App herunterladen
91.48% She Leaves (Tagalog) / Chapter 43: The Magsasaka

Kapitel 43: The Magsasaka

"Manong, isa pa nga po." At hinayaan ni Genil na pumili si manong magbabalut ng balut na kakainin niya.

Natatawa na ako sa nakikita ko ngayon kay Genil.

Pa-ayaw-ayaw pa ang bakla, at the end, susunduin din pala ako at pinatos ang libre kong balut. Bumili na rin kami ng beers sa malapit na 7/eleven.

Nakaupo ako sa kaha ng pick-up ni Genil habang pinagmamasdan siyang lantakan ang balut. No'ng makakuha ng isa, lumapit siya sa akin at in-offer-an pa ako.

"Nah, I'm fine with this," sabi ko naman sabay turo sa chips at Heneiken na binili namin kanina.

He shrugged his shoulder at nag-focus na nga sa balut na hawak niya. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.

"Are we good now?"

"Tss... Ikaw bruha ka ang hilig mong sulsolan ako ng mga pagkain." Nag-make face pa siya sa akin habang sinisimsim ang sabaw ng balut.

Na basically ay ihi ng chick... charot.

"We're good now," deklara ko sabay tungga sa beer na hawak ko.

Tahimik na ang kabiserang barangay ng ciudad namin. Pero may iilang nakatambay sa may 7/eleven kaya hindi naman masiyadong tahimik talaga.

"Kumusta na si Keyla? You should set an appointment for a check-up, baka hindi lang basta-bastang lagnat 'yang nararamdaman ng inaanak ko," aniya.

Sinimangutan ko si Genil.

"'Wag ka nga'ng mag-jump into conclusions, okay na ang inaanak mo at naninibago lang sa mga physical activities na ginagawa nila rito. Kung anu-ano rin kasi ang mga pinaggagawa nila Mama sa kanila. Alam mo na, masiyadong sabik sa kanilang mga apo," kibit-balikat na sagot ko naman.

Natahimik kaming dalawa. Siya, abala sa pagkain ng balut at ako naman ay abala sa beer na hawak ko. Pampatulog lang talaga ito, kailangan lang ng katawan ko.

Nagkuwentuhan nang nagkuwentuhan kami ni Genil tungkol sa mga experiences niya sa relatives niya rito sa ciudad namin. Chikahan lang kami nang chikahan hanggang sa may tumigil na isang sasakyan sa tapat namin. At dahil nga nakatapat sa amin, medyo nasilaw pa ako sa ilaw nito sa harapan.

"Gad, sino ba 'yan?" Reklamo ko nang hindi pa rin pinapatay ang ilaw ng kung sinong kotseng ito. Punyemas naman.

"Eksaherada kung maka-brag ng head lights ha?" Komento naman ni Genil. Umalis ako sa kinauupuan ko at sinimulang lapitan ang kung sino man itong may-ari ng kotseng ito. Sakto rin na kabababa niya lang.

Nang makita ko ang mukha niya, agad akong napa-iwas ng tingin sa kaniya.

"So this is the reason why you declined Mom's invitation." Kakasarado niya pa lang ng pinto ng pick-up niya nang sabihin niya iyon. Nag-cross arms ako at pilit inilalayo sa ilong ko ang matapang niyang amoy.

Why does he have the same scent ever since? Hindi ba nagbabago ng pabango ang gagong ito? It's been four years and it's still the same... saulado ko pa rin ang kaniyang amoy.

Marahan na lang akong pumikit at pilit pinapakalma ang sarili ko. Damn it. Why!

"Could you please turn off your head lights, Mr. Lizares? Nasisilawan kasi kami ng kaibigan ko," magalang pa na pakiusap ko. Kahit na sa kalooblooban ko, biglang kumabog nang mabilis ang puso ko.

At hindi ko nagugustohan ito.

He mirrored my action but with a frowned face, pinasadahan niya ng panandaliang tingin ang likuran ko.

"Mag-usap nga tayo, MJ."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil seryosong-seryoso nga ang mga tingin niya sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Habang hindi nakatingin sa kaniya ay ngumiti ako.

"Anong pag-uusapan natin, Mr. Lizares? Tungkol ba ito sa pinapagawa mo?" Dinaan ko sa humor ang tanong ko dahil nararamdaman ko na ang awkwardness. "Hindi ba makapaghintay ng Monday 'yan, Mr. Lizares? Weekend bukas at hatinggabi na ngayon," dagdag ko pa.

Malalim ang naging buntonghininga niya.

"It's not about your work and neither I. Let's talk, MJ!" With conviction niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.

He was never present in my entire pregnancy. His only contribution is his sperm but why does my Kaven copied his almost entire gene? Do I deserve that credit? Punyemas.

"Alone!" Dagdag niya pa kaya naibagsak ko ang aking mga balikat at pagod siyang tiningnan.

"Ano ba ang pag-uusapan natin na hindi puwedeng marinig ni Genil?"

"Uh, excuse me, frenny! Bibili lang ako ng balut, ha? Take your time!" Pero bago ko pa man mapigilan si Genil ay bigla na nga siyang umalis at pinuntahan si manong magbabalut na medyo malayo na sa puwesto namin.

Sumasakit ulo ko kay Genil! I was expecting him to save me from this asshole and now, this?

"Get in the car, MJ. We're going to talk somewhere else." Nang makalayo si Genil, nagsalita na nga si Darry.

Automatic na tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Aba! Pumayag na nga akong makipag-usap sa 'yo at gusto mo pang pumasok ako sa kotse mo para makipag-usap sa ibang lugar? You are asking too much, Lizares! Dito tayo mag-uusap!" Na-iinis na sagot ko. Ano siya? Nahihibang?

"We're obviously in the middle of the road, MJ, get in the car."

"Teka sandali," tinuro ko siya. "Wala akong pakialam kung mag-usap man tayo sa gitna ng daang ito. Dito tayo mag-uusap at hindi ka magrereklamo! E, ano ngayon kung masagasaan tayo? Lizares ka, Osmeña ako, hindi tayo sasagasaan n'yan!" Sagot ko naman.

Kahit kalian talaga, ang sakit sa ulo ng Lizares na ito.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko pero nanatili kaming nakatayo sa gilid ng kotse niya. Umiwas ako ng tingin at pilit pinapakalma ang naghuhuramentado kong sarili. Damn it. We're back again with his presence's effect on me.

"Nurse Yanson is just your friend?" Makalipas ang ilang segundo, binasag na nga niya ang katahimikang namutawi sa amin kanina.

"Yeah, ano pa ba?" Walang ganang sagot ko pero sa kalooblooban ko, gusto ko nang tumawa.

Nurse Yanson is an asshole!

"So hindi kayo magka-relasyon ni Nurse Yanson? There is nothing going between the both of you?"

What the shit?

Hindi ko na nga napigilan ang sarili kong matawa sa sinabi ni Darry. I've used this trick before but it never failed to make me laugh talaga, kahit kailan! Super effective pa rin hanggang ngayon.

Pero sandali...

Napatigil ako sa pagtawa nang may mapagtanto. Tinuro ko siya at masamang tiningnan.

"Ito ba 'yong pag-uusapan natin?"

Nilalayo niya ako sa usapan ha!

Sumeryoso ako samantalang siya ay nanatili pa ring seryoso.

"The night you and Engineer Cervantes had a dinner, alam kong anak mo ang kasama n'yo nang gabing iyon."

What?

Parang bombang ibinagsak galing sa itaas papunta sa kinatatayuan ko ngayon ang kaniyang mga salita. Nagulat ako na ang pag-uusapan namin ngayon ay ang tungkol sa mga anak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gulong-gulo masiyado ang utak ko ngayon.

"And Engineer Cervantes is not the father, right?" Tanong niya sa seryoso at malumanay na paraan. "Now, tell me... Am I the father?"

Shit? Shit. Shit. Shit!

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sinabi niya. Bumilis na rin ang tibok ng aking puso.

Hindi. Hindi puwede 'to!

"Ako ba ang ama ng anak mo, MJ?" Pag-uulit niya sa naging tanong niya. Sunod-sunod ang naging paghinga ko.

Umusbong ang takot sa aking puso. Hindi puwede 'to!

"H-Hindi. Why would you think you are the father? Puwede ba, Darry! Magpasalamat ka na lang na wala ka ng responsibilidad sa akin," sinigawan ko siya para ikubli ang kabang nararamdaman ko.

"Alam kong alam mo na may nangyari sa atin nang gabing iyon, MJ. It was an unprotected sex and you are surely fertile that time."

Shit. Mas lalong nangunot ang aking noo habang nakatingin sa kaniya.

"'Wag kang mag-ilusyong ikaw ang ama," madiing sabi ko. Nilalabanan pa rin ang tensiyon.

"Siguraduhin mo lang na tama 'yang mga sinasabi mo, MJ. Once na nalaman kong ako ang ama ng mga anak mo, ipaglalaban ko ang karapatan ko. So who's the father?"

"Puwede ba, Darry! Bakit ba?"

"Para alam ko kung kanino kita babawiin. Kayo ng mga anak mo."

Seryoso siya. Seryosong-seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. Umiling ako sa mga pinagsasabi niya. Umatras at tuluyang umalis.

Buong Sabado, bumabagabag sa akin ang walang katuturang pag-uusap naming iyon ni Darry. Bawat salita ay tandang-tanda ko pa. Bawat emosyon ay rumehistro iyon sa aking utak.

Sunday ngayon at abala ang lahat para maghanda para sa pagsisimba. Inaayusan ko si Keyla. Ginawan ko ng arte ang buhok niya. Good thing I have a daughter, na-a-apply ko sa kaniya ang mga experiment na gusto kong gawin sa isang babae. And Mama used to do it to me when I was still a child. Maski si Ate.

Kung susumahin, payapa na ang buhay ko ngayon. Kahit mag-isa kong tinaguyod ang mga anak ko naging masaya naman ako. Malaki nga ang pasasalamat ko sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon dahil malaki ang naitulong nila sa akin magmula noon hanggang ngayon.

'Once na malaman kong ako ama ng anak mo, ipaglalaban ko ang karapatan ko.'

Sa tuwing nagfa-flashback iyon sa utak ko, may umuusbong na kaba sa aking dibdib. Ipaglalaban niya ang karapatan niya and that means he's taking all the legal actions para makuha lang ang mga anak ko sa akin. That means malalayo sila sa akin. That means... Oh God, ayoko nang mag-isip pa.

Habang sinusuklay ang mahabang buhok ni Keyla at siya naman ay naglalaro lang sa maliliit niyang dolls na niregalo ni Tita Nath at Tito George sa kaniya ay bigla ko siyang kinausap.

"Keyla..." Panimula ko, medyo kinakabahan sa iko-konsulta sa kaniya.

"Yes, Mom?" Aniya na abala pa rin sa paglalaro.

"Can I ask you something?" Dadahan-dahanin ko lang para hindi naman mabigla. After all, three years old lang itong anak ko.

"What is it, Mom?" Inosente pa ring tanong niya.

Tumikhim muna ako at umayos sa pagkakaupo bago itanong sa kaniya ang kanina pang bumabagabag sa akin.

"Do you want to meet your father?"

Gusto kong isa-isahin ang mga anak ko to know their own opinion with this matter. Kung itatanong ko kasi sa kanila nang sabay, may chance na magkasundo sila ng isang desisyon dahil mabilis maapektuhan ng isa ang desisyon ng isa.

"I thought he's dead, Mom?"

Napatigil si Keyla sa paglalaro at ako naman ay napatigil na rin sa pagsusuklay sa kaniyang buhok. Medyo nagulat ako sa naging tanong niya.

Oo nga pala, MJ! Hunghang ka nga'ng talaga, itinanim mo nga pala sa utak ng mga anak mo na patay na ang kanilang ama. Damn shit ka.

"What if he's alive? Do you still want to meet him?" Ngumiti ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok. Maaga kasi kaming nag-prepare kaya may time kaming mag-usap na dalawa ngayon.

"Hmmm..." Sabi niya pa na inilagay pa ang hintuturo sa may chin niya, tumingala na animo'y nag-iisip talaga, idagdag mo pa na seryoso ang kaniyang mukha. "Yes, but I want to punch him," aniya nang makasagot na.

Wow. I was literally taken a back sa sinabi niya.

"W-Why? Why will you punch him?" Medyo curious ko ring tanong. Hindi violent ang anak kong ito pero nakakagulat lang na 'yon talaga ang una niyang sinabi.

"Because he left us, he left you," sabi niya sabay tingin sa akin. "I want to punch him, Mom, for not helping you raise us," dagdag na sabi pa niya. Literal na natulala ako sa naging sagot ng anak ko. Ilang segundo nang maibalik ko ang sarili ko ay agad ko siyang niyakap.

"But you know that punching other people is bad, right? It's violence," sagot ko naman. Para naman hindi tumatak sa kanila na okay lang ang manuntok 'no.

"Yes, Mom," inosenteng sagot naman niya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.

"What if Mom is lying, will you get mad at Mommy?" Dagdag na tanong ko habang nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Nagpatuloy siya sa paglalaro pero agad din namang sumagot.

"Mommy... lying is bad. Sabi ni Lola, masama raw ang magsinungaling sa kahit anong paraan. I'm sorry Mom but I will get mad at you if you are lying to me."

Punyemas. Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sinabi ng anak ko. Wala akong masabi.

Nagpatuloy ang araw namin. Nagsimba ang buong pamilya at matapos no'n ay nagkita-kita kami sa isang beach resort dito sa ciudad namin para sa Sunday meet-up namin. Tradition na namin itong magpa-pamilya na magkita-kita every Sunday lunch sa isang bahay or restaurant para mag-bonding. Naipakilala ko ang kambal sa kanilang lahat. Katulad ng usual na pamilya, nagtatanong-tanong sila sa akin kung sino ang ama pero nanatiling tikom ang aking bibig. Dinadaan ko na lang sa biro ang lahat.

Masayang naglalaro ang mga bata sa play area ng resort habang kaming medyo matatanda na ay kasama ang mga oldies sa table. Kakabalik ko lang sa table namin nang saktong dumating si Ate Ada kasama ang kaniyang pamilya... KASAMA ANG KANIYANG PAMILYA! SHIT!

Gusto ko mang bumalik sa play area ng mga bata, wala akong nagawa kundi ang batiin si Ate Ada at Kuya Decart. Halos hindi ko na rin nga matingnan si Kuya Decart sa kaniyang mga mata dahil ang takot na aking nararamdaman ay nandiyan na naman. It's always evident every time a Lizares is around.

"Ako na ang maghahatid sa mga bata." Narinig kong presenta ni Kuya Decart sa kaniyang asawa. Tumango si Ate Ada at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang. Ako naman ay halos tumayo na sa aking kina-uupuan dahil ayokong pumunta si Kuya Decart sa play area. Shit!

Wala akong nagawa kundi ang sundan ng tingin si Kuya Decart habang bitbit ang tatlong anak.

"Do you want to take a walk?" Biglang sabi ni Papa sa akin. Nag-aalinlangan man, tumango ako sa gusto niya at tinahak na nga namin ang daan papunta sa dalampasigan ng resort na ito sa Old Pob.

"Natatakot ka na makita ni Decart ang mga anak mo 'no?"

Napalingon kay Papa na katabi ko lang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sasang-ayon ako sa sinabi niya pero may punto siya.

Kakauwi lang nina Ate Ada and family galing sa bakasyon nila sa America kaya noong unang dating namin dito ay wala ang pamilya niya, ngayon lang, kaya ako kinakabahan.

Gusto kong magpatay-malisya sa sinabi ni Papa pero mas lalo akong nawalan ng lusot sa sunod na sinabi niya.

"Hanggang kailan mo itatago sa kanila, mija?"

"P-Po?"

Bumuntonghininga si Papa.

"Their blood is very evident with Kaven's features and slightly with Keyla. Kahit saang anggulo mo tingnan, lalabas at lalabas ang dugo nila. Kahit hindi mo sabihin sa amin, kahit hindi mo aminin, alam naming siya ang ama ng mga anak mo, kaya hanggang kailan mo itatago sa kanila ito?"

I'm expecting na papagalitan nila ako, o 'di kaya'y matinding drama ang makukuha ko mula sa kanila once na magka-alaman na tungkol sa totoong ama ng mga anak ko pero hindi ko pa lang nasasabi sa kanila, alam na nila kung sino. Ganoon ba talaga kahalata sa mukha ni Kaven?

Napayuko ako, pinagmasdan ang buhangin na nadadaanan namin saka ako nagbuntonghininga.

"Natatakot ako, Papa," panimula ko. "Natatakot po akong sabihin sa kanila kasi alam ko pong kukunin nila sa akin ang mga anak ko."

Papa tapped my shoulder.

"No one will take away your children from you. Anak mo sila at ikaw ang higit na may karapatan para alagaan sila. Ang sa akin lang naman, mija, e, malaman nila ang tungkol sa mga bata. Ang dugo nila ay nasa dugo rin ng mga anak mo, ng mga apo ko. Hindi lang Osmeña ang nasa dugo nila, mija. Hindi sila mabubuo kung wala ang dugo ng mga Lizares."

Tuluyan akong natigil sa paglalakad at hinarap si Papa, ganoon din ang ginawa niya.

"Ano po ba ang dapat kong gawin, Papa?"

Ngumisi si Papa sa akin at nag-aktong tumingala pa sa langit.

"Ah! Finally," aniya. "You ask for my opinion. I've been waiting for that time kasi last time na nanghingi ka ng advice sa akin ay 'yong nasa high school ka pa. Good choice, mija."

Hindi ko alam kung anong ire-reak ko sa pinagsasabi ni Papa. He is sure a humor-finder kind of gentleman.

"Papa, seryoso kasi..."

"Okay, okay, magse-seryoso na ang Papa mo," pinakalma niya ang sarili niya at nagseryoso nga agad. "Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong sabihin mo ngayon din sa mga Lizares ang tungkol sa mga anak mo. Whether they believe you or not at least you don't owe them a secret. Ano ngayon kung hindi nila tanggapin ang mga bata? Ano ngayon kung hindi tanggapin ng ama nila? Nandito naman kaming mga Osmeña para mahalin at tanggapin 'yan. Ang importante kasi rito, mija, ay nasabi mo sa kanila ang katotohanan. It's up to them if they accept it or not."

"What if umabot sa puntong mag-agawan kami sa custody ng mga anak ko? What if the law will get in the way? Lizares are powerful and for sure, kung aabot ito sa kaso, madali nilang maipapanalo iyon."

"Hindi mo naman paaabutin sa ganoon 'di ba? Because I don't think Darwin will get to the point of involving the law just to get his rights. Kaya itatanong ko ulit, hindi mo naman paaabutin sa kasohan 'di ba?"

What?

Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Papa.

"Pa, ako 'yong anak mo! You should know me better!" Turo ko pa sa sarili ko. This is unbelievable!

"Yeah, you are my daughter pero dahil sa madalas naming pagsasama ni Darwin nitong mga nakaraang taon, mas kilala ko pa siya kesa sa 'yo. He's not that kind of a man, mija."

"Yes I am!" Depensa ko sa sarili ko.

"Yes you are, mija," ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking pisnge para pakalmahin ako which is kind of effective kasi ganito ang ginagawa niya rati para pakalmahin ako.

"Is he still your golden boy, Papa? Do you still believe in everything he says to you? Kasi ako, matagal na akong hindi naniniwala sa kaniya, simula noong lokohin niya ako, wala na akong tiwala sa kaniya."

Marahas na huminga si Papa at umiwas ng tingin sa akin. Tinanaw niya ang payapang dagat sa aming harapan. Matagal bago siya nakapagsalita ulit.

"Ayoko sanang manggaling sa akin ito but I think kailangan mo rin malaman kahit papaano." Nanatili akong tahimik, tinatanaw na rin ang dagat.

"Alam mo ba kung bakit may Lizeña Food Corporation?" Nagtiim-bagang ako para pigilan ang sarili para magsalita. "Darwin owned that, he named that after the combination of you and his family's surname and he listed it under the Osmeña Business Empire instead sa kanila mismong kompanya kasi kahit wala na kayo, gusto niyang manatili ang koneksyon ng dalawang pamilya. Kahit ayaw ng mga pinsan mo na isali sa OBE ang kompanyang kaniyang itinatag dahil sa galit nila sa kaniya after knowing your reason why you called off your marriage with him, wala silang nagawa dahil determinado si Darwin na manatili sa pamilya natin.

"Karapatan ng mga anak mo na malaman nila ang tungkol sa ama nila. Karapatan din ni Darwin na malaman ang tungkol sa kaniyang mga anak. Pero nasa sa 'yo pa rin ang desisyon kung ano ang gagawin mo. Alam mo sa sarili mo kung ano ang nararapat sa magkabilang panig, mija, at sana sundin mo ang nararapat."

This is what I hate about other people's opinion, kapag tama sila, talagang babagabagin ako hanggang umaga. Alam ko sa sarili kong tama sila pero ipinipilit ko pa rin ang gusto ko. Me being a spoiled brat took me too far.

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa tuktok ng maliit na burol. Pinagod ko ang sarili ko. Sa pamamagitan nito, pinaparusahan ko ang sarili ko. Lunes ng umaga, heto pa rin at bumabagabag pa rin sa akin ang napag-usapan namin ni Papa. Lahat ng sinabi niya, merong punto, pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ang hirap tanggapin, ang hirap i-digest, ang hirap i-sink in.

Maaga akong nagising para pagurin ang sarili ko. I know I shouldn't kasi may trabaho pa ako mamaya pero dahil sa takot kong makasalumuha ko si Darry, parang ayaw ko munang pumasok. But that would make me an unprofessional for interfering my personal life to my work life. Not a good idea, MJ.

Tinanaw ko ang paligid. Unti-unti nang sumisikat ang araw. Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Hinahabol ang bawat hangin na nawala sa sistema ko nang tumakbo ako kanina.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naririnig ko na ang bawat tambol nito sa aking dibdib. Namaywang ako at tinanaw ulit ang paligid, ang payapa at berdeng paligid. Dinama ko ang pang-umagang hangin. Kahit papaano'y nakatikim ng kaginhawaan ang aking utak at baga.

I've been caught up with the construction site these past few weeks. Puros alikabok, semento, at alikabok ulit ang nasisinghot ko sa site. Nakakalimutan ko nang huminga ng sariwang hangin kahit na literal na nasa paligid ko lang naman ito. Mabuti nga at naisipan kong mag-cardio ngayon. It has been a while.

"Ang payat mo na nga, nagawa mo pang magpapayat," anang isang boses.

Agad nanlaki ang mata ko at iginala ang tingin sa buong paligid. Masiyadong creepy, kalabaw lang ang nakikita ko.

'Yong kaninang kalmado kong puso, biglang tumibok na naman ng mabilis dahil sa kaba. Punyemas, sino naman 'yong nagsalita?

Ilang sandali lang ay may bumaba galing sa malapit na puno, kung saan itinali ang kalabaw na tahimik lang na kumakain sa mga galang damo sa paligid. At no'ng makita ko ang mukha niya, matinding pag-irap ang ginawa ko. Punyemas.

Pinilit ko ang sarili kong umiwas ng tingin pero kahit anong gawin ko, bumabalik talaga ang tingin ko sa kaniya. Ikaw ba naman makakita ng naka-half naked na diyos sa harapan mo, tingnan natin kung hindi ka mapapatingin. Punyemas mo, MJ!

Matapos makipagtalo sa sarili, tuluyan akong umiwas ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" Lakas-loob na tanong ko. Sorry, that's the first thing it went my mind.

Tumawa siya pero halatang walang humor. Isang insultong tawa kaya naibalik ko ang tingin sa kaniya. Tama nga ang iniisip ko, ini-insulto nga ako ng isang 'to. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nag-crossed arms siya dahilan para magsilabasan ang litid sa kaniyang braso.

Napalunok ako.

Kailan pa lumaki nang ganyan ang kaniyang katawan? Akala ko 'yong nakita ko dati, malaki na, mas may ilalaki pa pala? At punyemas mo, MJ! You are angry with him, for pete's sake!

Hindi ko alam kung siya ang nilalabanan ko o ang sarili ko mismo.

"Nandito ako para magtrabaho, hindi para sundan ka," aniya tapos tumalikod sa akin. Napasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang saplot pang-itaas pero naka-black jeans siya at boots na punong-puno ng putik ang talampakan. May suot din siyang sombrero na gawa sa pandan at nakasablay sa kaniyang balikat ang sa tingin ko ang mismong damit niya. Naglakad siya palayo sa akin, papunta sa kalabaw na nananahimik. "O baka naman ako ang sinusundan mo."

Nang ma-rehistro ang sinabi niya, agad akong nag-reak. Trabaho? Sinusundan? Neknek niya!

"Ano namang ta-trabahuin mo rito? Bibilangin mo kung ilang dahon meron ang isang tangkay ng tubo? At saka sinusundan? Ano ka? Sino ka para sundan ko? E, hindi ko nga alam na may tao pala rito, e," maarteng sagot ko naman.

Ako pa talaga lolokohin niya!

Napahinto siya sa pagkuha sa lubid ng kalabaw at seryoso akong tiningnan.

"Inaararo ko ang lupain namin gamit ang kalabaw na ito at kung itatanong mo naman kung saan, 'yang lupaing kinatatayuan mo ay parte ng lupain namin na inararo ko kanina lang. Hindi lang kayo ang may lupain dito, MJ."

Aba't!

Pinasadahan ko ng tingin ang kalabaw na katabi niya. Meron nga'ng nakakabit na araro sa likuran ng kalabaw. Ang sunod kong tiningnan ay ang tubohan sa may ilalim ng maliit na burol, halata nga na bagong bungkal ang mga lupain doon.

"Ano? May itatanong ka pa?" Naibalik ko ang tingin sa kaniya at tuluyan na nga niyang nakalas ang lubid ng kalabaw sa puno.

"So magsasaka ka na ngayon?" Nilagyan ko ng sarkasmo ang tinanong ko. Pilit itinatago ang kaonting kahihiyang naramdaman ko.

"I've been doing this ever since, hindi mo lang alam kaya ngayon mo lang nalaman," preskong sagot niya na ikinataas ng aking kilay.

"As if I'm interested with you."

"And I didn't ask if you're interested or not," aniya.

Pumikit ulit ako, iniiwasan ulit ang nagliliyab niyang malaking katawan. Pakshet jud!

"Edi hindi na ako interesado. Pinipilit kita? Pinipilit?" Sarkastikong sabi ko at bonggang tumalikod na sa kaniya para bumalik na sa aking pinanggalingan pero...

"Aray!" Biglang natalisod ako dahil nag-twist ang kanang paa ko dahil sa may naapakan akong bato. Sa sobrang sakit, agad akong napaupo sa lupa.

Punyemas, ang sakit!

Tatanggalin ko na sana ang sapatos ko pero mas may na-unang kumuha nito. Walang sali-salita niyang tinanggal ang sapatos ko tapos ang medyas naman. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng aking paa bago niya dahan-dahang hinilot.

"Tss... your ankle is swelling badly," agad na komento niya matapos itong pasadahan ng tingin. Sinilip ko naman ito pero mas nakaka-distract yata ang malapit niyang presensiya kesa ang sakit ng aking paa.

"A-Aray..." Naibalik lang sa paa ko ang aking atensiyon nang bigla niya itong hilotin.

Masakit talaga siya, promise, parang pinilipit. Pero hindi ko talaga maiwasang igala ang aking utak, lalo na sa lapit ng kaniyang presensiya.

'Yong pamilyar niyang amoy, sinasakop pa rin ang aking pang-amoy. Kahit na may ginawa na siya kanina at paniguradong pinagpawisan na siya ay fresh na fresh pa rin ang kaniyang amoy. Tapos ang haplos ng kaniyang kamay sa aking paa, mabibigat pero marahan at may buong ingat. Punyemas naman MJ, ngayon talaga gagana nang ganyan ang utak mo?

Umiwas ako ng tingin at pilit ibinabaon sa utak ko ang mga pinagsasabi niya noong isang gabi. Gusto niyang kunin ang mga bata sa legal na paraan. At natatakot ako para roon.

Agad kong binawi ang paa ko sa kaniya nang maalalang galit nga pala talaga ako sa kaniya. Hindi puwede 'to. Hinding-hindi.

"O-Okay na, kaya ko na ang sarili ko," nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at dali-daling tumayo pero pagbabalanse lang ng katawan, hindi ko pa magawa kaya in attempt to stand, I fell again.

But this time, he takes hold of me. Sa sobrang bilis ng pangyayari, wala akong nagawa kundi ang matulala sa kaniyang mga mata, habang unti-unti akong sinasakop ng kaniyang pamilyar na amoy, at dahan-dahan din akong nilulunod ng aking sariling nararamdaman.

"'Wag ka munang pumasok sa trabaho mamaya, baka mas lalong mamaga 'yang paa mo."

Umiwas ako ng tingin at hinigpitan ang kapit sa lubid ng kalabaw na sinasakyan ko ngayon. Siya naman ay naglalakad lang sa tabi ko dahil hindi naman ganoon kabilis maglakad ang kalabaw.

Matapos kong matumba kanina sa pagpupumilit na makatayo, kinarga niya ako at isinakay sa kalabaw niya. Iniwan niya ang araro ng kalabaw niya at tahimik na sinabihan ako na ihahatid na raw ako sa bahay sa ayaw at sa gusto ko. Wala naman akong ibang magawa kasi mas desidido siya sa desisyon niya kesa pakinggan lang ako. At saka oo, masakit talaga ang paa ko.

"M-Marami akong kailangang tapusin sa site, I need to be there," depensa ko naman habang hinihintay kung kailan kami makakababa ng maliit na burol na ito.

Hindi man lang siya lumingon sa akin pero kitang-kita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang. Umiwas na lang ako ng tingin at napalunok.

"Your work can wait but your swollen ankle can't. Kung gusto mong magkaroon pa ng ina ang mga anak mo, better listen to me."

"Hoy, grabe ka naman! Namaga lang ang paa ko, mamamatay agad?" Agad na depensa ko. Grabe naman 'yon!

"Mamamatay ka talaga kapag hindi ka nakinig sa akin. Ang payat-payat mo pa, hindi ka ba kumakain sa ibang bansa? Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" 'Yong kaninang tahimik na Darry Lizares ay biglang nagsalita na naman ngayon. Pasalamat talaga ang isang 'to, nakasakay ako sa kalabaw niya. Punyemas, ang sarap tablahin. "You're a well-known Engineer tapos parang hindi ka pinapakain sa inyo," dagdag niya pa.

"You are literally body shaming me, Lizares! Ano bang problema mo sa mga payat?" Tinanaw ko ang daan at nakita kong malapit na kami sa daan mismo, i-straight mo lang ang daang ito ay makakarating na sa bahay namin.

I look at him again and he's mumbling something na hindi man lang nakaabot sa aking tenga. Mas lalo akong nainis.

"You saying something, Lizares?" Hindi na siya sumagot sa akin at mas lalong g-in-uide ang kalabaw sa dinaraanan nito. Itinikom ko na lang ang bibig ko.

Nang makarating sa tapat ng gate ng bahay, bago pa man ako nakababa, naunahan na niya akong pababain. Napalunok ulit ako sa sobrang lapit ng kaniyang presensiya. Shit naman.

"K-Kaya ko na ang sarili ko, no need to go inside," agad na sabi ko nang makalayo ako sa kaniya. Nasa bahay kami ngayon. Nasa loob ng bahay na ito ang aking mga anak. Nasa harapan ko ang kanilang ama. Do you think, I'm fine? Hell no! "Thanks for an extreme ride," kahit awkward na, nagawa ko pang magbiro.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya, kahit na pa-ika-ika ay binilisan ko ang paglalakad lalo na nang mapagbuksan ako ng sekyu. Kailangan kong bilisan ang paglalakad ko, baka biglang lumabas ang mga anak ko't makita pa ang kung sino ang nasa labas.

Bago makapasok sa loob ng bahay, nilingon ko ulit siya na nandoon pa rin sa huling puwesto niyang tinigilan namin, katabi ang kalabaw niya, at mariing nakatingin sa akin. Para mawala ang kabang naramdaman ko, kumaway ako sa kaniya at dali-daling pumasok na ng bahay.

Punyemas!

~


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C43
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen