App herunterladen
93.61% She Leaves (Tagalog) / Chapter 44: The Accident

Kapitel 44: The Accident

Pagkarating ko sa bahay, agad akong inasikaso ng mga kasambahay para malapatan ng pa-unang lunas ang paa kong na-injured. Naabutan pa nga ako nina Mama at Papa bago sila umalis pabalik ng Manila.

Nang makaalis sina Mama at Papa at na-bendahan na ang medyo namamaga ko pa ring paa, nagpahinga ako sa sala ng bahay at nanood ng TV. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Darry kanina. Mukhang kailangan ko nga ang pahinga. Natawagan ko na rin si Engr. Meeton at ang iba pa para i-inform ang tungkol sa minor accident na nangyari sa akin.

"Mom? Are you okay?" Lumapit sa akin ang kambal at agad tinanong sa akin ang kaninang tanong pa nila. Kanina pa nila ako kinukulit sa kalagayan ko. Parang hindi naniniwala sa bawat sinasabi ko, e. Si Kaven ang nagtanong no'n.

"I am fine, mga babies. Hindi na masakit ang paa ni Mommy, kaonting pahinga lang ang kailangan ko and I'm going to be fully okay," assurance ko sa kanila for the nth time.

"What happened to you, Mom? Bakit po nasugatan ang paa niyo po?" Tanong naman ni Keyla.

I sighed again and sinenyasan silang dalawa na lapitan pa ako. Umupo sa lap ko si Keyla habang si Kaven naman ay nasa tabi naming dalawa, nakahawak sa isang braso ko.

"I went for a jog tapos natalisod ang paa ko kaya naging ganito." Itinuro ko pa ang paa kong may benda na ngayon.

"So you can't go to work now Mom?" Ani Kaven.

"No, I can't. So I will be here with you for the whole day. We can play any games you want to do!" Masiglang sabi ko naman para hindi na sila mag-alala pa sa akin.

Dahil sa tuwa, halos tumalon-talon si Keyla sa may lap ko. Medyo mabigat siya ha pero anak ko 'to, e, kailangang tiisin.

"You can come with us, Mom."

Agad nangunot ang noo ko sa sinabi ni Keyla. Pinakalma ko pa siya sa kasiyahang naramdaman niya.

"Saan kayo pupunta? Hindi kayo nagpaalam sa akin. Sino ang kasama niyo?" Halos sabay-sabay na naging tanong ko. Wala sina Mama at Papa ngayon kaya imposibleng may pupuntahan ang dalawang bata. Unless it's me.

"Magpapaalam sana kami today, Mom, but since you're here kaya ngayon na namin sasabihin," panimula ni Kaven. "Tita Ada will fetch us later, she wants us to go to her house daw to play with Charvi and Caelan po."

Ha?

Napalunok ako sa sinabi ni Kaven. Medyo nagulat.

Bahay ni Ate Ada? Edi nandoon si Kuya Decart! I can't!

"Please, Mom, we want to play with Charvi and Caelan po. Nagpaalam na po kami kay Lolo at Lola kahapon and they agreed with it. Sige na po Mom." Salitan nga silang dalawa na nagpumilit sa akin.

Ayaw ko man pero wala akong magagawa, minsan lang magpumilit ang dalawa, kailangan ko talagang pagbigyan.

Hanggang sa dumating na ang oras na dumating na nga si Ate Ada. Nagulat pa nga siya na nandoon ako sa bahay, akala niya raw ay nasa trabaho ako. Pero no'ng malaman niyang injured nga ako, isinama na niya ako sa bahay nila. Sasakyan niya ang ginamit namin.

Bonggang-bonggang in-explain ni Ate Ada sa akin kung bakit gusto niya raw isama ang mga anak ko sa bahay nila. Gusto lang daw niyang bigyan ng pasalubong at para na rin daw makipag-bonding sa mga pinsan nila. Marami siyang in-explain at sa sobrang dami, nagmukha siyang defensive. Pinabayaan ko na lang at nakipag-go with the flow na lang ako.

Matagal nang nakabukod ang pamilya ni Ate Ada sa mga Lizares. May sarili silang bahay na nakatayo sa isang exclusive village ng aming ciudad. Malaki ang bahay nila at halatang pinag-isipan ang design, maganda rin ito, child friendly at environmental friendly ang design ng bahay. Manang-mana talaga si Ate Ada sa kaniyang mga magulang, mahilig sa mga pananim. No wonder, she is the heiress of Osmeña haciendas.

Kanina sa daan, na-kuwento niya sa akin na 'wag daw akong mag-alala dahil wala naman si Kuya Decart, abala sa milling nila kaya silang tatlo lang ng mga anak niya ang nandoon sa bahay. Ang panganay daw nila ay nag-aaral kaya hindi rin present sa bahay nila. Basta, maraming na-kuwento si Ate Ada.

Hinayaan kong makipaglaro ang kambal kay Charvi at Caelan. Ako naman ay sinamahan si Ate Ada sa maliit niyang garden at pinagmasdan sa kaniyang ginagawang pananim.

"Do you still remember? Noong mga bata tayo? Nakikipag-agawan tayo kung sino ang unang tutulong kay Lola, without knowing na puwede pala nating tulungan si Lola ng sabay?" Pagbasag ni Ate Ada sa katahimikan namin.

Nagtatanim siya sa mga maliit na paso habang ako ay nakaupo lang sa garden chair niya, nagka-kape.

"Oo, tapos pinapa-iyak mo pa ako noon. Pumapatol ka kasi sa akin. E, magdadalaga ka na that time 'di ba?" Dagdag ko naman. Pareho kaming natawa ni Ate Ada sa ala-alang pinagsamahan.

"Good old days..." Aniya. Tinanggal niya ang gardening gloves na gamit at naghugas ng kamay. Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.

"I miss Lolo and Lola." Nang humupa ang tawanan naming dalawa, nailabas ko rin ang matagal ko nang itinatago. "Actually, noong nasa Canada ako, walang araw na hindi ko sila nami-miss," dagdag ko pa.

"Lahat naman tayo miss na miss na silang dalawa, e. Malaki ang espasyong iniwan nila sa pamilya natin."

"Do you think they'll be happy if nalaman nilang may anak ako pero walang ama?" Nilingon ko ulit si Ate Ada at seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak ang mug ng kape niya. Huminga siyang malalim at dahan-dahang inilapag sa round mahogany table ang mug na hawak niya. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo.

"Wala ba talagang ama, MJ?"

Punyemas.

Matinding paglunok ang nagawa ko and shifted on my seat. Hindi na nga rin ako makatingin sa mga mata ni Ate Ada. Kusa akong umiwas ng tingin.

"You know what, MJ, unang kita ko pa lang sa pictures ng mga bata na pinapadala ng mga pinsan natin, may kutob na ako... actually, no, noong nalaman kong buntis ka, doon pa lang may kutob na ako kung sino ang ama," panimula ni Ate Ada. "And did you know that I even kept your pregnancy a secret to Decart, my own husband?"

Gulat akong napatingin kay Ate Ada ulit dahil sa huling sinabi niya.

"You did that? Why?" Naguguluhang tanong ko.

Ngumiti sa akin si Ate Ada.

"I did that because I understood you. You want your pregnancy to be a secret."

Umiwas ako ng tingin kay Ate Ada. Iniisip ang mga panahon kung kailan itinatago ko nga sa lahat ang pagbubuntis ko.

"Magtapat ka nga sa akin, MJ. Why did you kept your pregnancy a secret? 'Yon talaga ang gusto kong malaman sa lahat ng ginawa mo, e."

"Gusto ko lang ilayo ang mga bata sa gulong kakaharapin nila. Osmeña sila, Ate Ada, and you knew the responsibility carrying that name."

"Lizares din sila," aniya na nagpatigil sa tibok ng aking puso. "Mas mabigat ang responsibilidad na papasanin ng isang bata kapag parehong Osmeña at Lizares ang dala nila. My kids are carrying both names and ngayong nag-aaral na sa isang normal na school si Calynn, ang panganay ko, mas nararamdaman na niya ang responsibilidad na kailangan niyang pasanin. Kaya ba ayaw mong malaman ng lahat na Lizares din ang mga anak mo?"

Agad nanggilid ang luha ko dahil sa sinabi ni Ate Ada. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.

"Alam mo, MJ, nagi-guilty na ako sa tuwing kaharap ko si Darry. Sa tuwing itatanong niya sa akin kung sino ang ama ng mga anak mo, wala akong masagot dahil gusto kong sa 'yo mismo manggaling ang sagot na gusto niya. He's desperate to know about you and your children, kaya bakit mo tinatago sa kaniya?"

"A-Alam ba ng ibang mga Lizares ang tungkol sa mga bata?" Lakas-loob na tanong ko.

"Ang alam lang nila ay may anak ka. Masiyadong protective si Tito Rest at Tita Blake lalo na nang makauwi sila rito. Halos nga raw hindi maipakita sa ibang pinsan natin. Nang makauwi ka, 'yon lang ang naging hudyat para makita nilang lahat ang mga anak mo."

Bakit ganoon? Bakit ganoon ang pakikitungo ni Donya Felicity sa akin kung alam niyang may anak na ako? Bakit ganoon?

Natigil ang usapan namin ni Ate Ada nang mag-ring ang phone ko. Galing sa isang unknown number iyon pero dahil na-distract na ang usapan namin ni Ate Ada, she encourages me to answer the phone na lang daw. Nagpaalam muna siyang ichi-check niya ang mga bata sa loob ng playroom kaya naiwan na naman ako sa mini garden na ito.

"Sino 'to?" Agad na bungad na tanong ko sa unknown caller.

"You're not in your house? Where are you?" Baritonong boses ang bumungad sa akin.

Napapikit na lang ako at sumandal sa bakal na upuan. Kilala ko na kung sino 'to.

"How did you know?" Pagod kong sagot. "At sino ba 'to?" Patay-malisyang tanong ko ulit.

"Umalis ka ng bahay niyo? You're injured! Unless you went to a doctor?"

Hinipan ko ang takas kong buhok at nabo-bored na pinakinggan ang magsasakang CEO ng bayan! He didn't even answer my first and last question.

"I'm fine, don't worry about me," sagot ko at diretsong binaba ang tawag.

Dumaan ang mga araw na naging matiwasay ang lahat. Gumaling ang paa kong na-injured at nagbalik na rin ako sa trabaho. Magda-tatlong buwan na rin itong project namin and nasa forty-five percent completed na ang status ng project. Hindi pa rin bumabalik si Engr. Kith sa kaniyang month long leave. Sabagay, next week pa matatapos ang month long leave niya at kaonting tiis na lang at siya na muli ang mamumuno sa project na ito.

Naging laman din ng balita ang kasal niya. Maski ang pagiging totoo niya sa sarili ay naging usap-usapan din. Umani ito ng papuri at pangmamata sa ibang tao and it's inevitable, merong tao talaga na hindi gusto ang kung anong nakakapagpasaya sa 'yo. Pero ako, masaya ako sa kumpare/kaibigan/colleague ko. Wala na kayo roon.

Sa unknown admirer ko raw, patuloy pa rin ang pagpapadala ng pagkain. May one time nga na sinamahan pa ng bulaklak. Napuno tuloy ako ng kantiyaw sa loob ng opisina. Maski ang mga workers sa site ay na kantiyawan pa ako. Sakto kasing i-d-in-eliver ito habang nag-s-site inspection ako. Nakita tuloy ng mga workers.

Another normal and boring day at work. Na-trip-an ng mga kasamahan ko na mag-jamming sa loob ng opisina. Nagkantahan sila gamit lang ang paghampas sa lamesa bilang beat at kumanta na rin sina Sydney at Sara. Nag-rap din si Jason at Joemil. Nagtatawanan naman si Garry at Elra. At kami naman nina Engr. Belle, Engr. Joemil, Engr. Meeton at Ar. Riza ay nakamasid lang sa kanila. Kantahan lang kami nang kantahan para patayin ang break time namin. Pinayagan ko naman kasi boring nga. Minsan nakikisabay na rin ako sa kanila.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagtawanan sa mga kasamahan ko nang mag-ring ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot para hindi na maka-istorbo.

"Yes, Ate Ada?"

"Hi, MJ! Are you at work?"

Itinalikod ko ang swivel chair ko sa mga kasamahan ko para marinig nang maayos si Ate Ada.

"Yes, Ate Ada, bakit?"

"Hihiramin ko sana ulit ang kambal, okay lang ba?"

Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Ate Ada.

"Napapadalas na yata 'yang panghihiram mo sa mga bata, Ate Ada, ah?" Pabirong sabi ko pa pero totoo, napapadalas na ang panghihiram niya sa mga anak ko.

"MJ naman, sina Charvi kasi, gustong-gusto makalaro si Kaven at Keyla, alam mo naman ang mga bata, napalapit na rin sa isa't-isa."

"Basta sa susunod, Ate Ada, sina Charvi at Caelan naman ang papuntahin mo sa bahay ha?"

"Oo, sa susunod kami naman ang pupunta sa bahay niyo."

"Sige, Ate Ada, pakisabihan na lang si Alice, alam na niya ang gagawin niya."

"Sige, MJ, thank you!" At masiglang ibinaba ni Ate Ada ang tawag.

Ibinalik ko sa harap ang tingin ko at ganoon pa rin, nagkakantahan pa rin sila.

Inilapag ko sa lamesa ang phone ko at napatingin kay Engr. Meeton na nakatingin na rin sa akin. Nakaupo siya sa mismong ibabaw ng lamesa ko, sa may edge na side.

"Tinawagan ka na naman ng mga inaanak ko?" Nakangiting tanong ni Engr. Meeton sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya at umiling.

"Hindi, pinsan ko 'yon, hihiramin na naman ang mga bata."

"'Yong pinsan mong may connection sa mga Lizares?"

Tumango ako sa naging tanong ni Engr. Meeton. Wanting so bad to change the topic, hinalungkat ko ang mga folders na nasa lamesa ko.

"Nasaan na nga pala 'yong report na personal na ipapadala kay Mr. Lizares?"

"Mr. Lizares... Bakit? Magvo-volunteer ka?" May panunuyang tanong ni Engr. Meeton na agad kong inismiran.

"Ako na maghahatid, may sasabihin din kasi ako sa kaniya."

May kinuhang isang medyo makapal na folder si Engr. Meeton sa kabilang lamesa at inabot sa akin. Pero bago ko pa tuluyang makuha, ibinalik niya sa sarili niya ang folder na iyon at ngumisi sa akin.

"May sasabihin ka sa kaniya na hindi puwedeng idaan sa telepono? Aba, mukhang seryoso 'yan, Mare, tungkol saan kaya 'yon." Ngumisi siya sa akin na mas lalo kong inismiran. Hindi natutuwa sa mga biro niya.

"Siyempre, tungkol sa trabaho, para saan pa ba?" Sarkastikong tanong ko pa. "Akin na nga 'yan, lumilipad na naman 'yang utak mo." Tumayo na ako at ako na mismo ang humablot sa folder na kailangang ihatid.

Tinawanan ako ni Engr. Meeton pero hindi ko na siya pinansin at kinuha na ang susi ng kotse ko at ang phone. Bago pa man ako makaalis, natigil na sa pagja-jamming ang colleagues ko. Nagpaalam na rin naman ako sa kanila.

Ilang minuto rin bago ako nakarating sa milling ng mga Lizares, kung saan nag-o-opisina si Darry na hindi ko alam kung bakit nandito ngayon sa Negros, e, nasa Manila ang trabaho nito.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong building ng Lizares Sugar Corporation. Hindi na ito katulad no'ng dating design na naabutan ko, iba na ang façade nito at sa tingin ko ito ang renovation at restoration na ginawa ni Engr. Tibor Valmayor ilang taon na ang nakakalipas. Maganda at mukhang bago pa.

Nakapasok ako sa admin building nang hindi masiyadong tinatanong. Mabuti naman kasi at meron akong ID ng company namin kaya nagamit ko ito para makapasok. May iilang nakakakilala sa akin at meron namang hindi at parang walang pakialam.

Marami palang nagta-trabaho sa Lizares Sugar Corp 'no? Ngayon ko lang nalaman, ngayon ko lang din nakita nang ganito ang kompanya nila. Iginiya ako ng sekyu sa ika-apat na palapag ng building. Maraming nagbago sa administrative building na ito, na-restore in a modern way ang mga muwebles at interior design ng admin building. Hindi na ito katulad ng dati na purong kahoy at makaluma talaga ang design. May elevator na rin ito at centralized na ang aircon.

Nang nasa tamang palapag na, agad kong hinanap ang table na puwede kong pagtanungan o something.

Saktong may isang babae na nasa table na nasa labas ng medyo may kalakihang pinto ang nakaupo roon. Nilapitan ko ang babae na mukhang abala sa kaniyang cell phone.

"Um, excuse me, good afternoon," pang-aagaw ko sa atensiyon niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at medyo nagtaka pa sa mukha ko. Napa-second look pa siya sa akin pero sa ikalawang beses na nilingon niya ako, gulat na gulat na mukha na ang tumumbad sa akin.

"M-Miss MJ Osmeña?"

Bitbit ang folder ay ngumiti ako sa kaniya na sinabayan ko pa ng kaway. Hindi ko siya kilala pero the fact na nandito siya sa ciudad namin is enough reason para makilala niya ako.

"Yes, ako nga."

"A-Ang ganda niyo na po!" Aniya sabay tayo. "Ano pong ginagawa niyo rito, Miss MJ? May kailangan po ba kayo kay Boss Darry, Miss MJ?"

Exaggerated ko siyang itinuro dahil sa sinabi niya.

"Yes! Tama ka, may kailangan ako kay Darry Lizares, nand'yan ba siya sa loob?"

"Hala po..." Biglang nalungkot ang kaniyang mukha. "Umalis po, Miss MJ, may pinuntahan," aniya na ikinataas ng aking kilay.

"May pinuntahan? Saan naman? Anong oras siya babalik?"

"Naku po, wala pong ibinilin na oras, Miss MJ, e. Personal na lakad po kasi niya 'yon kaya hindi niya po sinasabi sa akin kung anong mga oras siya makakabalik. Pero usually po kapag hindi siya nagpapaalam, babalik din naman siya agad, Miss MJ. Gusto niyo po tawagan ko, paniguradong babalik 'yon dito kapag nalamang ikaw po!" Aniya na agad kong tinanggihan.

"'Wag na, iiwan ko na lang itong report na 'to. Pakisabi na lang na galing sa Silver Lining Construction. Para ito sa resort na pinapagawa niya sa Buenavista." Inabot sa kaniya ang dalawang folder na kanina ko pang dala. Dali-dali niyang tinatakan ang isang folder para sa received at ang isa naman ay naiwan sa kaniya.

"Sigurado po kayo, Miss MJ, na hindi niyo na po hihintayin si boss?"

"Hindi na, babalik na rin ako sa site."

"Ang ganda niyo po, Miss MJ, wala pa ring kupas," aniya bago ako naglakad pabalik sa elevator. Natawa na lang ako sa sinabi ng secretary'ng iyon at agad tinahak ang daan pabalik sa site.

Bumalik ako sa site. Pero nagda-drive pa lang ako ay may tumawag na naman sa akin. Kinonekta ko ito sa airpods ko para makapag-drive pa rin ako habang may katawag.

Annalina Sabete is calling...

Medyo nagtaka pa ako kung bakit ako tatawagan ng girlfriend ni Vad. We're kind of close but it's still unusual but I accepted it anyway.

"Yes, Lina? Napatawag ka?" Nakangiti ko pang sagot sa kaniya kahit na hindi naman niya nakikita.

"MJ, nasaan ka? Bakit wala ka rito?"

Pero ang ngiting kanina'y naka-plaster sa aking mukha ay biglang napalitan ng pagtataka.

"Pabalik na ako sa trabaho ko. Bakit Lina? Nasaan ba dapat ako?" Dinaan ko sa biro ang naging sagot ko pero naguguluhan na talaga ako.

"Ha? Hindi mo ba alam ang nangyari sa anak mo?"

Shit.

Muntik pang mauntog ang noo ko sa manibela ng sasakyan dahil sa pabigla-bigla kong pag-preno. Bigla akong nataranta sa sinabi ni Lina, e. Ano raw?

"A-Ano 'yong sabi mo, Lina?"

"Kako... Hindi mo ba alam na nasa ER 'yong anak mo? Si Kaven?"

Kumabog ng mabilis ang puso ko na sinabayan pa ng pagsikip nito. Humigpit ang hawak ko sa manibela ng kotse at agad akong nag U-turn pabalik sa daan ng proper.

"B-Bakit nasa ospital ang anak ko, Lina?" Sunod-sunod ang naging paghinga ko. My mind is clouded now but I tried my best to compose my self.

Calm down, MJ!

"Oh, my god?" Gulat na tanong ni Lina. "Hindi mo alam na nandito ang anak mo? Kaya pala hindi kita nakita rito-"

"S-Saang hospital, Lina?"

"D-Dito sa VGDH-"

Nang marinig ko ang pangalan ng hospital ay agad kong tinanggal ang airpods sa aking tenga at nag-concentrate sa pagda-drive at sa pagpapakalma sa sarili ko.

Sana naman walang nangyaring masama at malala sa anak ko, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Mabilis ang naging pag-drive ko kaya nang makarating sa VGDH, sa may ER ng hospital, ay agad akong bumaba at patakbo nang pumunta roon.

Agad kong nakita si Lina na nasa labas ng ER, mukhang naghihintay sa akin.

"L-Lina, nasaan ang anak ko?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para pigilan makapasok sa loob.

"MJ, kumalma ka muna, kalma lang, walang masamang nangyari sa anak mo ha, 'wag kang mag-hysterical," pagpapakalma nga niya sa akin.

Sunod-sunod pa rin ang paghinga ko dahil sa kabang naramdaman ko kanina. Ang suwerte nga na nakarating akong buo rito sa pagda-drive ko pa lang.

"Halika, sasamahan kita sa loob," aniya na halos alalayan na ako sa pagpasok.

Nang makapasok kami sa loob ng ER agad kong iginala ang aking mata para hanapin ang anak ko.

"Nandoon siya, MJ," sabay turo ni Lina sa may bandang kaliwa namin.

Nang makita ko ang anak ko, agad akong tumakbo papunta sa kaniya. Nakaupo ang anak ko sa pangbatang hospital bed pero hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa kabang naramdaman ko kanina pa.

It feels like all my frustrations went off the moment I saw my son.

"B-Baby..." Hinaplos ko ang kaniyang pisnge at lumuhod na sa harapan niya. "W-What happened to you? Why are you here?" Sinipat ko ng tingin ang kabuuan niya at doon ko nga nakita na may plaster siya sa may tuhod niya at sa may siko. "A-Anong nangyari sa 'yo, baby? Please talk to Mommy," pag-uulit ko pa.

Itinaas ni Kaven and dalawa niyang braso na animo'y nagpapakita ng kaniyang muscles tapos ay malawak na ngumiti sa akin.

"Mommy, I am strong po kaya, don't worry about me. It's just bruises and a little blood. Sabi po ni Doctor, okay na po ako," aniya pa na nakangiti lang talaga sa akin.

It was a relief though to see my son smiling, na parang hindi masakit ang nangyari sa kaniya. Pero 'yong kabang naramdaman ko kanina ay nandito pa rin sa aking puso.

"Please tell Mommy what happened."

Nanatili ako sa puwesto ko at matamang tiningnan ang aking anak.

"I was riding a bicycle tapos po hindi po ako na-aksidente sa pagra-ride ng bicycle po because I am wearing protective gears, Mom, pero nasugatan po ako dahil po nadapa po ako. But look," ipinakita pa niya sa akin ang mga plaster niya sa tuhod at siko. "It has been cured by the doctor, Mom, so don't worry and please stop crying, Mom." Hinaplos niya ang aking pisnge at tinatanggal sa aking mukha ang mga luhang kanina pa bumabagsak sa aking mukha. Mas lalo tuloy akong naiyak at agad niyakap ang aking anak. Sunod-sunod na halik ang ibinigay ko sa kaniya pero nang maalala ang kaniyang sinabi ay napakalas ako sa yakap at tiningnan siya.

"Why are you riding a bicycle? Who taught you how to ride?" Agad na tanong ko. Never kong naturuan ang mga anak ko ng pagba-bike.

"Tito Darry, Mom..."

Punyemas.

"S-Sinong nagdala sa 'yo rito sa hospital, baby?"

Hindi na normal ang kabang nararamdaman ko ngayon. 'Yong kaba ko ay may halong pag-iyak na kaya ang luhang nawala na kanina ay biglang bumalik habang naghihintay sa sagot ng aking anak. 'Yong kamay ko unti-unti nang nanginginig, epekto ng kaba.

"Si Tito Darry po with Nanny Alice and Tita Ada po, Mom,"

Punyemas.

Tuluyan akong napayakap sa anak ko dahil para akong sumabog. Sumabog ang kalooblooban ko dahil sa narinig mula sa anak ko. Granada.

"M-Mom, why are you crying again? I'm fine, Mom, don't worry about me, Mom." Narinig kong sabi ng anak ko pero patuloy pa rin sa pagsabog ang sistema ko. Granada, sandamakmak na granada ang sumabog sa kalooblooban ko. Panganib, kaba, isang situwasiyon na kinatatakutan ko pero heto na nga't nasa harapan ko pa.

Kumalas ako sa yakap ko sa anak ko at mariin siyang tiningnan.

"H-How did... How did you-"

"Mom, please stop crying na po, I am okay na po, hindi na po masakit ang mga sugat ko Mommy, stop crying na..." Hindi ko matuloy-tuloy ang tanong ko dahil napapangunahan ako ng mga luha ko. Pinalis ni Kaven ang mga luha ko sa mata pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay at hinalikan ito.

"Please don't make Mommy worry again," bulong ko na lang sa kaniya.

"Sorry, Mom. Promise, I won't do it again," aniya kaya napatingin ako ulit sa kaniya sa kalmado nang paraan. Tinulungan niya akong punasan ang aking pisnge.

"MJ, nandito si Doctor Jubal, siya 'yong nag-check kay Kaven."

Tinapik ni Lina ang balikat ko kaya tuluyan kong pinalis ang mga luha ko at tumayo na para harapin ang doctor.

Nang makatayo ako, hindi lang pala si Doctor Jubal ang makikita ko, katabi niya ang lalaking bukambibig ng anak ko. Napasinghap ako at binati si Doctor Jubal.

"Is this your son, Engineer Osmeña?" Unang tanong ni Doctor Jubal matapos ang aming batian. Tumango ako sa kaniya bilang sagot, nauubusan na ng lakas ng loob sa lahat ng nangyayaring ito. "Your son is fine and there's nothing to worry about. Wala namang na-fracture sa tuhod at siko niya. Puros galos lang ang natamo ng bata pero maayos na siya. Your son is so strong huh, manang-mana sa 'yo," mahabang litanya naman ni Doctor Jubal.

"I told you, Mom, I am fine," sagot naman ni Kaven kaya napalingon ako sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang isang kamay niya. Ngumiti ako sa kaniya para sabihing I am proud of him.

"Thank you po, Doc Jubal. Puwede na po ba kaming makaalis, Doc?"

"Ah, oo, okay na. Nalampatan na namin 'yan nang pa-unang lunas at na-settle na ni Darry ang bills niya," aniya sabay lingon sa katabi niyang si Darry na tahimik lang na nakatingin sa anak ko.

Dahil sa kabang muling umusbong sa puso ko, agad kong inilapit sa akin ang anak ko. Mapakla akong ngumiti kay Doc Jubal at nagpasalamat na rin.

"Let's go home, baby? Where is your sister?" Ibinigay ko ang buong atensiyon ko kay Kaven nang makaalis na si Doctor Jubal.

"She went home, Mom, hinatid na ni Tita Ada at kasama niya si Nanny Alice and Nanny Erna. Tito Darry will take care of me raw," aniya.

Hinalikan ko na lang sa noo ang anak ko at agad kinarga.

"Let's go home, baby, your sister must be waiting for us," sapo ko sa kaniya.

"Yes, Mom, I'm sleepy," wika niya sa inaantok na boses.

"Just sleep there. You're safe. Mommy will never leave you," assurance ko sa kaniya bago lumingon kay Lina para magpasalamat. "Thank you for informing me, Lina," I genuinely smiled at her.

"Walang anuman, MJ," Hinawakan niya ang buhok ni Kaven na nasa balikat ko na. "Pagaling ka Kav, ha?"

"Yes po, Tita Lina," aniya sa inaantok na talagang boses. Ngumiti ulit ako kay Lina at tinahak na ang daan palabas.

Lina is one of the nurses here in VGDH. Naka-duty siguro siya kaya niya nalaman na nandito ang anak ko.

And speaking of... ramdam na ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran ko. Kanina ko pa gustong sumabog pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa bisig ko ang anak ko, baka kung ano pa ang marinig niyang masasamang salita galing sa akin. Galit na galit ako.

Buong ingat kong pinasakay sa kotse ko ang anak ko, may special chair siya sa likuran kaya puwede siyang makatulog doon kahit nasa biyahe. Nang masigurong na-seatbelt ko na ang anak ko ay agad kong hinarap ang lalaking kanina pa sunod nang sunod sa akin.

Taas-noo ko siyang hinarap. Nagngangalit ako. Natatakot. Lahat na lang ng emosyong puwedeng madama ko, nadadama ko ngayon.

"Bakit mo kasama ang mga anak ko? Ano ba talaga ang balak mo?" Asik ko sa kaniya. Sa sobrang pagka-inis ko, halos mapudpod na itong ngipin ko.

Nag-cross arms siya at nilabanan din ang masasama kong tingin.

"I want a DNA test."

What?

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na hindi mo anak ang mga anak ko, Darry!"

"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin?" Nagulat ako sa naging sagot niya. Natulala ako ng ilang segundo habang nakatingin sa mga mata niyang nagliliyab na sa galit. "MJ, halatang-halata na, kahit hindi pa magpa-DNA test, alam kong anak ko si Keyla at Kaven so why are you denying it in front of my face kahit alam naman nating dalawa na ako talaga ang ama! Ha? Ano ang rason mo?"

Galit siya, damang-dama ko iyon at alam ko kung ano ang ikinakagalit niya but I keep on denying it in me. Galit din ako, galit ako dahil natatakot ako.

"Hindi por que't kamukha mo ay automatic na anak mo na agad!"

"What's your reason, huh? Na pinaglihian mo lang ako kaya naging kamukha ko ang mga anak mo? Ganoon ba?"

"Oo!" Agad na sagot ko. "Pinaglihian lang kita kaya naging kamukha mo sila. Ano? Masaya ka na?"

Bigla siyang natawa sa naging sagot ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi pa rin makapaniwalang natawa kahit wala namang nakakatawa.

"That's insane!" Bumalik ang tingin niya sa akin kaya halos mapaatras ako sa biglang pagbaling niya ng tingin sa akin. "Sino ang ama, kung ganoon?"

Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Parang natigil ang pag-ikot ng aking mundo nang marinig ang tanong niya. Gusto kong magsalita pero walang may lumalabas sa aking bibig. Wala akong masabi.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at pinalis ang luhang kanina pa pala bumabagsak sa aking mga mata.

"See... wala ka nga'ng masabi sa akin kung sino ang ama! Lahat ng nasa paligid mo, sinasabi na ako ang ama! So why do you still keep on insisting that I am not the father!"

"Kasi ayokong mawala sila sa akin! Natatakot ako na kunin mo ang mga anak ko kapag nalaman mo! Ano, masaya ka na?" Tinulak ko siya at nag-martsa papunta sa kotse ko.

"T-Totoong..."

Iyak ako nang iyak habang nagda-drive pa-uwi sa bahay. Pinipigilan ko ang mga hikbi ko at baka marinig pa ni Kav.

I was composed when I reached the house. Tulog pa rin si Kav. Nagpa-assist na lang ako sa mga kasambahay nang makarating para mailipat si Kav sa kaniyang kuwarto.

Sinalubong din ako ng mahigpit na yakap ni Keyla.

"Mom, I'm sorry, hindi ko pa nabantayan si Kav kaya po siya dinala sa hospital," aniya habang nakayakap sa akin. Napaupo ako sa hagdan para mayakap siya nang mahigpit.

"That's fine, baby. Kav is fine now and he's just sleeping kaya don't bother him muna ha?" Sagot ko naman habang nakayakap pa rin.

"Okay, Mom, I'll take care of Kav when he wakes up." Kumalas ang anak ko sa yakap naming dalawa at hinalikan ako sa pisnge. "I'll just go to my room, Mom. Tita Ada is waiting nga pala sa inyo inside," huling sabi niya bago siya tumakbo papasok sa bahay.

Pinabayaan ko siya, umayos ako ng pagkakaupo sa hagdan, ipinatong ang aking dalawang siko sa may binti ko at frustrated na hinilamosan ang aking mukha.

Too much disaster for this day.

Ilang segundo akong nanatili roon hanggang sa mapagpasiyahan kong tumayo na para pumasok sa loob.

"MJ, I'm sorry!"

Kakapasok ko pa lang sa bahay, sinalubong na agad ako ni Ate Ada. Iginala ko ang tingin ko at medyo nagulat pa ako na nandito si Ate Tonette at Kuya Clee. Si Kuya Clee ay halatang on-duty o galing sa duty dahil sa unipormeng pang-police na suot niya.

Napabuntonghininga ako at pinagtoonan ng pansin si Ate Ada.

"Bakit niya kasama ang mga anak ko, Ate Ada? Akala ko ba nasa bahay niyo lang ang mga anak ko?" Malumanay at kalmadong tanong ko.

"I'm sorry, MJ, so, so sorry... Hindi ko intensiyon na hiramin ang kambal para lang ipakilala sa kaniya. It wasn't my plan. Alam mo naman na hihintayin kitang ikaw mismo ang magsalita 'di ba?"

"'Yon na nga, Ate Ada, e, sana hinintay mo ako kung kailan ako handa, Ate." Pinigilan ko na naman ang sarili kong umiyak dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.

Pinagsalikop ni Ate Ada ang kamay niya at naluluha akong tiningnan.

"P-Pero kasi... Noong pangalawang beses ko nang pinapunta ang mga bata sa bahay, bigla kasing dumating si Darry, hindi ko inaasahan 'yon kasi kampante naman ako na hindi talaga pumupunta si Darry sa bahay, e, pero no'ng hapon na iyon bigla siyang nagpakita at aksidente silang nagkita ng kambal. Hindi ko na napigilan kaya hinayaan ko na lang.

"Alam ko naman na magagalit ka, gustong-gusto na nga naming isumbong ni Alice at Erna ang nangyaring iyon pero nakakaawa kasi si Darry, e, desperado siya na gusto niya kahit makausap man lang ang dalawa kaya hinayaan ko. Kakausapin lang naman daw niya at makikipaglaro lang siya, hindi niya raw sasabihin."

Napa-iwas ako ng tingin dahil sa kuwento ni Ate Ada at dahil doon ay nahagip ng aking tingin si Alice at Erna na nakayuko lang sa isang sulok, malapit sa puwesto namin.

Napabuntonghininga na lang ulit ako.

"Nasundan ang pagkikita nilang iyon dahil ipinangako sa akin ni Darry na hindi niya babanggitin ang tungkol sa ama ng mga bata kaya kahit ayoko, pinagbigyan ko siya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang makipaglaro at makipag-bonding sa kanila, MJ, kaya pinabayaan ko na lang. Dinalhan niya ng mga laruan ang mga bata, tinuruan mag-bike, at kung anu-ano pa. MJ, ganoon siya ka-desperado sa mga anak mo na kahit walang patunay na anak nga niya ang mga iyon, nakipaglapit pa rin siya sa mga ito."

Marahan ulit akong bumuga ng hangin at napapikit na lang sa mga pinagsasabi ni Ate Ada.

"Wala na akong magagawa, nangyari na, e, wala na akong lakas para pigilan pa," pagsusuko ko sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Sabihin mo na sa mga bata, bunso. Ipakilala mo na sila sa isa't-isa, sabihin mo sa mga Lizares ang tungkol sa mga bata. Please be free, please do not hide your children away from them. Walang kukuha sa 'yo sa mga anak mo and we will assure you that. Kung ano man ang kahinatnaan ng lahat ng ito, sisiguraduhin naming mananatili sa 'yo ang mga anak mo. Please 'wag kang matakot, please sabihin mo na."

Napalingon ako kay Ate Tonette nang magsalita na nga siya.

Bumagsak ang mga luhang kanina ay pinipigilan ko pa.

"So it's true that Darry Lizares is the father of the twins," wika ni Kuya Clee matapos ang katahimikan namin. "But anyways, MJ, as an adult, kailangan niyong pag-usapan ni Darry ang tungkol dito. Pag-usapan niyong mabuti kasi kapakanan ng mga anak niyo ang nakasalalay dito," komento ni Kuya Clee na tinanguan ko naman.

Marahas akong bumuga ng hangin at napatitig sa kisame ng aking kuwarto. Bakit ko nga ba inilalayo ang mga anak ko sa kanila? Ako ang ina at habang-buhay na mananatili sa akin ang aking mga anak kaya ano ang kinakatakot ko? Natatakot ba ako sa katotohanan na hindi ko maibibigay sa aking mga anak ang kumpletong pamilya na pangarap ko sa kanila?

~


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C44
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen