Masama kong tinitigan ang panibagong pagkain na ipinadala na naman sa akin. Halos sabunotan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang inis. Mag-iisang buwan na ang trabaho ko rito at pang-ilang linggo na itong pagpapadalang ito.
I stared at it like it's gonna melt instantly.
"Sino ba kasi ang nagpapadala sa 'yo?" Singhal ko sabay tayo.
Punyemas naman kasi! Ayoko mang aminin pero masarap ang pagkain at ang kape na pinapadala ng kung sinong Pontio Pilato'ng ito.
"Okay lang po kayo, Engineer?" Natatarantang tanong ni Sara kaya napatingin ako sa kaniya.
Pagak akong ngumiti at parang nahiya pa dahil sa inasal ko.
"Okay lang, Sar, pasensiya na." Inayos ko na ang sarili ko at padarag na hinablot ang venti cup of coffee na kasama sa ipinadala sa akin.
"Hindi niyo pa rin po ba alam kung sino ang nagpapadala ng mga pagkain sa 'yo, Engineer?"
Nang dumaan ako sa tables nina Sara, agad na tinanong ni Garry 'yon sa akin. My assistant.
"Not a chance. Wala ba kayong idea?" Nagbabakasakaling tanong ko pa.
Sara shrugged her shoulder for an answer. Umiling si Garry at Elra.
"Baka naman isa sa mga admirers mo, Engineer. Nagpapa-impress lang," wika naman ni Elra, Engr. Meeton's assistant.
Umiling din ako at hinigpitan ang hawak sa kape.
"If he wants to impress me, he should've delivered it him self or just simply put his name on the note."
"Napakaganda niyo naman po kasi, Engineer, e, kaya hindi na talaga maiiwasan na may humanga sa 'yo," sagot naman ni Sara sa pabirong paraan.
"Lalo na ngayon, Engineer, na nag-viral ang dance cover niyo ng Tala."
Oh?
Ang atensiyon naming apat ay agad nalipat kay Ar. Guanzon. Galing siya sa table niya.
"Nag-viral?"
"Ay, oo nga pala, Engineer! Ang dami na ng views no'ng dance video ninyo noong isang araw!" Seconded by Garry.
"Nanood po ba kayo ng balita kagabi? Na-feature 'yong sayaw niyo sa segment ni Marc Logan, e," sagot naman ni Elra.
"Umabot na sa isang million ang views, Engineer. Siguro wasak na wasak na 'yong notifications ni Engineer Vergara sa sobrang daming shares and reactions," ani Sara.
Natawa ako sa mga pinagsasabi nila.
"Sa tingin niyo, nakarating na ba 'yon sa main office?"
"Siguro, Engineer, ang daming views e," ani Ar. Guanzon.
"I guess I'll prepare kung kailan ako ipapa-summon for what I did," pagbibiro ko pa.
"Naku, imposible, Engineer. Break time naman natin 'yon at saka mas marami ang na-goodvibes sa sayaw niyong iyon 'no, kaya hindi naman siguro mamasamain ng dignitaries ng SLC 'yon," depensa naman ni Ar. Guanzon sa akin.
"Oo nga, Engineer, nakaka-goodvibes nga 'yong video," ani Sara.
Tumawa ako sa mga pinagsasabi nila.
"Hangga't hindi tayo tinatawagan, panindigan natin na hindi masama ang ginawa natin. Walang masama sa pagsasayaw. People needs to dance once in a while 'no."
"Tama, Engineer!" sabay na sabi nilang apat. Natawa ulit ako.
"Balik na sa trabaho, maglilibot lang ako." Inubos ko ang kapeng hawak bago itinapon sa basurahan ang venti cup.
Inabot na rin sa akin ni Garry ang hard hat at ang high vis vest.
Lumabas ako ng make shift office at handa nang tahakin ang daan papunta sa site nang biglang lumapit si Engr. Joemil sa akin.
"Oh? Ba't hingal na hingal ka?" Puna ko sa sunod-sunod niyang paghinga.
Pinakalma muna niya ang sarili niya pero habang ginagawa niya 'yon ay nakaturo siya sa may entrance ng site.
"N-Nandito si Donya Felicity Lizares," aniya kaya sa pagtataka ko, napalingon ako sa may entrance.
Kasama ang kaniyang entourage, tama nga ang sinabi ni Engr. Joemil. Nandito nga ang matriarch ng mga Lizares na malawak na ngumingiti sa akin ngayon.
Nagulat ako sa presensiya niya pero mas nagulat ako sa mga taong kasama niya. May isang babaeng naka-corporate attire ang pinapayongan siya papunta sa puwesto ko. May dalawang body guard na mas na-unang naglalakad sa kanila at may iilang tao na may bitbit na mga karton na hindi ko alam kung ano ang laman.
Wow. What is happening to the world?
"Hija!" Tinanggal niya ang cat eye shades niya, ibinigay sa babaeng may hawak ng payong, at mahinhin akong nilapitan sabay beso-beso sa akin.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi agad ako nakapag-react sa ginawang pagbati niya sa akin.
"I'm glad I am seeing you now again! Hindi kita nakita noong groundbreaking ceremony, hinanap kita!" Aniya. Nagpakurap-kurap ang mata ko, hindi pa rin makapaniwala sa pagdating ni Donya Felicity.
Punyemas.
"D-Donya Felicity..."
"It's Tita Felicity, hija, or you can call me Mommy again, I won't mind, 'wag lang Donya," agad na sagot niya na nagpanganga sa akin.
What in the world?
"Uh, T-Tita, good afternoon po. N-Napadalaw po kayo, Tita? Ichi-check n'yo po ba ang progress ng resort?" Tanong ko pa, medyo nagulat at na-awkward pa rin sa biglang pagsulpot ni Donya Felicity sa harapan ko.
"Oh no, hija, ikaw talaga ang sadya ko pero nagdala na rin ako ng mga pagkain para sa lahat ng nagta-trabaho rito." Lumingon siya sa likuran niya kaya napatingin na rin ako roon. "Paki-distribute na sa lahat ng nagta-trabaho rito ang mga pagkain and make sure they'll have their own share."
"Yes po, Donya," sagot naman ng lalaking may bitbit ng karton.
"Um, Engineer Joemil, pakisamahan na lang sila, please." Tumango si Engr. Joemil sa akin bago sinamahan ang mga tauhan ni Donya Felicity. "Pasok po tayo sa loob, Tita," at iginiya ko ang daan papasok sa loob ng make shift office namin.
Bago pumasok, nakita ko sa pintuan ng make shift office na nakadungaw ang apat na nandoon sa loob kanina pero nang makita nilang papalapit kami ay agad silang pumasok sa loob. At dahil mas na-una akong maglakad kesa sa Donya, pa-simple na lang akong nagbuntonghininga.
Nang makapasok ay aligaga namang inasikaso ng mga staff namin si Donya Felicity. Maski ako na-aligaga na rin.
"Upo po kayo, Tita," offer ko sa pinakamagarang swivel chair ng opisina. "Pasensiya na po kung magulo at mainit ang opisina namin, Tita. Make shift lang po kasi ito," panghihingi ko ng pasensiya.
She's known for her elegance and class kaya nakakahiyang pumasok nga siya sa opisina naming magulo, masikip, at mainit.
Iginala ni Donya Felicity ang tingin niya sa loob ng opisina namin. Magulo ito dahil maraming papeles at gamit kaming nakatambak dito. Masikip kasi marami kaming staff at engineers na dito nag-o-opisina. Mainit kasi iisa lang ang aircon na in-install.
"Tama ka nga hija," agad na komento niya matapos pagmasdan ang kabuuan. "Darwin Charles should've offered a space in the milling to be one of your offices o 'di kaya'y in-offer niya ang bahay niyong dalawa, total malapit lang ito rito sa site if you want a nearer office."
Ha? Bahay namin?
"But anyways, I'm not here to criticized your office. I'm here to see you personally!"
Hindi pa man nakaka-move on sa sinabi niyang bahay namin ni Darwin, nag-open na naman siya ng panibagong topic. Hay buhay.
"You know what, I've been making kulit Darwin Charles to tell you to visit the mansion but he always say na you're busy which is kind of reasonable naman because of your project. But dang, can't he stop the construction first so that you can have your break or better yet summon you to come to the mansion kahit sandali lang?"
Donya Felicithea Prowess Lizares, the matriarch of the Lizares' clan, is cursing in a circuitous way. And it's one of the cutest thing I've ever heard in my entire life.
Dang.
"Pasensiya na po, Tita, kailangan lang talaga naming mag-focus sa project na ito, Tita. Darwin is expecting us to finish this in the time given po kasi kaya kailangan pong pagbutihin ang trabaho, Tita," rason ko naman.
"Sabagay..." Aniya sabay kibit ng balikat. "But you can always take your time, hija. Besides, kayo naman ni Darwin Charles ang may-ari ng resortel na ito so just take your time."
Ha?
"P-Po?"
Pero nawala sa akin ang tingin ni Donya Felicity nang biglang may umubo sa loob ng opisina. Mukhang nasamid.
Kahit nagulat sa kaniyang nasabi, napatingin na rin ako sa umubo na si Elra.
"P-Pasensiya na po," aniya.
"Are you okay, hija?" Concern na tanong ni Donya Felicity sa kaniya. "Hannah, check her, baka kung napaano na 'yan," utos niya pa sa babaeng naka-corporate attire na kanina niya pang kasama. "And Hannah, paki-follow up sa labas ang inihandang pagkain ko para sa kanila, baka sila pa ang maubusan," dagdag na utos niya sa babaeng si Hannah.
"Yes po, Donya Felicity."
Bumalik ang tingin ni Donya Felicity sa akin kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"As I was saying, hija, you need to visit the mansion. Kaya ako na mismo ang pumunta rito para i-invite ka and your colleagues to join us for dinner tomorrow night."
"Po? Ano po ang okasiyon?"
"Nothing, hija, it's just a simple dinner with you and the family. Isama mo lang ang iba pang engineers na kasama sa project na ito," litanya niya. "And it's also mine and Gabriel's way of welcoming you again. It's a late celebration but late is better than nothing 'di ba?" Dagdag niya pa na halos hindi na pumasok sa utak ko.
Gusto kong umayaw pero hindi ko maibuka ang bibig ko para sa protesta. 'Nyemas naman.
"Oh by the way, I saw your dance video in Facebook, it went viral ha, and congratulations on that."
Pagak akong napangiti sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi ni Donya Felicity.
I don't have bad memories with her and Don Gabriel kasi may koneksyon naman talaga ang mga Lizares at Osmeña pero damn! I'm the ex-wife of his youngest and the image of the ex-wife visiting her ex in-laws' house and family is for me a devastation.
Mas lalong nadagdagan ang iniisip ko nang pumasok si Engr. Meeton kasama ang isa pang hindi inaasahang bisita.
Napapikit na lang ako at inisip na sana nasa isang hardin na lang ako't nakahilata lang sa damuhan.
"Tita! You're here pala!" Masiglang bati niya nang makita niya ang Donya na nakaupo sa swivel chair.
Napadilat ako ng mata at ang unang nakita ko ay ang seryosong mukha ng Donya. Dahan-dahan at malumanay siyang tumayo habang seryosong nakatingin kay Audree Macalintal.
"It's Donya Felicity, not Tita. You are still my son's employee."
Wow ang sakit no'n ah?
Napalunok ako sa sobrang seryoso ng boses ni Donya Felicity. Sobrang tahimik na rin sa loob ng opisina at hindi ko na rin matingnan si Audree Macalintal para hindi siya mahiya kung sakali.
That was a big blow...
"S-Sorry po, Donya Felicity..." Aniya.
Marahang huminga si Donya Felicity at bumalik ang tingin sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Miss Macalintal?" Tanong ni Donya Felicity pero sa akin nakatingin. Ngumiti pa si Donya Felicity sa akin bago ibinalik ang tingin kay Audree.
"B-Bumisita lang po sa site, D-Donya Felicity." Audree obviously stutter on her words. Parang nararamdaman ko ang mahiyaing tono ng boses niya.
"Is it the accounting head's job to check on his employer's personal business?"
Napalunok ulit ako sa sinabi ni Donya Felicity.
Punyemas. Kung ako sinabihan nito, kanina pa ako nag-backlash. Pero si Audree, nanatiling nakatayo at tahimik.
"I-I am one of the investors, Donya Felicity. I-I am just here to personally check the business I invested with."
Oo nga naman, may point nga naman siya.
"So you left your job in Manila just to check this unfinished building yet," mumbled by Donya Felicity.
Mas lalo yatang namuo ang tensiyon sa loob ng maliit na opisinang ito na feeling ko mas lalong sumikip.
"Sorry to interrupt," biglang salita ni Engr. Meeton na nagpasinghap sa akin.
Thank God!
"Thank you for visiting the site, Donya Felicity. I am Engineer Meeton Rivera, the safety director of this project." Lumapit na nga nang tuluyan si Engr. Meeton at nag-offer ng kamay kay Donya Felicity.
Minsan talaga nagpapasalamat ako sa pagiging epal ni Engr. Meeton. Nagamit niya sa tama ito ngayon.
Hindi rin nagtagal ay umalis na si Donya Felicity. Pero si Audree ay nanatili pa rin sa opisina namin.
Kumuha ako ng bottled water sa mini pantry namin at nilapitan siya. Inabot ko sa kaniya ito.
"Okay ka lang, Miss Audree?" Magalang na tanong ko sa kaniya.
She's obviously older than me and she's after all one of our indirect boss/client. So calling her Miss is a must but not necessary on my mind.
Umismid siya pero tinanggap niya ang tubig na ibinigay ko.
"Ako na ang humihingi ng pasensiya sa inasta ni Donya Felicity sa 'yo."
Uminom siya sa tubig na ibinigay ko pero naka-ismid pa rin ang mukha.
"I do understand. She's that protective towards her youngest son. Given na si Darry na lang ang hindi nakakasal sa mga anak niya. Masiyadong madamot sa anak," aniya sabay tingin sa akin. "And I also understand na mabait siya sa 'yo dahil may utang na loob ang pamilya nila sa pamilya mo."
I cannot believe this woman!
Hindi siya protective sa anak niya, Miss Audree. Hindi siya terror na manugang. She obviouly doesn't like you for her son at saka ano 'yong utang na loob? Nahuli ba 'to sa balita? No one owes anyone between Lizares and Osmeña.
"But thanks for this. Thanks Engineer Rivera for the tour," aniya bago umalis.
"Wow! Kaya naman pala ayaw ni Donya Felicity sa kaniya. Ma-attitude si girlalu!" Komento agad ni Elra nang makaalis si Audree.
"Hindi sa nang-aano ako ha, pero mukhang totoo nga ang usapan sa LFC, feelingera at assumera ang lola mo," sagot naman ni Sara.
"Grabeng attitude naman 'yon? Hindi niya ba alam na pinakamaganda sa ciudad na ito ang tinarayan niya? Most beautiful ng Escalante itong si MJ Osmeña, 'no!"
Gulat akong napatingin kay Engr. Belle.
"Woy, paano mo nalaman?"
"Siyempre, sikat ka kaya dati pa!"
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Engr. Belle. Fighting away the negative vibes.
"Grabe siya, hindi niya ba alam na ikaw ang ex-wife?"
Masama kong tiningnan si Genil at sumimsim sa kapeng hawak ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbi-brainstorming ng mga bagong designs sa study room ng bahay nang bulabugin ako ng bakla. Hinayaan ko na nang may makausap ako.
Tumigil ako sa ginagawa, tinanggal ang eyeglasses, at masamang tiningnan si Genil.
"Alam mo, 'wag mong sisiraan si Audree kung hindi mo pa siya nami-meet, baka bawiin mo na naman ang mga masasamang description mo sa kaniya once you see her," sarkastikong sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.
It's a rebutt to what he said last time. Marami siyang masasakit na salita na sinabi patungkol kay Darry noong ang alam pa lang niya ay ang ginawa nito at hindi niya pa nakikita ang mukha nito. Pero nang makita niya, para siyang natiklop at lahat ng masasamang salita at paninira niya ay nawala ng parang bula nang dahil lang sa ito'y guwapo. Walang hiya 'di ba? Nakaka-punyemas!
"Dimwit! I'm sure with this one, I can feel it she has a bad vibe and bad omen," maarteng sabi niya na animo'y isang espiritista.
"Ano ba'ng ginagawa mo rito? Bakit ba hindi ka sumama kay Nicole at Nathan sa trips nila?"
"Like duh! Ano naman ang gagawin ko roon? Ayokong maging photographer, ayokong maging third wheel, 'no!"
"Puwede ka namang gumawa ng itinerary'ng sa 'yo. It's your chance to tour around Philippines before you go back to your toxic job."
Nicole and Nathan are making the most of their stay here in the Philippines before they all come back to Canada after a month at itong baklang ito, nandito lang at walang ibang ginawa kundi ang magpagawa ng merienda sa Lola niya.
"'Wag na, mas okay na ako na nakikipag-bonding ako with my dad's family," aniya. Napahinto rin ako sa ginagawa ko.
"Sabagay, mabuti na rin na nandito ka, magagamit kita bukas sa pa-dinner ng mga Lizares," ngumiti ako sa kaniya nang malawak. Napatigil siya sa ginagawa niya.
"Oh god! You're still into it?"
I pouted and fully stop what I'm doing.
"Sige na, frenny! Sasamahan mo lang naman ako sa dinner, e, you'll just stand by my side and be my boyfriend," pamimilit ko pa.
"Ano ka? Hello? Okay ka lang? Sa tingin mo maniniwala ang mga 'yon? At saka, tumigil ka na nga, MJ, masiyadong luma na 'yang technic na iyan, hindi gagana 'yan sa ganoong klaseng lalaki," rason niya na mas lalong nagpahaba ng nguso ko.
Ginagamit ko kasi rati si Genil na 'boyfriend' sa tuwing may umaaligid sa akin na mga lalaki na hindi ko type at saka hindi ko lang talaga type.
"Grabe, guwapo ka naman at lalaki ang dating mo, maniniwala sila," pilit ko pa.
"Sige... isama mo ako sa dinner na 'yan at ipakita mo sa kanila ang kambal tapos sabihin mo'ng ako ang ama ng kambal, sasabihin ko rin sa kanila na bakla ako. Tingnan natin kung sino ang paniniwalaan nila," puno ng panghahamon na sabi niya.
Umirap na lang ako at hindi na siya pinilit pa. Biro ko lang naman talaga dapat 'yon.
"Hanggang ngayon ba, ayaw mo pa ring sabihin sa kaniya?" Ilang segundong natahimik si Genil and he's back at it again.
Napabuntonghininga na lang ako bilang sagot.
"'Di ba sabi mo, nagkasalubong kayo sa Rodeway Inn at nakita niyang kasama mo ang kambal pero ang sinabi niyo ay anak niyong dalawa ni Engineer Kither ang kambal?"
"Yep..." Walang ganang sagot ko pa.
"Naniwala siya roon? Naniwala siyang anak nga ni Engineer Kith ang dalawa? Kung ganoon siya ka vigilant sa mga information tungkol sa 'yo sana alam niyang nagkakilala kayo ni Engineer Kither way before the twins were born. Talagang hindi niya napansin? Walang lukso ng dugo?"
"Kasi nga... wala siyang pakialam."
"Hindi na ba nagtatanong ang pamilya mo sa 'yo tungkol sa ama nila?"
"Hindi na, matagal ng nagsawang magtanong."
Up until now, only Nicole, Genil, and Engr. Kith knew about the father of my children. Ewan ko kung napapansin ng mga magulang ko pero hindi na rin naman sila nagtatanong.
"Ang kambal ba? Hindi ba nagtatanong sa 'yo tungkol sa tatay nila? Imposibleng hindi... magtatanong at magtatanong talaga 'yan."
Napatigil ulit ako sa pag-scan sa ginagawa ko at tiningnan si Genil.
"Nagtanong, but what I said is enough for them to not ask further questions," sabi ko sabay balik sa atensiyon ko.
"Ano naman 'yong sinabi mo? May sinabi ka sa kanila na hindi namin alam?"
"Their father is dead."
"What?" Eksaheradang tanong ni Genil. "Ano'ng klaseng sagot 'yan, MJ? Nagsinungaling ka sa mga anak mo?"
"Inilalayo ko lang sa mas malaking sakit ang mga anak ko. I don't want them to be disappointed of how their dad ignored them and doesn't care about them."
"Pero inilalayo mo rin sila sa 'yo once na malaman nila ang totoo. Why don't you just directly say it to them. And how sure are you na wala nga'ng pakialam si Darry Lizares sa mga anak niya?"
"Alam niyang may nangyari sa amin! Dapat that time, he should've checked on me!"
"Not all actions are understandable by men, MJ! Paano niyang malalaman kung bigla kang umalis at hindi na bumalik?"
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko.
"Kung may pakialam siya sa akin, kung talagang may nararamdaman siya sa akin, dapat noon pa lang sinundan na niya ako at hinanap." Unti-unti na namang kumikirot ang puso ko sa sakit. "Pero hindi, Genil, pinabayaan niya akong lumayo at nilunod ang sarili niya sa ibang babae! He doesn't care for me and he doesn't really love me! What he did to me, what he showed to me were part of his goddamn show for the sake of his mistress' land title! What more sa mga anak ko, Genil? Ayokong mamalimos ang mga anak ko ng pagmamahal sa kaniya!"
Hanggang ngayon, masakit pa rin pala talaga. Lahat ng napagdaanan ko noong pinagbubuntis ko pa lang sila, lahat ng issue na nababasa ko tungkol sa kaniya ng mga panahong iyon, lahat ng kirot, sakit, at sakripisyo ay parang isinampal ulit sa akin.
"Kaya sana naiintindihan mo ako, Genil, kung bakit ayaw kong ipakilala sa kaniya ang mga anak ko. He doesn't deserve them. My children doesn't deserve an ignorant father."
Bumagabag sa akin ang pinag-usapan namin ni Genil kagabi. Dala-dala ko ito hanggang sa aking trabaho which is not appropriate but I just can't. I just can't get it out of my head.
Napasinghap ako sa mga pinag-iisip ko at tumayo na. Kinuha ang hard hat at isinuot.
Inabala ko ang sarili ko sa pagta-trabaho at mabuti naman kasi kahit papaano'y nawala iyon sa isip ko.
"Engineer, okay lang po ba kayo?" Habang ino-obserbahan ko ang mga workers ay hindi na nga yata napigilan ni manong na kumustahin ako.
Medyo may edad na si manong pero naghahanap-buhay pa rin siya at mas malakas pa sa kalabaw.
"May problema po ba kayo, Engineer?" Follow-up question niya nang hindi ako makasagot.
"Opo, manong, ayos lang po," sagot ko naman. Pero pare-pareho nating alam na hindi naman.
"Sana nga po, Engineer, okay lang kayo. Kayo pa naman po ang palaging nagsasabi sa amin na 'wag dadalhin ang personal na problema sa trabaho."
Back to you, MJ.
Ibinalik ko ang tingin ko kay manong. Parang nahiya sa sinabi ni manong, ngumiti na lang ako.
"Uh, manong..." Panimula ko. "May pamilya na po kayo, 'no?"
"Opo, Engineer."
"Ilan na po ang anak n'yo, manong?"
Napatigil sandali si manong si ginagawa niyang pag-aayos ng mga kabilya at napa-isip.
"Lima, Engineer, atsaka single father po ako," aniya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Single father po kayo, manong? N-Nasaan po ang asawa n'yo, manong? If you don't mind."
Tumawa si manong. Halatang isa siyang masiyahin na tao.
"Ah, matagal na ho kaming hiwalay, Engineer. Maliit pa lang 'yong mga anak namin, iniwan na kami ng nanay nila, nangibang-bansa, Engineer. E, nakakita ng mas guwapo kesa sa akin kaya ayon... iniwan kami ng mga anak ko," at dinaan pa sa tawa ni manong ang sinabi niya.
Teka, ang bigat no'n, ah?
"Really, manong? Paano n'yo naman po itinaguyod ang mga anak niyo kung ganoon?" Curious kong tanong.
"Hay naku, Engineer, mahirap lalo na noong una. Hindi ko halos alam kung ano ang gagawin ko, umabot na ako sa puntong pati mga anak ko, napabayaan ko na. Pero dahil din naman sa mga anak ko, bumalik ako sa huwisyo ko, nagsumikap maghanap ng trabaho, at mag-isa silang itinaguyod."
"I can't imagine how painful it was for you, manong, but I'm glad na okay ka na at nandito ka ngayon. Saan po pala kayo banda rito sa ciudad, manong?"
Nagpatuloy ang usapan namin ni manong pero hindi rin naman nagtagal.
Iba-iba ang kuwento ng mga construction worker sa SLC, may masalimoot, may masaya, may chill lang, may masakit, pero lahat ng iyon ay nakaka-inspire at mapupulutan mo talaga ng aral. Kaya nga importante para sa mga boss na kausapin at alamin kung ano ang buhay ng inyong mga trabahante. This is one thing I learned from my parents' leadership towards our trabahantes.
Nagpatuloy ang araw ko at nang mga alas-tres, right after the anonymous delivery guy with the same note, ay tumawag si Alice sa akin.
"Ma'am MJ, puwede ba kayong umuwi ng maaga?"
Inipit ko between my ears and my right arm the phone para hindi malaglag while nagchi-check ako ng mga daily files na kailangang fill-out-an.
"Bakit, Alice? Ano'ng meron?"
"Si ano kasi- si Keyla-"
"What happened to Keyla?" Nailapag ko ang files na hawak ko at pinagtoonan ng pansin ang pakikipag-usap kay Alice. Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa opisina.
"Kumalma ka lang ha, 'wag kang magpa-panic!" Aniya.
"What? How come I couldn't e sa sinabi mo pa lang na Keyla talagang magpa-panic na ako!"
"Kumalma ka nga lang! Medyo mainit kasi si Keyla tapos hinahanap ka, puwede ka raw bang umuwi na?"
My mother self is activating again.
"Ano'ng medyo? Did you check her body temp? How is she? Please tell her I'm going home," at tinakbo ko na nga ang distansya ng opisina.
Dali-dali akong pumasok sa opisina at hinagilap ang mga gamit ko.
"Gar, mag-i-early out ako, pakisabi na lang kay Engineer Meeton kapag nakapabalik," bilin ko sa assistant ko.
"S-Sige po, Engineer... 'Yong dinner nga pala mamaya sa mga Lizares, Engineer, remind ko lang." Tinanguan ko lang ang mga pinagsasabi ni Garry at nagmamadaling umalis ng site para makauwi na. Medyo malayo pa naman dito 'yong bahay.
Minsan lang magkasakit ang anak ko, and I should be there assisting my Keyla.
Nang makarating ay agad akong sinalubong ni Erna.
"Kumusta si Keyla?"
"Nagpapahinga na po sa kuwarto niya, Ma'am MJ," sagot niya habang kinukuha ang mga gamit ko. "Pasensiya na, Ma'am MJ, kung tinawagan ka namin agad. Hinahanap ka po kasi ni Keyla, Ma'am, e."
"No! That's fine! Alam mo naman kapag mga anak ko, state of emergency na dapat. That's my protocol, Erna."
"Sige po, Ma'am."
Tuluyan akong nakarating sa kuwarto ni Keyla. Nadatnan ko pa si Kaven na nakaupo sa kama ni Keyla at hinahaplos pa ang buhok nito.
"M-Mommy..." Aniya.
"Mom..." Bati naman ni Kaven sa akin. Isa-isa kong niyakap ang dalawa at agad na inasikaso si Keyla.
Hindi naman siya ganoon ka-init but to make sure, mabuti at pinalagyan na ni Alice ng Cool Fever ang noo niya. Nakahiga lang siya sa kama at may sipon pa. Hindi naman malala ang kaniyang kalagayan pero over acting mother ako, kahit kagatin lang ng lamok ang mga anak ko, it's still on a state of emergency.
I was on Keyla's side throughout the hour, maski si Kaven ay tinutulungan ako sa pag-aalaga ng kakambal niya.
"Go to sleep now, baby, Mommy's gonna be here. Hindi aalis si Mommy," pang-aalu ko kay Keyla.
"Okay, Mom."
"You too, Kaven, go to your room. Baka mahawa ka kay Keyla," lingon ko naman kay Kaven na nasa tabi lang namin ni Keyla.
"But I want to take care of Keyla, Mom," aniya. Napangiti ako sa pag-aalalang ipinapakita ni Kaven.
"Your sister is going to be fine, Kav, she just needs rest and baka na rin mahawa ka pa if you insist on staying. Mommy can't afford na pati ikaw magkakasakit din."
"Okay, Mom, I will just be a good boy." Hinalikan ko ulit si Kav.
"I'm sorry, Kav, promise I'll get better tomorrow," huling sinabi niya sa twin brother niya.
Tumabi ako kay Keyla at hinayaan siyang makatulog sa bisig ko.
Nagising ako dahil sa isang katok sa pintuan. Nang magmulat ako ng mata, ang una kong hinanap ay si Keyla. Only to find out that she's sleeping peacefully beside me. Hinawakan ko ang bandang leeg niya at malaking relief para sa akin ang maramdaman na nagbabalik na sa normal ang init niya. Hindi na katulad kanina na medyo mainit.
Buong pag-iingat kong dinampian ng halik ang noo ni Keyla at inayos na ang kumot niya bago tumayo para puntahan ang pinto.
Medyo madilim na kaya sa tantiya ko, gabi na.
Binuksan ko ang pinto at ang tumumbad sa akin ay sina Mama at Papa na karga si Kav.
Hinalikan ko sa pisnge si Mama at Papa bilang pagbati.
"How is she?" Tanong ni Papa.
"Bakit hindi mo agad dinala sa hospital?" Wika naman ni Mama.
"Ma, she's fine. Normal na sama ng pakiramdam ang naramdaman ni Keyla. No need to worry kasi hindi na rin naman siya mainit at napainom na namin siya ng gamot kanina." Binuksan ko ng malaki ang pinto ng kuwarto para makita nina Mama at Papa si Keyla. Hindi rin naman sila tuluyang pumasok sa loob.
"Nakakain na ba siya?" Tanong ni Mama.
"Yes, Ma, napakain na namin ni Kav si Keyla before siya nakatulog." Nilingon ko ang baby ko sabay haplos sa pisnge niya. "Right, baby?"
"I told you, Lola, I'm the one who helped Keyla eat her dinner," hindi magkanda-ugagang sagot naman ng anak ko.
"Good boy! That's right, baby, you should always take care of your sister and your Mom," ani Papa.
Nagtawanan na lang kami hanggang sa nag-ayaan na kumain ng hapunan.
And speaking of hapunan... Punyemas!
Oo nga pala... may dinner nga pala dapat akong pupuntahan ngayon. Oh heck!
"Ma, susunod ako sa baba, I just need to make some calls," bilin ko at diretsong lumiko papunta sa direksyon ng kuwarto ko.
Kinailangan ko pang hagilapin sa hand bag ko ang phone ko at no'ng makita ko ito, ang dami nga'ng missed calls at text messages galing sa mga colleague ko.
Cli-n-ick ko ang contact ni Engr. Meeton para matawagan. At laking pasasalamat ko na nag-ring ito ng tatlong beses bago nasagot.
"Engineer Meeton!" Agad na bungad ko.
"MJ, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa mansion ng mga Lizares!" Sunod-sunod na naging tanong niya.
"'Yon na nga, Engineer... Sorry, late notice na, hindi kasi ako makakapunta. Si Keyla kasi..."
"Oh, okay! Sige, sige, ako nang bahala mag-explain sa kanila."
"Maraming salamat talaga, Engineer. Pakisabi na lang kay Don at Donya na pasensiya na talaga, nagkasakit kasi si Keyla."
"Don't worry, Engineer, ako na'ng bahala mag-explain. Maiintindihan ka naman yata siguro nila."
"Sige, Engineer. Enjoy your dinner with them."
"Yes, MJ. Good night. Pakisabi kay Keyla na get well soon ha?"
At doon ko na nga tinapos ang usapan namin ni Engr. Meeton.
Hindi na rin naman lingid sa kaalaman niya kung gaano ako ka hands-on sa mga anak ko. Naging Ninong na nga rin pala si Engr. Meeton sa kambal kaya alam na alam nila ang napagdaanan kong pagpapalaki sa kambal.
Nagpatuloy ang gabi ko. Dinner with Mama, Papa, and Kav. Hindi na nakatira sina Ate at Kuya rito sa bahay dahil may sarili na silang bahay. Kaya kami-kami na lang ngayon sa malaking bahay na ito.
Matapos kong mapatulog si Kaven sa kuwarto niya at masigurong mahimbing pa rin na natutulog si Keyla, lumabas ako ng bahay na bitbit ang phone ko.
Sa maliit na hagdan sa may entrance ng bahay, umupo ako at hinanap sa contacts ang pangalan ni bakla.
Stress na stress na ako sa buhay, naghahanap ng alak ang buong sistema ko at alam kong si bakla lang ang maaasahan ko sa mga panahong ito. At saka, gusto ko na ring mag-sorry sa naging sagutan namin kagabi. Alam ko. Pero ma-pride ako, e.
"O?" Galit-galitan effect na sagot naman niya.
Mahina na lang akong natawa sa inaasta ng bakla.
"Nasaan ka ngayon?" Kinalma ko ang sarili ko at pinilit na iseryoso ang boses ko.
"Why?" Malamig pa rin na sagot niya pero naririnig ko sa background na nasa matao siyang lugar.
Sabagay, baka gumi-gimick ang isang 'to.
"Hihingi sana ako ng sorry, puwede mo ba akong sunduin sa bahay?"
"Huh!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Kahit kailan ka talaga, Maria Josephina Constancia Osmeña! Ikaw na nga ang manghihingi ng sorry, ako pa papupuntahin mo d'yan? Ano ka?"
Napangiti ako dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Sige na, ililibre kita ng balut."
"Ano'ng akala mo sa akin? Bibigay sa isang simpleng balut lang? I'm not that cheap, MJ!"
~