Madaling araw nang gisingin ako sa hotel room ko. Feeling ko nga rin hindi naman talaga ako nakatulog dahil isang katok lang ay agad akong bumangon para pagbuksan kung sino man 'yon.
Nag-ayos ako at inilagay sa pedestal ang sarili. Kailangan kong umayos para makapag-isip ng maayos.
Uuwi kaming ciudad para pormal na pupunta sa bahay ang mga Lizares. Pamamanhikan daw ang tawag do'n.
Alam n'yo, ang dami n'yong alam! Kidding. Alam n'yo, wala na akong lakas para harapin pa ang araw na ito. Naubos yata lahat ng lakas at enerhiya ko kagabi sa mga salitang binitiwan ko kay Sonny. Hindi ko alam kung ano pa bang magiging reaksiyon ko mamaya. Parang pati ang magkaroon ng emotion ay nawala na sa akin. Ang hirap gumalaw, masiyadong masakit, masiyadong masikip. Parang tinapakan ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam.
Para na lang akong tuyong dahon ngayon, nagpapatianod pa rin sa gusto ng hangin, sa gusto ng mga magulang. Saan man ako dalhin nitong aking mga desisyon, sana hindi na maulit ang naramdaman ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari kapag nagkamali pa ako.
Kung akala ni Darry papayag ako sa stunt niya kagabi. That saving scene para hindi ako mapahiya... hindi. Hinding-hindi. Kung kinailangang pakasalan ko ang ibang Lizares, gagawin ko pero hindi sa kaniya. May Callie Dela Rama siya! At saka, oo, crush ko siya, pero ayoko naman 'yong may sabit woy.
Sakay sa Hi-Ace Van, tumulak kami papuntang ciudad. Ang sabi, lunch time daw sa bahay namin ang pamamanhikan.
Nakamasid ako sa bintana ng van habang inaalala ang naging pag-uusap namin nina Mama at Papa bago kami umalis.
"Anak, can we talk?"
Barely slept last night, I greeted my parents a wonderful morning but they seem too serious kaya umayos ako. Pinilit maging seryoso.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-prepare ng iilang gamit na dadalhin ko pauwi habang pumapasok sila sa loob ng hotel room ko. I sighed and stop what I'm doing when Mama talked.
"About what, Ma, Pa?" Patay-malisyang tanong ko pa. Pilit pa ring ngumingiti.
Mag-artista ka na kaya, MJ? Ang galing mong mag-play pretend!
"About last night, mija," ani Papa.
Nagpalipat-lipat lang sa kanilang dalawa ang tingin ko. They really look serious and stern.
"Um, okay po."
"We're sorry we didn't inform you the last minute changes of the arrangement," ani Mama.
Now this is something... last minute?
"What do you mean, Ma? Alam n'yo po bang aatras si Sonny sa engagement?"
Papa heavily sighed and Mama look at me intently.
"Hindi si Sonny ang umatras, anak, kundi pinaatras siya ni Felicity at Gabriel. They're ready to stop the party when suddenly, out of nowhere, Darry volunteered himself."
"Pinaatras siya ng mga magulang niya dahil nakabuntis siya ng ibang babae. Magkakaroon na siya ng anak, mija," dugtong ni Papa.
"Lizares are known for their principle to stand firm on every decision they will make. Lizares are known for their dignity and paninindigan kaya kailangang panagutan ni Sonny ang babaeng iyon," ani Mama.
"Que horror! Ako nga'y nagulat sa balitang iyon. Mabuti na lang at hindi pa kayo nakakasal bago nalaman ang balitang iyon. Ano na lang ang kahihinatnan ng anak natin, Blake, 'pag sakaling nagpakasal na sila at saka lang nalaman na may anak pala sa labas."
Ako naman ngayon ang huminga ng malalim. Ayoko nang pahabain ang usapang ito. Sumasakit lalo ang utak ko.
"Pero, anak... itutuloy ba natin ang pamamanhikan mamaya? Gusto mo ba na si Sonny ang ipakakasal sa'yo? O gusto mong itigil na natin 'to? Sabihin mo lang at ikakansela namin ng Papa mo ang pamamanhikan."
"No..." Lumunok ako. "I mean... ayaw ko na pong magpakasal kay Sonny dahil nga sa sinabi n'yo. Pero si Darry po... hindi po ba may girlfriend siya? Si Callie Dela Rama?"
Mama heavily sighed and sorrowfully look at me.
"Isa 'yan sa pag-uusapan mamaya, mija," ani Papa.
"Okay po... salamat po. Ituloy niyo lang po, doon ko po sasabihin ang desisyon ko."
Ewan ko, hindi ko alam kung bakit ako nagpapasalamat. Wala na akong ibang masabi, e.
Tinanaw ko ang iba't-ibang tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana ng van habang nakahilig pa rin doon. Hinihintay makarating sa ciudad at makarating sa bahay namin.
Matapos ang dalawang oras na biyahe mula sa kabisera papuntang ciudad, ay agad akong nagkulong sa kuwarto. Hinayaan lang naman ako ng mga magulang ko habang sila ay abala sa pag-aasikaso ng mga caterers na nag-aabang kanina nang makarating kami.
Gusto ko sanang matulog o umidlip man lang kahit sandali, pambawi sa kakulangan ng tulog at sa pagod ko mula pa kahapon. Pero ni pagpikit ng mata ay hindi ko magawa. So, I ended up dead staring the ceiling of my room. Wasting and killing time.
Alas-diyes daw darating ang mga Lizares. Kaya nang pumatak ang alas-diyes, lumabas ako ng kuwarto at sinalubong ang pagdating nila. Nasa itaas lang ako, sa second floor, sa malayong parte pero kitang-kita sa puwestong iyon ang entrance ng bahay.
Sumandal ako sa malamig na pader at nakahalukipkip na pinasadahan ng tingin ang mga taong papasok ng bahay. Pinangungunahan iyon ng matriarch at patriarch nila, na sinundan ng matitipunong anak kasama ang napaka-elegante nilang asawa.
Malugod na tinanggap nina Mama ang Don at Donya, at ang pamilya nila. Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang bawat kilos nila mula sa malayo. Kaya nang mabaling ko ang tingin sa dalawang lalaking huling pumasok, mataman ko silang pinagmasdan.
Sonny looks enervate, like a walking zombie, tulala lang habang naglalakad, mag-aangat lang ng tingin kapag tatapikin ng isa sa mga kapatid.
Ang huling pumasok ay walang iba kundi ang nagsalba kuno sa akin kagabi. Napatagal ang titig ko sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa buhok niya.
Ipinilig ko ang ulo ko at tuluyang sumandal sa pader at tinitigan ang kaharap kong painting. Sunod-sunod na mabibigat na hininga ang nagawa ko habang naghihintay kung kailan mawawala ang mga boses sa may salas.
Ilang minuto ulit akong naghintay. Nang mawala ang boses, naglakad ako papunta sa barandilya ng second floor at ipinahinga ang dalawang braso ko roon. Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng first floor at bahagyang nagulat nang may nakita akong isang lalaki na nakatayo mismo sa tapat ng portrait na center of attraction sa kabuuan ng salas. 'Yan 'yong portrait na galing sa viral photo ko sa Facebook. Still the same, still exquisite than ever.
Ngayong nakatalikod na siya sa puwesto ko, nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya ng wantusawa.
Kahit nakatalikod, alam na alam mo na makisig talaga siya at may sinasabi sa buhay. Kahit nakatalikod, alam mong niri-respeto siya ng lahat. Kahit nakatalikod, alam mong kailangan mo talagang sundin kung ano man ang ipag-uutos niya sa'yo. Kahit nakatalikod. Ganoon ang epekto niya sa maraming tao na maski ako ay napansin 'yon.
Pero ang hirap pa rin talagang paniwalaan na wala na ang manbun niya. Wala na ang wavy long hair niya. Wala na. He's so fresh right now. Freshly shaved din ang beard niya. Napansin ko lang kanina. Ano ba.
Anong nangyari? Ba't niya pinutol ang mahaba niyang buhok? There must be a reason, hindi 'yong napag-trip-an lang kaya nagpaputol ng buhok.
"Ma'am MJ, pasok na raw kayo sa study room." Dali-dali akong nag-iwas ng tingin nang marinig ang tawag ni Alice mula sa ibaba. Nakatingala siya sa akin, mukhang galing nga sa direksyon ng study room. "Kayo rin po, Sir Darry, pinapapasok na po kayo sa loob."
Umayos ako ng tayo at hindi na tiningnan ulit ang direksyon niya.
"Are Lolo and Lola there?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.
"Wala pa pero sabi ni Madam padating na kaya hihintayin na namin sa labas."
Nang tuluyan akong nakababa sa first floor ay pa-simple kong tiningnan ang puwesto niya. Nandoon pa rin siya, nakapamulsa at nakatingin sa direskyon namin ni Alice.
"Ako na maghihintay sa kanila. Pakisabi na lang kay Mama." Nilakasan ko ang boses ko para umabot sa kaniya at malaman niyang hinid ako sasabay sa kaniya sa pagpasok sa study room.
Lumabas ako ng bahay at nag-abang sa pagdating ni Lolo at Lola. Sinabihan kami nina Mama kanina na sasali raw sa meeting ang dalawa kaya sila na lang ngayon ang hinihintay.
Nakapagtataka lang, hindi naman usually nanghihimasok sina Lolo at Lola when it comes to this kind of business. Hinahayaan lang naman nila ang mga anak nila na disiplinahin ang mga apo nila. May kinalaman kaya ito sa akin? No doubt ako 'yong favorite apo nila kasi obviously namang iba ang treatment nila sa akin at sinabihan din nila sina Papa na pangalan ko ang ilalagay bilang heiress ng Osmeña Steel Works. Siguro nga, may kinalaman talaga kung bakit pupunta sila.
Ilang minuto ang nagdaan ay may dumating na rin na kotse. Nag-park ito sa tapat ko at agad may lumabas na guard mula sa front seat ng kotse para pagbuksan ang nasa back seat.
Nasa loob pa lang ng kotse ang dalawa, naka-all out smiles na ako. I don't want them to know that I'm chaotic inside. I don't want them to worry about me.
"Good morning, Lolo Mado! Good morning, Lola Auring!" Maligayang bati ko sa kanila nang makalabas na sila sa kanilang kotse.
My grandparents are on their seventies na. Going eighty, I think? Hindi kasi nila masiyadong pinag-uusapan ang mga edad-edad na 'yan. They say, age is just a number daw and never gawing basehan sa katandaan ng isang tao. Taray ng grandparents ko, 'di ba?
Sinabayan ko ng yakap at rain of kisses ang pagbati kong iyon. Miss ko na kasi sila, minsan ko na lang silang nakikita at nabibisita sa mansion nila. Ngayon nga ulit kami nagkita after noong New Year, e. And may I remind you that this month is April. Ay charot, nagkita pala kami kagabi sa party.
"Ang sarap naman ng yakap ng apo ko!" Mahigpit din na yakap ang itinugon ni Lola sa akin na hinalikan din ang aking noo at pisnge.
"How are you, Constancia?"
Malaki at buo ang boses ni Lolo. He's also one of those godlike man on earth. Lola is also a goddess. Mga mestiza at mestizo ang dalawa kaya kaming mga Osmeña ay mapuputi and also known for our drop-dead faces, pale-colored skin, and reddish cheeks.
"I am so fine, Lolo!" I surpressed my thoughts and mask a happy and smiling face to my Lolo and Lola. Ayoko nga kasing nag-aalala sila, malakas pa naman ang radar nila pagdating sa mga apo nilang problemado.
"Are you sure we're going to continue this supplication, Constancia?"
"Just tell us, apo, if you want to stop this, kami mismo ang magsasabi sa mga magulang mo at sa mga Lizares," dugtong naman ni Lola sa unang sinabi ni Lolo.
Damn, I told you, malakas and radar nila sa mga apo nilang problemado.
I widened my smile and press their cheeks.
"Lolo, Lola, 'wag na kayong mag-alala sa akin. Hindi po ako tututol." Mas lalo akong ngumiti. Punyemas, napaka-plastic. "I am an Osmeña and as an Osmeña... we need to live for our word! I already said my word to them and I'm going to live for it."
Lolo Mado snorted a laugh and gently caress my face.
"Apo nga kita, Constancia!"
Seeing my grandparents' smile lightened the heavily feeling I'm feeling inside.
"Hay naku! Talaga itong si Restituto at Blakelyn... hindi na rin naman namin pinipilit ang mga apo na gawin ito pero heto sila't ginagawa pa rin."
I kissed Lola's cheeks para matigil siya sa mga litanya niya.
"Let's go na po mga tanders. Naghihintay na po ang next generatioon tanders sa study room." Inakbayan ko silang dalawa and our walk to the study room filled with laughters.
Pagkapasok sa study room, ang tawa naming tatlo ang namutawi sa katahimikan nila. Mukhang seryoso ang ambiance at kung hindi pa kami pumasok, baka nabalutan na ito ng tension.
Magalang na binati ni Don Gabriel at Donya Felicity ang Lolo at Lola ko, ganoon din ang kanilang mga anak.
"So, shall we start?"
Si Lolo ang nakaupo sa kabisera ng malaking oval-shaped table dito sa study room.
Suminghap ako at tumunganga sa edge ng lamesa. Walang ganang pinakinggan kung ano man ang kanilang pag-uusapan.
I am weighing myself. Naninimbang ako kung ipagpapatuloy ko ba. Naninimbang ako kung dapat pa bang magkaroon ako ng connection sa mga Lizares.
Muntik na akong mapahiya. Muntik ng gawin sa akin ni Sonny ang ginawa ni Kuya kay Charmaine Lim dati. Muntik na. Maybe, if that happened, that's my karma. Karma sa pagiging mapaglaro ko. But if that really happened, sobra-sobrang karma naman yata 'yon?
"What happened yesterday was a big shock, not just to the guests and the people, but to our entire family." Napalunok ako nang matapos ang malalim na pag-iisip ay narinig ko ang boses ni Papa. "Hindi inaasahan ng lahat na si Darry pala ang ipakakasal sa anak namin," dagdag niya.
"Some of them thought and knew it was Sonny. It was supposed to be Sonny," wika naman ni Mama.
Napasinghap ulit ako at lakas loob na tiningnan ang mga taong nasa kabilang side ng lamesa. Naabutan kong parehong nakatingin si Sonny at Darry sa akin pero nanatili ang tingin ko kay Sonny.
Galit na galit ako sa'yo! Galit na galit ako sa'yo dahil kaya mong pabayaan ang bata para lang maikasal sa akin. Galit ako dahil kaya mong balewalain ang buhay ng inosenteng nilalang para sa akin na walang kuwenta. Naiinis ako sa'yo, Engr. Sonny! Pero bakit ganoon? Masakit?
Inilipat ko ang tingin ko kay Darry nang hindi na makayanan ang titig kay Sonny.
Isa ka pa! Isa ka pang Lizares ka! Ano 'yong ginawa mo kagabi? Anong klaseng stunt 'yon? Akala mo natuwa ako? Akala mo? Por que, oo, I have a crush on you pero punyemas, hindi nakakatuwa ang ginawa mo! Walang nakakatuwa sa mga ginagawa niyong magkapatid sa'kin! Nilulubog n'yo 'ko sa kahihiyan. Nilulubog n'yo 'ko sa putikan ng pagiging miserable.
Naririnig ko ang mga boses nila pero walang rumi-rehistrong salita sa utak ko. Walang pumapasok kahit isa. Nagpatuloy ako sa pagkikipagtitigan kay Darry, baka sakaling maglaho siya sa mga titig ko, baka sakaling mawala rin ako sa mundo.
Nagpatuloy ang usapan. Nagpatuloy din ang pagkatulala ko.
"Kung hindi lang sinalba ni Darwin Charles ang apo ko kagabi, baka sakaling napahiya na si Constancia dahil magpapakasal siya sa isang lalaking magkakaroon na ng anak sa ibang babae," pagpapatuloy ni Lolo.
Umiwas na ako ng tingin kay Darry. Hindi ko pala kaya ang titig niya.
"Pasensiya na po, Senyor Mado."
Napalunok ako nang magsalita si Sonny.
Isang katahimikan ang namutawi sa pagitan ng dalawang pamilya. Siguro naninimbang ang lahat sa kung ano ang gagawin at kung anong sasabihin.
"Maiintindihan namin kung hindi n'yo itutuloy ang merging. If we knew it earlier, hindi na sana namin itinuloy ang engagement. Humihingi na rin kami ng pasensiya sa nagawa ng anak namin kay MJ. Isang pagtataksil 'yon kaya maiintindihan namin kung matitigil 'to."
Wow! Sandali lang... first time in my life na narinig ko ang patriarch ng pinaka-prominente at respetadong pamilya ng probinsiya at ng Pilipinas na nagpapakumbaba.
"Paninindigan ni Thomas ang babaeng nabuntis niya at kung maaari ay pakakasalan niya ito," panimula ni Donya Felicity na agad tinutulan ni Sonny.
"Mom!"
"Paninindigan mo si Ayla, Thomas! Paninindigan mo ang bata kaya pakakasalan mo siya para magkaroon ng pamilya ang bata!" Mariing sabi ni Donya Felicity at muling kumalma nang humarap sa pamilya ko. "Pero kung hindi niyo ititigil, handa si Charles na saluhin ang responsibilidad ng Kuya niya. Ang pag-iiba ng announcement kagabi ay plano ni Charles. Gusto niyang isalba sa kahihiyan si MJ kaya n'ya 'yon ginawa. Alam ng anak namin na malaki talaga ang maitutulong ng company n'yo kaya ayaw niyang bitiwan kahit alam niyang mabibitiwan ito nang dahil kay Thomas."
Donya Felicithea Prowess Lumayno Lizares: the most elegant woman I've ever known is lowkey begging to our family. Ganoon na ba talaga kabagsak ang negosyo nila at nanghihingi na ng tulong sa pamilya namin?
Kung pinaunlakan ko ba ang pakikipag-usap noon kay Darry, mas maaga ba ang pagkakasalba sa akin sa kahihiyan? Sa tingin ko, ako mismo talaga ang magpapatigil sa lahat at hahayaang mabulok sa kahirapan ang negosyo nila o 'di kaya'y humanap sila ng ibang pamilya na makakatulong sa kanila.
Bakit ganoon? Feeling ko desperado ang pamilya nila na matulungan ng pamilya namin? Anong meron sa amin? We don't even have gold bars to treasure. Pure hardwork and determination lang kaya naging malago ang unang negosyo ng pamilya namin. Kaya bakit? Marami namang mas malagong pamilya r'yan na makakatulong sa kanila. Sa tingin pa nga lang ng mga Lizares, kahit hindi mo-offer-an ng kasal, kusang magpapakasal ang babae, e.
E, bakit ikaw, MJ, maarte?
Kasi may prinsipyo akong sinusunod! Osmeña ako! Driven by my principles in life!
"Kung kami ang masusunod, tutulongan namin kayo. Wala namang masama sa ginawa ni Darry kagabi. Sa tingin namin, mabuti nga't ginawa niya 'yon. Kasi kung hindi, mapapahiya talaga ang anak namin," seryosong sabi ni Papa.
"But this time, we well let MJ decide. Karapatan n'ya 'yon. Alam naming wala naman siyang pakialam sa kung sino ang pakakasalan niya, kaya nga niya pinapaubaya sa amin ang paghahanap. But at the end of this, it's her decision that will prevail and I do hope you'll going to respect that," si Mama naman ngayon ang nagsalita.
Huminga akong malalim at nanatiling tulala.
"Ri-respetuhin namin kung anong magiging desisyon ni Constancia, at sana ganoon din kayo," si Lolo.
"Constancia, apo, anong desisyon mo? Itutuloy pa ba natin 'to?" Tanong ni Lola.
I snapped. Suminghap ako at pinasadahan ng tingin ang mga nakatatanda bago natigil ang titig kay Darry na seryoso pa ring nakatingin sa akin at mukhang hindi natinag.
"Why did you do that? Ilagay na natin na oo ayaw mo nga akong mapahiya pero bakit? Anong pakialam mo sa akin? Anong pakialam mo kung mapapahiya ako? Kaya bakit mo nagawa 'yon?"
"Because I want to."
Unti-unting sumabog ang fireworks at granada sa loob ng sistema ko at kahit huli na ang lahat, sinubukan ko pa ring pigilan ang pagputok nito.
"Paano si Callie? Hindi ba kayo? Alam ng lahat 'yon."
Hindi ako nagpatinag sa unang sagot niya.
"They broke up, hija, matagal na."
Punyemas?
Inilipat ko ang tingin ko kay Donya Felicity nang siya ang sumagot sa tanong ko.
Huh? Hiwalay na sila? Bakit? Teka, bakit nga?!
"Matagal na silang hiwalay at matagal na ring bumalik si Callie sa America, MJ."
Lumipat naman ngayon ang tingin ko kay Decart Lizares.
Okay. Bakit nga sila naghiwalay? Bakit niya hiniwalayan ang ganoong klaseng babae? What the shit, Darry?
Suminghap ako dahil sa mga narinig ko. Siguro, kailangan kong paniwalaan dahil si Donya Felicity na mismo ang nagsabi?
"Na-state naman po, 'di ba, sa prenup agreement na puwede kaming mag-divorce na dalawa? Na kahit gaano kahirap mag-execute ng divorce dito sa Pilipinas, pipilitin n'yo para rito?"
Para sa lahat 'yong tanong ko. Kung may sumagot, edi mabuti.
"Yes, mija, the both parties agreed with that," ang unang sumagot ay si Papa.
"I'll just remind you, MJ, the options or grounds para ma-grant ang divorce n'yong dalawa, in case. Option one is once nakatayo na sa dati at maging stable ang central, no matter how long you've been together, ay agad automatic na i-po-process ang divorce papers ninyo. Option two is kapag hindi nag-workout ang relationship n'yo with each other, no matter how long you've been together, no matter how unstable the central is, automatic din na i-po-process ang divorce papers. Pero maga-grant lang ito kung isa sa inyo ay magri-request ng divorce. It will not automatically be process kung walang nag-request from each side, no matter how stable the company is and no matter how deep your relationship becomes."
Lahat ng atensiyon ay napunta kay Einny Lizares nang siya ang nag-explain sa akin ng lahat. Nabasa ko 'to pero sa sobrang dami ng iniisip ko nitong mga nakaraang araw, halos hindi ko na matandaan.
Tumango-tango pa ako sa sinabi niya at napabuntonghininga, naghahanap ng buwelo.
"Okay." Simpleng sagot ko.
"O-kay, hija?"
Naguluhan yata si Donya Felicity sa naging sagot ko kaya naghahanap ng karagdagang salita. Ngumiti ako sa kaniya bago nagpatuloy.
"I'll pursue with it. Ang gusto ko lang naman po talaga ay ang assurance na wala akong matatapakan at maaagrabiyadong ibang tao. I maybe a playgirl but I choose whom I play with carefully. Wala po sa prinsipyo kong manakit ng ibang tao habang nagpapakasaya. In Sonny's case, I am willing to accept sana kung may ibang babae siya pero may bata po kasing involve at hindi ko po maaatim na pagkaitan ng kumpletong pamilya ang batang iyon. Now, if Darry is the solution to this and kung wala rin naman siyang sabit, why stop the merging if we can still continue with it?"
I left everyone dumbfounded by that speech.
Oh, that punyemas speech! Saan mo nahugot 'yon, MJ?
Nagpatuloy sila pero hindi na ako halos nakinig at naging tulala na lang.
Lutang na ako simula ng makalabas kami sa study room. The mood was then lightened and nagtatawanan na ang mga adults. Sinalubong kami ng mga Tito at Tita ko. Sobrang saya ng lahat.
Sa akin yata napunta ang bigat ng emosyon. Ewan ko ba, hindi naman labag sa kalooban ko ang naging desisyon ko pero may parte sa akin na parang may loophole ang naging desisyon ko?
Meron nga ba?
"I am so proud of you, little sis!"
Huli kaming lumabas ng mga kapatid ko at mukhang sinadya nila dahil nga pinatigil ako ni Ate sa paglalakad para i-pinch ang cheeks ko.
"Anong nakaka-proud sa sinabi ko? Ang drama mo talaga kahit kailan, Maria Theodora Antonette!" Asik ko sa kaniya at pilit na nagpatuloy sa paglalakad at pilit din niya akong pinipigilan dahilan para magtawanan si Kuya Yosef at Kuya Uly.
"Sandali nga lang! Bakit ba ang bugnutin mo na ngayon? Ang ibig ko lang namang sabihin ay proud ako on who you become now! You are still believing your principles. Your flirting principles and I can't believe that!"
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa pinagsasabi nitong kapatid ko.
"Landi with prinsipyo yata 'yang si Maria Josephina Constancia!" Second the motion naman ni Kuya Yosef kaya hindi na yata maipinta ang mukha ko ngayon dahil sa pang-aasar nila.
"I'm sorry if I kept saying to you na Lizares are untouchables. Parang kasalanan ko pa tuloy kung bakit parang ayaw mong ma-konekta sa kanila."
"Anong ayaw? Um-oo na nga ako, 'di ba? Gusto mo bawiin ko?"
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong ayaw mo sa mga Lizares dahil sa mga pinagsasabi namin dati. Parang kasalanan ko talaga kasi ako 'yong promotor no'n, e. But anyways, alam namin ang pag-uusap ninyo ni Sonny kagabi. Talaga bang masakit?"
Punyemas?
I was literally taken aback by Ate's remark. Paano...
"Oo, masakit... masakit na ang tiyan ko sa gutom. Punyemas! Halika na nga, sobrang seryoso na ni Kuya Uly o, baka gutom na rin." At inunahan ko na sila sa paglalakad papunta sa garden.
Pinilit kong baguhin ang mood ko nang humarap na ako sa mga pamilya ko. Isa-isa kong binati ang mga Tito at Tita ko, pati ang iilang pinsan na nandito. Naglalaro naman sa malawak naming hardin ang mga bata. 'Yong boys na apo ay naglalaro ng soccer at ang mga babae naman ay nilatagan ng malaking mat at doon naglaro ng bahay-bahayan at iba pang mga laruan. Nilapitan ko ang boys na busy'ng maglaro ng soccer.
Inagaw ko kay Falcon ang bola at pilit namang inagaw ng iba pang boys. Natatawa ako kasi ang sobrang competitive nilang agawin sa akin ang bola. Sipa lang ako nang sipa pero sa sobrang lakas ng sipa ko at sa bilis kong tumakbo, nahirapan pa rin silang agawin 'yon.
Whooo! The last time I played this one ay noong grade seven ako. Ang tagal na!
"Bumabalik si MJ sa first love n'ya, o!" Narinig kong sigaw ni Ate Die. Hindi ko pinansin at nagpatuloy sa pagsipa-sipa ng bola.
"Who's the first love of Tita MJ, Mom?"
Napansin kong tumigil si Dave sa pakikipaglaro sa amin para tanungin 'yon sa Mommy niya.
"Soccer is the first love of your Tita MJ, anak. So, try to steal that ball and let's see if she still has the magic," parang batang sagot ni Ate Die sa anak niyang palatanong.
Tumigil ako sa pagsipa-sipa ng bola at pinulot ito para naman patalbugin sa tuhod ko. Salitan, left and right.
"Oh! I remembered! It's MJ's favorite sport way back elementary." Narinig kong sabi ni Mama na sinabayan niya pa ng palakpak.
"She excelled in that sport and was very active noon. Ang dami pa nga niyang medals, certificates, and trophies and was always busy with soccer clinic every now and then," ani Papa na mas lalo kong hindi pinakinggan. Pa-simple ko na lang na inirapan.
"And parati rin siyang present sa school clinic kasi maya't-maya ang pagkakasugat niya nang dahil sa laro. Akalain n'yo pong naglalaro 'yan kahit na naka-school uniform pa?"
Matinding pag-irap na talaga ang ginawa ko nang marinig si Ate Tonette. Pinagtoonan ko na lang ng pansin ang baby boys na pilit na namang inaagaw sa akin ang bola.
"I just don't know why did she stop playing when she's in high school na?"
Naagaw ni Falcon ang bola kaya natatawa akong nilingon siya.
"You're good, huh," puri ko sa paraan niya ng pagsipa ng bola.
"Kasi, Ma, she's so fond with boys na that time."
"Kuya!" Eksaheradang angal ko sa sinabi niya pero lalo lang siyang ngumisi.
"Tama naman, 'di ba?"
"It's dancing kaya."
"Dancing and boys."
Umirap ako sa sagot ni Kuya at hindi na siya pinansin pa.
"So, she's into soccer pala? Charles is into soccer too. He's a big fan of it and kung mahilig lang talaga ito sa mga extracurricular activities noong nag-aaral pa lang, baka naging soccer player na ito ngayon."
Oh?
Napatayo ako nang maayos sa sinabi ni Don Gabriel at pa-simpleng tiningnan si Darry.
Punyemas naman! Bakit ba palagi siyang nakatingin sa akin?!
Pero teka, sporty pala siya? Oo malaki ang katawan niya pero hindi halatang mahilig siya sa sports. Wala sa mukha niya. Masiyado kasi siyang seryoso sa buhay.
Oh well, ano bang pakialam ko?
I just shrug my shoulder and pinagpatuloy ang pakikipagkulitan sa mga baby boy.
"Mabuti naman kung ganoon. Baka madaling magkasundo ang dalawa?" Biglang sabi ni Tito Jov.
Punyemas this family jud!
Nagpatuloy ulit ang lahat sa pag-uusap. Pinili kong 'wag nang makinig. Kung puwede nga lang isarado ang tenga ko, baka ginawa ko na.
Sumali sa kulitan namin sina Hype, Lourd, at Lany.
"Tita MJ, Tita MJ, Tita MJ!"
Nagsisisigaw si Jordyn na lumapit sa amin sa may damuhan. Kasunod niya ang ibang mga baby girl mixed of pamangkins and pinsans.
"Jordyn, Jordyn, Jordyn!" Sinunod ko ang tono ng kaniyang boses. It's my way of paglalambing sa kanila.
"I have a question, Tita MJ," energetic na sabi ni Jordyn.
"What is it, Jordyn?"
Umupo na ako para ma-level ko ang height niya. Ang sobrang awkward naman kung titingala pa siya kaya ako na 'yong nag-adjust. Mahihiya naman ako kung siya.
"Is it true that you're getting married?"
"Yes, Tita MJ! Are you going to wear a very beautiful white gown?"
"Are we going to be cute little flower girls on your wedding day, Ate MJ?"
Hala punyemas, teka lang.
Sunod-sunod ang naging tanong nila Jordyn, Div (panganay ni Ate Die) and Reg (pinsan namin.) Halos sapuin ko na nga ang noo ko dahil sa mga tanong ng mga batang ire. Ano ba isasagot ko?
"Oo nga, Ate MJ?"
Napalingon ako kay Hype nang mahimigan ang tono ng boses niya. Pinandilatan ko agad siya ng mata dahil halatang nang-aasar lang ang isang 'to.
"Okay... how will I say it ba..." Bulong ko sa sarili ko. Hindi malaman kung anong gagawin at sasabihin.
"You will talk, Tita MJ, that's how you will say it."
"Boom basag!"
Wow!
Makailang beses akong napakurap dahil sa prangkang sinabi ni Falcon. Nang-asar naman agad si Hype, Lourd, at Lany dahil sa narinig. Nagtawanan pa nga, e. Pero heto ako't gulantang pa rin sa sinabi ni Falcon. Grabe naman.
"Okay, I will talk," pangiti-ngiti ko pang sabi. "Yes, I am getting married but I'm afraid I can't assure you that you will be wearing a gown just like what you said, Div."
"Why, Tita? What will you wear?" Rebuttal agad no'ng bunsong kapatid ni Div na si Dave.
"A dress. A simple dress." I ended it with conviction. "Basta, 'wag n'yo nang isipin 'yon. Masiyado pa kayong bata para sa mga ganoon."
"You'll be having a baby after, Ate MJ?"
Whoa there, Shay! Calm the punyemas down!
Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa naging tanong ng pinsan kong si Shay.
"No. No. I will not. Definitely not."
"You should have a baby, Tita. Like what Mommy and Daddy do after they got married. They got us! And we want a new playmate."
"Yes, Tita MJ!"
"Yes, Ate MJ!"
Punyemas these kids! Kung hindi ko lang talaga alam na mga bata pa 'to at hindi pa nila alam kung paano umikot ang mundo, baka isipin kong inaasar ako ng mga 'to, e. Nakaka-putok utak ang mga batang ito! Saan ba nila nakukuha ang mga tanong nila?
Mabuti na lang talaga at nag-aya na ang mga matatanda na simulan ang lunch kaya nakawala ako sa mga bata.
Pero sandali, oo nga, magkakaroon kaya ako ng anak?
Tanga ka, MJ! Mamamatay ka nga'ng virgin, 'di ba? Tanga ka?!
~