App herunterladen
31.91% She Leaves (Tagalog) / Chapter 15: 8 Days Before The Engagement

Kapitel 15: 8 Days Before The Engagement

Unknown Number:

Please, let's talk.

MJ...

I am not the father of Ayla's child. Please, let's talk, let me explain.

Nakatitig ako sa tatlong sunod-sunod na mensaheng natanggap ko gabi nang mag-walk out ako sa Cabalen. Kagagaling ko lang sa isang panandaliang bakasyon sa Pennsylvania nang binasa ko ang mensaheng ito. It's been eight day since that happened, am I up for it? Kahit unregistered numberm alam ko kung kanino 'to... Darry.

Siya lang naman ang pinaratangan ko na ama ng dinadala ni Ayla. So, siya ang nag-text. Alangan namang si Sonny... which will never gonna happen!

E, sinong ama ng anak ni Ayla? Kung hindi si Darry at Sonny... sino at anong kinalaman ng mga Lizares? Anak ba ng kapatid nila? Sino naman?

E, ano bang pakialam ko? Wala naman talaga akong kinalaman kay Ayla. Hindi ko naman siya talaga kaibigan, kakilala lang siya ng kakilala ko. Wala kaming ibang connection bukod kay Raffy and meeting her was all pure coincidental. Kung anong koneksiyon niya sa mga Lizares, dapat lang na labas na ako roon.

So yeah, nagkatotoo nga ang plano kong quick vacation from everything. Hindi nga lang sa paraang gusto ko. Nakapag-bakasyon ako sa Pennsylvania dahil nanganak si Ate Isabel, ang asawa ni Kuya Yosef. Gusto sana nina Mama na sila mismo ang pumunta kaso masiyado silang busy sa preparation kaya I volunteered to go there. I stayed there for six days only. Panandalian lang kasi magsisimula na raw ang bigayan ng toga, announcement ng laudes and special honors, and ang graduation practice.

Nasa university ako ngayon, nasa ampitheatre to be exact. First practice namin ngayon kaya lahat ng graduating students sa lahat ng courses and departments ay nandito. Kasama ko ang engineering friends ko, kahalubilo na rin ang iba pa naming batchmates and coursemates.

"Kukunin mo ba mamaya ang picture mo, MJ?" Excited na tanong ni Ferlen habang tinatabihan ako sa pag-upo.

Ang picture na tinutukoy niya ang 'yong picture na nag-viral sa Facebook. Mas lalo nga pa lang dumami ang share, likes, and comments ng picture kaya before akong umalis ng bansa, pina-contact ko ang Cyrus Photography kay Raffy, telling them na gusto ko sanang makahingi o 'di kaya'y bilhin ang copy ng picture na iyon. Gusto ko sana soft copy lang but they insisted on giving me the portrait, pang-thank you raw nila.

Ngayon namin napagkasunduan na magkita para maibigay sa akin ang portrait. Sa parking lot ng university naisipang magkita para hindi na hassle sa akin since meron pa kaming practice.

"Oo, mamaya, naghihintay na lang ako ng text. Sasaglit nga lang ako kasi hindi pa tapos, o," sabay turo ko sa nagkakagulong estudyante, hindi pa masiyadong organized.

"Sama kami!" Halos sabay na sigaw ni Ferlen at Belle.

"Mpaghahalataan tayo n'yan. Ako na lang, ididiretso ko rin sa kotse ni Raffy," sabi ko.

Hiniram ko kanina ang susi ng kotse ni Raffy para may mapaglagyan ang portrait at saka magpapahatid din ako sa kaniya mamayang uwian.

"Pero ipapakita mo sa amin bago umuwi ha?"

Tumango ako sa tinanong ni Ferlen.

Nagpatuloy ang masalimoot na unang araw ng practice. Hanggang sa nag-text na nga ang kikitain ko. Pa-simple akong tumakas panandalian sa practice para puntahan ang parking lot na katabi lang naman talaga ng amphitheatre. Hindi nga hassle sa akin.

Hindi na ako nahirapang hanapin sila dahil ako na ang una nilang nakita. May kumaway sa aking isang bakla na nasa tapat ng isang white SUV na naka-nose in ang style ng pag-parking kaya 'yong likurang pintuan ng SUV ay nakabukas na. May katabi rin siyang isang lalaki na nakahalukipkip lang at nakasandal sa hamba ng kotse.

"Hi, MJ!" Energetic na bati sa akin no'ng bakla. Medyo shock pa ako nang bigla siyang makipag-beso sa akin.

"Hello!" Tugon ko naman. "Good afternoon!" Magalang na bati ko rin sa lalaking nakasandal lang sa hamba.

"Cyrus..." Bigla niyang inabot ang kamay niya para makipag-shakehands. Nagulat din ako kasi first time kong makikita sa personal ang mga taong nasa likod ng Cyrus Photography.

"MJ..." Pakilala ko naman sa sarili ko. As if hindi ako kilala. Like duh, MJ, ang tanga.

"I'm Caroline naman," sabi naman no'ng bakla kaya siya naman ang binalingan ko ng tingin.

"Don't believe him, he's Carl," ani Cyrus.

"Cyrus, epal! I'm Caroline, MJ, call me Caroline," that gay insisted.

"Okay, Caroline, I will call you Caroline," I said while smiling.

"May graduation practice ba kayo?" Tanong ni Cyrus kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Yeah, first day pa lang naman kaya medyo magulo pa."

"I heard you went out of the country? Kababalik mo lang ba? Kaya ba ngayon mo lang makukuha 'to?" Tanong ni Caroline kaya napalingon naman ako sa kaniya.

"Yes, kauuwi ko lang kagabi."

"Oh? Welcome back!" Energetic pa rin na sabi ni Caroline habang nakalahad pa ang dalawang kamay. "Before anything else, gusto lang naming mag-thank you. Kung hindi ka nag-emote nang gabing iyon, hindi magti-take ng random shots si Cyrus at hindi magva-viral ang photo na iyon. It happened din pala na sikat ka sa Facebook kahit na wala kang Facebook account. Maraming nakakakilala sa'yo, so, thank you!" Dagdag na litanya ni Caroline kaya napangiti ako.

I glance at Cyrus.

"I think it's your skills who made it viral. I was just randomly thinking that time and you did the rest. Ikaw ang nag-edit, d-in-ramahan ko lang nang hinid sinasadya. It is you who deserve the credits. You have a very amazing skill," sinserong sabi ko kay Cyrus.

Napaayos ulit siya sa pagkakatayo niya at mukhang iniiwas ang tingin sa akin.

"Nah, you're just a good model," he said in a very bored tone kaya napangisi ako, ganoon din si Caroline.

"Can I see it?"

"Oh, sure!"

Pumalakpak pa si Caroline dahil sa excitement kaya na-excite tuloy ako.

Sa bukas na pintuan ng likuran ng SUV ay may kinuhang malaking frame ang dalawa. Pinagtulungan nila ang pagbubukas nito. Mukhang nakabalot pa. Nahiya tuloy ako, baka ibabalot pa ulit 'yan.

Naka-bubble wrap nga ito, e, tapos meron pang papel or karton? Basta may mga dalawang balot pa.

Kung ikukumpara ang size nito sa mga madalas niyong makita na mga bagay, ang width niya ay kasing laki ng normal na pinto sa bahay n'yo. Ang height naman ay kalahati ng normal na pintong iyon. 'Pag nilatagan ko kasi kayo ng mga measurements by number, baka ngumanga kayo.

Nang matapos na nilang i-unwrap ang portrait, may ma-dramang revealing pa si Caroline.

"Close your eyes first, MJ," excited na sabi niya.

"Para kang bata, Carl, iharap na nga lang natin 'to para makita na niya," parang naiinip na sabi ni Cyrus kaya parang gusto kong matawa sa asaran nilang dalawa.

"Epal na nga, KJ pa," mumbled by Caroline kaya tuluyan na talaga akong natawa sa kanilang dalawa.

"Ipakita n'yo na sa akin. Excited na ako!"

I clasped my two hands to wait. Dahan-dahan nilang pinalingon sa akin ang portrait. Nang ma-i-harap na...

Wow! Amazing! More than amazing... it's exquisite.

Just like the first time I saw it in that small screen, I felt the same, except that this one has a bigger view and a clearer one. Kitang-kita ang emosyon. Mas lalo akong namangha sa sarili ko. I never thought my eyes, face, that simple kunot ng noong nagawa ko can let out hundreds of different emotions. Wow! It was as if I'm alone, trying to figure out my chaotic life.

"Wow! Sobrang ganda 'pag malaki na!"

Hindi ko maalis ang tingin sa portrait. Para siyang ipininta sa sobrang ganda.

"Of course!" Proud na sabi ni Caroline.

"Thank you talaga. I will pay you. Sobrang ganda nito!"

"No! 'Wag na, MJ. It's our token of appreciation, for giving my friend an inspiration to continue photography."

"You'll go far," nakangiting sabi ko kay Cyrus.

May photo op pa kaming tatlo, lalo na si Caroline. P-in-icture-an nila ako kasama ang portrait. At saka namin inilipat 'yon sa kotse ni Raffy na naka-park tatlong kotse mula sa SUV nila. Matapos no'n ay agad din silang umalis. Bumalik na rin ako sa amphitheatre para sa practice.

My afternoon continued rolling. Naipakita ko sa kanila ang portrait bago mag-uwian and like me... namangha rin sila nang nakita nila 'yon.

Same days keep rolling. Same routine: Practice. Relaxing. Enjoying the remaining college days with friends. Repeat.

Dumating din ang araw na in-announce ang mga special awards and laudes. Siyempre, hindi ako kasali. Irregular ako. Kahit na bumubulusok ng uno ang grade weighted average ko, hindi talaga puwede ang Laude sa akin. Isa sa mga bagay na pinanghihinayangan ng mga kaklase ko. Pero ako, wala naman talaga akong pakialam kung may makuha ako o wala. Ang importante kasi rito, guys, na makapagsuot tayo ng itim na toga, makapaglakad sa stage para makuha ang diploma, at mapasalamatan ang mga magulang at ang mga nagpa-aral sa'tin, 'di ba? That's exactly what I said to them.

Pero masiyado yata akong espesyal sa university na ito. Akalain mo ba namang binigyan ako ng special award ng College of Engineering kaya sa graduation, may medalya ako! Wala lang, baka kasi gold at puwedeng isangla.

Weekend ngayon, nasa bahay na ako at na-i-uwi ko na rin ang portrait na ibinigay sa akin nina Cyrus at Caroline.

Inilagay iyon sa may salas. Pinalitan 'yong isang painting na isa sa mga collections ni Mama, inilipat lang 'yon sa second floor. Nagandahan din kasi sina Mama at Papa sa portrait kaya ipinalagay nga nila ito sa salas kung saan ito ang unang makikita kung papasok ka ng bahay. Center of punyemas attention!

Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan ang portrait. I'll never get tired of looking at it. Masiyado na yata akong narcissistic nito, nagagandana sa sariling pagmumukha.

"Grabe, Ma'am MJ, ang ganda talaga ng kuha!" Biglang sabi ni Erna na nasa kanang banda ko. Katulad ko, nakatingin din siya sa portrait na kalalagay lang ng isang tauhan namin.

"Sa tinagal-tagal kong nakasama ka rito sa bahay n'yo, ngayon ko lang nakita ang ganiyang klaseng emosyon mo, Ma'am MJ," ani Alice. "Hindi kaya in-edit lang 'yan?" Dagdag na tanong niya kaya pabiro ko siyang hinampas.

"Woy! Hindi, a! Nakita ko ang original, 'yong raw copy ba, ganiyan talaga ang mukha ko. May filter man o wala, photoshopped man o hindi."

Natawa ang dalawa sa magkabilang gilid ko kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagtitig sa portrait.

"Tama nga po si Ate Alice, Ma'am MJ, ngayon ko lang nakita ang ganiyang emosyon mo po. Palagi ko po kasing nakikita kang nakangiti, tapos minsan malungkot pero hindi naman masiyadong malungkot talaga, pero masayang emosyon lang talaga ang madalas na ipinapakita mong emosyon, Ma'am, e," ani Erna.

"Anong iniisip mo nang mga oras na 'yan?"

Mas lalo kong tinitigan ang portrait. Inaalala ang sandaling iyon.

I was supposed to go home that time. I was so ready to ride the bus. Ilang hakbang na lang, mapapasakay na ako sa bus na pauwi ng Escalante. But I stopped when I realized something.

May giyera sa loob ko nang mga panahong iyon. Naglalaban ang fireworks at granada. Naglalaban ang kasiyahan, panganib, at pangamba.

Granada para sa emosyong nasaktan ako sa napagtanto ko nang mga oras na iyon. Nasaktan ako dahil lang doon. Nasaktan ako. Sa kauna-unahang panahon, matapos ang nakaraan, nakaramdam ulit ako ng sakit at kirot sa puso ko. 'Yong tipong tinaniman ng granada ang magkabilang atria ng puso ko at no'ng kinuha ang pin, bigla itong sumabog, nagkalasug-lasog, nadurog.

Fireworks para sa kasiyahan dahil alam kong may nararamdaman ako. Hindi habang buhay ay wala akong mararamdaman dahil darating at darating ang isang tao na magpaparamdam no'n sa'yo.

Pero may kasamang nuclear bomb. Nuclear bomb para sa dobleng pangamba nang mapagtantong... hindi dapat... mali... ang punyemas kong nararamdamang hindi ko kayang pangalanan. Nuclear bomb para sa pangamba na baka... maling tao pala ang magpaparamdam sa'yo ng kasiyahan. Nuclear bomb para sa kamatayan.

I've been feeling so odd this past few days. Tumitibok ang puso ko, na animo'y hinahabol ng milyun-milyong kabayo sa tuwing nakikita ko siya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Higit sa lahat, hindi ko mapangalanan kung ano 'yon. Natatakot akong pangalanan dahil isang pagsabog ng kasiyahan laban sa dalawang pagsabog ng pangamba at panganib. Talong-talo ang kasiyahan. Kahit anong gawin natin, talong-talo na talaga.

Kasi hindi talaga puwede! Dapat kasi si Sonny lang. Si Sonny lang ang dapat. Kaya sa kaniya ko dapat maramdaman ito. Sa kaniya lang, kasi sa kaniya ako magpapakasal. Walang iba. Kay Engr. Edison Thomas Lizares lang, sa pang-limang anak ni Don Gabriel at Donya Felicity. Sa kaniya lang.

Ipinili ko ang ulo ko at bahagyang nilingon si Alice para sagutin ang tanong niya.

For once, let me be true to myself. Please do, MJ.

"I felt something special, Alice."

Of all my portraits... this one is my favorite. Hindi dahil sa maganda ang kuha, kundi... may napagtanto akong isang emosyon at feelings na ayaw kong pangalanan pero alam na alam ko.

~

Hanggang saan mo kayang hawakan ang iyong kaligayahan?

Hanggang saan mo kayang panagutan ang iyong responsibilidad?

Hanggang saan mo kayang paligayahin ang mga taong nagmamahal sa'yo?

Hanggang saan ka nga ba tatagal sa agos ng buhay?

Hanggang saan nga ba?

Kasi ako, kaya kong gawin lahat alang-alang sa ikaliligaya nila.

Kaya kong gawin lahat mapanatag lang ang kalooban nila.

Kaya kong gawin ang lahat kahit na...

Sumandal ako sa swivel chair, itinukod ang kanang siko sa arm rest, inilagay ang mga daliri sa aking pisnge, at taimtim na tinanaw ang iba't-ibang klaseng gusali na sakop ng aking tanawin.

Isa sa pinakamataas na gusali ang Osmeña building kaya kitang-kita ko ang lahat na halos nagmistulang langgam ang mga kotse at ang mga tao sa ibaba.

Isa ako sa pinakamasuwerteng tao sa buong Pilipinas. Ipinanganak na kumpleto ang katawan, may masayang pamilya, may cool na Ate at Kuya, may understanding at mapagmahal na Mama at Papa, may maraming kaibigan, at higit sa lahat: I was born with a golden spoon in my mouth. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, nakakapag-travel ako sa kahit saang sulok ng buong mundo.

Kaya sabi nila, nasa akin na raw lahat. I would like to agree with that one. I have boys, I have friends, I have siblings and cousins, I have a family, I have fortune. What else could I ask for more, 'di ba?

Pati mga ka-pritso ko, pinagbibigyan ng mga magulang ko. Sabi nila, spoilded brat daw ako. Pero ang sabi ko, hindi. I'm just a normal kid na mahal lang talaga ng mga magulang niya para pagbigyan sa lahat ng kabulastugan na ginagawa ko.

Habang nasa ganoong posisyon, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng malaking opisinang tinatambayan ko. Sabad din no'n ang yabag ng isang pares ng sapatos at isang pares ng sapatos na may takong.

Dahan-dahan kong pina-ikot ang swivel chair para maharap ang mga bagong dating. Nang tuluyan ko silang nakita, malawak na ngiti ang iginiwad ko sa kanila.

"Ma, Pa," masiglang bati ko sa kanila. "How's the meeting?"

"It went well, mija," sagot ni Papa at siya na mismo ang lumapit sa puwesto ko para mahalikan ang aking noo.

Umayos ako sa pagkakaupo at niyakap si Papa.

Nanatili si Papa sa gilid ko, habang si Mama naman ay nasa harapan pa rin ng malaking office table n'ya na mismong nasa gitna naming dalawa.

Hindi ko maipaliwanag ang expression n'ya sa mukha kaya diretsong sa mga mata niya ako tumingin. Bumabakas doon ang pag-aalinlangan. I'm not sure. Really.

Dahan-dahang inilapag ni Mama ang isang papel or more like an invitation card dahil na rin sa mga disenyo nito.

Tinitigan ko muna si Mama bago ko tuluyang pinansin ang kaniyang inilapag. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa unang pahina.

Lizares and Osmeña the Engagement Party.

Nakibit-balikat ako nang makita ang nakasulat sa invitation card. Nandoon din ang iba pang detalye na kailangan ng mga magiging bisita sa party'ng iyon.

Tiningnan ko muna si Papa bago ibinalik ang tingin kay Mama.

"Na-distribute na po ba ang mga invitations, Ma?"

Isang malalim na buntonghininga ang isinagot sa akin ni Mama. Itinukod niya muna ang dalawang kamay sa office table at mataman akong tiningnan.

"Anak, sigurado ka na bang gagawin mo talaga 'to?"

Napa-iwas ako ng tingin kay Mama. Inilapag ko ang invitation card sa lamesa at dahan-dahang pinuntahan ang puwesto n'ya para mahawakan ang magkabilang pisnge niya.

"Ma naman, matagal n'yo nang pinaghandaan 'to, 'di ba? Ngayon pa ba tayo aatras?" Sinserong sabi ko habang maingat na hinawakan ang malalambot n'yang pisnge. "Ma, if it's for the betterment of the company... gagawin ko talaga ang lahat. And this one? Itong pagpapakasal? Maliit lang naman na sukli 'to sa lahat ng pagpapaubayang ginawa n'yo sa'kin. Kaya, Ma and Pa, it's all fine," pareho kong tiningnan ang aking mga magulang.

Ngumiti si Papa bilang sagot at lumapit na rin sa aming dalawa.

"I told you, Blake, na okay lang sa anak natin ito," sabi naman ni Papa na hinawakan na rin ang kaliwang balikat ni Mama.

Bumalik ang tingin ko kay Mama na puno pa rin ng pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"We can change the plan, anak. We can give it to your other cousins. You don't need to carry the burden, anak, you don't need to."

Napasinghap ako sa sinabi ni Mama at pinisil ulit ang kaniyang mga pisnge. Hinalikan ko na rin ang noo ni Mama.

"Ma, hindi na nga nagawa ni Ate at ni Kuya, pati ba naman ako, hindi ko magagawa? Kung ang inaalala n'yo ay kung magri-rebelde ako, Ma, I assure you, hindi ko gagawin 'yon," niyakap ko si Mama nang mahigpit at nagpatuloy. "Besides, napag-usapan n'yo, 'di ba, na we can have a divorce after everything? As long as their company is fine na? Kaya it's fine na rin sa akin, Ma, I can still enjoy my life. And again, Ma, sa makalawa na ang engagement party, ngayon ka pa ba aatras?"

Habang nakayakap ako kay Mama, naramdaman ko sa kaniyang dibdib ang malalim n'yang paghinga.

"Okay, okay. Sorry, anak, masiyado lang talaga akong emosyonal kasi ang bunso ko, malapit ng ikasal."

Mas hinigpitan ni Mama ang yakap n'ya sa akin.

"Ayon naman pala, kaya ka pala nagiging emosyonal d'yan," natatawang sagot naman ni Papa. "Pasali naman sa yakapan n'yo."

Pa-simple na lang akong natawa nang maramdaman ang mainit na yakap ni Papa.

So, tell me now, what more can I ask for kung ganito ang mga magulang ko? Wala na.

Ayokong gawing big deal ang engagement party na ito. Ayoko, kasi natatakot ako na 'pag once pinagtoonan ko ito ng pansin, mag-iiba ang takbo ng buhay ko. Kaya ayoko.

Kasi 'yong napagtanto ko? Walang silbi 'yon sa totoong takbo ng buhay ko. Maling-mali 'yon, e. Hindi dapat. Makasalanan. Mali.

Isang beses lang akong nagpakatotoo at hanggang doon lang 'yon, hindi ko na uulitin habang buhay. I should focus with Sonny. Yeah, I should!

But how could I when he's nowhere to be seen? When everytime I ask him out, he has so many excuses. I tried understanding him kasi busy daw sa work, busy sa kompanya. I understood kasi kailangan nilang isalba ang kompanya nila. Pero ikakasal na naman kami, bakit niya pa kailangang magtrabaho? When we finished this wedding, their company will eventually be back to normal, kaya bakit?

But still... I still should focus on him. Kasi 'yon ang dapat.

Nasa Manila ako ngayon, nandito ang Osmeña Business Empire kaya kahit na bukas na ang graduation day namin, pinapunta muna ako nina Mama at Papa kasi may meeting daw for the prenuptial agreement. I wasn't around kasi na-late ako because of delayed flight. Kararating ko lang actually galing Negros kaya dumiretso na ako sa mismong opisina ni Mama.

Wala na rin naman akong reklamo sa prenuptial agreement kaya wala na akong naging angal. Mama gave me a copy and mamaya ko na lang babasahin. Since wala rin naman akong iba pang gagawin and useless lang pala ang pagpunta ko rito kasi nga na-late din naman pala ako, Mama and Papa gave me the rest of the day to enjoy my quick stay here in Manila, most specifically to pamper in Belo Medical Group daw. Kaya ginawa ko.

Good thing, Ate Chain and Ate Teagan are here in Manila kaya nasamahan nila ako ngayon sa pamper hours ko. We were just basically catching up and talking about some stuffs about our family, their line of work, and anything.

Magkasama rin kami sa lunch but since they have their own errands, iniwan na muna nila ako at nakipagkita naman kay Maj at sa girlfriend niyang si Crisha. Maj is based here in Manila and also her girlfriend na sabi niya sa akin, nagli-live na raw sila.

Kahit shotgun itong trip kong 'to sa Manila, I was able to inform Maj beforehand na pupunta nga ako. They fixed their schedules and, yeah, magkikita na nga kami ngayong hapon kasi mamayang gabi ang flight namin pabalik ng Negros with my parents.

Nag-snacks kami sa isang fancy restaurant. Iba talaga 'pag nasa malaki at kilalang construction company nagta-trabaho, magfa-fancy restaurant talaga, e.

Abala sa pag-uusap ang dalawa kaya inabal ko muna ang sarili na tingnan ang s-in-end ni Louise sa akin, it's the schedule of the program for tomorrow.

"Sa lahat ng kilala ko, ikaw ang bukod tanging nakapag-travel pa one day before the graduation day."

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan si Maj ngisi sa kaniya. Pabaliktad kong inilapag ang phone ko and finally face the couple.

"Aba siyempre! You know me, Maj, I like doing things no one has ever done," proud ko pang sabi.

Natatawa siyang umiling.

"And last week lang, you went to Pennsylvania? Wow! 'Di ba may pamahiin na 'wag daw mag-travel ang mga graduating students? Baka ma you know..." Sabay pa-linya ng daliri niya sa leegan niya.

"That's ridiculous, Maj. Nasa twenty-first century na tayo, you should believe something new, something different, something believable," I mockingly said. "Do you believe that, Crish?" Sabay tingin sa girlfriend niyang natatawa lang sa aming dalawa.

"That's an old myth, MJ, but since nag-travel ka na last week, mukhang hindi naman totoo 'cause you're here in front of us, still alive and kicking,"

I smiled sweetly to Crisha.

"See! Masiyado kang old school, Major Gerardo!" Pinalakihan ko pa ng mata si Maj. "That's why I like you more than Maj, Crish, mabuti kang kaibigan."

"Girls..." Mumbled by Maj kaya nakipag-high five na lang ako kay Crisha. "But anyways, I heard from the department na you will receive an award? What is it again?"

Humupa ang hagikhikan namin ni Crisha nang mag-iba ng topic si Maj.

"Honorable Mentions in Academic," I said in a very bored tone sabay simsim sa champagne na hawak.

Ma-dramang nag-slow clap si Maj bilang pa-unang sagot.

"Grabe ka talaga, kaibigan! Sinabi rin sa akin na kung hindi ka nga lang daw irregular student, baka Magna Cum Laude ka raw going Summa? Wow, kaibigan, malaki na naman ulo natin nito?" He smiled sheepishly.

"Stop it, Maj! Let's talk something else. I'm not very fond of that award or any kind of award. Okay nga lang sa akin kung wala na, e, pinilit lang talaga."

"'Apakayabang mo, kaibigan!"

"Anyways, hindi ba talaga kayo makaka-attend sa graduation party ko?"

Inubos ko ang champagne at nagpasalin ulit sa waiter na nag-aabang sa 'di kalayuan.

"Oh, you mean your engagement party?" Nagpasalin na rin ang mag-jowa sa waiter before he continue. "We can't. Try naming bumawi sa mismong kasal."

"Sa America ang kasal. For divorce purposes, in case."

"Holy shit? Is that your conditiones? Are you serious with that, MJ?"

Napa-irap talaga ako ng todo sa naging reaksiyon ni Maj.

"Wow? 'Pag divorce, ako aga? It was agreed by both parties kaya, hindi lang ako."

Napa-tsk na lang ako habang umiiling sa kaniya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsimsim sa champagne.

Nagpatuloy ang usapan namin. Kung saan-saan din nakarating. Some random topic, minsan tungkol sa board exams ng civil engineering, their work, their lives, and everything.

Napag-usapan din namin ang mga issue'ng kinakaharap ng mga Lizares. Hindi ko nga rin alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni Vad ang tungkol sa mapapangasawa ko. Hinihintay niya sigurong ako ang magsabi sa kanila kaya inosente naming napag-usapan ang tungkol sa matagal ng issue ni Sonny Lizares. Ito 'yong issue na in-open up ni Nicole sa akin that random night. I was just nodding and keeping my cool during their talk pero deep inside of me, a pile of hunches is running through my chaotic mind.

Nasa dessert kami nang magpaalam si Crisha for powder room kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Maj tungkol do'n.

"Maj, about what you said sa issue ni Sonny Lizares? Can I check that article?" Lakas-loob na tanong ko.

"Hindi mo pa ba nababasa?"

"Nope, kinuwento lang din sa akin pero gusto ko kasing basahin, can I?"

Hindi na siya sumagot pero kinuha niya ang phone niya at nagkalikot doon. After a few swipes and scans, inabot niya sa akin ang phone niya.

"It wasn't an article, MJ, it's a random photo uploaded by a dummy account. It was then deleted byt the uploader pero luckily, the twins were able to screenshot the post and some comments."

Maj explained it while I'm dead staring at the screen.

Picture nga siya. A candid one. Two people, staring at each other, more like talking to each other. The guy's back is facing the camera and the girl's face is facing the camera. Mas klaro ang mukha ng babae kesa sa mukha ng lalaki pero kung kilalang-kilala mo ang built ng lalaki, makikilala mo siya kahit nakatalikod. In my case, I indeed knew the guy, very well.

I zoom in the face of the girl, hoping it would change 'pag mas nilapitan ko. But the more I do it, the clearer it become.

Unti-unting humina ang tibok ng puso ko. Unti-unti, na animo'y isang pitik sa bawat limang segundong dadaan.

I move the zoomed photo to the table. There's foods and utensils and what made my heart pump a little faster, like two beats in one second, is their hands. Nakapatong ang kamay ng lalaki sa kamay ng babae sa ibabaw ng lamesa. Almost clasping.

Base on the expression of the girls, they're talking about something serious.

My fast hear beat moved into my nerves hanggang sa kumonekta sa aking mga kamay na nakahawak sa phone ni Maj. I swipe right even with my trembling hands to read the screenshotted comments.

I read the every comments from that picture from random netizens. I didn't know them but I surely know that they knew who the people in that photo were. They were name dropping. They were dropping conspiracy theory. They were dropping their hunches. They were dropping the reason of the photo.

Engr. Sonny Lizares and Ayla Encarquez, those were the names they're dropping.

May relasyon ang dalawa, 'yan ang conspiracy theory and hunch nila.

Nagkita ang dalawa sa isang restaurant sa kasi may relasyon silang dalawa, 'yan ang kabuuan ng hula nila sa larawang iyon. Silang dalawa may relasyon. Sonny and Ayla. Sonny and Ayla!!!

I gave Maj his phone trying to relax my trembling hand and tried so hard to crept a small smile.

"Those were rumors, neither of them confirmed the photo and the post and after a day of posting it, it was then deleted. Hindi rin naman namin alam kung sino ang nagpa-delete. Maybe Sonny or Ayla. Siguro si Ayla kasi siya 'yong IT expert ng Lizares Sugar Corp, e."

Punyemas!

Sunod-sunod ang naging tango ko sa dagdag na impormasyon ni Maj.

Punyemas!

Nagkaroon ako ng pagkakataong iiwas ang tingin ko kay Maj nang bumalik si Crisha sa table.

"Are you still talking about Ayla and Sonny?" I heard Crisha ask. I look at her and crept a smile. "May bagong issue na naman daw si Ayla, circulating in Facebook. Kakakita ko nga lang din, e."

Patuloy pa rin sa pagiging abnormal ang takbo ng puso ko. Minsan mabilis, minsan babagal. Sunod-sunod na granada ang sumabog sa kalooblooban ko. Hindi ko alam!

"What is it?" Buong loob kong tanong.

"They said she's pregnant and based on that last issue of them, sabi si Sonny daw ang ama."

That's it!

"Tsk, Lizares are facing their almost downfall tapos dadagdag pa itong kay Sonny. Bakit hindi na lang niya pakasalan si Ayla?"

Because he was bound to marry me, you idiot!

"Those were just rumors circulating in social media. Most of them were hoax pa naman. Gawa-gawa ng mga taong walang magawa sa buhay. Siguro dahil galit na galit sa mga Lizares kaya pinupunterya maski ang personal nilang buhay. Even the candidacy of Einny and Darry's relationship with Callie, pinupunterya, e."

I look at them and smile.

"Yeah, those were just rumors."

Please remain a rumor. Please punyemas remain a rumor. 'Cause I don't know what to do with it if those were true. Please Sonny, I trust you!

~


AUTORENGEDANKEN
_doravella _doravella

Chapter 14 of She Leaves (Tagalog) is here! Enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C15
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen