"Pau, do you think it's my karma?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
Nakatingala ako sa langit… at payapang pinagmamasdan ang ma-bituing kalangitan.
"Karma?" Nagtatakang tanong niya. "You know what, I'm not really a believer of karma but why do you think it's your karma and in what way naman?"
Nanatili ang tingin ko sa itaas, inaalala ang mga pinaggagawa ko noong nasa murang edad pa lamang ako.
"I grew up getting everything I wanted. Kahit anong gusto at hindi ko gusto, nakukuha ko. Madali sa akin makuha ang lahat dati. Concert ticket? Mama is just one call away. New car? Papa is absolutely ready to help. A vacation? Lolo Mado will pay that for you. An impossible dream? Lola will definitely get that for you. Way back, everything was so easy and accessible. Pero bakit ngayon… simple lang naman ang gusto ko, ba't ang hirap kunin? Ang hirap abutin?"
"Ano pa ba ang gusto mo, MJ?"
Ibinaba ko ang aking tingin at pinagmasdan ang beer na hawak-hawak ko. Napabuntonghininga ako at marahang ipinikit ang aking mga mata.
"Pau, I want a complete family for my children. Pau, gustong-gusto ko nang ipakilala sa kanila ang totoong ama nila. Pau, gusto ko nang kasangga sa buhay." Tinatagan ko ang aking loob para hindi bumagsak ang mga nagbabadyang luha. "Pau, one second I want them to be kept away from his family and the other second, I want them to at least know the existence of my children. Pau, I am so confusing!"
I heard Paulla sighed and then she tapped my back.
"Hindi kasi lahat ng gusto natin, agad nating makukuha. Maski ikaw pa ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo, hinding-hindi ka makakabili ng pangalawang buhay para sa sarili mo." I glance on her way. "Hay naku, nakaka-stress ka talaga kahit kailan, MJ! Simple lang naman ang solusyon d'yan sa problema mo, e."
"Ano naman 'yon?"
"Edi magpatawad ka!" She said it like it's a matter of fact. "Forgive him and you'll going to get what you wanted! Simple problem with simple solution, pinapa-complicate mo lang ang situwasiyon, bruha," dagdag na sabi niya pa.
Sumama ang mukha ko sa mga pinagsasabi ni Paulla. Napatungga ako sa beer na hawak ko.
Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Yanson. May kaonting salu-salo dahil naka-pasa 'yong isang pinsan nina Genil at Nicole sa board exam ng Nursing. E, in-invite kaming mga friends nila kaya nandito kami ngayon. Kasama namin ang barkada pero si Paulla lang ang sinabihan ko ng problema ko. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon pero si Paulla lang ang binagsakan ko ng problema dahil siya lang naman ang bukod tanging naiwan dito sa table namin.
"Tsk, tsk, tsk, tsk…" Napapa-iling na sabi ni Paulla matapos akong nanahimik sa kaniyang sinabi. "Kasing tayog ng bundok ng Lunay ang iyong pride, kaibigan," wika pa niya. "Tatanungin nga kita, MJ, mahal mo pa ba si Darry?"
Fireworks. A lot of fireworks.
Humigpit ang hawak ko sa bote ng beer at mariin itong tiningnan. Sa boteng iyon ko inilabas ang kabang naramdaman ko nang itanong sa akin ni Paulla iyon.
"Kasi kung hindi mo na siya mahal, madali lang sa iyong sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga bata, madali lang sa iyong sabihin sa mga bata ang tungkol sa kanilang tatay. Madali lang ang lahat kung ganoon, MJ. At kung sasabihin mo naman sa akin na mahal mo pa siya, siguro kaya ka nahihirapan ngayong sabihin sa kaniya dahil wala kang assurance o dahil natatakot ka na hindi mo mabubuo ang pamilyang dapat ngayon ay buo."
Nilingon ko si Paulla. Napatagal ang titig ko sa kaniya.
"Alam mo Pau, hindi ko alam kung si Ressie ba o ikaw ang nagtapos ng Psychology, e. Bakit nga ba hindi ka nag-psychology?" Pag-iiba ko sa usapan na agad sinimangutan ni Paulla.
"Kahit kailan talaga, hindi kita makausap ng matino! Please naman, MJ, kahit ngayon lang, magtino ka naman?"
Imbes na mainis sa sinabi ni Paulla, natawa na lang ako.
"I am serious!"
"Seryoso 'to ha? Kapakanan ng mga anak mo ang nakasalalay dito. I don't want to predict something pero sa tingin ko bukas na bukas, pupuntahan ka ni Darry sa bahay niyo. 'Di ba sinabi mo, nasabi mo sa kaniya na sumang-ayon ka sa sinabi niya? Edi tama lahat ng hinala niya kaya he will make a move. He's that determined, MJ, believe me kasi wala ka rito noong desperadong-desperado siyang makita ka." And she left me alone and joined the others who are currently dancing in front with the Yanson Family.
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni Paulla. Mas lalo akong naguluhan.
Inubos ko ang alak na dala ko at napagpasiyahang makihalubilo na sa iba. It has been a while since I've indulged myself with this kind of happiness.
Nasobrahan yata ako sa kasiyahan kagabi at hindi na ako nakauwi sa amin. Kagigising ko lang at alam kong lasing na lasing ako kagabi kasama ang mga kaibigan ko. Dito na nga kami nakatulog sa bahay ng mga Yanson kahit wala naman sa plano. Like the usual, nagsiksikan kami sa bahay nina Nicole.
Kakamulat ko pa lang ng aking mata, nakita ko agad si Lory, Lorene, at Paulla na abala na sa kani-kanilang phones. Si Vad at Maj naman ay tulog na tulog pa rin, pati si Genil na nasa gitna nila. Si Nicole ay wala na sa tabi ko kaya nag-unat ako ng katawan at lumabas sa kuwarto ni Nicole para pumunta ng kusina. Jessa and Ressie ay nasa Manila ngayon kaya wala sila. Baka kako kayo magtanong.
Binati ko si Tita Lajean at Tito Nilo dahil naabutan ko silang nakaupo na sa hapagkainan nila. Si Ate Filda naman na kapatid ni Nicole ay paalis na para sa trabaho niya. Sunday ngayon pero may trabaho siya, ganoon siya kasipag magtrabaho.
"Oh, madam," sabi ni Nicole sabay lapag sa harap ko ng mug of coffee. "Pampawala ng amats," sabi pa niya.
"Thank you, badly needed," sagot ko naman. Tumawa pa si Tita Lajean sa sinabi ko tapos ay nagpatuloy sila sa pagkain.
Maya-maya lang din ay nagsunuran na ang iba pa naming kaibigan sa kusina. Ngayon ay tapos ng mag-agahan sina Tito at Tita kaya kami naman ngayon ang mag-aagahan. Kaya mas lalong umingay ang bahay ng mga Yanson.
"Grabe 'yong sayaw ni Genil kagabi, hindi ako maka-get over." Habang naghahanda si Nicole ng agahan namin ay nagsimula na nga ang kuwentuhan sa nangyari kagabi. "Pati si Maj at Vad sinasayawan na ni Genil, Tita," dagdag na sumbong ni Lory kay Tita. At marami pa silang ikinuwento kay Tita tungkol sa mga nangyari kagabi. Madaling-araw na rin kasi kami natapos kaya hindi na naabutan ni Tita 'yong mga nangyari.
"Ang tatanda niyo na pero nandito pa rin kayo at magkakasama, nakakatuwa lang tingnan," biglang komento ni Tita matapos ang aming tawanan.
"Sayang nga lang at hindi kami kumpleto ngayon, Tita," sabi ko naman habang nilalantakan ang agahang personal na ginawa ni Nicole.
"Ang sayang-sayang din, super fun pala rito. Bakit ba hindi ako rito nag-high school ano? Edi sana mas naging masaya ang buhay niyo dahil naging kaibigan niyo ako dati pa," sabi naman ni Genil na tinawanan namin at agad kinantiyawan ni Vad at Maj.
"Tuloy na ba ang alis niyo next week?" Tanong ni Paulla matapos ang tawanan. Patungkol niya sa dalawang mag-pinsan.
"Yep, papatapusin lang namin ang birthday ng kambal… and speaking of, ano? Bongga ba ang party ng kambal?" Tanong ni Genil.
Tumingin sila sa akin kaya napatigil ako sa pagkalikot sa pagkain ko para tingnan naman sila.
"Gusto ko sana 'yong simple lang, ayaw ko namang gumastos nang bongga dahil hindi naman sanay ang dalawa sa bonggang handaan kaya I want it as simple as possible, 'yong tayo-tayo lang," sagot ko naman.
Oo nga pala, malapit na pala ang birthday ng kambal. Sa sobrang daming bumabagabag sa akin ngayon, halos makalimutan ko na ang sariling birthday ng mga anak ko. Responsableng ina pa ba ako nito?
"Sana nga at ma-kompleto tayo. Makakauwi ba raw ang dalawa?" Dagdag na tanong ko pa.
"Settle na 'yong leave ni Jessa. Ressie will be there, hopefully," sagot naman ni Paulla. "Hay naku, kapag umalis na sina Nicole, si Maj naman ang susunod na aalis," dagdag na sabi pa niya kaya mas lalong humaba ang usapan.
Sasama kasi si Maj sa Canada, ni-recommend ko siya sa SLC kaya siya lilipad doon. Ako nga sana dapat ang maghahatid sa kaniya roon but I'm still here and needs to finish the project kaya may inabisohan na lang akong kaibigan doon sa SLC para masamahan si Maj.
Ganoon pa rin ang updates ng aking mga kaibigan, walang pinagbago, lahat masaya pa rin at payapa. Successful sa aming napiling mga profession at kahit lumipas man ang panahon, mananatili ang pagkakaibigan naming lahat, madagdagan man kami o malagasan.
It was so light and everything was in place.
Pagkatapos ng agahan ay agad akong umuwi sa bahay. Medyo mabigat ang utak ko ngayon, halatang kulang na kulang sa tulog.
Bahagya ko pang hinilot ang sentido ko habang papasok ng bahay. Alas-cinco ng umaga kaming nag-agahan kanina tapos alas-sais na ngayon, kailangan ko kasing umuwi ng maaga dahil magsisimba pa kami ng pamilya.
"Mommy…" Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang masiglang sigaw ni Keyla. Agad niya akong sinalubong ng yakap, silang dalawa ni Kaven. Pinaghahalikan ko ang dalawa. "Mom, magbihis ka na po, we're going to church pa po 'di ba?" Wika agad ni Keyla matapos ang bati ko sa kanila.
Pinasadahan ko sila ng tingin at nakaayos na nga sila. Pinasadahan ko rin ng tingin ang salas ng bahay and…
Punyemas.
Mas lalong bumigat ang utak ko sa nakikita ko ngayon. Gusto kong mag-overreact pero wala ako sa hulog ngayon kaya ang tingnan lang siya ang kaya kong gawin.
"Mom, sasama raw po si Tito Darry sa atin sa pagsisimba," biglang sabi ni Kaven. "Do you remember him, Mom? We forgot to say thank you to him the other day, Mom."
Napabuntonghininga na lang ako sa nadatnan kong nilalang na nakatayo na ngayon sa aming sala.
"Okay, magbibihis lang si Mommy. Si Lolo at Lola, nasaan?" Ibinalik ko ang tingin sa dalawa, gustong iwaglit ang atensiyong hatak-hatak ng isa.
"Nasa itaas pa po, pero they said na kapag umuwi ka raw po, sasabihin namin sa 'yo na you need to hurry up. Go, Mom! Baka ma-late pa po tayo."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Keyla.
"Can you accompany me upstairs?" Request ko pa sa kanila bago tuluyang umakyat sa hagdan.
"But Mom, who will accompany Tito Darry? He's alone," sagot naman ni Kaven.
"Dito lang po ako, Mommy," sagot agad ni Keyla nang siya naman ang lingunin ko. Napabuntonghininga ulit ako at tuluyan na nga'ng pumanhik pa-itaas, sumuko na sa buhay.
Wala talaga sa hulog ang buhay ko ngayon. Parang ang lahat ng makakasalamuha ko, ang bigat sa pakiramdam. Kusang sumusuko ang utak ko sa mga nangyayari ngayon lang.
Bago pa man kami tumulak papunta sa simbahan, nilapitan ko ang mga magulang ko.
"Mama, Papa, bakit po nandito si Darry?" May diing tanong ko kahit na pabulong lang ito.
"Mija, it's time," makahulugang sagot ni Papa na mas lalo yatang dumagdag sa pasanin ko sa buhay.
"Ipakilala mo na, anak. Maaaring ngayon ay hindi pa maiintindihan ng mga bata pero hihintayin mo pa ba na magtaka sila sa presensiya ni Darry? Sabihin mo na, anak," sabi naman ni Mama. Si Ate Tonette naman ay pinisil lang ang aking braso at nginitian ako ng isang malalim na ngiti bago kami naghiwa-hiwalay para sa mga kotse namin.
Kaniya-kaniyang alis silang lahat hanggang sa ako na lang ang naiwan.
"Mommy, let's go!" Parang bored na sabi ni Keyla mula sa loob ng kotse ko. Natawa ako nang bahagya kasi halata talagang na-bored na siya.
"Ako na magda-drive, sayang ang gasolina kaya mas mabuti kung nasa iisang kotse na lang tayo," biglang salita niya at hindi na nga niya hinintay ang confirmation ko dahil agad siyang pumunta sa front seat ng kotse ko at pumasok doon.
Mabibigat ang bawat galaw ko at hindi ko alam kung makaka-survive pa ba ako.
Maraming sinasabi ang kambal pero lahat ng iyon ay hindi rumirehistro sa utak ko. Ni-isang salita ay hindi napasok sa mabigat kong utak. Kulang ka na nga sa tulog, ganito pa bubungad sa iyong eksena. Pati ang misa, halos hindi ko na pansinin sa sobrang pagkalutang. Hindi ako handa sa ganitong klaseng eksena at hindi ito ang inaasahan kong pangyayari. I have planned it out kung paano ko sasabihin kay Darry ang tungkol sa mga anak namin pero hindi ko naman inaasahan na mapapaaga pala ang pagkaka-alam niya sa katotohanan. Happy Sunday indeed, everyone! What a Sunday talaga.
Natapos ang misa at napagpasiyahan ng kambal na doon sumakay sa Lolo at Lola nila. Gusto kong umangal pero may pakiramdam ako na sinasadya ng mga magulang ko ito kasi sila ang nag-suggest sa mga apo nila na roon na sila sumakay papunta sa Osmeña mansion, kung saan ang venue ng Sunday Luncheon namin for this week.
Naiwan na naman kaming dalawa rito sa tapat ng simbahan. Halos wala ng tao kasi kanina pa tapos ang misa. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng aking sasakyan habang nag-iisip. Hindi ko alam basta nag-iisip ako.
Hudyat ang tunog ng alarm ng kotse para pumasok ako sa loob. Sabay pa kami. Hindi niya pinaandar ang kotse. Nanatili kaming nakaupo roon, tahimik at mukhang nagpapakiramdaman.
Tulala at hindi alam kung ano ang sasabihin, tinatagan ko ang sarili ko at suminghap ng maraming hangin para lumakas ang loob ko.
"Bakit mo ba ako pinangungunahan?" Nang maka-ipon ng lakas ng loob, binasag ko na ang katahimikan naming dalawa.
"Bakit ikaw pa 'yong galit? 'Di ba dapat ako ang galit? Kasi itinago mo sa akin ang katotohanan, inilayo mo ako sa mga anak natin, tinanggalan mo ako ng karapatan sa kanila. Kaya 'wag mong sasabihin sa akin na pinangungunahan kita, MJ."
'Yong kaninang lakas ng loob na naipon ko, biglang naglaho dahil sa mga sinabi niya at dahil sa baritonong boses niya. Pinagsalikop ko ang aking kamay at mariing pinisil ang aking mga daliri, pinipigilan ang sariling lumuha na naman muli.
"Ang dami kong tanong sa 'yo, MJ. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Gusto kong malaman ang lahat, gusto kong ikuwento mo sa akin ang lahat. MJ, gustong-gusto kong makilala ang mga anak ko."
Yumuko ako at pinagtoonan ng pansin ang kamay kong nakasalikop at doon na nga bumagsak ang mga luhang kanina'y pinipigilan ko pa.
"MJ, bakit mo piniling ilayo sa akin ang mga anak ko? Bakit mo piniling buhayin sila nang mag-isa nang wala ako?" He broke his own voice and the more pleading I can hear from it, the more pain it struck my heart.
"K-Kasi…" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa aking sasabihin. "K-Kasi sobra mo akong nasaktan noon at dahil sa sobrang sakit ng ginawa mo noon, natatakot na akong magpakita sa iyo at ipaalam na buntis ako kasi alam kong wala na akong babalikan sa 'yo. Naghiwalay tayo. Nasaktan ako. Niloko mo ako. Nabuntis ako. Sa tingin mo babalikan pa kita para lang sabihin sa 'yo na magkaka-anak tayo? Darry, sa sobrang sakit nang ginawa mo, sumagi agad sa isip ko na hindi mo deserve ang mga bata!" Panunumbat ko sa kaniya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para matingnan siya sa kaniyang mga mata, kahit malabo, gusto kong ipakita sa kaniya kung anong sakit ang naramdaman ko noon magpahanggang ngayon.
"At anong mukha pa ang ihaharap ko sa 'yo kung sa tuwing nakikita ko ang tabloid ng Pilipinas, mukha mo at ng Callie Dela Rama'ng iyon ang makikita ko? Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit mas pinili kong sapupuhin ng mag-isa ang mga bata kaysa sabihin sa 'yo. Mas mabuting palakihin ko sila ng mag-isa kaysa malaman nilang isang taksil ang kanilang ama!"
Umiwas siya ng tingin sa akin at mukhang hindi makapaniwala sa binitiwan kong mga salita. Nag-iwas din ako ng tingin at sumandal sa inuupuan ko.
"D-Darry… sa tanang buhay ko, sa 'yo lang nahulog nang ganoon ang puso ko, sa 'yo ko lang binigay ang sarili ko." Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng aking labi. "S-Sa 'yo lang, Darry, sa 'yo lang… tapos 'yon pa ang matatanggap ko galing sa 'yo? Mga kasinungalingan at pagpapanggap?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero sinusubukan ko na pigilan ang mga ito but the more I get hold of my tears, the more it pains my heart.
Hindi siya agad nakasagot kaya tahimik akong umiyak habang nakatingin sa tapat ng simbahan. Pinapakalma ang aking sarili.
Ilang segundo muna ang nakalipas bago niya ibuka ang kaniyang bibig.
"I needed to lie just to keep you."
Bullshit!
"Totoo lahat ng nararamdaman ko sa 'yo. Totoong mahal kita. Totoo lahat iyon, MJ, and none of what I showed and felt you were lies." Nilingon ko siya at diretsong sa harap lang ang tingin niya but a tear escape from his right eye. "Maaaring nagsinungaling nga ako sa 'yo, nagtago ng iilang impormasyon, pero ginawa ko iyon dahil ayoko kang mawala. Kahit ayaw mo sa kasalan natin dati, ipinilit ko pa rin ang sarili ko sa 'yo dahil nagbabakasakali akong baka mahulog din ang loob mo sa akin kalaunan. N-Natakot lang ako na kapag sinabi ko ang tungkol sa kompanya namin, baka sa isang iglap lang ay iwan mo ako agad.
"Pero hindi totoo ang relasyon namin ni Callie. Noong una, plano niyang gamitin ako para makuha ang kailangan niya sa pamilya niyo. Kinailangan kong sabayan siya sa mga plano niya para hindi ka niya guluhin. And I swear, hindi ko sinunod ang plano niya, ni hindi ko nga alam kung sino ang may hawak ng titulo ng lupa na kailangan niya. Ginawa ko lang iyon para protektahan ka.
"Kay Lolo Mado naman…" Naagaw niya ulit ang atensiyon ko nang banggitin niya ang pangalan ng Lolo ko. Napaayos na rin ako sa pagkakaupo para marinig nang maayos ang kung anong explanation ang sasabihin niya tungkol sa nangyari dati. "Labag sa loob ko ang pagtatago ng sekretong iyon. Gustong-gusto ko nang sabihin sa inyong lahat ang tungkol sa kalagayan niya, lalo na sa iyo dahil gusto kong kumbinsihin mo siya na magpagaling at alagaan ang sarili niya at magpa-opera para madugtongan ang kaniyang buhay.
"Pero determinado rin ang Lolo Mado mo na itago ang sekreto niya alang-alang sa 'yo. Pinagbantaan niya akong habangbuhay niyang puputulin ang koneksyon ng Osmeña at Lizares sa kahit anong aspeto ng buhay kapag sinabihan kita sa kalagayan niya. Natakot ako. Bumigay ako. Kaya kinailangan kong magsinungaling para lang manatili ka sa buhay ko."
Sumasabog ang utak ko. Literal na gustong sumabog ng utak ko. Bigay na bigay na ako. Ang daming information ang pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung anong uunahin kong iisipin. Masiyadong marami at lahat ng iyon ay sobrang bigat sa dibdib.
Itinikom ko ang aking bibig. Tinitimbang ang emosyon sa paligid.
"I'm sorry, MJ, for what I did. I want us to start all over again kasama ang mga bata," pagbabasag niya sa katahimikan. "I want you back in my life…"
Tinapos ko ang usapan namin ni Darry sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya na kailangan na naming pumunta sa Osmeña mansion. Gusto ko ng panahon para makapag-isip pa sa lahat ng nalaman ko sa oras na iyon. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam.
Nang makarating kami sa Osmeña mansion, walang imik akong nakihalubilo sa pamilya ko. Alam kong nagtataka sila sa presensiya ni Darry pero wala ako sa hulog ngayon para i-explain sa kanila. Do I need to explain to them everything?
Matapos ang pananghalian, nilapitan ko ang dalawang bata.
"Kav, Key, can I talk to you for a second?" Bago pa man sila ma-occupied sa pakikipaglaro sa mga pinsan nila, kinausap ko na sila.
Dinala ko sa isang kuwarto ang dalawang bata. Nakapagpasiya na ako, sasabihin ko na sa kanila. At kung magalit man sila sa akin, tatanggapin ko.
Pinaupo ko sa kama ang dalawang bata at kumuha naman ako ng isang wooden stool para umupo sa kanilang harapan. Behave silang dalawa kaya nginitian ko naman sila.
"M-May sasabihin sana si Mommy sa inyo…" Panimula ko, medyo kinakabahan din. Kinakabahan sa kung ano ang kahihinatnan ng pag-uusap na ito.
"What will you tell us, Mom?" Tanong ni Kav.
Mas nilakasan ko pa ang loob ko lalo na no'ng makita ko ang ngiti ni Kaven.
"About your Dad…" Pigil-hiningang sabi ko pa.
Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko na parang nagtataka sa nasabi ko.
"Our dad, Mom? 'Di ba he's dead?" Inosenteng tanong ni Keyla.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga. Ito na talaga, sasabihin ko na talaga.
"Um… Mommy… lied to you. Your dad is not dead, he's alive,"
Hindi ko alam kung maiintindihan ba agad ng mga anak ko ang sinabi ko pero nilakasan ko na talaga ang loob ko para masabi lang sa kanila iyon at nang matapos na ito.
Matapos kong sabihin 'yon ay biglang umiyak si Keyla.
"M-Mom… why did you lie? 'Di ba lying is bad?"
Napapikit ako ng mariin at sinubukang pakalmahin si Keyla.
��Ssshhh, baby, mommy is sorr—"
"Is Tito Darry our father?"
Kusang kumalma ang iyak ni Keyla pero ako naman ang nataranta dahil sa sinabi ni Kaven. Tiningnan ko siya at seryoso ang kaniyang mukha na diretsong nakatingin sa akin. Kusang tumulo ang aking luha habang nakatingin sa mata ng aking anak.
Sometimes, I feel so lucky having a brainiac child.
"Y-Yes… your father's name is Darwin Charles Lizares and he is Tito Darry. Tito Darry is your father."
Tuluyang natigil sa pag-iyak si Keyla at seryoso nang nakatingin sa akin.
"What, Mom? Daddy namin siya?" 'Yong umiiyak na Keyla kanina ay biglang umaliwalas ang mukha. Tumalon siya mula sa pagkakaupo sa kama. Medyo nagulat pa ako pero agad din naman akong tumango sa naging tanong niya.
Sumigaw bigla si Keyla tapos tumakbo siya palabas ng kuwarto. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko agad napigilan ang pag-alis niya. Napakamot na lang ako sa aking ulo at napa-iling.
Iba man ang tabas ng dila ng mga anak ko dahil sa kanilang pagiging accelerated at matalino, mananatili pa rin silang bata. And Keyla's reaction is just normal to her age.
Tumalon din si Kaven mula sa kama at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisnge at hinaplos ng kaniyang maliliit na kamay ang aking pisnge at nakangiti akong tiningnan sa mata.
"Thank you for telling us the truth, Mom, I love you," sabi niya bago niya sinundan ang kakambal palabas ng kuwarto.
Kung hindi lang nakasuporta sa akin ang wooden stool, baka kanina pa ako bumagsak sa sahig ng kuwarto.
Ang suwerte ko… ang suwerte-suwerte ko!
Kinalma ko muna ang sarili ko bago naisipang lumabas ng kuwarto para sundan ang mga anak ko.
Saktong paglabas ko, ang unang eksenang nakita ko ay ang nakayakap na Keyla at Kaven kay Darry. Parang hinaplos ng isang mainit na kamay ang aking puso habang nakatingin sa mga anak ko na tuwang-tuwa na hinarap ang kanilang totoong ama. Piniga naman ng matindi ang puso ko nang makita si Darry na umiyak sa harapan naming lahat. Never in a million years would a Darry Lizares cry in front of other people, ngayon lang nang makilala na siya ng kaniyang mga anak. Ang sarap pala sa pakiramdam, para akong preso na sa wakas ay nakalaya na… nakalaya na sa katotohanan.
"Ano? Masarap sa pakiramdam 'no?"
Nilingon ko si Ate at ang kapeng inabot niya sa akin. Nakasandal ako sa back door ng mansion habang nakatingin sa mag-ama kong naglalaro at nag-uusap doon sa gazebo ng mansion.
Matapos kong sabihin sa mga anak ko ang tungkol sa tatay nila. Halos hindi na nila lubayan ito the moment na lumabas sila ng kuwarto. 'Yong pamilya kong naka-saksi sa pagtawag ng 'Daddy' kay Darry kanina ay teary-eyed na nakatingin lang sa kanila.
Kami-kami na lang ang naiwan ngayon sa mansion. Binigyan ko ng panahon na makapag-usap at makapag-bonding ang tatlo bago kami tuluyang umuwi. Sinamahan ako ni Ate Tonette.
Bumuga ako ng hangin at sumimsim sa kapeng hawak ko.
"Ano na ang plano mo?" Nagsalita ulit si Ate.
"Hindi ko alam. Siguro ang mas importante ngayon ay mabigyan sila ng oras na kilalanin ang isa't-isa," simpleng sagot ko naman.
"Grown-up ka na talaga…" Aniya na pabiro pang hinaplos ang pisnge ko. Sa sobrang inis ko, tinampal ko ang kamay niya.
"Ate…"
"Hindi na mabiro… Seryoso, akala ko habang-buhay kang mababalot ng galit mo, e."
Tinanaw ko ang malawak na garden ni Lola.
"Sa tingin mo, magiging proud ba si Lolo at Lola sa akin ngayon?" Out of nowhere ay naitanong ko sa kaniya. Nilingon ko ulit si Ate para makuha agad ang sagot.
"Hmm… oo naman! Tapos sasabihin ni Lolo Mado na 'Manang-mana ka talaga sa akin Constancia. Ha Ha Ha.' Ganoon!" At talagang ginaya niya pa ang accent ni Lolo, ha. Masiyadong ma-effort si Maria Theodora Antonette sa parteng iyon.
Tinawanan ko si Ate sa ginawa niya.
"Para kang timang."
Matapos ma-tuck ang mga bata sa kani-kanilang higaan, boluntaryo kong inihatid si Darry sa labas ng bahay. Malalim na ang gabi at mahigit labindalawang oras na siyang kasama namin. Buong araw, inilaan niya sa pamilya namin, pati na sa mga bata.
"Bukas ng gabi, dadalhin natin sila sa Manor de Lizares, I'll introduce them to the family," agad na salita niya nang makarating kami sa tapat ng kaniyang pick-up.
"I-Ihahanda ko ang mga ba—"
"Alam na nila ang tungkol dito and they're excited about it," pagpuputol niya sa gusto kong sabihin. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang.
"Okay... pupunta kami."
"Susunduin ko kayo. At susunduin din kita sa trabaho mo bukas."
"Y-You don't need to do that… may sasakyan ako," agad na reklamo ko. Ano bang pinagsasabi ng nilalang na ito?
"I'll fetch you tomorrow morning, then, para masundo kita after work."
Mas lalong nangunot ang noo ko.
"H-Hindi na—"
"Malapit na pala ang birthday ng kambal, anong plano mo?" Biglang iniba niya ang topic naming dalawa kaya wala akong nagawa kundi ang mag-isip at kalimutan na lang ang pagrereklamo.
Napabuntonghininga ako at pinag-ekis ang aking kamay.
"A simple dinner is enough, attended by close friends and family," simpleng sagot ko sa totoong plano ko para sa fourth birthday ng mga anak ko. Practicality at its finest.
"I don't think masusunod ang gusto mo. Fourth birthday ng kambal ito at ito ang unang birthday na present ako. It should be grand kaya sorry kasi hindi talaga masusunod ang gusto mo lalo na ngayon na pinaghandaan na ni Mama Blake ang party para sa kambal at mas lalong magiging grand pa ito kapag sumali si Mommy sa pagpa-plano. So do not attempt to make it as simple as you want, MJ."
Literal na napa-face palm talaga ako sa sinabi ni Darry. Si Mama talaga kahit kailan!
"Ngayon pa lang, sumasakit na ulo ko! At saka, Mama Blake?" Nagtatakang tanong ko pa nang marinig sa kaniya na Mama pa rin ang tawag niya kay Mama.
"I've been calling them Mama and Papa since we got married and hindi naman nagbago ang tawag ko sa kanila, ikaw lang naman itong ayaw nang tawagin sina Mom and Dad," may panunuyang sabi niya pa na inismiran ko.
"Ang kapal naman ng mukha ko kung tatawagin ko pa silang Mom at Dad kahit na null na naman 'yong marriage natin 'di ba?"
"Psh, dati rati pa lang talaga, masama na ang timpla mo sa kasal natin kaya no wonder…"
"So are we going to talk about this one again?"
"Kalma, hindi na, hindi na," natatawang sabi niya pa na lalo kong inismiran. "By the way, do you have baby pictures or videos of them? Can I see it or can I have it?"
Inayos ko ang expression ko sa mukha nang mag-iba ang kaniyang topiko na naman.
"Bukas, ipapakita ko sa inyong mga Lizares. Dadalhin ko."
Biglang sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Ipapakita mo sa amin ng sabay? Ako 'yong ama, dapat ako 'yong unang makakita kaysa sa kanila. Ang unfair naman yata no'n."
Mas lalong sumama ang mukha ko sa kaniya. Nangonsensiya pa ang ugok.
Wala akong naging choice kundi kunin ang phone ko sa back pocket ng jeans na suot ko. Kinalikot ko ito at hinanap ang album na collections ko ng mga photos ni Keyla at Kaven ever since they were born. Compilations iyon ng photos, videos, random boomerangs, and memes about them.
Uh, about the meme, I got bored kasi kaya ginawan ko ng mga memes ang mukha ng mga anak ko noong maliliit pa lang sila but I never posted it on social media kasi nga wala naman talaga akong social media accounts.
Nang makita ang video na hinahanap ko ay cli-n-ick ko ito para iyon ang mag-appear sa screen. Bago ko pa i-play, ibinigay ko na sa kaniya.
"I have an album there of their photos but that video is the compilation of it all." Habang nagsasalita ako ay cli-n-ick na nga niya ang play button ng video pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. "I was going to upload that one on social media noon pero nagbago ang isip ko kaya hindi ko na itinuloy."
He suddenly stops that video and looked at me. Pero ako, nanatili ang tingin ko sa phone ko na pa-simple niyang ibinulsa!
"Hoy! Bakit mo 'yan ibinulsa?"
"Mamaya ko na lang papanoorin, sa bahay. Ang ingay mo kasi, hindi ako makapag-concentrate."
"Phone ko 'yan! I need that!"
Dahan-dahan siyang umatras papunta sa pinto ng kotse niya habang masamang nakangisi sa akin.
"Kaya kailangan mong magpasundo bukas kung gusto mo pang makuha ang phone mo," he smirks again.
Gusto ko siyang sundan pero hindi ako makagalaw. Nagdadalawang isip ako.
Tuluyan niyang nabuksan ang pinto ng kotse niya pero bago pa man siya makapasok doon ay napigilan ko na siya.
"Sandali…"
"Yes, milady?" Idinungaw niya ang ulo niya. "Kung sa tingin mo ibabalik ko sa 'yo ang phone mo… Oo, bukas, ibabalik ko magpasundo ka lang," aniya na hindi ko alam kung mapapangiti ba ako o maiinis, e.
"Hindi… Ano kasi…" Punyemas, ngayon pa talaga nagbuhol-buhol utak ko? "M-May itatanong sana ako sa 'yo…"
"What is it?"
I clenched my fist and prepared myself for his answer.
"Tungkol kay M-Miss Audree—"
"Ikaw lang, sapat na."
"Ha? Anong klaseng sagot 'yan?"
Pero hindi na niya narinig ang reklamo ko dahil tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya at iniwan akong nagtataka sa huling sinabi niya.
Ikaw lang, sapat na? Ano nga'ng klaseng sagot 'yan?
~