako at sumama na sa kanya. Wala namang kaso dahil Saturday bukas.

Peter left before dinner kaya alam kong wala siya sa bahay nila.

Nagkwentuhan pa kami ni Tita bago napagdesisyunang matulog na.

Kumuha muna ako ng isang basong gatas at uminom bago umakyat papunta sa kwarto ko. My room that Tita gave me was far from the master's bedroom. I haven't been here before. Kasi sa Manila naman sila naglalagi dati. There were three bedrooms downstairs then on the second floor, three on the right and two on the left. The master's bedroom was twice the size of the other rooms sabi niya. Inilibot ako ni Tita sa ibaba. Tapos sa kwarto nila. Pero isang bedroom lang ang bukas at iyong iba ay nakalock kaya hindi ko na nakita.

Napatingin ako sa dalawang pinto malapit sa dulo. Nang sinubukan kong buksan ay nakalock talaga kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko.

Napangiti ako nang makita ang design ng room. May king size bed sa gitna, leather couch at wooden table. Sa gilid ay may swivel chair at desk. Tapos may dalawang pintuan. Probably walked in closet at bathroom. Minimalist. Maaliwalas sa mata ang sky blue na pintura.

I stripped my clothes off me and walked around the room in my brassiere and thong. Natigilan ako ng pagbukas ko ng walked in closet ay may mga damit ng lalaki! Mabilis kong hinila ang mga drawers. Namali ata nang kinuhang susi si Tita.

Nagkibit balikat na lang ako. Siguro bukas ko na lang sasabihin. I'm sure tulog na rin si Tita eh.

I checked all the clothes. Natigilan ako ng nakita ang tshirt na binigay ko kay Peter long time ago!

I bit my lower lip. Buti na lang umalis na siya papuntang Manila kundi baka mapauwi ako sa bahay ngayong gabi!

Lumabas na ako dala ang bag ko at inilagay nalang sa bathroom. Tapos nagshower na ako at toothbrush.

Nang matapos ay napapailing akong lumabas ng glassdoor para kumuha ng tuwalya sa cupboard sa tabi ng pinto ng closet. Magkaconnect ang closet at banyo.

Napahinto ako ng biglang bumukas ang pintuan ng closet! Agad kong inangat ang ulo ko at nakita si Peter na natigilan sa pagpasok. Napasigaw ako sabay takip sa katawan kong hubad. Mabilis siyang tumalikod at nagsorry.

Nanginginig ang katawan na mabilis akong nagbihis. Buti nalang dinala ko ang bag ko sa loob ng banyo!

Mabilis kong inilagay sa bag ko ang mga marumi kong damit at lumabas na.

Nakita ko siyang nakaupo sa gitna ng kama niya. Nakalislis na ang longsleeves at nakita ko na naman ang bangle niya. Bahagyang magulo ang buhok, bukas ang ilang butones niya at kitang kita ang matigas at mabalahibong dibdib.

Napatingin siya sa akin kaya umiwas ako agad nang tingin.

"Tita invited me here to stay with her kasi mag isa lang siya dito." Paliwanag ko.

"At namali siya ng bigay ng susi dahil dito ako napunta. Maybe you can help me get the keys to the other rooms para makalipat ako.."i suggested. Kahit kinakabahan ay pilit kong pinakalma ang loob ko.

"Sure.." he said then kinuha na niya ang dala kong bag.

Pagkalabas namin ay nagkagulatan kami ni Tita na pababa na ng hagdan.

"Oh!! Iho you're here. May nangyari ba?" Tanong ni Tita. Tumango si Peter at humalik. Napangiti ako sa kanilang dalawa na mahinang nag uusap.

Napatingin si Tita sa bag na dala ni Peter.

"Oh my! Peter said that you're in his room! Sorry iha!" Paghingi ng tawad ni Tita sa akin. Napatango lang ako at ngumiti ng bahagya.

"Tita, you should rest now. Si Peter na po ang bahala sa mga susi.." sabi ko. Nakita ko siyang nanlaki ang mga mata sabay hawak sa mga labi.

"Oh no! Letty took all our keys to the locksmith para ipaduplicate. Sa monday pa ang balik niya. Hindi ko naman alam na babalik si Peter dito!"nag aalalang sabi ni Tita.

Nagkatinginan kami ni Peter. "Peter, sa living room kana matulog. Shanelle will have your room." Utos ni Tita. Nanlaki ang mga mata ko.

Mahinang tumango si Peter at naglakad na dala ang bag ko papunta sa kwarto niya.

"T-teka Tita. Ako nalang po sa living room!" Ung couch kasi doon ay maliit lang. Dadating palang bukas iyong inorder ni Tita para mapalitan yon. Sa laking katawan ni Peter, sobrang awkward ng magiging posisyon niya.

"Iha, you're the girl here. You should take his bed. Kasalanan niya! Sinabi niyang babalik siya sa Manila ngayon!"

"Pero po ako iyong nakikitulog lang.."katwiran ko.

"You're my guest here. So don't worry. Anyway kung may problema kayo ni Peter, maybe just call me?" Sabi ni tita. Napatango lang ako. Halatang pagod na pagod na kasi siya.

Bumalik ako sa kwarto ni Peter at nakita ko siya kakalabas lang ng bathroom na nakaboxer lang at kinukuskos ang buhok gamit ng tuwalya.

Malapad ang mga balikat at siksik sa muscles ang braso, tyan at mga hita. Nakaramdam agad ako ng alinsangan. Kakaligo ko lang pero bakit ang init init ulit!"

"I'll just take this with me then you can have my room." Peter said then walked out of his bedroom with one pillow.

Napakagat ako ng labi at tinignan siya. Nakokonsensya talaga akong patulugin siya sa living room. For sure hindi komportable doon.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinawag siya na nasa gitna na nang hagdan.

Napatingala siya sa akin.

"Sa kwarto ka na lang.. ako na dyan." Mahina kong sinabi.

He just clenched his jaw and shook his head. Napatakbo ako pababa.

"Ang laki mong lalaki. Hindi ka kakasya dyan." Sabi ko at hinila ang braso niya.

"You can't sleep here. I don't want anyone seeing you with that lingerie on." Napatingin ako sa suot ko. Wala namang problema. Medyo manipis siya. Syempre sa init ng panahon ngayon, alangan nakapajama ako!

"Magbibihis na lang ako. Doon kana."hinila ko siya ulit.

"No."madiing sabi niya at tinignan ako ng masama. Napapout ako.

"Sige. Sa couch nalang ako sa kwarto mo.."bargain ko

"Love, just stop okay." He said then removed my hands and walked down the stairs.

"Sige na. Share na lang tayo sa bed.."sabi ko na nagpahinto sa kanya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C20
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen